The Midnight Our Fates Entwin...

By bloomstreet

550 106 122

Ever since she was a kid, Patricia Ivy Bueza dreamt of becoming a student in Buenalejo Academy. She felt as i... More

the midnight our fates entwined
i | that one midnight
ii | pink and blue
iii | him and her
v | friends
vi | unexpected visitor
vii | how it feels

iv | dreams

51 10 6
By bloomstreet

☽༓☾

"Isang tanong, isang sagot ka talaga, 'no?"

Nilingon ko si Dan na abala sa kinakain niyang puto. Nakatingin din siya sa akin, bahagyang nakangiti. Himala ngang 'di pa napupunit mukha ng isang ito dahil sa kangingiti. Kanina pa siya ganiyan, e!

He groaned when I gave him a shrug. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang mangiti sa naging reaksyon niya. Kanina niya pa ako pilit dinadaldal, pero mukhang hindi siya satisfied sa mga nakukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa kaniya o maaawa dahil ang effort niyang mag-isip ng mapag-uusapan, samantalang ako walang kagana-ganang sumagot.

I can't help it, though. Hindi ko naman kasi ugaling dumaldal sa mga taong kakikilala ko pa lang. . . unless I feel comfortable with them.

Sinabihan ko siyang ikuha rin ako ng soft drink nang magpaalam siyang kukuha ulit ng makakain. Doon nga lang ata kami magkasundo-sa pagkain. Nabanggit pa ng loko na balak daw niya sanang tikman bawat putaheng inihanda ngayong gabi kaso dahil nahuli rin sila ng dating, kaunti na lang ang pagkaing natira.

Inabutan niya ako ng isang baso ng softdrink pagbalik niya. Umupo siyang muli sa tabi ko. Nagawi ang tingin ko sa paper plate ng palabok na maingat niyang inilagay sa kaniyang hita. I must have stared at it for too long, dahil inangat niya iyon at inilapit sa akin.

"Gusto mo?"

Umiling ako nang marahan. "Ayoko."

Pasado alas otso na ng gabi pero marami-rami pa rin ang mga bisita. Lumabas na nga ang pinsan ko at 'yong mga kasama nila kanina sa sala, e. Natatanaw ko sila mula rito at kita kong nagkakasiyahan pa rin sila kaya hindi na ako lumapit, t-in-ext ko na lang silang dalawa na kasama ko 'yong kapatid ng kaibigan nila.

"Ang sarap kaya nito, ba't ayaw mo?" tanong niya habang nilalantakan 'yong palabok. I almost scoffed at what he said.

Dahil paborito niya 'yan.

Sumimsim ako sa soft drink bago sumagot. "Kapag kumain ako niyan, malalasahan ko lang ulit 'yong mga alaalang matagal ko nang kinalimutan."

He chuckled softly. "Ano raw? Palabok lang pinag-uusapan natin, bakit napunta sa mga-" Marahan niyang inilapag muli sa kaniyang hita ang paper plate. He flexed the index fingers and middle fingers of his hands. "-alaalang kinalimutan?"

Natawa ako ro'n.

Mula no'ng iniwan niya kami, hindi na ako nagtangkang kumain pa ulit ng palabok. Ewan, feeling ko kasi, imbis na masarapan ay galit at pait lang ang mararamdaman ko kapag tumikim ako muli no'n. Palabok will never be the same for me because it will always remind me of. . .her. Kaya kahit mukhang masarap o kahit sinumang mag-alok sa akin, hindi ko talaga kinakain.

"Bakit, sino bang naaalala mo? Ex mo?" he asked again after a few moments of silence.

Mama ko.

I scrunched my nose. "Wala ka na ro'n," sabi ko para inisin siya. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang ngumiwi. Hindi na siya umimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Curious ako," aniya matapos nguyain 'yong huling subo ng palabok. I hummed in response. My eyes drifted to him when he didn't say anything. Nakatingala na siya ngayon, pinagmamasdan ang langit at tila ninanamnam ang ganda ng libo-libong bituin na malayang natatanaw dahil walang mga ulap ngayong gabi.

"Doon sa bus. . . why were you crying back then?"

