Will You Ever Notice? (Bad Gi...

By overthinkingpen

329K 14.2K 4.5K

Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin da... More

Will You Ever Notice?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Will You Ever Notice?
Special Chapter

Chapter 7

7K 292 81
By overthinkingpen

Chapter 7

"Mahilig talaga sa Filipino food si Lael," sabi ni Caleb habang naka-upo kami sa isang bagong tayong fast food restaurant na nagse-serve ng Filipino dishes. 

I haven't eaten here yet. Parang ngayon ko nga lang nalaman na may ganitong restaurant pala. The interior of the restaurant is mostly brown, white, and black. Modern ang look pero may ilang mga dekorasyong pinoy. 

Si Lael ang nasa counter dahil napilit ni Caleb na um-order.

"Oo, nasabi n'ya ngang paborito n'ya ang Sinigang," I said. "Kayong dalawa lang ba ang magkaibigan?" I asked.

Inilagay ni Caleb ang kamay n'ya sa baba n'ya at nag-isip. 

"No," iling ni Caleb. "May iba pa kaming mga kaibigan but I'm closest to him. As you can see, he's really a nice person. Madaling kaibiganin. Loko lang talaga minsan," tawa n'ya.

Tumango ako at tinanaw ulit si Lael na nasa counter. Hawak n'ya ang phone n'ya, binabasa ang nakalistang mga order namin ni Caleb doon para sabihin sa cashier. Nakatayo lang naman s'ya ro'n at nakahawak sa counter pero parang nakakakuha kaagad s'ya ng atensyon. Ang ganda kasi kung tumayo at matangkad pa. Pumangalumbaba ako at pinagmasdan s'ya.

The cashier is obviously flushed with his presence. Parang natataranta ang nasa cashier habang pumipindot sa monitor na nandoon. Tumawag pa ng manager dahil mukhang may maling napindot. 

"Is Severiano your boyfriend?" Kaswal na tanong ni Caleb kaya napalingon ako sa kan'ya. 

Napatuwid ako ng upo. The answer is no. Pero parang may pag-aalinlangan ako sa sagot na 'yon.

"Hindi," tipid na sagot ko.

"You like him?" Tanong n'ya ulit.

Ayokong sagutin. Normally, I'd act really irritated whenever someone asks me questions like that lalo pa at hindi naman kami close. But because it's Caleb, parang hindi ako nakakaramdam ng inis. Naiilang siguro, oo. Hindi ako kumportable na magkuwento ng gano'n sa ibang tao. 

Bago ko pa man masagot ang tanong n'ya, dumating na si Lael kaya nakahinga ako nang maluwag because I don't need to answer the question anymore. 

I like Seve, but I'm really not used to telling people how I feel. 

"Wala 'yung gusto mo," sabi kaagad ni Lael kay Caleb at na-upo sa katabi kong upuan.

"Ano'ng in-order mo?" Tanong ni Caleb, umayos na ng upo at mukhang nakuha ni Lael ang buong atensyon n'ya dahil tungkol sa pagkain.

"Sinigang?" Natatawang sabi ni Lael.

Napamura si Caleb at sinamaan ng tingin si Lael.

"Na?"

"Na hipon," tawa ni Lael at hindi ko agad naintindihan kung bakit s'ya tumatawa.

Napamura si Caleb.

"Allergic ako ro'n!" Sabay mura ni Caleb kay Lael kaya napalingon ang katabing table sa amin. 

But it looks like they got entertained by this two, lalo pa at mukhang mga junior high school ang mga babaeng nasa kabilang table.

Pero kahit na nakakuha ng atensyon, hindi pa rin napigilan ni Lael ang tawa n'ya. Napangiti ako at napa-iling. 

"Sa'yo na lang 'yung akin," tawa ko nang kaunti. "I'll take the Sinigang."

Humupa ang tawa ni Lael at napalingon sa akin. Napatingin sa akin si Caleb at agad na ngumiti.

"Ang bait," ngisi ni Caleb at pinagtaasan ng kilay si Lael.

"I was just kidding. Para sa'kin 'yon," sabi ni Lael sabay lapag ng resibo sa lamesa. "I ordered something you'll like," Lael smirked at Caleb pero minura lang s'ya pabalik nito kaya natawa na lang si Lael.

