The Midnight Our Fates Entwin...

By bloomstreet

550 106 122

Ever since she was a kid, Patricia Ivy Bueza dreamt of becoming a student in Buenalejo Academy. She felt as i... More

the midnight our fates entwined
i | that one midnight
ii | pink and blue
iv | dreams
v | friends
vi | unexpected visitor
vii | how it feels

iii | him and her

35 13 4
By bloomstreet

☽༓☾

"Takip siya ng mukha, ih."

Napapikit ako sa kahihiyan dahil sa malakas na halakhak ni Kuya Gian. Ano ba 'tong pinsan ko, pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan! Nilapat ko ang hintuturo ko sa aking labi para sawayin siya pero 'di man lang niya ako pinansin.

Sa totoo lang, wala akong balak sabihin sa kanila ang nangyari kanina. Ang kaso, kung kulitin ako ni Kuya Gian, parang 'di siya makakatulog kapag 'di ko kinwento! God knows how irritated I was when he showered me with questions once we got out of his unit. Hanggang makarating kami sa mall, kumain ng tanghalian, nanood ng sine, at ngayong nasa supermarket kami, tanong pa rin siya nang tanong so I had no choice but to tell him!

I don't know which is better, actually - marindi ako sa katatanong niya o marindi ako sa mga pang-aasar niya.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang sa wakas ay humupa na ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat sa pagtawa. "Tawa ka pa ulit," I said, my voice oozing sarcasm.

"Alam mo kung anong tawag sa gano'n, Patchot?" aniya habang kumukuha ng dalawang klase ng junk food. He dropped it in the pushcart as he glanced at me, the corner of his lips curving into a mischievous grin.

Sarkastiko akong ngumiti. "Hindi, at wala akong balak alamin." Inabot ko 'yong isa pang junk food sa kabilang shelf at nilagay din sa cart.

"Destiny tawag doon!" sabi niya, natatawang muli. My lips twitched in disgust. Destiny, destiny. Baduy.

"Daming alam, love." Nakangiting umiling-iling si Kuya Karlo habang iginagala ang tingin sa shelf ng junk food sa harap namin.

"Sino ba kasi 'yon, mga Kuya? Bakit siya nando'n kanina?"

"Kaibigan namin 'yong may-ari no'ng katabing unit," sabi ni Kuya Karlo. "Si Dan 'yon, kapatid ng kaibigan namin," dagdag pa niya.

Tumaas ang kilay ko. So they know him? Ka-close kaya nila 'yon? Magsasalita pa sana si Kuya Gian nang biglang nagring ang phone niya. Kaagad niya 'yong sinagot. Dahil busy ang pinsan ko, kay Kuya Karlo ako nagpaalam na kukuha muna ng yogurt.

Buong akala ko, hindi ko na makikita ang lalaking 'yon. Nasa proseso pa nga lang ako ng pagkalimot ng kahihiyan ko sa bus, bigla siyang magpapakita ulit! Sa sobrang taranta ko pa, gumawa na naman ako ng panibagong katangahan. May nadagdag tuloy ulit na isa sa listahan ng pinaka-nakakahiyang bagay na nangyari sa akin!

Napapikit ako nang mariin. 'Wag na sanang madagdagan pa, utang na loob.

Kumuha ako ng isang yogurt at agad na bumalik sa pwesto namin kanina. Naabutan ko sila ro'n na nagtitinginan, parang nag-uusap pero walang salitang lumalabas sa mga bibig. Tiningnan nila ako, mukhang nag-aalangan sabihin kung anong dapat sabihin. Nilagay ko ang yogurt sa cart at lalong nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila.

"Anong meron?" I asked. "Bakit ganiyan mga mukha n'yo?"

Kuya Gian scratched his eyebrow. Sumulyap siya ulit kay Kuya Karlo, tila nanghihingi ng tulong gamit ang mata. Tinanguan lang siya nito, parang sinasabing kaya mo na 'yan.

"Birthday kasi ng isang highschool friend namin, 'yong tumawag sa akin kanina," sabi ng pinsan ko. "Nagtatampo na kasi 'yon sa amin dahil ilang beses na kaming 'di natutuloy sumama sa lakad. Hindi naman ako makatanggi kasi baka sumama lalo loob pag 'di pa rin kami um-attend."

"Oh?"

"Okay lang ba kung isasama ka namin?"

