The Midnight Our Fates Entwin...

By bloomstreet

550 106 122

Ever since she was a kid, Patricia Ivy Bueza dreamt of becoming a student in Buenalejo Academy. She felt as i... More

the midnight our fates entwined
i | that one midnight
ii | pink and blue
iii | him and her
iv | dreams
v | friends
vii | how it feels

vi | unexpected visitor

27 5 4
By bloomstreet

note: at dahil giniling ang ulam namin kanina - which is my fav - here's an update haha :D

☽༓☾

"Nakapag-enrol ka na ba, Patchot?"

I stopped scribbling in my notebook. Inilapag ko sandali ang ballpen ko at inangat ang tingin sa phone kong nakasandal sa lamp shade sa study table ni Kuya Gian. Papa sat on a chair, causing his camera to slightly shake. Isinandal niya iyon sa kung saan, pagtapos ay inalis niya ang salamin sa mata at pinunasan ang lenses no'n.

Tumango ako. "Kaninang umaga po." Slowly tapping my fingers on the wooden table, I continued jotting down the things I need to buy tomorrow at the grocery. "Ang ganda at ang laki ng LBU, Pa. Feeling ko nga maliligaw ako, e."

"Sabi ng Kuya Gian mo, mababait daw ang mga estudyante at mga teacher diyan."

Agad na lumitaw sa isip ko sina Dan at ang mga kaibigan niya. Smiling a bit, I nodded again. "Mukha nga po. May mga nakilala na nga ako kanina. . ."

"Talaga?" aniya, bakas ang gulat at tuwa sa kaniyang himig. "Totoo ba ito?" dagdag niya pa. I chuckled. He knows what happened to me back then, kaya siguro ganito ang reaksyon niya. Nasanay na sila nina Lola na naging ilag ako sa ibang tao, tuloy, parang isang himala na kapag nagkukwento ako ng mga ganitong bagay.

"Kung gano'n pala, e, kaibiganin mo ang mga 'yon, anak. Malay mo. . ." he trailed off.

Napawi ang ngiti ko. Kahit hindi na ituloy ni Papa ang sinasabi niya, nakuha ko agad ang gusto niyang iparating. Malay mo, hindi na maulit 'yong dati. Ilang beses na rin sinabi sa akin 'yon ng pinsan ko at ng lola ko kaya halos makabisado ko na. Kahit pakiramdam ko ay 'di naman ka-ugali nina Dan 'yong mga naging kaklase ko no'n, still. . .

Bumuntonghininga ako. "Okay, susubukan ko po." I tried my best to sound cheerful. Ngumiti pa ako ulit para mas maging convincing.

Kumurba ang labi ni Papa sa isang ngiti sa sinabi ko. He even gave me a thumbs up as he uttered a few words of encouragement. Mahina akong natawa ro'n at tumango-tango na lang habang patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng tips kung paano ako makikipagkaibigan.

I silently thanked the heavens because cameras couldn't capture feelings. Unti-unting gumagapang ang kaba patungo sa sistema ko. Ito na yata ang epekto ng ilang taon akong nakuntentong mag-isa lang pagtapos ng pangyayaring 'yon - I have no idea how to befriend people!

Hindi ako sigurado kung mapapanindigan ko ba ang sinabi ko kay Papa.

Pero shit, bahala na. Maybe. . . maybe this is the first step I should take if I really want my remaining years in high school to be memorable.

Nag-usap pa kami sandali ni Papa ngunit nang mapansin kong panay ang kaniyang paghikab, nagpaalam na ako. He's currently working in New Zealand, at kung mag-a-alas nuebe na rito sa Pinas, paniguradong madaling araw na ro'n. Dapat nagpapahinga na siya ngayon lalo't buong araw siyang nagtrabaho.

"Sige na, Patchot. . . ibaba mo na ang tawag," aniya habang kinukusot ang mata dahil sa paghikab.

I waved my hand. "Bye, Pa! Tawagan n'yo po si Mikoy bukas, nami-miss ka na no'n." Tumawa ako at kinuha ang phone. I was about to press the end button but my fingers froze when he spoke again.

"'Nak. . ." panimula niya. "Pasensya na talaga, ha?"

It felt as if someone squeezed my heart when he said that word again. Lampas na yata sa bilang ng daliri ang pagso-sorry niya sa akin mula no'ng March pa, and we've talked about this countless of times already, pero mukhang sinisisi niya pa rin ang sarili dahil hindi ako natuloy sa Buenalejo.

"Pa. . . okay lang. At least, nakapasa ulit ako sa ibang school at nakapag-enrol na."

