Captured Hearts (On-going)

GimmieFries

56.2K 2.4K 1.3K

|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pi... Еще

SYNOPSIS
AUTHOR'S NOTE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter 07

933 41 6
GimmieFries

MAAGANG nagising si Honey dahil ngayong araw ang alis niya. Sapat na siguro ang mga larawang nakuha niya at tapos niya na rin i-edit ang mga iyon kaya uuwi na siya. Ayaw niya na rin magtagal dito.

Kasalukuyan siyang naglalakad ngayon papuntang reception para mag-check out. Hila-hila ang maleta ay pumunta siya roon. Nang makarating roon ay agad niyang inasikaso ang pagche-check-out niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagpipirma ng may biglang tumabi sa kaniya.

"Check-out." anito. She stilled when she heard that familiar baritone voice. She slowly looked up to see if she was right. At doon nagtama ang mata nila ng lalaking nagngangalang Kairus. "Hi, Chinese girl."

Hindi niya ito pinansin, sa halip ay ibinalik niya ang tingin sa pinipirmahan at agad ibinagay sa receptionist. Walang paa-paalam na umalis siya roon. Ayaw niya ng makipagusap sa lalaking iyon.

Hindi uso ang taxi sa Bohol lalo na at Sitio ang tinutuluyan niyang hotel at hindi sa Bayan. Kailangan niya pang bumyahe papuntang Bayan para makasakay ng taxi na siyang maghahatid sa kaniya sa airport.

Buong biyahe ay malalim ang isip niya. Ni hindi niya namalayan na narito na pala siya sa airport at hinihintay na mag-boarding ang eroplano niya.

Nang tawagin na ang eroplano niya ay pumunta na siya roon at umupo sa upuang nakalaan para sa kaniya.

Dahil nga maaga siya nagising ay nakatulog siya buong biyahe at ginising na lamang siya ng flight attendant para sabihin na nakarating na sila sa Maynila.

Dumiretso siya sa condo nilang magkakaibigan. As usual, pagkauwing pagkauwi niya ay ininterview siya ng mga ito.

"Napabilis 'ata ang uwi mo. Tapos ka na ba? Siguraduhin mong maganda ang mga nakuha mo ah. Patingin nga!" bungad sa kaniya ni Lyka.

"Lyka, Siyempre beautiful ang picture na nakuha ni bee. Am i right, bee? Now, kwentuhan mo us kung what happen sa'yo in Bohol. May afang ka bang nameet? Or oppa? Maybe you have boylet na, hindi mo lang sini-say to us." conyong ani ni Denice.

"Tigil-tigilan niyo nga ako! Pagod ako, okay? Gusto ko magpahinga. Please lang." sagot niya sa dalawa.

"Sige na nga. Magrest ka na. We will never kulit you this day." ani ni Denice. "Tomorrow na lang." Dagdag nito at binuntutan pa ng nakakalokong tawa.

Napailing na lamang si Honey sa sinabi ng kaibigan. Nang nakapasok siya sa k'warto niya ay kaagad siyang humiga.

Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kaya hindi niya namalayan na nakatulog na pala siyang muli.




KIBAKABAHAN si Honey habang naglalakad siya papunta sa opisina ng Mr. Garciano na iyon. Pupunta siya roon dahil ipapakita niya rito ang nga litratong nakuha niya.

Nang makarating siya sa tapat ng opisina ng lalaki ay huminga muna siya ng malalim bago kumatok. Nang sumagot ang lalaki na pumasok siya ay pumasok na siya.

Abot langit talaga ang kaba niya dahil kapag hindi nagustuhan ng lalaki ang mga kuha niyang mga litrato ay mawawalan na siya ng trabaho!

"Oh, Ms. Lao, I'm glad you're back."bungad ng binata sa kaniya.

"Good morning, boss." bati niya rito. Pinilit niya lamang na tawagin itong boss kahit ayaw niya naman.

"Well?" anito na para bang hinhintay nito na sabihin niya ang pakay niya.

"Ahm. Narito na po ang mga kuha kong litrato." Aniya at ibinigay dito ang USB niya kung saan naroon lahat ng picture na nakuhanan niya sa Bohol.

Inabot naman nito iyon at isinaksak sa laptop nito. Tiniganan nito ang mga litratong naroon. Napakagat na lamang siya ng labi dahil nakita niya ang paglukot ng mukha nito na para bang hindi nito nagustuhan ang mga kuha niya.

"Ano 'to? Ganitong style na naman ang ibibigay mo sa akin? Wala na bang iba? Nakaka--" napatigil ito sa pagsasalita at unti unting lumaki ang mga mata habang nasa laptop nito ang tingin, nagtaka naman siya.