Umikot ang mata ko. Sabi ko na nga ba't itatanong niya rin sa akin 'yon. The night breeze kissed my skin, and I could only hug both of my knees to keep myself from shivering. Sana pala nagdala ako ng jacket.

"Kapag ba sinabi ko sa 'yo, masosolusyonan mo ang problema ko?"

Bahagyang namilog ang mata niya sa sinabi ko. Dahil sa liwanag ng lamp post sa tabi ng bench na inuupuan namin, hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi bago siya umiwas ng tingin.

"Sorry, kahit 'wag mo na sagutin. I didn't mean to pry-"

"Nakapasa ako sa dream school ko."

Maging ako ay nabigla dahil sinagot ko ang tanong niya. It was as if my lips had a mind of its own! I have no idea what's gotten into me. . . venting to a stranger, really? I resisted the urge to pinch myself. Nakakahiya, hindi naman kami magkakilala tapos kukwentuhan ko siya ng tungkol sa ganito!

Humugot ako ng malalim na hininga. Bahala na nga. Wala na rin namang sense kung babawiin ko pa dahil nabanggit ko na. Ibinaba ko ang tuhod ko at umayos ng upo.

"Ramdam na ramdam ko 'yong kasiyahan mo, ah." He snorted. "'Di nga? Ikaw lang yata nakilala kong nakapasa sa dream school pero pang-Biyernes Santo ang mukha."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Agad akong naalarma dahil sobrang lapit niya! My eyes widened when I stepped on his foot as a reflex. He let out a low groan as he caressed his foot. I bit my lip. Hindi ko sinasadya, nagulat lang ako!

"Ba't mo naman kasi nilalapit nang gano'n ang mukha mo!" Pinanlisikan ko siya ng mata. "Sorry, ikaw kasi!"

"Ay, potek. N-Napilitan ka lang ata, e. Mga babae talaga, 'di marunong mag-sorry." sambit niya. His lopsided grin turned into a pained grimace. "Ang-ang sakit!"

"Kasalanan mo 'yan."

"So, b-bakit nga hindi ka masaya?"

I clicked my tongue in annoyance. Akala ko pa naman ay ibang topic na! "Paano ako sasaya kung nakapasa nga ako pero 'di pa rin naman ako makakapasok do'n?" sabi ko.

His forehead creased. "Why not?"

"'Di naman kasi kami mayaman para makapag-aral ako sa Buenalejo."

Umawang ang labi niya nang kaunti. I don't have to explain it further to him; Buenalejo Academy is well-known here in our region, kaya sigurado akong alam niyang mga may pera lang din ang nakakapasok doon. At sa kamalas-malasan, hindi gano'n ang estado namin sa buhay. I inhaled sharply when I felt a familiar sting in my chest.

Baka nga hanggang pangarap ko na lang ang BA.

"Pakiramdam ko no'n, parang ginago ako ng mundo. Pinaasa ako. Binigay sa akin 'yong matagal ko nang gusto tapos sa huli binawi rin." Puno ng pait ang tawang pinakawalan ko. "O baka ako lang din ang nagpaasa sa sarili ko, I don't know. Maybe I shouldn't have taken the exam."

"Sorry, hindi ko alam na ganiyan pala." His eyes were now clouded with pity as he looked at me. Tapos ay bigla siyang nagkamot ng kilay at mahinang tumawa. "Tawang-tawa pa naman ako sa 'yo no'n kasi bigla kang nagsuot ng earphones ta's 'di mo ako pinansin."

Heat slowly spread through my cheeks. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Gustong-gusto niya talagang inaasar ako! Hindi ko na nga inaalala 'yon, e!

"Pati no'ng huminto 'yong bus dito sa LB, nakikipag-unahan ka pang bumaba-"

"Shit ka!"

Lumakas ang halakhak niya nang takpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Sana pala hindi ko na lang sinagot ang tanong niya dahil dito rin pala hahantong!

"But you know what. . ." Sumulyap siya sa akin, nawala na ang mapaglarong ngisi. It was then replaced by a reassuring smile. "Ewan ko kung ikaw din, pero naniniwala kasi akong everything happens for a reason. Maybe He has something bigger in store for you."

