YELO (P.S#6)

By Yoonworks

102K 5.5K 4.4K

"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?" More

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Yelo
Yelo (2)
Epilogue

13

1.5K 104 67
By Yoonworks

“Tita Arika, are you okay?”

Pinilit kong ngumiti ng marinig ang tanong sa akin ni Mataias. He was looking at me very seriously kaya naman mas lalo kong itinago ang totoong nararamdaman.

The truth is, gusto ko ng magtatakbo papunta sa lilim ng malaking puno kung saan kanina pa umiidlip si Yelo. May inilatag siyang sapin doon kanina bago siya parang anak ng Diyos na humiga.

That fucker. He brought us here to help Aling Baby dahil nga maging ito ay mayroon ng sakit but all he did was sleep. Well, kanina ay may inaayos siya sa bubungan ng bahay nila Aling Baby pero hindi niya kami tinutulungan ni Mataias na mag ani ng mga gulay dito sa garden.

Or garden pa ba itong matatawag e halos isang oras na ay hindi pa rin ako tapos sa pag ani ng mga gulay. Baka abutin pa ako ng tatlo pang oras dito.

Why do I have to volunteer kasi? Gusto ko ring tuktukan ang aking sarili dahil sa katangahan. Bakit kailangan kong magpabibo rito? Kung hindi lang ako nahahabag sa matanda ay hindi ako magta-tyaga na mabilad rito sa ilalim ng sikat ng araw at pagtiisan ang pawis na kanina pa bumabalot sa aking katawan. Ayaw na ayaw ko pa naman na pinagpapawisan ako. Though hindi iyon naiiwasan sa line of work ko, it is also my job to look presentable dahil may mga guest na pwedeng makakita sa'kin.

Pinahiram ako ng pamangkin ni Aling Baby ng asul na long sleeves para daw hindi ako mainitan. Mabuti na lamang at nakapants ako kanina. I was also wearing that hat used by garderners. Si Taias ay suot ang malaking t-shirt ng kanyang ama na kinuha nito kanina sa kotse. Pareho kaming nakasuot ng cap.

His cheeks were already red ngunit ayaw naman niyang sumilong. Sa tuwing nakakapuno ito ng basket ay ipinapakita niya ito sa kanyang ama.

It's been a week since that incident at the grocery at pinilit kong huwag masyadong magdidikit dito kay Yelo. Madali lang rin naman dahil madalas ay babad ito sa trabaho at nagkukulong sa loob ng kanyang study room. Si Taias naman ay madalas akong samahan kahit pa nga alam kong napililitan lamang ito. Halata namang mas gusto nitong palaging tinititigan ang kanyang ama. Hindi ko rin maintindihan ang batang iyon. Alexander pays so little attention to the kid pero ang kanyang anak ay parang siya lang palagi ang nakikita. It's a cycle that I hate seeing.

Staying with them, I realized two things. One, Mataias only looks at his father,  nothing and noone else. Second, Alexander doesn't give a fuck about it. I mean, it's a given na may paki siya sa anak niya but at least give the child the attention he deserves.

It is so heartbreaking to watch, to be honest. Iyong makita mo iyong bata na parang ang ama lang nito ang mundo niya? He wants validation at naiinis ako dahil hindi ibinibigay ni Yelo ang bagay na iyon.

Why is it hard for him to tell Taias that he's doing a great job? Or kahit isang simpleng ngiti or a tap on the back? Bakit? Bakit sobrang damot niya?

“Tita, your face is red na po,” puna na naman ng bata. Naibaling ko tuloy pabalik rito ang aking atensyon mula sa masamang tinging kanina ko pa ipinupukol sa direksyon ni Alexander.

Bakit hindi na lang siya matunaw doon sa lilim katulad ng pangalan niya?

Sa sobrang inis ay nagmartsa ako papalapit sa direksyon nito.

Naiinis talaga ako. Ang init init tapos siya ay nagpapakasaya sa pagtulog doon!

Naramdaman marahil nito ang aking presensya dahil bahagya nitong inalis ang braso nitong nakatakip sa kanyang mukha. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata and seeing him up close like this, hindi ko alam kung bakit parang may malakas na tumatambol sa aking dibdib.

