Will You Ever Notice? (Bad Gi...

By overthinkingpen

342K 14.4K 4.6K

Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin da... More

Will You Ever Notice?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Will You Ever Notice?
Special Chapter

Chapter 9

7.3K 369 90
By overthinkingpen

Chapter 9

When the class finally started, Caleb and Lael went back to their proper seats. Si Lael, sumulyap pa sa akin bago naupo nang tuluyan sa upuan n'ya.

Dahil katabi ng bintana at sa kanan ko naka-upo si Ynna, mag-isa ako sa sulok ng klaseng 'yon at tumanaw na lang sa labas ng bintana para pagmasdan ang grounds. Halos wala nang estudyante ro'n dahil simula na ng mga klase, 'di tulad kanina na maraming naglalakad papasok.

What I like about SAU is the building itself. With the neutral colors of the walls, kung saan madalas ang kulay na puti, parang malinis, tahimik, at payapa ang school. Something I really am into especially during mornings like this when I glance outside our room's window, uninterested with today's lesson.

I'm a HUMSS student. I don't really know why I'm here. Kinuha ko lang ata ang may pinakamaikling linya no'ng enrollment. Pinakamarami ang ABM students lalo na't kilala ang SAU sa mga business-related courses. Meanwhile, Torrero University has many STEM students dahil forte ng university na 'yon ang Engineering courses. 

Marami pang schools na puwedeng pagpilian, Soler College of Arts, Clermont University, and Acerra College of Aeronautics, but I opted to transfer to SAU dahil ito ang mas malapit sa bahay compared to the other universities.

Pumangalumbaba ako at napatitig sa puno na sumasayaw sa medyo may kalakasan nang hangin sa umagang 'yon. Dinig ko pa ang ingay ng mga busina ng sasakyan sa hindi kalayuan.

Suddenly, I remembered Seve. Kung hindi dahil kay Ynna, hindi ko s'ya makikilala.

Umpisa pa lang, alam ko na at pakiramdam ko, ipinakita naman ni Seve kung ano lang ang kaya n'yang ibigay. Sadly, even though he tells me that he likes me, parang hindi ako sapat para piliin n'yang mag-commit.

Sometimes, I'd wonder why. Kung bakit hindi puwedeng kami na lang. O kung bakit hindi puwedeng ako na lang. Ako lang. It sounds pathetic pero 'yon ang nararamdaman ko at ang tumatakbo sa isipan ko.

I sighed and suddenly felt uncomfortable dahil pakiramdam ko, may nakatingin sa akin. At nang lumingon nga ako sa kabilang aisle, I saw Lael looking outside the window too, kung saan ako nakatingin kanina, pagkatapos ay tumingin s'ya sa akin kaya nagtama ang mga tingin naming dalawa.

He licked his lips a little before he looked down and looked back up to our teacher once again. Napanguso ako at lumingon ulit sa labas ng bintana. 

Thirty minutes before the classes ended, Ynna entered our class, received a couple of words from our teacher, before she sat confidently beside me.

I immediately smelled cigarettes from her. Sa kan'ya ko rin 'yon natutunan. I don't really smoke before, but because of Ynna, I got curious about how it feels. No'ng una, vape lang. Then she let me try cigarettes.

Hindi rin ako nagba-bar lalo at underage. Ni hindi ako marunong uminom. But because of her, I was able to enter pubs and clubs even though I'm a minor. Lalo na nang mag-18 ako, mas naging malaya s'ya na hatakin ako sa gano'ng mga lugar.

It was fine with me. I started to like places like that because it's alive and fun. Parehas na lugar pero ibang mga tao, tugtugin, at pakiramdam. 

Ynna shook her cup of iced coffee she bought from the café in front of our school before she looked at me. Dahil sa pag-alog n'ya sa plastic cup at pagtunog ng mga yelong nandoon, medyo napalingon ang ilang kaklase sa amin.

I know that many of my classmates hate Ynna. And that resulted in them hating me too. Hindi kasi gumagawa ng mga requirements si Ynna, kung hindi ipapagawa sa iba, walang effort naman ang ipinapasa. Sa group works, lalong hindi s'ya gumagawa dahil may iba namang gagawa.

"Saw Seve earlier. Late din," she grinned. "In case you want to know."

May panunudyo sa boses ni Ynna pero hindi na lang ako nagkumento sa sinabi n'ya at walang ganang lumingon sa labas ng bintana.

"I heard from someone," Ynna said, parang hindi kayang tumahimik na lang sa upuan n'ya at ubusin ang iced coffee na binili kanina. "Kasama mo sina Lael at Caleb kahapon? My god, why didn't you tell me na sasamahan ka pala nila kahapon? Sana sumama ako," maarteng sabi n'ya.