Pareho sila ng sinabi ni Kuya Gian.

Yumuko ako nang magsimulang lumabo ang aking paningin dahil sa pagtutubig ng mga mata. Itunuon ko ang atensyon ko sa sapatos ko na para bang 'yon ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo.

"Baka may mas maganda pa Siyang inilaan para sa 'yo kaya nagka-gano'n," he said, his voice soft and comforting.

Kinagat ko ang labi kong nanginginig. Napamura ako sa isip. Ano 'to, iiyak na naman ako sa harap niya? Sobrang pathetic ko naman na no'n. Tumingala ako at pumikit, umaasang hindi niya nasulyapan ang nangingintab kong mga mata.

Sinubukan kong tumawa para takpan ang mabigat na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa sistema ko. I struggled even just by lifting my shoulders into a shrug, as if an unknown entity was suddenly resting on top of them.

"Baka oo, baka hindi. Pwede ring baka trip lang ng universe na pagmukhain akong tanga."

I took in a deep breath. Kahit gustong-gusto kong maniwala sa sinasabi niya, parang ang hirap. Paano kung wala talagang magandang dahilan kung bakit kinailangan kong pakawalan 'yong pangarap ko? Nakakatakot na kapag pinaniwalaan ko 'yon ay mabigo ako sa pangalawang pagkakataon.

My eyes immediately flickered back to him when a question popped into my mind. "Curious din ako."

"Hm? About what?"

"Anong ginagawa mo no'n sa Casa Hermosa? First time kitang nakita no'n." Kumunot ang noo ko. "I mean, maliit lang kasi ang bayan namin at halos lahat kami magkakakilala na, kaya nagtaka ako no'n kasi bago lang ang mukha mo."

"Sik-re-to." Umangat ang gilid ng kaniyang labi habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay. "Ikaw ah, curious ka na rin sa akin. Baka crush mo na ako niyan."

Humalukipkip ako at inirapan siya. Ang kapal din pala ng isang ito. "Asa ka," sambit ko. "Bwisit, ayaw ko na nga, dapat pala hindi na lang ako nagkwento, e. Ang daya mo."

He remained silent after a series of soft chukles. Hindi na rin ako nagsalitang muli. The silence wasn't awkward anymore, though, hindi katulad kanina. Ang tanging naririnig namin ay ang tawanan ng mga bisita sa 'di kalayuan at ang malalim na paghugot namin ng hininga.

"Naglayas ako sa amin," halos pabulong ang pagkakasabi niya no'n, tila nahihiyang iparinig sa akin.

"Bakit-" I pursed my lips tightly before I could even finish what I was about to ask. Umiling ako nang makitang hinihintay niyang ituloy ko ang sasabihin ko. Hindi niya naman kailangan ikwento pa sa akin; it might be a sensitive topic already. "Wala, 'wag mo nang sagutin."

"May. . . may bahay ang grandparents ko sa Casa Hermosa, sa kanila ako tumuloy no'n." Putting both of his hands on his nape, he leaned his back on the bench. Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa kaniyang labi. "I can't keep up with my Mom's sky-high expectations anymore, that's why," aniya, malayo ang tingin.

Oh. Ako naman ang natahimik. Agad na rumehistro ang taranta sa sistema ko. I shouldn't have asked! Wala naman akong ideya kung paano magpagaan ng loob ng ibang tao-ng isang lalaki lalo!

Growing up, Kuya Gian, Mikoy and Papa were the only guys I was close with. Kapag problemado ang pinsan ko, inaaya ko lang siyang kumain sa labas o manood ng sine. And Mikoy. . . whenever he's upset, ipagluto ko lang siya ng paboritong ulam at makipaglaro ng online games, ayos na siya ulit.

Napalunok ako.

Alangan namang ipagluto ko rin siya o ayain manood ng sine para gumaan ang loob niya. Hindi naman 'yon applicable sa sitwasyong ito!

"Para akong. . . puppet na sunod lang nang sunod sa gusto nila," sabi niya, namamaos ang boses. He let out a mirthless laugh. "Halos 'di ko na makilala ang sarili ko, Patch. Nakakapagod. Nakakasakal."