Napalunok ako. 

Lately ay napapansin ko ang aking pagkailang sa lalaking ito. Was it because he is too intimidating? Siguro ay dahil hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo. Kahit kase sa hotel noon na aking pinagtatrabahuhan ay hindi naman katulad niya ang aking mga nakakasalumuha. I'm used to guys making me feel special. It's only natural since I have the looks. Baka matakwil ako ng mga pinsan ko kapag nalaman nilang wala man lang nanliligaw sa'kin.

“Tapos na kayo?”

Napasimangot ako kaagad. “Paano kami matatapos e hindi mo kami tinutulungan?”

Umayos siya ng upo at sumandal sa may puno.

“I didn't volunteer-you did," turo nito sa'kin.  "Dinamay mo pa ang anak ko,”

Inismiran ko ito at mabilis na hinubad ang suot kong sumbrero bago padabog na naupo ilang dipa mula sa kanyang kinauupuan.

“Ayoko na! Super init! Ayaw mo naman kaming tulungan!”

I know I'm sounding like a child pero ang init kasi talaga. Ipinaypay ko ang sumbrero sa aking mukha.

Puno na ako ng pawis!

“Kunh hindi ka sana nagpabibo, tulog ka sana sa kama mo ngayon,”

Naiinis ko itong nilingon only to see his eyes close again. Bakit ba tulog ng tulog to ngayon?

“O baka mas gusto kasi sa kama ko dahil mas mahimbing ang tulog mo roon?”

Napaawang ang aking labi sa kanyang tinuran. Bakit ba palagi niya akong inaasar sa bagay na iyon?

“I told you it wasn't intentional!”

Narinig ko itong umismid.

“Help us!” pangungumbinsi ko na naman.

“Ayoko,”

“Why? Ayaw mo bang mapabilis ang pag uwi natin?”

“Maiwan ka,”

“What?!” napakaantipatiko.

“You started this kaya tapusin mo. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsisimula ng hindi tinatapos. Ganyan ang trabahong tamad. Baka matutunan pa 'yan ng anak ko, ”

Pinaningkitan ko ito ng mga mata. He was now looking at my direction and somehow, I hate the fact that despite the coldness of his stares, ay parang kinakabahan pa rin ako. Bakit?

“Ang sungit mo!”

“Alam ko,”

“Pangit ka din!”

Nilingon ako nitong muli bago pinagtaasan ng kilay.

“Sabi mo? Sigurado ka?”

Kumibot kibot ang aking labi lalo pa nga ng hindi niya inialis sa akin ang tingin.

Damn. Of course he knew that he's a looker! Nakaupo nga lang siya doon pero kanina ko pa napapansin iyong ilang mga kapit bahay nila Aling Baby na panay ang sulyap sa kanya. Mabuti na lang din at walang nagtatangkang lumapit dahil nakakaawa. Sa sobrang sungit ng lalaking ito ay hindi na ako magtataka kung makaranas ng hagupit ng kanyang dila ang sinumang magtatangka.

“Blehh!” naiinis kong ganti sa kanya.

"Mature ka niyan. Daig ka pa ng anak ko,"

“Baka ikaw ang daig ng anak mo. At least siya marunong tumulong,”

Nakita ko pa ang bahagya nitong pagngisi. “I can help you in other ways. Iyong sa may silong, sa kulob at walang makakakita. Hindi dyan sa bulgar. Though I wouldn't mind if that's what you prefer,”

Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa kanyang tinuran ngunit hindi ko rin maiwasan na hindi magtaka. “Huh?” taka kong tanong.

Instead of answering, he just closed his eyes once again, probably to pretend that I don't exist.

It wasn't long when I heard my name once again.

“Tita Arika! Help po!”

Napaungol ako ng muli na namang marinig ang boses ni Mataias.

Naku, Arika. Huminga ka muna ng malalim. Bata yan!

I had no choice but to stand up and go to him again. Pawisan na ito.

Dapat yata ay pahintuin ko na siya dahil baka umitim lang siya doon. Bago iyon ay nilingon ko muna si Alexander.

“Pangit!”