'Di hamak na mas maputi si Caleb kaysa kay Lael. He's tall too at maganda rin ang built ng katawan. It's just that, Lael's appeal, for me, is more attractive. Lael maintains a clean-cut hairstyle with the top longer than its sides. Si Caleb, medyo may kahabaan ang buhok at halatang sinusuklay palikod ang bawat gilid para hindi mahalata ang haba no'n. I also noticed that he frequently brushes his hair backward, parang sanay na s'yang gano'n ang ginagawa sa buhok.

St. Agatha University is quite strict with hairstyles kaya kan'ya kan'yang diskarte ang mga lalaki sa mga buhok nila. That is also why Seve's hair is short on the sides but longer on top. Mas'yadong mahaba na kung hindi n'ya nilalagyan ng pomade, puwedeng maharangan ang mga mata n'ya. Kaya nga parating nakasuklay palikod ang buhok n'ya. 

"Hindi ka talaga mamimili?" Tanong ni Lael sa akin.

"Puwede ka naming samahan. Wala pa namang ginagawa," Caleb said, leaning back on his chair. "Baka maglaro lang kami ni Lael mamaya."

"What game?" I asked.

Napa-ayos ng upo si Caleb at ikinuwento na ang detalye ng laro, like he was really passionate about it. Hindi ko naman maintindihan lahat dahil hindi naman ako mahilig sa mga laro. Panay lang ang side-comment ni Lael sa mga sinasabi ni Caleb.

When our food came, do'n lang medyo naantala ang kuwento ni Caleb. As the waiter placed the food on our table, tumutulong si Lael doon para hindi mahirapan ang nagse-serve. Hindi ko tuloy napigilang tumulong din. Kinuha ko ang mga utensils at nilagyan silang dalawa ni Caleb.

"Thank you," I heard Lael tell the waiter. 

We immediately ate after that. Madalas ang kuwentuhan nina Lael at Caleb at palagi naman nila akong sinasali. I thought I'd feel left out especially with our odd number but I didn't feel that. If anything, they're really entertaining to be with.

Akala ko noon, nakaka-inis ang ingay nina Lael at Caleb lalo na kapag nag-uusap o nagtatawanan, but now that I'm with them and that I belong in the conversation, I realized that I kind of like their noise and their laughter. 

It made me remember Seve's friends. Si Vaughn at si Tyrone ang maingay sa grupo nila. Si Allen ang tahimik samantalang si Seve naman ang madalas na wala dahil nambabae. 

Ngayon kaya? Sila kaya ang kasama ni Ynna? Saan naman sila nagpunta? Usually, they'd go play billiards or basketball. Minsan, sa bahay naman nina Tyrone. Madalas, sa bar. But Allen doesn't usually go with them when they go there. Pero imposibleng mag-cutting si Vaughn. Classmate n'ya si Zarin, na gusto n'ya, kaya hindi 'yon magka-cutting. Maliban na lang kung si Zarin ang mag-cut, baka pa sumama si Vaughn.

Naalala ko lang ang message ko para kay Ynna kanina nang matapos kaming kumain nina Lael at nando'n pa rin kami sa restaurant dahil napasarap ang kuwentuhan. 

I checked my phone if she has a reply for me.

Ynna:
Nag-crave ako sa coffee.

Napangiwi ako nang mabasa 'yon. Really? She'd fail that class for coffee?

Zenica:
Are you serious?

Napa-iling ako kaya napatingin sa akin sina Lael at Caleb, curious with my disappointed expression.

"Ano 'yon?" Tanong ni Caleb.

"Pinauuwi ka na sa inyo?" Tanong ni Lael na agad namang binalingan ni Caleb na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Lael. 

"No," kunot-noong sagot ko bago ako bumuntong-hininga. "Nag-cut si Ynna because she craved for coffee."

Natawa si Caleb at kinagat ang labi n'ya.

"Seriously?"

"Baka hindi s'ya papasukin ni Sir sa klase next meeting," iling ni Lael.

"Akala ko nag-cut dahil kina Vaughn," Caleb smirked.

"Vaughn wouldn't cut class," I shrugged. "Kaklase n'ya si Zarin Dela Costa."

"Bakit? Pinagbabawalan si Vaughn?" Takang tanong ni Caleb.

Umiling ako. 

"No. But he likes her so he'd get every chance to be with her," I shrugged.

