EAS1: That Wonderful Fall (Co...

By tag_ulannn

63.9K 1.6K 54

A story that will probably make you fearless in taking That Wonderful Fall. But what's That Wonderful Fall, a... More

Preface
1st Fall
2nd Fall
3rd Fall
5th Fall
6th Fall
7th Fall
8th Fall
9th Fall
10th Fall
11th Fall
12th Fall
13th Fall
14th Fall
15th Fall
16th Fall
17th Fall
18th Fall
19th Fall
20th Fall
21st Fall
22nd Fall
Final Fall
Dream Fall ( Epilogue )

4th Fall

2.5K 62 1
By tag_ulannn

~4th Fall~

JUSTIN sighed deeply. Tumigil lang naman ang kotse niya out of nowhere. Imposibleng may sira yon dahil kakapa-check up niya lang doon last week. Meaning, he ran out of gasoline.

He went out of the car and close its door forcefully na naglikha ng malakas na ingay.

Sinipa pa niya ang gulong niyon sa sobrang inis.

"Fuck!" Mahinang tumalon-talon pa siya habang nakataas ang paang pinangsipa niya sa gulong. Na hindi naman sa mismong gulong tumama, kundi sa metal na pinagkakabitan niyon.

As usual, he ran away again. Away from his crew, his manager, his work, and definitely away from Thannaly.

Kung noon hindi niya pinapansin ang mga demands ng ka-love team ngayon pakiramdam niya nakakasakal na iyon.

Kagagaling lang niya sa set ng movie na syinu-shoot nila to confront Thannaly. Dahil sa interview dito kaninang umaga na napanood niya.

Umiiyak ito sa nasabing interview while saying na may tampuhan nga sila dahil sa aktong nakita nito na magkasama sila sa isang mall ng isa ring teen star na si Laurice Alcantara.

Nag-eskandalo sa naturang mall si Thannaly na nagpainit ng husto sa ulo niya.

Thannaly accused Laurice na manga-agaw and all. Samantalang ang nakita lang naman nito ay magkasama silang kumakain sa isang restaurant.

Natatarantang nagpaliwanag si Laurice na nagkataon lang na nakita siya nito at naki-share ng table habang inaantay ang teen star din na kaibigan nitong si Nyles Park. But Thannaly did not listen to them and continued her hysterics.

Sa sobrang humiliation at inis sa babae, hinila niya si Laurice na naiiyak na at nag walk out.

Ilang tao pa sa restaurant ang kinuhaan ng video ang nangyari na kumalat sa media at networking sites.

Actually, Laurice and Nyles are good friends of his. Naiinis siyang napahiya si Laurice sa restaurant at ngayon nama'y kinaiinisan ng mga fans ng love team nila ni Thannaly.

Ang sobrang nakakainis pa ay ang ginagawang pagpapa-interview ni Thannaly na puro iyak at paawa sa media. Even though they all knew na wala naman silang relasyon.

Noon hindi niya na lang ito pinapansin sa pagkilos nito na parang sila. And yes, on-cam, he acts like a sweet boyfriend to her, but hell! That's job. Ganon naman talaga sa showbiz. Para mas bumenta ang teleserye o pelikula, there should be a relationship in between love teams. But that's it. All for work.

Pero nang i-confront niya si Thannaly, ito pa ang nagagalit sa kanya. Nang tapatin naman niya itong wala naman silang relasyon, she used her fake tears again then walked out.

And his manager asked him to say sorry to Thannaly and tell the media na si Laurice ang may kasalanan.

So here he is. He ran away. At kung nasaan siya, hindi na niya alam. Napasandal na lang siya sa kotse and again, took a deep sigh.

"Now what?!" He frustratedly asked himself.

Walang gasolinang kotse out of nowhere, he did not brought his phone sa inis sa mga tumatawag sa kanya, and he left his freakin' wallet inside his manager's office.

Tumingin siya sa papadilim na langit nang biglang—

"Shit!"

Bumuhos ang malakas na ulan. Binuksan niya ang pinto ng kotse pero naka-automatic lock iyon sa loob. At ang susi ay nakasaksak pa sa ignition along with his other keys.

He laughed sarcastically.

"Can this day get any better?!" He shouted while looking up above.

Napaupo na lang siya at napasandal sa pinto ng kotse.

Tuluyan nang napalitan ng dilim ang kalangitan. He stared blanky at the starrless sky as drops of rain pour down unto his face.

Hindi na niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong pwesto. Namalayan na lang niyang basang-basa na siya pero wala paring tigil ang malakas na ulan.

Ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sariling nasisilaw sa head lights ng isang sasakyan. Naitakip niya ang isang braso sa sobrang liwanag na nanggagaling sa sasakyan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kalsada. Tumigil naman ang kotse isang dipa mula sa kanya.

Ibinaba niya ang kamay at pilit na inaninag ang taong nagbukas ng payong bago bumaba sa kotse.