"Pero-"

"Mukhang maganda rin naman po sa LBU kaya ayos na rin," saad ko. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha, kaya ngumiti ako ulit, kunwari'y hindi na iniinda ang tungkol do'n. He may not admit it but I know he already has a lot on his plate, and this is the least he should be thinking about.

"Good night po, ingat ka lagi!"

I heard him heave a sigh before he ended the call. Inilapag ko ang phone ko sa tabi ng aking notebook. Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Unti-unti ko naman nang natatanggap pero. . .

Dumukdok ako sa mesa. Hindi ko man aminin, may parte pa rin sa aking nasasaktan dahil wala na talaga akong pag-asa sa Buenalejo. Pumasok na nga sa isip kong mag-scholar doon ngunit alam ko sa sarili kong 'di ko kakayanin. I mean. . . I'm not smart enough. Baka ipahiya ko lang ang sarili ko kapag 'di ko napanindigan ang pagiging scholar.

Letting out a groan, I ruffled my hair out of frustration. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko dahil dalawang buwan na ang nakalipas pero heto ako, 'di pa rin nakaka-move on. Sana kasi mayro'ng switch sa puso kung sa'n pwedeng i-on at off ang sakit kung kailan gusto.

Nanatili akong nakahilig sa mesa at nakapikit sa loob ng ilang minuto. Umangat ang tingin ko nang maalala ang sinabi nina Kuya Gian at Dan no'n - na baka mayro'n pa Siyang mas magandang inilaan para sa akin kaya 'di ko nakuha 'yong gusto ko.

Maybe they're right? Baka may dahilan pa kung bakit dito ako sa La Buenavista dinala ng agos ng tadhana.

Wala akong tiwala sa tadhana dahil kung ano-anong ka-bullshit-an na ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang taon, but maybe, I have to trust fate this time. I have to take the risk. I have to trust Him.

I closed my eyes. Pero paano kung wala talagang dahilan? Hindi naman lahat ng bagay kailangan may. . . rason. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Ewan, bahala na nga. Tumayo na ako pagtapos kong itabi sa gilid ng table ang phone at notebook ko.

Kahit gusto ko nang humiga at matulog na nang mahimbing, feeling ko ang dumi-dumi ko kapag hindi ako naliligo sa gabi. Kaya kinuha ko ang tuwalya ko maging ang pares ng blue shirt at pajamas mula sa maliit na closet na katabi ng study table at dumiretso na sa banyo.

Hindi rin ako nagtagal sa pagligo. Habang nagpapatuyo ng buhok ay napagdesisyunan kong magtungo sa kitchen. Dahil sa lamig ng tubig, nawala bigla ang antok ko. Sana lang antukin ako ulit kapag uminom ako ng gatas.

Kinuha ko ang carton ng gatas mula sa fridge at inilapag 'yon sa counter. I was about to pour the milk into my glass when a series of loud knocks made my feet slightly lift off the ground. Imbis tuloy na ang baso ko mapunta ang gatas, natapon 'yon sa counter.

Shit, sino ba 'yon?

Sapo-sapo ang dibdib, napapikit ako nang mariin habang pinapaulanan ng mura sa isip ang taong 'yon. Para akong mabibingi dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinapunan ko ng masamang tingin 'yong pinto dahil patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sinumang paksyet na nasa likod no'n.

Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ino-order na pagkain o kung ano! Bakit may mambubulabog pa ng ganitong oras? Padabog kong pinunasan ang counter gamit ang basahan bago pumunta sa sala. Habang palapit ako nang palapit, siya ring paglakas lalo ng katok. Clicking my tongue, I opened the door.

"Open, sesam-ay, ang galing! Bumukash!"

Nalaglag ang panga ko at ilang beses akong napakurap dahil sa lalaking nasa harap ko. Humigpit ang hawak ko sa pinto. "Dan?"

His expression mirrored mine when his bloodshot eyes drifted to me. I can't help but notice how flushed his cheeks were. Namilog ang singkit niyang mga mata habang tinuturo ako. His other hand found its way to his unkempt, ebony hair. My face contorted as the scent of beer attacked my nostrils.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya; iyon pa ring navy blue polo at khaki shorts ang suot niya, tulad no'ng makita ko siya kaninang umaga, pero lalong nangunot ang noo ko nang mapansing nakabukas ang ilang butones ng kaniyang gusot-gusot na polo.

Tangina, lasing ba siya?

Suminghap siya. "Patch? Ba't ka-" Hindi niya natuloy ang sinasabi dahil bigla siyang sininok. "Ba't ka nandito?"

"Malamang, unit ito ng pinsan ko, e."

Kunot-noo siyang naglakad papasok. "Kay Kuya itong unit! Paano ka-hic-nakapashok?" Halos matumba na siya sa paglalakad. Nahanap ng mga kamay niya ang bookshelf tapos ay sumandal siya ro'n. Nagsalubong ang kilay ko nang unti-unti siyang dumausdos at napaupo. "Wala ka namang shushi!"