"You cut class remember?" I told her.

"Yeah, but you could've told me para bumalik ako," she shrugged. "Ano naman ang ginawa n'yo? School project na naman? So boring."

I sighed before I looked outside again.

"I heard Seve went to your house yesterday too?"

Nilingon ko si Ynna nang nakakunot ang noo. Paano naman n'ya nalaman 'yon?

Mukhang nabasa ni Ynna ang ekspresyon ko kaya ngumisi s'ya.

"Ako kasi ang pinagtanungan ni Seve kung mahilig ka ba sa bulaklak. I'm not really sure pero I like flowers so maybe you like it too," she shrugged. 

I pursed my lips and looked outside. The hell, she doesn't even know if I like flowers.

"I don't," I said.

"Huh?" Takang tanong ni Ynna while she leaned closer to my side to hear what I said.

"I don't like receiving flowers," I said.

"Oh," Ynna pulled back. But eventually, she gave me a teasing grin. "But if it's from Seve, you'll still like it anyway, right?"

I felt offended with what she said so I shut up and didn't answer. Bumuntong-hininga na lang ako at tumanaw sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba.

Hindi ko alam kung bakit ako tumagal nang dalawang taon na ganito ang nararamdaman. Parang ngayon ko lang nare-realize kung gaano ko kaayaw ng pakiramdam na 'to. Na para akong nakakulong. Parang hindi ako makagalaw nang maayos. Na parang nadidiktahan ako.

Maybe because this is the only kind of friendship I know... not until I had a chance to be friends with Caleb and Lael.

I suddenly feel guilty. Parang sa iniisip ko, hindi ko itinuturing na kaibigan si Ynna. She's still a friend to me. Afterall, kami ang laging magkasama. It's just that, she makes me feel left out sometimes and I seem to start to hate it every time she says something that makes me feel like I'm being ridiculous.

When the class was finally dismissed, 'di tulad ng madalas kong ginagawa, hindi kaagad ako tumayo sa upuan ko para samahan si Ynna. She looked at me when she realized that I did not stand up for our break time.

"You won't eat?" She asked. 

I sighed before I shook my head. 

"Pupuntahan ko sina Vaughn!" She said. "C'mon! Nando'n si Seve."

Parang gusto kong mapangiwi. Talaga bang pumapayag ako sa tuwing sinasabi n'ya 'yan? Kaya ba parati na n'yang ginagamit sa'kin?

Ynna rolled her eyes when she realized that I really won't come with her.

"Bahala ka," she shrugged before she walked out of our class.

I watched her leave and reevaluated my decision. Dapat ba, sumama na lang ako?

"Hindi ka magbe-break time?" 

Gulat akong napalingon sa row na nasa harapan ko. It was Lael, holding the strap of his bag on his shoulder, looking at me with a smile on his lips. Tumagal ang titig ko sa kan'ya bago ako nagsalita.

"Kayo ba?" I asked. 

"Madalas kami sa cafeteria ng college students. Mas gusto ni Caleb ang pagkain do'n," Lael shrugged. "You want to come?"

Tumango ako bago pinulot na rin ang bag ko. Tama lang siguro na hindi ako sumama kay Ynna. After all, I told Lael that I wanted to take a break from them.

"Caleb's already outside," aniya nang makuha ko na ang mga gamit ko.

"Pinuntahan mo pa ako?" I asked, confused.

"I remembered what you said. That you wanted a break," Lael smiled at me. "So I figured, maybe you won't go with Ynna."

Napasimangot ako at napatitig kay Lael. Hindi ko alam kung bakit n'ya ba ako nagustuhan. Nakita n'ya na yata ang lahat ng mali sa akin. I skip class, I don't really take my studies seriously... everything. Ni hindi ko nga alam kung ano ang magugustuhan ng isang tulad n'ya sa akin.

Mas maiintindihan ko kung magugustuhan n'ya ang mga top sa klase namin. 'Yong mga dating valedictorian, may mga talento, at 'yong active sa school.

Why choose me among all the girls he could like?

"Baka ma-inlove ka?" He smirked when he noticed that I'm staring and he chuckle afterward.

I snorted and shook my head. Kung puwedeng s'ya na lang ang magustuhan ko, bakit hindi? But I don't want to take advantage of what he feels for me. Gusto ko pa si Seve... at hindi ko alam kung makaka-ahon pa ba ako. 