I snorted. "Bakit sa akin mo tinatanong kung okay lang na sumama ako, Kuya? Ako ba ang may birthday?"

Ngumiwi siya sa sinabi ko. "I mean, baka kasi 'di ka pumayag. Pero sinabihan ko na 'yong friend namin na may isasama ako, oks lang daw."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter. Nang makarating sa tapat ng isang mahabang pila, si Kuya Karlo ang nagvolunteer na magbabayad kaya itinulak ni Kuya Gian papunta sakaniya ang pushcart and him that we're going to wait for him at the entrance.

"Bakit kailangan kong sumama?" tanong ko sa pinsan ko habang naglalakad kami. Sure akong magiging busy silang dalawa sa pakikipag-usap sa mga kakilala nila kapag nandoon. Sigurado rin ako na wala akong kakilala roon bukod sa kanilang dalawa, kaya baka magmukha lang akong timang sa gilid.

"Sabi kasi namin kami ang maghahatid sa 'yo, 'di ba? Kaso nasira 'yong kotse ni Karlo," saad niya.

I blinked. Oh. Oo nga pala, nawaglit 'yon sa isip ko. Bigla kasing ayaw magstart ng kotse ni Kuya Karlo kanina paglabas namin ng condo, kaya nagcommute na lang kami papunta rito. Ang akala ko nga dahil nasira ang kotse, hahayaan na nila akong mag-isang magcommute pauwi. Hassle kasi sa pamasahe. But they insisted na ihatid pa rin ako para raw siguradong safe akong makarating sa bahay.

Hindi na rin naman ako nagpumilit, baka tuluyan na silang maasar sa akin, e.

"Sumama ka na lang, para after natin do'n sa birthday, ihahatid ka na namin. Sasaglit lang naman kami ro'n," he said. Kumunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi. Baka 'yong saglit nila ay abutin kami hanggang madaling-araw doon. Nahiwatigan niya yata ang ibig sabihin ng pagkunot ko ng noo kaya mahina siyang natawa. "Pramis, saglit lang."

"Five minutes lang?" I wiggled my eyebrows.

"Grabe naman 'yon! Baka papasubo pa lang ako ng spaghetti no'n, e." Tumawa siya. "Sama ka na kasi, Patchot. Ayaw mo, libreng dinner?"

Umirap ako. Ayan na naman siya, inaatake na naman ang kahinaan ko! Paano pa nga ba ako makakatanggi kung libreng pagkain na ang lumalapit sa akin? Napairap ako nang sinundot-sundot niya ang tagiliran ko habang nakangiti nang nakakaloko.

"Oo na, sige na. 'Wag mo na akong ganiyanin, Kuya!" reklamo ko habang iniiwas ang tagiliran ko sa daliri niya. Sinubukan kong hulihin ang kaniyang kamay para sana kurutin bilang ganti, pero agad niya iyong iniwas at itinago sa likod niya. "Saglit lang, ah, sabi mo."

Paglabas namin sa mall, sinalubong kami ng tunog ng mga sasakyang dumadaan at ang papalubog na araw. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang langit. Halo-halo ang mga kulay na makikita ro'n - kakaunti lang ang kulay blue, mayroong violet at pink, pero nananaig ang kulay orange. May mangilan-ngilan pang ulap na natitira pero hindi naman nito sinasakop ang gandang ipinapakita ng kalangitan.

Sinisira nga lang no'ng dalawang kasama ko ang ambiance dahil sa pagtatalo nila kung magta-taxi ba kami o jeep. Sa huli, napagdesisyunan nilang sa jeep kami sasakay ngayon at magta-taxi pag papunta sa terminal. Madali lang din kaming nakahanap ng masasakyan.

Matapos ang ilang minuto ng byahe, sa isang eskinita kami bumaba. Nauunang maglakad sa amin si Kuya Karlo dahil siya ang nakakaalam ng daan papunta ro'n. Sinasabayan ko naman sa paglalakad si Kuya Gian, kulang na lang ay kumapit ako sa kaniya sa takot na baka maligaw ako. Hindi pa naman ako magaling pagdating sa mga direksyon.

"Ito lang 'yong kulay asul na bahay na nadaanan natin, so I guess this is Santi's house."