His mouth formed an O. Tinakpan niya 'yon gamit ang palad niya, pinandidilatan pa ako. Giggling, he said, "Halaaa. . . alam ko na!"

"Ano?" Nagsisimula na akong mainis at hindi ako nag-abalang itago 'yon sa boses ko. Tawa rin naman siya nang tawa dati pero hindi ganito! Para siyang lutang ngayon, e!

"May magic ka? Marunong kang mag-teleport?"

My brows furrowed. "The fuck?"

Tinapunan niya ako ng masamang tingin at sumimangot pa. "Bad magmura! Bad 'yon, bad!" Paulit-ulit niyang iwinasiwas ang hintuturo niya, parang sinasabing lagot ako. My eyes rolled upwards.

Tapos ay biglang nanlaki ang mata niya habang kinakapa ang mga bulsa niya. He threw me an accusing glare. "Ikaw siguro kumuha ng-" Sininok siya ulit. "-shushi ko kaya nawawala? Tapos kaya ka nakapashok?"

"Wala akong kinukuhang sushi." Napapikit ako nang mariin dahil mas naaamoy ko na siya ngayong mas malapit na siya sa akin. "Lasing ka." It wasn't a question anymore, dahil sigurado na ako ngayon base sa mga kalokohang pinagsasasabi niya.

Marahan siyang natawa. "Uy, hindi! Judgmental." His lips curled into a smile but it was ruined by another hiccup.

Crossing my arms, I glared at him. Magsisinungaling pa, halatang-halata na nga!

"Sige na nga! Pero shikret lang natin, ah? Anooo, slight lang-hic-ganito lang, oh!" Pinaglapit niya ang kaniyang hintuturo at hinlalaki, pero may kaunting space pa rin. Ngumiti siya ulit nang malawak, at inilapat ang daliri sa kaniyang bibig. "Ssh, 'wag mong ipagkakalat."

Bumuntonghininga ako. Unti-unti nang nanunuot ang ka-badtrip-an sa sistema ko. 'Yong gatas ko, hindi ko na nainom!

"Okay, secret lang."

A playful grin crossed his lips. "Pramish?"

Kumuyumos ang mukha ko. Pumikit ako muli nang mariin at bumuga ng hangin - nagdarasal na bigyan pa sana ako ni Lord ng kaunti pang pasensya. "Oo nga. Now, get up. This is not your brother's unit, nagkamali ka ng pinasukan," saad ko, "tayo, umuwi ka na."

Napalitan ng ngiwi ang ngiti niya. "No, no, no!" He shook his head. "Ayaw."

"Ano?"

"Ayaw ko umuwi-" He hiccuped again. "Nando'n siya, Patch. Ayaw ko."

Lumapit ako sa kaniya nang kaunti at nag-squat. "Sino?"

"Si Mommy," aniya sa maliit na boses. Naitutop ko ang aking bibig. Naalala ko bigla 'yong kinwento niya no'ng birthday ng kaibigan nina Kuya Gian. Kaya ba siya lasing ngayon? Dahil sa mommy niya?

"Dan. . ."

I tried to catch his gaze, pero masyado iyong malikot. Patuloy pa rin siya sa pag-iling. "Dito lang akooo." Nanlaki ang mga mata ko nang humiga siya sa sahig na para bang iyon ang kama niya. "Ayaw ko na umuwi."

Sinubukan kong alisin ang iritasyon sa boses ko nang magsalita, "Hindi naman kita pinapauwi sa bahay n'yo, sa kabilang unit lang. Tayo, ihahatid kita." He hugged his knees. Para siyang fetus ngayon sa posisyon niya!

"Tumayo ka nga, marumi diyan, e."

Sinunod niya ang sinabi ko. Umayos siya nang upo, pero yakap-yakap pa rin ang mga tuhod. "Mish ko na si Nica. . . pero ayaw ko bumalik do'n. Galit ako kay 'My. Ayaw-hic-ko na sakaniya!"

"I'm not asking you to-" Natigilan ako nang makarinig ng isang hikbi. Napalunok ako. "Dan?"

"Gusto ko lang namang magshulat." Suminghot siya. "Pero ayaw niya. Ayaw niya. . . bakit ayaw niya?"

Nanlamig ang buong katawan ko. Anong gagawin ko? My lips parted as I scooted closer to him. I didn't know how to comfort him when he was sober, paano pa ngayong ganiyan ang estado niya?

Saka nasa'n ba ang mga kaibigan niya? Dapat kasi hinatid nila siya rito!

