16

1.4K 108 127
                                    

It was already five in the afternoon when I saw Yelo sitting on the porch outside.  Malayo ang tingin nito at hindi nakaligtas sa aking ang isang bote ng alak sa tabi nito. 

Bahagya akong nakaramdam ng inis.  Paano kung magising si Taias?

Sa inis ay nilapitan ko ito. 

“Bawal alak dito,”

Napalingon kaagad ito sa aking gawi bago sumilip sa bandang likuran ko, marahil para makita kung kasunod ko ba ang anak niya. 

Tss. Ayaw rin naman pala niyang makita siya ng bata. 

Umupo ako sa kanyang tabi.  May pagitan pa rin sa aming inuupuan at nagkibit ako ng balikat.  I was wearing a long pants and grey blouse.  Suot ko rin ang isa sa mga tsinelas ni Yelo.  Malaki iyon pero malamabot sa paa kaya gustong gusto kong isinusuot.

“Bahay mo ba 'to at ang galing mong magbawal?” pagtataray niya. 

By this time,  sanay na ako sa mga patutsada niyang ganoon.  Kaya lang ako kinakabahan sa kanya madalas ay dahil na rin sa bata.  I don't like Taias seeing how scary his father was.

“Wala ka ng balak umalis ah,” nanunuya nitong turan.  I know he's not yet drunk.

“Arte mo, feeling ko naman gusto mo na andito ako lalo na at hindi pa bumabalik si Aling Baby,”

Totoo rin naman ang bagay na iyon.  Ang lahat ng gawain ni Aling Baby ay halos ako na amg gumawa dahil hindi pa rin ito nakakabalik.  Kaya rin malakas ang aking loob na tumira dito because I am not freeloading.  Pakiramdam ko ay pinagtatrabahuhan ko din ang pagtira dito.

“You know the reason why I'm not kicking you out was because of your cousin, right?”

Lumagok itong muli ng alak at ako naman ay bumuntong hininga. 

Alam ko naman iyon.  Tinatanaw niyang utang na loob kay Kuya ang pag aalaga nito sa anak niya noon.

Sitting beside Yelo right now, narerealize ko na sobrang tagal ko na nga yatang nag i stay rito.  Nawalan na nga yata ako ng hiya.  O baka nasasanay na rin ako dito?

Pakiramdam ko kasi ay nasasanay na ako sa mga pagsusungit niya,  sa pabago bago niya ng pag uugali. 

He is very moody. There are days when you can easily talk to him pero minsan para ka lang poste na daraan niya. Minsan pakiramdam ko ay nabubuwag na namin ni Taias ang pader na nakaharang sa paligid niya but the next day,  he's that coldhearted man again. 

“Bakit ang hirap mong abutin,  Alexander?" hindi ko na napigilang itanong. 

If he snaps at me right now,  hindi na ako magugulat.  That's a very Yelo thing to do.

“Magkatabi lang tayo, siraulo,”

Napabaling ako kaagad sa kanya bago siya inirapan.

“Joke ba 'yun, ha?” napanguso ako kaagad. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak o talagang bigla na lang siyang ngumisi sa naging reaksyon ko.

I felt my heart hammering inside my chest.

He was smiling.

Gummy smile, what the actual fuck!

My lips parted in shock. Gulat na gulat talaga ako sa aking nakikita.

This man, I never knew he could smile like this! I mean, 'yong hindi siya ngumingiti ay sobra na tapos makikita ko pa 'to?

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now