Life After Marriage

By MikkhaSuarez

32.8K 2.4K 478

This is a reunion book for the three besties Mikkha, Megs and Zey. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One

Chapter Thirteen

1.3K 116 18
By MikkhaSuarez

" GIRL, musta? Out ka na ba?" bungad ni Megs sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito.

" Palabas pa lang ng office. Why?"

" Zey and Cj will arrive tonight. Punta ka sa bahay nila around eight for dinner. Zey wanted to see you when they come home."

Napatingin siya sa wrist watch niya. Alas kuwatro y media na ng hapon. Kakalabas niya lang ng opisina nila.

" Okay, sige. I'll be there later then."

" Alright. See yah later. Babush na."

" 'Bye!"

Pagka-off niya ng cellphone niya ay tumungo na siya sa parking lot. Pero bago pa siya nakarating sa kinapaparadahan ng sasakyan niya ay nakita niya si Zig na paparating. Three days itong wala sa office dahil may conference ito out of town.

He looks tired and as usual his aura is very serious. Minsan naiilang siya kapag sinasama siya nito sa mga meetings nito. Because he rarely talk to her. At mas lalo pa itong naging tahimik simula nung makita nito ang Ex nito last week. Kung saan ay ipinakilala siya nitong nobya. Until now she can't believe that he did that.

"Hi, Sir. How's the conference?" bati niya rito nang magkasalubong sila. Nahihiya siyang iaaproach ito pero ayaw niya naman magmukhang rude.

" Good. Are you leaving now?"

Tumango siya.

" I am done with the contract that you asked me to print. I put it on your table."

" Okay, thank you. Have a safe drive going home. See you on Monday." sabi nito saka dumiretso papunta sa entrance ng building.

Dumiretso na siya sa sasakyan niya and she starts the engine. Nagsimula na siyang magdrive. Habang nagmamaneho siya pauwi ay hindi niya maiwasang maexcite dahil magkikita na sila ni Zey mamayang gabi.

Nang makauwi siya sa kanila ay sinalubong siya ng Mama niya.

" Anak, pumunta si Nillie dito kanina. Inaaya tayong maghapunan sa kanila. Parating raw sina Zey mamayang gabi."

Humalik muna siya sa pisngi nito bago siya sumagot.

" Yes, 'Ma. Tinawagan na ako ni Megs. 8PM daw. Akyat po muna ako. I'll take a shower."

" Okay. Nag-baked ako ng brownies. Dadalhin ko do'n mamaya. Favorite 'to ni Zey."

" Sige, 'Ma."

Nang makapasok siya sa kwarto niya ay kaagad siyang naligo. Habang nasa shower siya ay hindi niya maiwasang mag-isip kung nagkausap ba si Migiel at si Zey habang nasa Amerika ang mga ito. Hindi niya pa detalyeng naikukwento sa bestfriend niya ang mga nangyari sa kanila ni Migiel. Ang tanging napagusapan lamang nila ay ang paghingi nito ng tawad sa kanya.

Dalawang buwan na rin siya dito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay hindi pa rin pinipirmahan ni Migiel ang divorce papers nila. Hindi na rin siya nito kinontak matapos ang first attempt nito na tawagan siya at itext siya. Ang sabi ng lawyer nila sa kanya ay ayaw raw pirmahan ng lalake ang application. He even said to their lawyer not to worry about it.

Napabuntong-hininga siya saka napailing. Pagkatapos ay pinatay na niya ang shower saka naghanda na para makita sina Zey at Cj sa kabilang bahay.

" Ready ka na 'Ma?" tanong niya sa ina nang puntahan niya ito sa kusina. Tinatakpan nito ng foil ang binaked na brownies para sa kaibigan niya.

" Oo, anak. Halika na."

Kinuha niya ang tray dito at siya na ang nagbitbit noon. Naglakad lamang sila papunta sa kabilang bahay. Nag-doorbell sila. Hindi naman nagtagal at lumabas si Mang Abner. Binati sila nito saka kinuha ang tray na dala niya.

" Hi, Mang Abs. Nandiyan na ho ba sina Zey?" tanong niya rito.

" Oo Mikkha. Kakarating lang nila. Pasok kayo."

Nang makapasok sila sa pintuan ay nakita niya na masayang nagbabatian ang mga tao doon. Hanggang sa mapansin sila ni Alice.

" Ate Mikkha, look ate is finally home!" tuwang-tuwa na bati nito sa kanya.

Napatingin ang mga tao sa gawi nilang mag-ina. At pagkatapos ay mabilis na lumapit si Zey sa kinatatayuan nila. Una nitong niyakap ang Mommy niya.

