45

1.4K 72 42
                                    


Hindi ko alam kung paano ako nakalayo lalo pa nga at nanghihina na ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung alin ba iyong mas masakit, yung maghiwalay kami noon o yung makumpirma ko na wala na talaga kaming pag asa?

Bakit ba pumayag pa ako sa pangungulit ng mga babae? Dapat naging kuntento na lamang ako sa pagiging mag isa ko e. Hindi sana ako iyak ng iyak ng ganito ngayon.

Nagpahangin na lamang muna ako malayo sa mga babae. Nang tuluyang mapakalma ang aking sarili ay bumalik na rin naman ako sa loob ng hotel para hanapin ulit si Sir Roy.

Mabuti na lang rin at hindi mahilig mang usisa si Sir kaya naman nginitian lamang ako nito ng maibigay ko sa kanya ang hinahanap. Dumaan muna ako sa front desk para siguraduhin na hindi dadaldal ang mga receptionist doon lalo pa nag at sigurado akong mayroon sa mga itong nakita akong umiiyak kanina. Nagdahilan na lamang ako. This is the only time I am glad I am their superior. Subukan lang talaga nilang dumaldal.

When I knew that I was okay and calm, tinungo kong muli ang gawi kung nasaan ang mga babae. To be honest, I'm not even sure if they are still there since ilang oras din akong nawala, baka nakabalik na rin sa kanya kanyang mga silid nila ang mga ito.

Nang muling makarating sa pool ay hindi ko na nga nakita ang mga ito. I decided to sit on the corner of the pool again. Wala naman na akong balak na maglublob. I just want to think. Mamaya ko na lang kukuhanin si Rikana sa kanila. 

I let my feet touch the water in the pool. Kasabay ng mahinang galaw ng tubig ay siya ring pagdaloy ng alaala ng mga nangyari kanina.

Ganoon ba talaga kadali para sa kanya ang kalimutan ako? 

Sabagay, they say people come and go in our lives. Ang mahirap lang ay hindi natin kayang piliin kung sino 'yung gusto nating maiwan dahil ang mas madalas, those we want to stay are the ones who are very desperate to leave. The more you wish for them to stay, the more they are determined to leave. 

Ilang minuto pa akong nagmumuni-muni roon ng makarinig ako ng malakas na palahaw ng mga bata. I turned around at halos manlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kung sino ang mga iyon. It was Teesha with Andrea's child.

"I'm going to tell my Momma! You are mean!" umiiyak nitong turan. Napatayo ako kaagad lalo pa nga ng mapansin kong hawak nito ang kanyang braso. Maging si Austin ay umiiyak na rin. Ang isa sa kanilang nannies ay hindi malaman kung lalapit ba o hindi at tila natataranta na rin.

"Halika rito! I don't care about your Mom. I told you we need to go na. You're a brat!"

Napaawang ang aking labi ng mapagtanto kung sino ang kasama ng mga ito. She was Yelo's girl. 

Parang may mapakla akong nalasahan sa aking labi ng maisip ang bagay na iyon ngunit mas lalo akong nabahala ng lalong lumakas ang iyak ng dalawa. Ni walang nababakas na pagkaawa sa itsura ng babae at tila mas lalo pang nairita ng umiyak muli ang mga ito.

"Stop crying. Nakakairita! Stop or I will pinch you again!" she hissed kaya naman nagpanting kaagad ang tengga ko. Did she just say again? Mabilis na namuo ang galit sa akin. 

So I did what I had to at that moment, I went to them and got their attention.

"Excuse me, what are you doing?" sita ko rito.

Napatingin sa akin si Teesha ang recognition filled her innocent face. She runs in my direction.

"Tita Arika!" umiiyak na yumakap sa aking hita si Teesha. Maging si Austin ay gumaya na rito. He probably remembers me dahil binuhat ko rin siya kanina.

"Baby, are you okay?" I softly asked. Teesha's cheeks were red and so were her eyes. Her lips were quivering, pinunasan muna nito ang mga luha sa kanyang pisngi bago muling nagsalita.

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now