Sa wakas, huminto kami sa tapat ng isang bahay na may malawak na bakuran matapos ang ilang minuto naming paglalakad. Sa labas pa lang, dinig na namin ang ingay at tawanan mula sa mga taong nasa bakuran. Agad na pinindot ni Kuya Karlo ang doorbell.

Isang lalaking nakasalamin ang nagbukas ng gate. Nakangisi nitong itinaas ang kamao at nakipag-fist bump kay Kuya Karlo, habang si Kuya Gian naman ay natatawang inabot sa kaniya ang regalong binili namin kanina bago umalis sa mall.

"Akala ko 'di na naman kayo darating, talagang ha-hunting-in ko na kayo kapag gano'n." A soft laugh escaped from his lips before he gazed at me. I gave him a small smile and greeted him a happy birthday. Ngumiti siya at pinasalamatan ako. After a few small talks, inaya niya na kami papasok.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan habang kumakain kami. Mas maraming tao rito kanina; halos mapuno na nga ang dining area maging ang living room, kaso nagpaalam na 'yong ibang uuwi na. I glanced at my wristwatch. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang makitang alas otso na ng gabi.

The sound of Kuya Gian's laugh reverberated throughout the room. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan siyang 'di pa rin maawat sa katatawa habang nakahilig sa braso ni Kuya Karlo.

Sinasabi ko na nga bang scam ang saglit na pinangako niya kanina. . . isa't kalahating oras na kami rito, e! Baka mahirapan na kaming sumakay nito pauwi kapag alas nuwebe pa kami pupuntang terminal.

Nahihiya naman kasi akong lumapit na lang sa kanilang pwesto at mag-aya nang umuwi, lalo pa't halata sa itsura no'ng dalawa ang pagkagalak dahil nakita ulit ang dating mga kaibigan. Sa tantiya ko, mag-iisang oras na silang nakapalibot doon sa living room. Napuno ng kantyawan at tawanan ang bahay dahil sa pagbabalik-tanaw nilang magbabarkada.

Nanatili na lang ako rito sa dining area, pumapapak ng mocha cake na ibinigay sa akin ni Kuya Santi kanina. Naisip ko na ngang kausapin ang babaeng nasa harap ko na kumakain din, kaso kanina pa siya abala sa kaniyang phone. Pero sino nga bang niloloko ko? I don't even know how to initiate a conversation. Mga kaklase ko pa lang nga, hirap na akong kausapin - e, ilang taon ko nang kasama ang mga 'yon. Paano pa kaya kung hindi ko talaga kakilala?

My phone vibrated against the soft fabric of my jeans. Napakagat ako ng labi habang dali-daling kinukuha 'yon mula sa bulsa. Nang makitang tama ang hinala kong si Lola nga ang tumatawag, tinitigan ko pa muna ang screen ng phone. Agad na gumapang ang kaba sa aking sistema. Naalala ko no'ng bata pa ako, at highschool si Kuya Gian, pinagsarhan niya ito ng pinto dahil gabi nang nakauwi. Kinailangan ko pang kupitin ang susi sa kwarto niya!

'Wag sanang mangyari ulit 'yon, baka pagdating namin, tulog na si Mikoy at walang kumupit ng susi para sa amin!

Nang mag-ring ulit ang phone ko sa pangatlong beses, tumayo ako at naglakad palabas. Nasa may pinto na ako nang tinawag ako ni Kuya Karlo, nakakunot ang noo. I showed him my phone and mouthed something about answering a call. Tinanguan niya lang ako at bumaling ulit sa mga kaibigan.

Paglabas ko, nandito pa rin ang mga naka-set up na table sa malawak na bakuran nila Kuya Santi. Halos kasing dami rin ng mga nasa loob ang mga tao rito. Akala ko 'yong mga nasa loob na lang ang natira? Kuya Santi was entertaining some of them. Bumaling ako sa aking phone at pikit-matang sinagot ang tawag.

"Hi, Lola," bati ko. Napalunok ako nang wala akong sagot na natanggap. Tanging ang tunog lang na nagmumula sa telebisyon ang naririnig sa kabilang linya. Malalagot talaga kami nito! I cleared my throat. "Uh. . . saglit na lang, 'la, pauwi na rin po kami."

"Baka 'yang saglit niyo ay abutin pa kayo ng madaling araw diyan ha!" Lola said, irritation evident in her voice. "Lagot talaga sa akin 'yang pinsan mo, kung saan-saan ka sinasama!"