"Ah, parang Lael," tango ni Caleb na agad na minura ng natatawang si Lael.

Maga-alas cinco nang tumayo kami para umalis na sa fast food restaurant. Si Caleb ang nagpaalala ng oras.

Minura ni Caleb si Lael at natatawang tinapik ang balikat nito habang papalabas na kami sa restaurant na kinainan. Masarap ang pagkain doon. Fastfood but it was nice. Maybe I'd eat here again, hindi ko nga lang alam kung sino ang dadalhin. 

Ynna won't eat here, for sure. Bukod sa maarte sa pagkain, Nagpaka-vegan s'ya kaya hindi kakain ng karne. Piling mga kainan lang ang makakainan n'ya. 

I looked at Lael who's now looking at Caleb dahil sa pagtapik nito sa balikat n'ya. Kung aayain ko kaya ulit sila... papayag ba silang samahan ako?

"Pauwi na ang ate mo. Kasama mo lang si Zen, nalimutan mo na?" Tawa ni Caleb.

Lael chuckled and pushed Caleb's shoulder jokingly. 

"Alam ko," he smirked before he glanced at me. "May gusto ka pang gawin?" He asked me.

Umiling agad ako. Tumango si Lael at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa parking area para sa sasakyan ni Caleb. 

"I can just book a ride," I told them.

Tiningnan ako ni Lael at sunod na tumingin si Caleb na kasalukuyang nilalaro sa kamay n'ya ang key fob ng sasakyan n'ya. 

These two are really attractive. Kanina ko pa napapansin ang panay na lingon ng mga nakakasalubong naming mga babae sa kanila pagkatapos ay maghahagikgikan. Mukhang sanay na silang dalawa ro'n dahil hindi naman nila pinapansin o pinupuna.

Kahit sa klase namin, maraming may patagong pagkagusto sa kanila.

"Ihahatid ka na namin. Madadaanan namin ang inyo," ngiti ni Lael sa akin.

"Oo nga, Zen. Baka hindi makatulog si Lael kung kami ang kasama mo tapos hindi ka namin naihatid," tawa ni Caleb.

Minura ni Lael si Caleb pero hindi naman itinanggi ang sinabi ng kaibigan n'ya. 

Inihatid nga nila ako sa amin. I immediately thanked both of them and they left after I went inside our house. Nang makapasok na sa bahay, no'n ko lang naisipang bisitahin ulit ang phone ko. 

May reply na si Ynna sa message ko sa kan'ya kanina. 

Ynna:
Oo nga! 
And I tagged Jason along.

Kumunot ang noo ko.

Zenica:
Who?

But I assumed that Ynna will reply later so I fixed myself up first before I visited my phone again for her reply.

Ynna:
Jason Iglesias!
STEM student. 😋

Napa-irap ako at hindi na ni-reply-an pa ang message ni Ynna. 'Yon nga lang, naka-receive naman ako ng message galing kay Seve.

Severiano:
I didn't see you earlier at SAU.

I stared at his message and I bit my lip. 

Zenica:
Didn't feel like eating.

Severiano:
I miss you. I haven't seen you today. 😔

I scoffed and let myself sink on my bed, feeling the cold comforter on my skin. 

Zenica:
Bakit? You didn't have any girl today?

Severiano:
C'mon, Zen. 
Are you upset with me?
Sorry na. Please?

Napasimangot ako at tinitigan ang message ni Seve. I sighed and decided to just not reply pero nagulat ako nang mag-ring ang phone ko dahil sa tawag n'ya sa akin.

I didn't answer it. I just let it ring. Pero nang matapos ang tawag, tumawag pa ulit si Seve. I sighed before I finally picked it up, with my heart pounding hard against my chest pero namumuo ang pagtatampo sa dibdib.

Tumitig ako sa kisame ng kuwarto ko. Kahit na hindi ko naman nakikita si Seve, parang na-iimagine ko s'yang kausap ako sa phone. I wonder kung nasaan s'ya. Naka-uwi na ba s'ya? O umalis ba sila nina Vaughn?

Billiards? Drinks? O baka kina Allen sila pumunta?

"Galit ka ba?" He asked from the other line, malungkot ang boses. "Zen... I miss you. I didn't see you today."

"I'm not mad," tipid kong sabi sa kan'ya.

"Then why didn't you answer the first call?" He sighed. "Can we video chat? I want to see you."