"Boss? Okay ka lang?" aniya dahilan para mapatingin ito sa kaniya.

"S-saan mo n-nakuha ito? H-how?" gulat na tanong nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

"Huh? Nasaan boss? Sa Bohol ko lang naman po nakuha ang lahat ng 'yan. Patingi--"

"No, diyan ka lang." anito at tumingin ulit sa laptop para suriin ang litratong hindi niya alam kung ano sa mga nakunan niya.

Tumikhim siya para kunin muli ang atensyon nito.

"Oh, you're still in there. Ano iyon?" tanong nito.

"Ahm. Boss, wala na ba akong trabaho? Tanggal na ba ako?"

"No, you're not. Bumalik ka na sa Department mo. Hindi ka tanggal." nabuhayan siya sa sinabi nito.

"Thank you, boss. Thank you talaga!" aniya at bahagyang yumukod bago tumalikod at naglakad palabas. Pipihitin na sana niya ang doorknob ng biglang magsalita ang lalaki.

"By the way, thank you." Anito na ikinataka niya.

Hindi na siya sumagot baka kasi hindi naman para sa kaniya ang pasasalamat nito.

Weird




NAPATAYO SI Kairus ng makita niya ang pinsan niyang naglalakad palapit sa kaniya.

"Hey, couz!" Bati nito sa kaniya and they do a man to man hug.

"How are you? Ilang buwan din tayong hindi nagkita." Ani ni Kairus sa pinsan.

"Na-busy kasi ako sa kumpanya. Masyadong marami ang kumukuha ngayon ng photographer. I have to go to my business gathering in other country. I'm really busy these past few months." Lintanya ng kaniyang pinsan.

"Is that so? Well, may utang ka sa akin. Ililibre mo kami nila Hans ng alak niyan." pabiro niyang sabi.

"Hey! Wala akong utang sayo! Ikaw at ako ang may utang sa empleyado ko." anito na ikinakunot ng noo niya.

Mas lalo siyang nagtaka ng may ihagis itong folder sa kaniya.

"Kailangan ko na yata ipa-tarpaulin iyan. Once in a blue moon lang iyan. I should thank my employee for doing that." anito sa kaniya.

Binuksan niya ang folder at bumungad sa kaniya ang litrato niya na kinuhaan ni Chinese girl.

"P-paano?" wala sa sariling tanong niya.

"Iyan din ang tanong ko sa sarili ko. Paano ka niya nakunan ng litrato. Hindi ko alam kung hindi mo talaga siya namalayan o talagang magaling lang siya magnakaw ng litrato." natatawang sabi nito.

"Employee? Nagtatrabaho siya sa'yo?" tanong niya rito.

"Oo. Muntik na nga siyang matanggal sa trabaho niya, pero dahil sayo at sa picture mo ay nailigtas ang career niya. I even thank her for doing that. I feel so proud of her. She took a photo of my cousin who really hate cameras. My Fotografizophobia cousin." anito at binubutan pa ng tawa.

Lihim siyang napangiti sa natuklasan.

What a small world for us Chinese girl...




PAPUNTA ULIT ngayon si Honey sa opisina ng boss niya. Biglaan kasi siyang pinatawag nito.

Hindi kaya, narealise niya na tatanggalin niya na talaga ako? Gano'n ba 'yon? Naku! Lord! 'Wag naman po sana..

Nang makarating siya roon at kumatok muan siya bago pumasok.

"May kailangan po ba kayo boss?" bungad niya sa boss niya.

"Oh, Ms. Lao. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mayroong gustong kumuha sayo dahil kailangan daw niya ng photographer." gulat na napatingin si Honey sa boss.

Buong pagtatrabaho niya sa kumpanya nito ay hindi siya nito inirekomenda sa iba. Eto ang kauna-unahan kaya talaga lubos lubos ang kaniyang gulat.

"T-talaga b-boss?"hindi makapaniwalang saad niya na may bakas ng pagkatuwa.

"Yes. Actually, narito siya. Couz.." Napalingon si Honey sa itinuro ng boss niya. Doon nakita niya ang lalaking ayaw niya g makita pa! "Ms. Honey Chay Lao, meet my cousin. Kairus. Kairus Hudson, siya ang kumukuha sayo."

Ano 'to? Bakit nakita ko pa ulit ang gagong lalaki na ito?!

----------------GimmieFries-----------------

Продолжить чтение

Вам также понравится

Chimed jazlykdat

Любовные романы

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...