Patuloy pa rin sa pagtaas-baba ang balikat niya kaya lalo akong nataranta. Itinaas ko ang mga kamay kong nanginginig nang kaunti. Nanatili iyon sandali sa hangin dahil hindi ko pa rin malaman kung ano bang dapat kong gawin.

Sighing, I tapped his shoulder. Ang mahinang pagtapik ko sa kaniyang balikat ang naging dahilan para lingunin niya ako. He blinked, and another tear fell down his crimson cheeks. Katulad no'ng gabing 'yon, lumalangoy pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya - pero ngayon, nadagdagan pa 'yon ng iba.

Takot.

Inhaling sharply, he averted his gaze as he wiped his tearstained cheeks using the back of his hand. "Ang hirap maging duwag." Sininok siya. "Hindi ko man lang maipaglaban 'yong pangarap ko."

Hindi ako nakapagsalita. Dumukdok siyang muli sa kaniyang hita. I kept on tapping his shoulder. Sa isip-isip ko'y kanina ko pa minumura ang sarili dahil wala na naman akong ibang nagawa kundi titigan 'yong taong nagku-kwento ng problema sa akin.

Ilang sandali lang ay natigil na ang pagtaas-baba ng balikat niya. Wala na rin akong marinig na hikbi. I bit my lower lip. "Uhm. . . Dan?"

Hindi siya sumagot.

I frowned. Tinawag ko siya ulit, pero wala pa rin. Tinapik ko siya. "Huy." Umawang ang labi ko nang dahan-dahan siyang bumagsak. I could feel my heart pounding on my chest as I called him.

Ang kaninang marahang tapik ay naging mas mabilis dahil sa kabang naiipon sa loob ko. "Dan!"

I've never been drunk before - ni hindi pa nga ako nakakatikim ng alak - kaya hindi ko alam kung normal lang bang mawalan ng malay 'pag lasing! Sinubukan kong kapain ang mga bulsa niya para sa phone niya. I'll call his friends. 'Yon na lang ang naiisip kong solusyon.

Napamura ako nang wala akong nahanap na phone. Wala ring susi! 'Yon ba 'yong sinasabi niyang nawawala kanina? Ang burara pala ng isang ito! Paano kung 'di ko siya pinagbuksan ng pinto, e 'di sa labas siya matutulog magdamag?

Lumabas ako sandali para i-check kung may iba bang tao sa kabilang unit. Baka nando'n pala ang Kuya niya, kaso ilang minuto na akong kumakatok pero wala pa ring lumalabas.

Bumalik na lang ako sa loob at dali-daling nagtungo sa kwarto para kuhanin ang phone ko. I opened my browser. Agad kong tinipa ang tanong: how to take care of a drunk person.

Lumabas ako sa kwarto habang nagbabasa-basa ng articles. Bumuntonghininga na lang ako nang mapagtantong nakahandusay pa rin si Dan sa sahig. Mukhang himbing na himbing na siya, ang lakas pang humilik. Napahilamos ako ng palad sa aking mukha.

This is hopeless.

I swear to God, lagot talaga sa akin si Dan paggising niya! I shook my head slowly as I put my phone on the glass table in the living room.

Hindi ko rin alam kung paano ko nabuhat si Dan papunta sa sofa. Ang natatandaan ko na lang ay kung gaano siya kabigat, at kung paanong muntikan pa akong mahilo dahil amoy na amoy ang alak sa kaniya.

Nagtungo ako sa kusina para kuhanin ang gatas at para maghanap ng pwedeng pang-self-defense pati. Mukha namang harmless si Dan pero 'di pa rin ako dapat magpakasigurado! He's drunk, and who knows what might happen? A knife seems so deadly so I settled for a scissor.

Umupo ako sa sofa'ng katabi ng sa kaniya at inilapag 'yong mga bitbit ko sa table. Labag man sa loob ko, wala akong ibang choice kundi patulugin siya rito. Hindi ko naman siya pwedeng iwan na lang sa labas, baka makagat siya ng kung ano-anong insekto. Worse, magka-dengue pa siya dahil sa akin.

Dinampot ko ang phone sa table. After I read the articles, ang s-in-earch ko naman ay kung anong pwede iluto pampawala ng hangover. 'Di ko alam kung bakit ako nage-effort, at kung bakit ko rin siya ipagluluto bukas - siguro dahil. . . wala na naman akong nagawa kanina para pagaanin ang loob niya? I know I shouldn't care because we're not even friends but. . .

Nilingon ko siya. He looked so peaceful when he's asleep; mukhang. . . anghel. I scrunched my nose. An angel who snores too loudly. Napailing ako.

"'Wag ka nang maglalasing sa susunod," sabi ko pa kahit alam kong 'di niya ako maririnig.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...