23

1.6K 114 69
                                    

“Grabe, hindi ko na talaga kinakaya 'tong kilig ko, ikaw na! Ikaw na talagang bakla ka ang pinagpala!” mabilis akong nakalayo kay Eunecia na akma na naman akong susugurin ng yakap. Si Ara ay panay bungisngis habang nakaupo. Nasa may poolside kami at nagmimeryenda.

Napangiti ako ng punasan ni Ara ang pisngi ni Andrea dahil may dumi na roon. Nakakailan na siyang sandwich ngunit parang hindi ito nabubusog.

“Eunecia sobrang kalat mo pero grabe, ai second the motion!” natatawang pagsang ayon naman ni Barbara sa sinabi ni Eunecia.

“'di ba?!”  nag apir pa ang mga ito at tuwang tuwa sa pinag uusapan.

Sa totoo lamang ay nagugulat ako dahil sobrang malapit na si Eunecia sa mga babae. Sa katunayan niyan ay mas madalas niya pang nakakasama ang mga ito kaysa sa akin dahil nga palagi akong tinatawag ni Yelo.

Kumunot lamang ang aking noo at hindi pinapatulan ang mga pang aasar nila. It has become their daily routine, ang asarin ako. Hindi yata sila napapagod.

“Ako na naman ang nakita niyo. You guys and your husbands are even sweeter. Ito ngang si Andrea ay hindi mo mahahagilap kapag naririto ang asawa!”

“Ay totoo rin 'yan! Grabe sa katamisan si papa Chase. Wala na yatang nakikita iyong singkit na mga mata niya kung hindi si Andeng tsaka si Baby Bee,”

“At si Ulap,” dagdag ni Xantha.

I noticed it too. Ang sweet ni Chase kay Andrea. His attention is always on his wife and child. Pero napapansin ko rin na palagi nitong binibigyan ng atensyon ang kakambal. Ang sabi ni Ahyessa, ganoon daw talaga si Chase sa kakambal nito. Pero lahat naman ng Puntavega ay ganoon. Si Kuya Ae ay palaging kinukulit ang asawa at sobrang maloko. Cloud is no different. Iba ang pagiging maharot nito while Julio is the sweet and patient one. Minsan ay nasasaksihan ko iyong pagiging moody ni Ara ngunit iniintindi ito palagi ng asawa.

“Pero lahat din sila super attentive kay Grey. Kahit si Gold, nakikipagkumpitensya rin sa pagtitimpla ng gatas para sa kakambal niya. Haba rin ng pasensya ng asawa ni Grey ha. Sana all katulad ni ate pretty na mahilig sa gatas!”

“Bakit 'pag ikaw ang nagsasabi parang iba ang meaning?”

Napasapo si Eunecia sa kanyang dibdib, “I'm innocence, mader ha!”

“May ibang gatas ba?” inosenteng tanong ni Ara.

“Oo, sismars! Feeling ko nakainom ka na rin ng ganoon!”

Nasamid naman ako bigla mula sa pag inom ng juice ng tumaas baba pa ang kilay ni Eunecia. Napakakalat pala talaga ng babaeng ito!

“Pero swear, ibang iba si kuya sa'yo. Umamin ka na kasi! Ano'ng ginagawa niyo sa room?”

Napaungol ako dahil sa naging tanong na naman ni Barbara. Hindi ko alam na ganito siya kadaldal. Hindi naman kasi siya ganito dati noong kasama niya pa si Kuya. Or maybe because we didn't really communicate that much before?

“Kung ano ano ang iniisip niyo!” saway ko sa mga ito. Pinagpag ko muna ang aking damit.

“Bakla ka, in denial ka ng taon! Nakita ko! Kitang kita ng malalaking mata ko, hinalikan niya yung bumbunan mo last time! Girl sana all kinikiss sa ulo kahit walang ligo!”

Namula kaagad ang aking pisngi sa sinabi ni Eunecia at dumampot na lamang ng tinapay. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin.

“He's just happy,” bulong ko na alam ko namang narinig din nilang lahat.

Ganoon naman kasi talaga. Masaga lang si Yelo kaya ganoon siya sakin. Feeling ko he sees me as someone na nakakaintindi sa pinagdaraanan nilang mag ama. Maybe because I was there when he had a breakdown at umiyak sa harapan niya ang kanyang anak.

Ganoon lang naman kasi iyon e. Kasi kung hindi, ano?

“Ganoon din po ako. Pag masaya ako kinikiss ko din si baby Julio!”