Hindi naman ako galit. Kaya ko bang magalit sa kan'ya? Oo, pero sandali lang. Madaling mawala basta si Seve. I gritted my teeth. That's the problem. Hindi ko kayang magalit sa kan'ya nang matagal.

Makukunsensya ako parati. Maiisip ko na mag-isa s'ya. Na hindi ko kayang iwan s'yang nasasaktan at mag-isa. I promised myself to not leave him... at kahit gustuhin ko man, hindi ko naman magawa. 

"Seve, magpapahinga na 'ko," I said.

"C'mon. It's just five..." He sighed. "Hindi nga ako sumama kina Vaughn kasi nag-aalala ako sa'yo."

 I scoffed and didn't answer.

"Zen. Please?"

I sighed. Who am I even kidding? Kahit ano naman, basta s'ya, bibigay ako.  

When Seve's face flashed on my phone's screen, hindi ko na naiwasan ang pamumula ng mga pisngi ko at ang galabog ng puso. Mukhang ginulo n'ya ang buhok n'ya nang maka-uwi s'ya sa kanila dahil wala na 'yon sa ayos at naka-simpleng gray na t-shirt na lang s'ya.

Alam kong naka-uwi na s'ya dahil kita ko sa background ang pamilyar na interior ng bahay nila. I go there sometimes, with Vaughn, Tyrone, Allen, and Ynna of course. 

"Kauuwi mo lang?" I asked.

"Yup," Seve smiled at me. "I missed you, Zen."

Sumimangot ako at hindi sumagot. Namungay ang mga mata ni Seve at mas napangiti.

"C'mon, Zen. 'Wag ka nang magalit?" He smiled. "Mag-isa ka sa inyo? Can I come? Let's watch a movie o kaya, I'll bring food then let's eat together?"

"Kumain na 'ko," I sighed. "Seve, magkikita naman tayo bukas. Let's just meet at school."

"Galit ka pa rin ba? Zen, I already said sorry," malambing ang boses na sabi ni Seve.

"Bukas na lang tayo mag-usap, Seve. I'm just really tired today," palusot ko. "T'saka nandito si Niña," tukoy ko sa kapatid kong malamang ay nasa kuwarto nito at kasama ang tutor.

"But I miss you," he sighed. "Okay lang na nand'yan s'ya. She's with her tutor, right?"

I sighed. He's so persistent. And I hate that I always give in.

"Fine. 'Wag ka nang bumili ng pagkain. Magpapaluto ako," sabi ko habang lumalabas na ng kuwarto para magsabi sa mga kasambahay.

"'Wag na, Zen. I'll bring food, alright? What do you want? Galyon's?" Tukoy n'ya sa isang fancy Filipino restaurant. Kumunot ang noo ko at tatanggi na sana pero nagsalita ulit si Seve."Mabilis lang ako."

I pursed my lips as he dropped the call. That's too fancy.

I sighed as I went down to tell our maid to fix the table because a friend of mine is coming.

'Di tulad ng sinabi ni Seve, medyo nagtagal pa s'ya. I expected it. Food at Galyon's would really take longer.

Nang dumating s'ya, he's wearing a printed black polo, pants, and designer shoes. Dala-dala n'ya ang paper bag galing sa restaurant na tingin ko, medyo maraming laman, sobra para sa aming dalawa. Napansin ko rin ang dala n'yang isang bungkos ng tullips. 

"Hey, beautiful," he smiled before he kissed my cheek. Naamoy ko kaagad ang pabango n'ya.

Nakasimangot kong tinanggap ang inabot n'yang bulaklak at pinagmasdan 'yon. I'm not into receiving flowers but I appreciate that he bought this for me. 

"Hey, don't get mad na, okay?" Seve hugged me sideways and kissed my temple.

I sighed before I nodded and we walked side by side to our dining area.


Continue Reading

You'll Also Like

97.2K 3.3K 27
Cereal fell for Rake Avila, the person she least expected to fall in love with. Gaganti sana siya kay Rake sa mga pang-aasar nito. Pero nang mapalapi...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
273K 7K 104
Prepare for a night of drunken decisions [E P I S T O L A R Y]
1.9K 91 19
Leanna Rhaia Delgado is the most relaxed law student in their batch. Para sa kanya, basta maging abogado lang sapat na. Life is too short to be dwell...