I'm so messed up right now. I can't even let go of the guy who loves to slip from my grasp every time I try to hold on tighter. I keep on chasing kahit wala naman akong pinanghahawakan. I keep on acting stupid because I want to stay by his side. Acting like an idiot just so I can always be there for him.

Ang importante naman, sa akin s'ya bumabalik. I comforted myself with those words.

I can't get mad at Seve because like what I said, I dedicated myself to him. That I won't leave him like what his mother did to him. I wanted to be there for him... because I once saw him crying over his mom, angry and disappointed that she left them.

I wanted to be the person who chose to stay for Seve. Para kapag na-realize n'yang wala na s'yang tatakbuhan, babalik s'ya at mare-realize na nando'n pa rin ako para sa kan'ya. Baka lang kasi... Baka lang piliin n'ya ako. 

Kina Lael at Caleb ako sumama para sa breaktime. Kaya naman nang mag-lunch at tumanggi pa rin ako sa pagsama kay Ynna, kinapitan na s'ya ng pagtataka pero hinayaan na lang ako. Like usual, she skipped our last class for that day. Buti at hindi 'yung terror na teacher namin ang may klase sa hapong 'yon. 

Kaya nang mag-uwian, kasama ko na naman sina Lael dahil pupunta na kami sa bahay nila, just like what Lael told me yesterday. Sasakyan ni Lael ang gagamitin. Hindi na kasi ako nagdadala ng sasakyan dahil tinatamad na akong mag-drive. 

"Alam ko kasing ihahatid mo naman si Zen," Caleb shrugged. "Kaya bakit pa ako magdadala ng sasakyan kung puwede mo naman akong ihatid din?" Sabi n'ya kay Lael nang tinanong s'ya nito kung bakit hindi n'ya dala ang sasakyan n'ya.

Napatawa si Lael at napa-iling sa sinabi ni Caleb.

"Kaibigan nga kita," Lael chuckled and shook his head na ikinangisi naman ni Caleb kaya hindi ko na napigilang mapangiti rin.

"Maliit lang ang bahay namin," sabi ni Lael sa akin at kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang masama ro'n. 

Lael held his nape and chuckled. Marami kaming kasabay na naglalakad na papalabas ng campus. Maingay ang hallway at puno ng mga estudyante. May ilang teachers din na mukhang didiretso sa faculty.

May mga magkakaibigan pa ngang napapalingon sa gawi namin tapos ay mangingisian. SIguro dahil crush si Lael o si Caleb.

"Baka lang nage-expect ka ng tulad ng bahay n'yo. We don't have a pool at our house," may halong pang-aasar ni Lael.

I rolled my eyes.

"I don't care if your house is in an apartment or a townhouse," I said.

Napangiti si Lael at tumango. 

It was a simple bungalow house. Wala pang pintura ang labas ng bahay pero maayos naman at mukhang maganda lalo na kung pininturahan. It looks simple. May maliit na garahe para sa sasakyan ni Lael at may natanaw akong bisikleta at isang motor sa hindi kalayuan.

"Hindi gumagamit ng sasakyan ang ate mo?" I asked Lael, looking at the rearview mirror to look at his eyes.

"She doesn't know how to drive," he said as he parked the car. Nasa labas ng sasakyan si Caleb dahil binuksan n'ya ang gate kanina. "Ayaw n'ya ring pahatid kahit pinipilit ko na ihahatid ko s'ya. Mas late kasi s'ya kung umalis."

Tumango ako at tinanaw ulit ang bungalow.

"Tara," he said as he turned the car's engine off. 

Tumango ako at bumaba na ng sasakyan. Nasa pintuan na ng bahay si Caleb, may chine-check sa phone at hinihintay na lang si Lael para buksan ang bahay.

The inside of the house is fully furnished. Maganda ang medyo luma at simpleng chandelier na nasa maliit na tanggapan ng bahay. May mga wooden shelves na may lamang mga vase at mga picture frames. Pati ang mga medals. Nakita ko pa ro'n ang graduation pictures ni Lael no'ng prep, elementary, at junior high school. 

Nando'n din ang sa ate n'ya. Namangha ako dahil kamukha nga ni Lael ang ate n'ya, but paler. And his sister, obviously, looks more feminine. 

"Gusto n'yo ba rito o sasamahan n'yo ako sa kusina?" Natatawang tanong ni Lael dahil obvious naman na sasama kami sa kan'ya sa kusina dahil wala naman kaming gagawin ni Caleb sa sala.

Kaya naman dumiretso na kami sa kusina ng bahay nila nang mailagay na ang bag namin sa simpleng kulay mint green na leather sofa nina Lael sa tanggapan ng bahay. Puti ang mga pader at kisame ng bahay habang ang mga gamit, nasa kulay na kahoy, green, at black. 