" How are you, Tita? I missed you po." bati nito sa Mommy niya.

" Okay lang naman ako. Na-missed rin kita."

Matapos magbatian ng mga ito ay saka naman bumaling ang dalaga sa kanya. Base sa aura nito ay halatang naka-moved on na ito sa pgkawala ng only child nito. Bumalik na ang dating seksing katawan nito at mamula-mulang kutis mestiza.

" Girl, I know I said it to you over the phone. But let me repeat it again. I am so sorry for everything." sabi nito sa kanya.

" Okay na 'yun, girl. I already forgive you." nakangiting sagot niya rito. Lumapit ito nang tuluyan sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

" Girl, sobrang nahihiya ako sa mga nagawa ko sa'yo. I had no idea about your problem. Dumagdag pa ako sa bigat ng dinadala mo. I feel so embarassed that I was not able to help you during those times that you need someone to lean on. Dapat ako yung nasa tabi nung mga panahon na 'yun. Sorry if I never answer your call whenever you call me before. I feel so guilty for leaving you behind." sincere na sabi nito habang magkayakap sila.

Hindi niya mapigilang maluha nang marinig ang mga sinabi nito. Pero wala na naman sa kanya iyon.

" Zey, okay na 'yun. I also understand na may pinagdadaanan ka that time. Hindi mo responsibilidad na tulungan ako sa mga problems ko. Lalo pa at may mga asawa na tayo."

" But we are bestfriends. And we promised to help each other kahit na may mga pamilya na tayo."

" Huwag mo na isipin 'yun. Ang importante we are both okay now. I'm happy that you and Charles are back together."

Bumitiw ito sa kanya saka sandaling lumingon sa paligid nila. Silang dalawa na lamang ang tao sa sala dahil pumunta na sa dining area ang mga kasama nila.

" But how about you? Is it really over? Wala na ba'ng pag-asa na maging okay kayo ni Kuya Migz?" concerned at nanghihinayang na tanong nito.

" I already applied for divorce remember?"

" Alam na ba ni Tita?"

Malungkot siyang tumango. Hindi niya habang buhay na maitatago ang sitwasyon nila ni Migiel kaya naman noong isang araw ay kinausap niya ang Mama niya tungkol sa totoong dahilan ng paguwi niya dito. Labis na nalungkot ang ina niya at sinabi nito na sana hindi siya nagpadalos-dalos sa pagpafile ng divorce. That she should have given him a chance. Naniniwala ang Mama niya na hindi intensyon ni Migiel na saktan siya.

" Girl, baka magawan pa natin ng paraan. I will talk to kuya Migz."

Mabilis siyang umiling.

" Leave him alone, Zey. Hayaan na lang muna natin siya. I am doing okay now. Two months na rin ako dito and I am trying my best to move on."

Hindi na ito kumibo at pagkatapos ay niyakap ulit siya. Sandali silang nanatiling magkayakap nang ilang sandali ay biglang sumulpot si Megs.

" Hindi ba ako kasali sa hug na yan?" biro ng babae sa kanila.

Bumitiw sila at saka hinila ang babae palapit sa kanila. Pagkatapos ay nag-group hug sila. It feels so good to get a group hug from these two.


" Sobrang na-missed ko kayo, girls." si Zey.

" It feels so good that we are finally reunited!" si Megs.

" I love you, girls. I'm happy to have you both by my side. Pakiramdam ko na-recharged ng 100 percent yung madilim na buhay ko." sabi niya sa mga ito.

" Don't worry lalagyan natin ng kulay ulit yang buhay mo. I will find you a date!" sabi ni Megs nang magbitiw sila sa isa't-isa.

" Stop joking about it, Megs."

" Who said I'm joking?"

Tiningnan niya ito. Seryoso ang maganda nitong mukha.

" Tapos na ang ultimatum ng asawa mo. Hindi siya umuwi rito para suyuin ka. So, para maka-move on ka ng 100 percent we need to find you a date."

" Is that really necessary? I mean we got her back. She can move on without dating anybody." tutol naman agad ni Zey.

" Tutol ka kase pinsan mo involve?"

" It's not that. Two months pa lang silang hiwalay. Why does she need to go on a date if she's still on a healing process? She needs time for herself."

Akmang sasagot ulit si Megan pero inunahan na niya ito.

" Girls, stop it. Baka kayo naman ang mag-away. Why don't we go and eat? I'm hungry." sabi niya saka inaya na ang mga ito papunta sa kusina.