“Mag asawa kayo, Ara,” pagpapaalala ni Andrea rito. Ngumuso kaagad si Ara na tila nalilito pa.

“Iba ba pag hindi mag asawa?” inosente nitong tanong. Ang cute talaga ng babaeng ito. Ang pure niya lang sa paningin ko.

“Nakita mo ba na ganyan si Yelo kay Eunecia?” tanong ni Xantha. Hindi namin kasama si Grey dahil nagpapahinga.

“Ay girl, gusto ko nga Arika na lang din name ko! Haba kasi ng buhok ng iba dyan!”

“Aray ko, Eunecia! Ang ligalig mo!” hinampas ko ito sa hita dahil kinurot na naman niya ako. Tawa lamang ito ng tawa. “Kaibigan lang ang turing sa'kin ni Yelo. Wala pa ngang isang taon simula ng magkakilala kami. Tinatawag niya nga akong pangit na blue minion!” dagdag ko pa.

Kumukupas na ng bahagya ang kulay ng aking buhok at hindi na niya ako tinatawag ng ganoon but still. Hindi lang siguro sila sanay nang nakikita si Yelo ng ganoon dahil matagl itong nawala.

Nagulat ako ng nalaman mula sa mga babae kung gaano katagal wala rito si Yelo. Kaya rin mas lalo kong naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Manang ng kausapin ako.

They are all just happy. Kahit naman siguro ako, kung kaibigan ko o kamag anak si Yelo at ganoon katagal siyang nawala tapos ay babalik, matutuwa rin ako.

“Arika, sorry ha. Pero kasi, yung mga ginagawa niyo ni Alexander, hindi ginagawa ng magkaibigan iyong ganoon!” Si Xantha ay tumingin sa akin na naiiling. “Grabe ka sa pagkamanhid, alam mo 'yon?”

Nanlaki naman kaagad ang aking mga mata. “Hoy hindi! Wala lang kasi talaga. Imposible naman yang mga sinasabi niyo,” natawa ako ng mahina. Pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Yelo noong gabing iyon, how he was begging to have Matilda back.

Iyong naging pag iyak niya, iyong pagkaubos niya, ramdam na ramdam ko. Kaya imposible iyong mga sinasabi nila.

“Kuya likes you, Arika. Hindi mo man lang ba nararamdaman?”

Kumunot ang aking noo sa ipinipilit nila Andrea. Maging si Ara ay tumantango pa.

Huminga ako ng malalim bago ibinaba na sa plato ang kinakain.

“Yelo loves Matilada to death. I know because he told me that. Sigiradong alam niyo rin. Hindi naman siya aabot sa nawala siya rito kung hindi,”

Natameme sila Barbara at Andrea sa aking tinuran. Alam kong alam nila ang bagay na iyon. I heard Matilda is Yelo's first and only love. Sinabi na rin sa akin ito noon ni Kuya. Matilda was Alexander's world. Hindi ganoon kadaling bitiwan at kalimutan ang taong mundo mo na.

Ngumiti ng mapait si Andrea at ibinaba na ang kinakain, tila ba bigla itong nawalan ng gana. Ako naman ah napabuntong hininga.

Bakit ba kasi ganoon ang naiisip nila? Iba ba talaga ang pakikitungo sa akin ni Yelo?

Biglang may kung anong kaba ang lumukob sa aking puso at nagsimula ng mag isip. Pumapasok sa aking isipan ang pagiging attentive sa akin ni Yelo.

Normal lang naman siguro na ganoon si Yelo ngayon. Baka ganoon siya dati nung okay pa siya?

Napaismid si Xantha sa aking tinuran. “I knew him even before Mattee died. Hindi siya ganyan. Hindi siya palayakap sa kung sino sino. Kahit sa bestfriend nilang magpipinsan ay hindi siya ganyan,” paliwanag nito kaya hindi ako nakakibo.

Iba ba talaga?

Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko man aminin ay alam kong may nagbabago rin sa aking nararamdaman ngunit hindi ko gustong pakaisipin ang bagay na iyon.

Wala naman akong sapat na experience sa ganitong bagay so I have nothing to compare with.

Iyong pagbilis ba ng tibok ng puso ko, yung sobrang kaba ko ba pag naririyan siya, hindi ba normal ang ganoon?

Maging ako ay nalunod na sa malalim na pag iisip.

Wala naman akong gusto kay Yelo, hindi ba?

Wala naman, 'di ba?

-----

Wassap. Dahil di ako makatulog. Pahinga muna kayo sa kilig mga mamser. Haha bukas naman hahahahaha

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now