He took off his eye glasses which is a part of his character on the movie and washed away the rain drops on his face using his hand.

Then as he opened his eyes, he saw the pair of the most beautiful and calming eyes he had ever seen in his whole entire life.

Then everything went black.

SOFHIA stand infront of the man in the rain.

"Ay pera!" Malakas na nasabi na lang niya nang bigla na lamang sumubsob sa kanya ang lalaking kanina'y nakaupo sa daan.

"Hala ka! Wala akong ginawa!" Nahihintakutang sabi niya at pilit na iniaangat ang ulo ng lalaki sa balikat niya.

Basang-basa ito at nababasa rin siya dahil sobrang dikit nito sa kanya. Idagdag pang nabitawan niya ang hawak na payong dahil agad siyang napakapit sa baiwang at isang braso nito para suportahan ang bigat niyon.

Tinapik niya ito sa braso pero walang response. "Hala ka! Patay na yata." Agad niyang dinama ang pulso nito at nakahinga ng maluwag nang maramdamang tumitibok pa iyon.

Nawalan lang pala ng malay.

"Psh. Kelan pa may namatay sa ulan ha Sofhia?" Pagkausap niya sa sarili.

Pilit niyang pinasok sa backseat ng kotse niya ang walang malay na lalaki and drove her way home without second thinking.

JUSTIN SANDER slowly opened his eyes and again, set it to those beautiful pair of brown eyes in front of him. Maybe he's still hallucinating. Like what happened to him before he lost conciousness.

He thought he was starring at that fake ghost girl's eyes. Just like now.

Then it finally sink in. Those brown eyes were real. And its from a gorgeous lady sitting beside his bed.

Lumayo sa kanya ng bahagya ang babae bago nagsalita.

"Hay salamat nagising ka din."

Then she smiled. A kind of smile that seem to light up the room and seems so familiar.

Now what was he saying? A smile that could light up a room? The heck.

Agad na napabangon siya ngunit agad din na napahiga at napahawak sa biglang sumakit na ulo niya.

"Hey you're sick. Wag ka munang bumangon, you need to rest."

"Where am I? What am I doing here?"

"Here at my house. At ako dapat ang nagtatanong niyan. What are you doing here?"

Napatitig siya sa babae then he realized something. She's the same girl! The money-sucker fake ghost girl!

Naka green night dress lang ito at nakalugay ang kinulot na buhok. She's also wearing a light make-up at walang eye glasses kaya hindi nya agad nakilala.

"You... you're..."

She rolled her eyes then, "Yeah yeah. The same girl who saved you a month ago and the one who helped you out last night. Now what?"

He smiled weakly. What a coincidence.

Pumitik ito sa harap ng muka niya.

"Woy. Don't tell me tuluyan ka nang nabaliw? What are you smilling at?"

Nakangiti paring nakatingin lang siya dito. Unti-unti namang kumunot ang noo nito at tiningnan siya ng may pagdududa.

"Hala natuluyan na nga! Ay nako, baka gutom lang yan. Here, kumain ka muna dahil sabi ng doktor ay stress daw at gutom and reason ng pagkawalan mo ng malay." Sabi nitong inabutan siya ng plato na puno ng pagkain. "Kelan ka ba huling kumain?"

"Ah uhm... last day? Or I... uhh forgot?"

"Naman. Masama yan Jaydel! Paano ka kikita ng pera niyan kung hindi mo aalagaan ang sarili mo?"

Nakangiti parin na sinimulan niya ang pagkain.

"Okay." Anitong tumayo mula sa pagkakaupo sa silyang nasa tabi ng kama. "Ni hindi na ko nakapagpalit ng damit at nakapaghilamos sa kakaalala sayo kagabi. Dito na nga ako nakatulog, e. Diyan ka muna, kumain ka lang diyan."

SOFHIA walked out of the room at dumeretso sa sarili niyang kwarto.

She erased her make up na simula pa kahapon, e hindi rin natanggal ng ulan. Waterproof kasi iyon at cleanser lang ang makakatanggal. After that she take a warm bath.

The truth is, she came from her dad's birthday party. Napilitan siyang um-attend don kahit na ayaw niyang makasalamuha ang step mother niya at half siblings.

Then on her way home, she saw someone sitting on the ground. At nang lapitan niya ay nawalan ng malay.

Dinala niya ito sa bahay niya na malapit doon then call her doctor.

Noon niya din nalaman na si Sander nanaman ang tinulungan niya.

She seldom help. Or mas tamang sabihing hindi talaga siya tumutulong sa kahit kanino maliban sa tatlong bestfriends niya. She doesn't know but when it comes to this guy... she just sighed and put on her clothes at muling lumabas ng kwarto.

××

Continue Reading

You'll Also Like

41K 678 32
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
67.6K 2.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
376K 17.5K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
254K 15.7K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...