Lalo akong nataranta. Sinubukan kong mag-isip ng mga magagandang bagay na pwedeng sabihin but to no avail. I really don't know what to say! Nakakahiya dahil mukha akong ewan na nakatingin lang sa kaniya ngayon, habang siya, sinubukan akong i-comfort kanina.

"Sensya na, ang drama ko pala. Kalimutan mo na lang 'yong mga sinabi ko, potek, nakakahiya-"

I clicked my tongue twice as I shook my head slowly. "Ano namang masama? You don't have to repress your emotions just because you're a guy, you know. Wala namang batas na nagsasabing bawal maging emosyonal ang mga lalaki," sabi ko. "Kung ang inaalala mo naman ay 'di tayo close pero sa akin ka nagkwento, wala ring masama ro'n. Nag-drama rin naman ako kanina sa 'yo."

A small smile crept on his lips as he scratched his brow.

I looked at him apologetically. "Uh, sorry pala. I. . . I don't know what else to say to console you."

"It's okay," he said, chuckling, "you don't have to say anything. Sapat na sa akin 'yong pinakinggan mo ako. . ."

Ang mga mata niyang kasing-itim ng gabi ay parang mga alon na tinatangay ako palapit sa kaniya. His pale skin made the dark circles under his eyes more visible. Hanggang sa kumurba ulit ang gilid ng kaniyang mga labi; hindi mapaglaro, hindi mapang-asar, kundi isang totoong ngiti-salungat sa kalungkutang lumalangoy sa kaniyang mga mata.

". . .at hindi hinusgahan," he whispered. "Salamat."

Parang may humaplos sa puso ko nang sabihin niya ang salitang 'yon.

Tumikhim ako at agad na kumalas sa aming munting tinginan nang makaramdam ng kung anong kumikiliti sa tiyan ko habang pinagmamasdan siya.

"Dan!"

Mahigpit akong napakapit sa aking dibdib nang marinig ang sigaw na 'yon. Pumikit ako, pilit pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I cursed under my breath. Hindi na talaga nakakatuwa ang pagiging magugulatin ko!

Pagdilat ko, isang babaeng nakahalukipkip ang nakatayo sa harap namin. Siya ba 'yong sumigaw? Her thin, bushy brows were slammed together as she squinted her eyes at Dan. The black off-shoulder dress hugging her slim figure was complementing her porcelain skin.

"Leche, kanina pa kita hinahanap!" she said, ruffling her fingers through her thick, jet-black hair. Bumagay sa bilugan niyang mukha ang buhok niyang hanggang baba lang ang haba.

I'm guessing she's one of his friends. Akala ko ba, umalis na ang mga kaibigan niya?

Lalong nangunot ang noo no'ng babae nang sulyapan ako. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi na napigilan ang sarili, dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung mao-offend ba ako o ano sa ginawa niyang paghagod ng tingin sa kabuuan ko.

A faint smile crossed her pinkish lips when our eyes met. Susuklian ko rin sana ang ngiting 'yon kaso mabilis pa sa alas kwatro'ng bumaling siya ulit kay Dan, at halos manindig ang balahibo ko nang muling dumilim ang ekspresyon niya.

Mukha siyang maamong tupa sa unang tingin pero ibang-iba 'yon sa nakikita ko ngayon.

Kung kaibigan talaga siya nitong kasama ko, bakit parang galit na galit siya? 'Di kaya may hindi pa nababayarang utang si Dan sa kaniya? Pero ngiting-ngiti pa nga itong katabi ko, 'di man lang natitinag sa masamang tingin sa kaniya no'ng babae!

"Anong kasalanan ko sa 'yo?" Itinaas ni Dan ang dalawang kamay niya at tumawa. Minamasahe na ngayon no'ng babae ang kaniyang noo habang nakatingala. "Wala naman akong ginagawa."

"'Yon nga, wala kang ginagawa! Kung tulungan mo kaya ako, 'no?" Napansin kong napatingin sa amin ang isang bisitang napadaan dahil tumaas ang boses no'ng babae. "Punyeta talaga, iritang-irita na ako sa kaibigan mo!"

