46

1.6K 83 92
                                    

"Stop being funny," inismiran ako nito bago ako hinarap ng nakapamaywang. Mukhang naiirita na rin ito sa aking presensya. Same girl.

"What the hell are you even blabbering about? Sino'ng Mattee? Also, sino ka para pangaralan ako tungkol sa pagtrato ko sa mga bata when you even left your son to him? Masyadong matigas ang mukha mo ha. Kaya ka siguro nandito para manghuthot ng pera dahil may anak kayo!"

Kumunot ang aking noo sa kanyang tinuran. Ano daw? Lalo akong nagtaka dahil napakseryoso ng kanyang mukha.

Hindi niya ba kilala si Mattee? And son? Sino'ng anak ko, si Taias?

I was confused.

Ngunit bago pa ako makapagtanong ay nanlaki ang aking mga mata ng makita si Bobbie na papalapit. And the moment I saw that expression she was wearing on her face maging ang halos gumugulong na si Ulap na hinahabol ang asawa, I knew what was coming. I also saw Andrea and Xantha marching towards our direction habang ang mga asawa nito ay humahabol.

"Bobbie..." bulong ko.

And just when Aleli turned around, Bobbie was already four steps away from her.

"Punyeta kang babae ka!" anito tsaka mabilis na dumapo sa mukha ni Aleli ang palad nito. Dinig na dinig ang malakas na tunog na nanggaling sa pagkakasampal rito ni Bobbie. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

Iyon na rin ang nagging hudyat para magkagulo kami dahil walang takot rin na sumugod si Aleli at panay ang sigaw kay Bobbie. Sinubukan kong awatin ang mga ito but Aleli grabbed my hair and pulled me so hard na hindi ako nakabalanse kaya naman napasaldak ako sa sahig.

Isang malakas na ungol ang kumawala sa aking labi ng mapansin ang kaunting dugo sa aking tuhod dahil na rin sa gaspang ng aking nabagsakan.

"Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko! Halika rito!"

"Stop! You're ruining my hair! Fuck you!"

Nagsasabunutan na ang mga ito kaya naman buong lakas na binuhat ni Ulap ang asawa palayo rito habang ang isang gwardya ang umawat kay Aleli.

"Bitiwan mo ako! How dare you lay your dirty hands on me!" sigaw ng gaga. Nagpapapadyak silang pareho, pilit na sinusubukang makatakas. Bobbie was trying to grab her.

Tumingin ako sa paligid and saw how some guards were quick enough to make sure that we're the only ones left on the area.

"Bitiwan mo ako Simon!"

"Huwag ka ng sumali. Walang sasali. Tara na sa loob!"

"Kuya awatin mo!"

"Aray ko! Chase, ikaw kaya pasakmal dito sa asawa ko-aray!"

Tinulungan ako ni Chase na tumayo ngunit napaungol ako ng makaramdam ng kaunting kirot sa aking tuhod.

Malakas na tinulak ni Aleli ang gwardya. "Layo! Layuan mo ako!" gigil na gigil na sigaw nito. Pinaghahampas pa nito ang gwardya na kaagad ring lumayo rito. Hingal na hingal ito sa sobrang galit habang si Ulap ay hindi binibitiwan si Bobbie.

She looked at us with full hatred. Ni hindi man lang siya natakot sa presensya ni Kuya Aedree.

"You fucking bitch! Makakarating to kay Yelo!" sigaw niya sabay duro sa amin before marching away from us.

"Aba't gaga pala talaga to eh!"

"Huwag ka ng um-"

"Ughhh!" sigaw ni Bobbie an halos maiyak na sa galit. Pagkuwan ay umikot ito paharap kay Ulap at tinulak ito.

"Hindi mo dapat ako pinigilan. Dudurugin ko ang mukha ng babaeng iyon! How dare she lay a finger on my child!" naiiyak nitong turan. I understand her frustration dahil kanina ay gusto ko ring sakmalin ang mukha ng babaeng iyon.

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now