Masaya silang nagsalo-salo sa hapag kainan. Hindi niya maiwasang malungkot at ma-miss ang mga araw na magkakasama silang kumakain sa labas kasama ang mga asawa nila.  At hindi niya maitatanggi na nami-miss niya ang asawa niya sa mga ganitong pagkakataon. Parang kelan lang ay magkakasama silang lumbas at napaka-sweet ni Migiel sa kanya.

" Okay ka lang?"

Muntik na siyang mapasigaw sa gulat nang biglang sumulpot si Cj sa tabi niya. Lumayo siya sandali sa mga ito dahil hindi niya kayang makita ang sweetness ng mga bestfriends niya at mga asawa nito. It reminds her the good old days.

" I'm good."

" I can still see the pain in your eyes."

Napakagat-labi siya. Trying to control her tears. She promised herself that she will never cry again pero ang hirap pala.

" Nami-miss mo siya?"

Umiling siya.

" Don't say that."

" If only I can drag him with us so you guys can talk, I would. Despite of what happened alam ko na mahal nyo pa rin ang isa't-isa. He didn't sign the divorce, did he?"

" Wala pa."

" I'm wondrin' what taking him so long to follow you here. If he has no plans to sign the papers, he should get himself together and get his ass over here."

" Hayaan mo na siya. I'm trying to move on. I got work now atleast it keeps me busy."

" How's your new job? You like it?"

" I do. I didn't even realized that I've been here for two months now."

" I'm glad to hear that you are enjoying your new job."

" Pero mas masaya ako na okay na kayo ni Zey."

Ngumiti ang lalake. Halatang inlove pa rin ito sa kaibigan niya. Buti pa ang mga ito nagkaayos na.

" Masaya rin ako that you girls are reunited. All of you needed this break."

" I agree. Ang tagal namin hindi nagkasama na kompleto. I miss our bondings."

" I know you do. And I know that you needed them most now."

Nagumiti siya at hindi na kumibo. Maya-maya ay lumapit na rin sina Zey at Megan sa kanila.

" The videoke is set up. Let's go sing!" aya ni Megs at sabay-sabay na silang bumalik sa mesa.

HALOS isang oras na siyang nakatitig sa papel na hawak niya. Nag-request siya ng bakasyon at ngayon lamang ito na-approved. Pero hindi niya alam ang gagawin kung magbu-book na ba siya ng ticket o ano.

Huminga siya nang malalim saka nag-scroll sa socia media niya. Halos isang buwan niya na ring ini-stalk ang facebook page ng asawa niya. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin nito ina-accept ang friend request niya. She unfriended him right after she left their house.

Ilang sandali lamang at may nag-popped up na notification sa kanya. Live si Megs sa page nito. He immediately click it to watch her live. Umaasa siya na baka kasama nito ang asawa niya. At hindi naman siya nabigo. Nakita niyang nasa mall ang mga ito at nagsha-shopping. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito sa video.

Masayang nagtatawanan ang mga ito habang naglalakad sa loob ng mall. Maya-maya ay nagsalita si Megs.

" Hey, guys. We are here at the mall today. We did some shopping and we are planning to bring my bestfriend Mikkha to the salon today. We want her to get a make over because we are planning to find her a date. Right, Zey?" sabi ni Megs sa video. Napakunot naman ang noo niya nang marinig ang sinabi ng babae.

" Why would you find her a date?! We're still married!" parang baliw na biglang sigaw niya. As if maririnig siya ng mga ito.

Nakita niyang tumawa lamang sina Zey at Mikkha.

" I am calling all our single friends, neighbors and batchmates to please send me your application if you guys are interested to date her. I will do an interview and if you pass it, I will set up the date. Give me a call guys here's my number."

" Are you out of your mind?! You can't give her a date!" biglang pag-panic niya nang ibigay nga ng babae ang numero nito sa video. He immediately stop watching her live and call his cousin right away.

" Hey, bro, what's up?"

" Your wife is live on facebook now." bungad niya agad kay Jeihard.

" Is she? She told me they will go to the mall."

" They are at the mall."

" And so?"

" Are you watching her live?"

" I'm not. I'm at work. Why?"

" She told on her live that she is looking for a guy to date my wife! Is she out of her mind? We're still married. You better stop your wife from introducing Mikkha to any guy!"

" Wait, wait. Easy, bro. First of all, wala ako'ng alam sa plano ng asawa ko. Secondly, if you don't want your wife to go on a date you should come here to stop her from doing it. And lastly, what's the real score between you and your wife? She applied for divorce pero ayaw mo'ng pirmahan. And yet, ayaw mo'ng ayusin ang problema ninyo. Kung ayaw mo'ng mawala ng tuluyan ang asawa mo sa'yo. You better get your butt over here!"