Dahan-dahan akong tumayo, babalik na sana sa dalawang kasama ko at para na rin bigyan sila ng privacy, pero 'di pa man ako nakakahakbang, hinawakan ni Dan ang palapulsuhan ko. Inilingan niya ako at ngumuso ro'n sa pwestong kinauupuan ko kanina.

Agad kong binawi ang palapulsuhan ko at tinaasan siya ng kilay. Para saan? I don't think he needs my company anymore, lalo't may isa pa pala siyang kaibigan dito na pwede siyang samahan.

Besides, baka hinahanap na ako nina Kuya Gian at Kuya Karlo.

"Makapagsalita ka parang 'di mo kaibigan si Kahel, ah." Humalakhak si Dan. "Bakit kasi ayaw mo pa rin tanggapin 'yong apology no'ng tao?"

The girl shut her eyes tight as if Dan said the most annoying thing ever. Pagdilat niya, isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha. "I don't need his half-assed apology-"

"Hikaru, pansinin mo na ako."

Isang lalaking nakasalamin ang lumapit sa amin. Lalong sumama ang timpla no'ng babaeng Hikaru pala ang pangalan nang marinig ang boses na 'yon. Pumihit siya patalikod at hinarap 'yong lalaki. Maybe he's the "friend" they were talking about? Nagsusumamo ang tingin nito kay Hikaru, akmang hahawakan pa ang balikat nito pero hinampas lang ni Hikaru ang kamay niya.

"Subukan mong lumapit, lilipad talaga itong kamao ko sa mukha mo!"

"Sabi ko nga hindi lalapit." Bahagyang umangat 'yong salamin no'ng lalaki nang kamutin niya ang kaniyang mata. "Promise, babawi ako. Sorry na. . ."

"Napaiyak mo na 'yong tao, Kahel! Lamunin mo 'yang sorry mo, magpakabusog ka, leche!"

The guy was about to say something but Hikaru started to walk away. Hindi na rin ito hinabol no'ng lalaki. Ilang beses akong napakurap. This feels so weird. Para akong nasa sine dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lang! I really feel like hindi ko dapat narinig ang lahat ng 'yon lalo't hindi ko naman sila kakilala.

This is Dan's fault! Aalis na kasi talaga ako dapat, e!

Nakangiting umiling si Dan doon sa lalaking tinawag nilang Kahel. "Good luck na lang sa pagsosorry mo, mas mataas pa pride no'n kaysa sa Eiffel Tower." Nalukot lalo ang mukha no'ng Kahel dahil sa sinabi ni Dan. Ginulo-gulo niya ang maalon niyang buhok at sinipa ang batong nasa paanan.

Napalakas ata ang pagbuntonghininga ko kaya napalingon si Dan sa akin. "Bakit ba 'di mo pa ako hinayaang umalis?" I clicked my tongue.

"May itatanong pa kasi ako."

Nagsalit-salit ang tingin sa amin ni Kahel, nagtatanong ang mga mata ngunit 'di niya 'yon isinatinig. His head jerked towards the direction where Hikaru went. "Habulin ko lang si Hikaru," sambit nito sa kaibigan.

Dan smiled knowingly. "Kailan mo ba siya 'di hinabol?"

Kahel raised his middle finger at Dan. I even heard him mutter a curse before turning his back and walking away. Lumakas ang tawa ni Dan dahil do'n. Nang makaalis na 'yong kaibigan niya, pinandilatan ko siya.

"What? Kapag 'yan kalokohang tanong lang. . ."

He chuckled. "Ito na ang pinakamakabuluhang tanong na maririnig mo sa buong buhay mo."

"Ano nga?"

"Makikita pa ba kita ulit?"

"I hope this is the last time that we'll see each other." Umismid ako. Pero imbis na mainis siya, kabaliktaran no'n ang nangyari - tinawanan na naman niya ako! Talaga bang 'di siya nauubusan ng rason para tumawa? Inirapan ko siya at naglakad na papunta sa kinaroroonan ng pinsan ko.

"Bye, Patch!" pahabol na sigaw niya pa. Kumaway lang ako, dire-diretso sa paglalakad at 'di siya nililingon.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...