I walked straight to Mataias. Yumuko ako sa kanyang gawi at pinunasan ang kanyang pawis. He was smiling still bago lumingon sa gawi ng kanyang na nakatingin naman sa aming direksyon.

Inirapan ko ito.

Hindi niya talaga kami tutulungan. Bwisit na Alexander yan!

Nagulat ako ng may maramdamang presensya sa aking likuran. Maging si Taias ay nakatingin na rin sa gawi nito kaya naman napilitan akong lumingon.

Mabilis na umawang ang aking labi ng mabungaran ang isang lalaki na may dalang bote ng mineral water. Nakasuot siya ng puting damit at itim na shorts. Naka-tsinelas lamang siya at napakasimple kung titignan mo ngunit masasabi mo rin na malinis at mukha naman siyang mabango.

Napatayo ako kaagad dahil sa gulat.

And his face, hindi man siya kasing gwapo ni Alexander, masasabi ko naman na paniguradong marami ring mga babaeng napapatingin sa kanyang direksyon. Matangos ang kanyang ilong at hindi kakapalan ang labi. Ang kanyang kilay ay likas na makapal habang ang kanyang buhok ay bahagyang alon alon na sadya namang bumagay rin dito.

“Hi, sorry kung nagulat kita. Kanina ko pa napapansin na mukhang hindi ka man lang umiinom ng tubig. Masyadong mainit ang sikat ng araw, baka ma-dehydrate ka,” nakangiti nitong turan bago inabot sa akin ang boteng hawak nito. Napalingon ako sa gawi ni Taias para sana unang painumin ang bata ngunit wala na ito sa aking tabi ng lumingon ako.

Mabuti pa itong lalaking ito, may pakialam.

Isang ngiti ang aking binitiwan bago tinanggap ang boteng kanina niya pa iniaabot sa akin.

“Salamat,”

“Kaano ano mo si Aling Baby?”

Bago pa man ako makasagot ay narinig ko ng muli ang pagsigaw ni Mataias.

“Tita! We're going home na po. Maiwan ka daw sabi po ni Dad!”

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napalingon sa mga ito. And true to his words, naglalakad na nga patungo ng sasakyan si Alexander at ang taksil na batang iyon, iniwan din ako!

Nilingon ko muna ang lalaki sa aking harapan, “Oh, thanks for this water but I need to go,”

Iyon lamang at mabilis akong tumakbo pasunod sa mga ito.

Walanghiya talaga si Alexander!

“Wait for me!” sigaw ko. Halos magkanda patid patid na ako sa pagmamadali. Hindi naman ako nabigo. It was because Yelo had to securely put Taias in the backseat kaya ko sila inabutan. Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinampas ito sa balikat.

“You're going to leave me?” inis kong turan sa kanya. Hingal na hingal ako at halos bumigay ang aking tuhod sa pagmamadali.

Napaka moody talaga ng lalaking ito. Kanina lang ay ayaw naman niyang umalis tapos ngayon ay pabigla bigla na lang.

Nang maisara nito ng tuluyan ang pintuan sa backseat ay walang ekspresyon akong nilingon nito.

Ayon na naman ang kakaiba niyang mga tingin. O ako lang talaga ang nagbibigay ng ibang kahulugan?

“Linawin ko lang, hindi ako iyong nang-iiwan. It was always the other way around,” bulong nito at napansin ko pa ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata maging ang pagbabago sa bigat ng kanyang boses.

I didn't quite get what he just said at first kaya naman naiwan akong tulala habang ito naman ay umikot papunta sa driver's seat. Of course, that was after him leaving the door on the passenger seat open.

Hindi ko siya maintindihan. He's cold but sometimes he acts like he actually care.

Alexander, bakit ang hirap mong basahin?

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 366 114
- an epistolary in which a girl at the beach, captured the heart of a boy named France. Started: August 5, 2020 Ended: June 23, 2021
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
173K 3.7K 30
Status: Editing Si Esme ay isang probinsyana mapipilitan siyang magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Pinagaral siya ng kanyang amo. Makikilal...
135K 2.7K 101
Jordi Gomez de Liaño Fan Fiction. [completed]