Ang glass na dining table nina Lael, nasa kusina rin. Maliit ang kusina kumpara sa kusina ng bahay namin but considering that it's only him and his sister, this three-by-two-meter kitchen is already enough. 

Hinubad ni Lael ang polo n'ya habang nauupo naman kami ni Caleb sa maliit na bilog na dinig table na nandoon. Natira ang puting t-shirt ni Lael na naka-tuck pa sa kulay itim na slacks ng uniform ng St. Agatha University. Isinabit n'ya sa upuan ang polo.

"Ano'ng lulutuin, L?" Tanong ni Caleb.

"Adobo," Lael said while he searches their refrigerator for ingredients.

"Sarap!" Caleb said before he focused on his phone again.

"Can you teach me how to cook that?" I suddenly said kaya napalingon sa akin si Lael, nagulat yata sa sinabi ko.

Lumapit ako sa kan'ya at tumanaw din sa loob ng ref nila. Malinis ang refrigerator. Medyo maraming lamang mga gulay at iba pa.

"Gusto mo?" He frowned as he gazed at me.

Hawak n'ya sa kanang kamay ang pintuan ng refrigerator at nakatayo nang ayos dahil kinaka-usap ako. Tumango ako, tinitingnan s'ya pabalik.

"Is it hard?" 

Umiling si Lael. 

"Madali lang," he said before he looked inside the refrigerator again with a small smile on his lips.

So he taught me how to do it. Pati nga ang pagluluto ng kanin, itinuro n'ya. Simple nga lang tulad ng sinabi n'ya. Madaling gawin at tandaan. 

Tinanaw ko ang kaldero na may laman nang manok, bawang, paminta, toyo, at suka. Sabi ni Lael, pakuluin daw muna bago haluin kaya binabantayan ko lang kung kukulo na. Tinanong n'ya ako kanina kung gusto ko raw bang lagyan ng dahon ng laurel ang adobo but I don't know what that is. 

He's not here dahil sabi n'ya, may kukunin lang daw s'ya sa kuwarto n'ya. Tinanaw ko ulit ang manok. Ang tagal namang kumulo? Sabi ni Lael, mahihilaw daw kasi ang suka kapag hinalo kaagad nang hindi pa kumukulo. Ni hindi ko nga alam na niluluto pa pala ang suka. 

"Here."

Agad akong napalingon kay Lael nang bumalik na s'ya sa kusina. Napakunot ang noo ko nang makita ang inaabot n'ya. It's a gray shirt and a silk scrunchie. 

Magtataka na sana ako kung bakit meron s'yang panali ng buhok pero naalala kong may ate nga pala s'ya.

"T-shirt ko," he said as he looked at the shirt in his hand before he frowned. Napansin ko ang pamumula ng mga tainga n'ya. Inangat n'ya ang tingin sa akin at nagsalubong na ang mga tingin namin. "Aamoy sa uniform mo ang niluluto kaya ipatong mo na lang 'to sa uniform. This scrunchie, it's from my sister. You can use it to tie your hair up, para hindi rin kumapit sa buhok mo ang amoy."

Agad akong namangha sa sinabi n'ya. Ni hindi ko nga alam na aamoy pala sa akin ang niluto. 

"How did you know?" Takang tanong ko bago kinuha ang scrunchie at itinali ang buhok sa harapan n'ya.

Lael watched my hair as I tied it up. I usually tie my hair in a ponytail. Pero ngayong araw, hindi ko 'yon ginawa.

"Laging nagre-reklamo si ate kapag umaamoy sa kan'ya ang niluluto. So, she would always tie her hair up para hindi umamoy sa buhok n'ya."

Tumango ako bago kinuha ang shirt na gray sa kamay n'ya at walang pag-aalinlangang sinuot 'yon. It's big. Nasa gitna na ng hita ko ang t-shirt n'ya. That's understandable. He's tall.

"Ako, L? Walang shirt para sa'kin?" Natatawang tanong ni Caleb na naka-upo pa rin sa dinig table, abala sa nilalaro.

Natawa si Lael at hindi na lang pinansin ang sinabi ni Caleb.


Continue Reading

You'll Also Like

262K 6.1K 103
Love has its own unparalleled ways. [E P I S T O L A R Y]
273K 12.6K 44
War Series #2: Hiel Sebastian Lara Cervantes Pretty, kind, and friendly, Rinnah Selene Jimenez is always loved by the people around her. In the proce...
3.2M 133K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
3.7M 153K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...