" I will! My vacation was approved just now. But for the meantime, I want you to stop your wife from introducing Mikkha to any guy."

" I can't do that until you get here. If you want me to do that, you better be here ASAP!"

" Jeihard!"

" I have a meeting, bro. See you tomorrow?"

" I don't have a ticket yet!"

" Then book now. What are you waiting for?"

" Jeihard, please—-"

" Gotta go, bro. See you the soonest!" And he hung up. Napamura siya saka naiinis na binuksan ang laptop niya. He booked his ticket. He doesn't care about the price but he got the soonest flight that's available. After he booked his ticket he packed his luggage. This is now or never. Ayaw na niyang magpatalo sa pride at takot niya. He wants his wife back. And he will do everything to win her heart again. Kahit pa lumuhod siya sa harapan nito para lamang mapatawad siya ay gagawin niya.

SAMANTALA nang matapos na niya ang live video niya ay kinurot siya ni Mikkha.

" Ouch. Why?" daing niya.

" Did you seriously give your number away? Paano kung may tumawag sa'yo?"

" Eh di i-interviewhin ko. I told you I'm serious of finding you a date. Saka hindi mo ba nakita. Kuya Migz was watching my video. Ewan ko na lang kung hindi manginig ang balls niya knowing that I will find you a date. Kung wala siyang planong umuwi he'll be sorry!"

" Lukaret ka talaga. Paano kung isipin niya that I'm so desperate of getting another guy?"

" Mikkha for once you have to stop thinking kung ano'ng sasabihin sayo ng mga tao. Don't live your life according to someone else's expectation from you. Saka sa panahon ngayon kelangan mo na ring lumandi. Kung tutunga ka lang sa loob ng opisina mo hindi ka lalapitan ng mga boylets. Saka try lang natin malay mo may mag-work out. This might help you to move on."

" Ewan ko sa'yo, Megs. You're out of your mind!" inis na sabi nito sa kanya. Niyakap niya ito.

" Just trust me. Hindi naman kita bibigyan ng panget na lalake. Syempre pipili tayo ng mas better sa asawa mo."

" Nagpaalam ka ba kay kuya na ihahanap mo ng date si Mikkha?" si Zey.

" Oo naman. He told me to do what I think is the best for her."

" Parang duda ako sa sagot mo na yan. Let me ask kuya. Baka mamaya pati ako mapagalitan—" akmang tatawagan ni Zey si Jeihard pero pinigilan niya ito.

" Ako ng bahala sa kuya mo. Sagot kita don't worry. Ito na yung salon. Let's go inside." at inaya na niyang pumasok ang mga ito. She will make sure that she have everything under control. She is not doing this para lalong ilayo si Mikkha kay Migiel. But she's doing this para umuwi ang asawa nito at suyuin na ang kaibigan niya para magkabalikan na ang mga ito. Alam niyang mahal pa ng mga ito ang isa't-isa. And she wants them to get back together. At naniniwala siya na mangyayari iyon. Kelangan nga lang na siya muna ang gumawa ng way. She started the first step. After the date she will leave wverything to Migiel!
                    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Sorry for late update. Nabz langs!Stay safe!❣️

Continue Reading

You'll Also Like

558K 29.6K 19
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
154K 17.3K 48
#Book-2 of Hidden Marriage Series. ๐Ÿ”ฅโค๏ธ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
1M 50.8K 40
๐“๐ก๐ž ๐”๐ง๐ž๐ฑ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ~ ๐๐จ๐จ๐ค ๐Ÿ In a world where love knows no boundaries, Aleena Noor a Bangladeshi girl with an elated heart...
364K 27.7K 15
MY Creditor Side Story แ€•แ€ซแ‹ Parallel Universe แ€žแ€˜แ€ฑแ€ฌแ€™แ€ปแ€ญแ€ฏแ€ธแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ Creation แ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€‘แ€ฌแ€ธแ€แ€ฌแ€™แ€ญแ€ฏแ€ท main story แ€”แ€ฒแ€ท แ€™แ€žแ€€แ€บแ€†แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€•แ€ฒ แ€กแ€›แ€„แ€บ character แ€€แ€ญแ€ฏ แ€›แ€žแ€กแ€žแ€…แ€บ แ€แ€…แ€บแ€™แ€ปแ€ญแ€ฏแ€ธแ€”แ€ฒ...