Natawa ako nang mahina dahil pareho kami ng sinabi tungkol sa saglit. "Sorry, 'la. Okay lang naman po sa akin na sinama nila ako, 'wag niyo nang kagalitan si Kuya Gian. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay, e."

Matapos ang ilang pagbibilin at pagpapaalala na dapat ay bago mag alas diyes nakauwi na kami, pinatay niya na ang tawag. Babalik na sana ako sa loob para agad na masabi kila Kuya Gian ang sinabi ni Lola nang natigilan ako pagpihit ko patalikod. My lips parted in surprise. Shit. Ano na namang ginagawa niya rito? Why is he suddenly everywhere? Kanina, sa condo. Tapos ngayon, dito!

Napaatras ako agad nang mapansin kung gaano kami kalapit sa isa't isa. My pulse quickened as I fixated my eyes at the grass beneath my feet. Pinaglalaruan ba ng tadhana ang buhay ko?

Tumikhim ako at umisod sa kanan, sa direksyon kung saan 'di siya nakaharang. I was about to take a step when he suddenly blocked the way. I clicked my tongue in annoyance. Lumipat ako sa kabilang gilid - sa kaliwa - pero hinarangan niya ako ulit. Ano ba 'to, patintero?! Hindi ko na natiis, I glanced at him with my brows furrowed. Umakyat lalo ang dugo ko sa ulo nang marinig siyang tumawa, tila tuwang-tuwa sa naiiritang ekspresyon ko.

Binabawi ko na ang sinabi ko no'ng gabing 'yon na mala-anghel ang tawa niya! Umirap ako at makakalampas na sana talaga pero napako ako sa kinatatayuan nang magsalita siya.

"Ikaw 'yon, 'di ba?" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ulit ako.

Tumikhim ako ulit at umiwas ng tingin. "Sorry, I don't know what you're talking about."

I gritted my teeth in annoyance when he laughed again. "Ikaw nga 'yon. . . natatandaan ko ang boses mo," he said. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Amusement was swirling in his eyes as he looked at me. Naramdaman ko ang unti-unting panlalamig sa aking sikmura nang magkatitigan kami. Mas dumoble ang kagustuhan kong umalis na rito.

"Kung alam mo na pala, bakit nagtatanong ka pa?"

Hindi ko na napigilan ang sarili. His laughter faded but a playful smile remained on his face. Nagsimula na akong maglakad muli pabalik sa loob ng bahay. Baka kung ano pang masabi ko sa lalaking 'yon kapag nagtagal pa akong kausap siya! Hindi na hiya ngayon ang nararamdaman ko, kundi pagka-irita!

Mas nilakihan ko ang mga yapak ko nang mapansing sinasabayan niya ako sa paglakad.

"Hey, I'm sorry," aniya habang hinahabol ako. "I didn't mean to piss you off. . . I just-"

Nang huminto ako sa paglalakad, gano'n din ang ginawa niya. Hinarap ko siya at humalukipkip. "Ano ba talagang kailangan mo?"

Ngayon ko lang napagtanto ang malaking pagkakaiba namin sa height dahil halos magkatabi kami. Ang tangkad niya! Kaya naman pala mabilis niya akong naaabutan dahil mahaba ang legs niya. Lalong uminit ang dugo ko nang mapansing kailangan niya pang yumuko para matingnan ako nang maayos.

He heaved a sigh as he averted his gaze. Tumaas ang kilay ko. "Sorry, wala kasi akong ibang makausap, kanina pa umalis 'yong mga kaibigan ko." Tumingin siyang muli sa akin. "Tapos nakita kita. . . kaya, uh, lumapit ako."

Hindi ako sumagot.

He cleared his throat. "Para makipagkaibigan sana. . . kaso badtrip ka na yata sa akin." Natawa siya nang mahina. Nanatili ang tingin niya sa akin, tila hinihintay ang sagot ko. "Dan nga pala." He stretched his hand.

My eyes turned to slits as I looked at his hand and his smile back and forth. Kahit naaasar ako, ayaw ko namang mapahiya rin 'yong tao. Baka pala katulad ko rin siya na hirap makipagkaibigan, at ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na maunang magpakilala or something like that.

Huminga ako nang malalim. Fine. Tutal wala rin naman akong ginagawa ro'n sa loob at 'di pa nag-aayang umuwi ang pinsan ko, I might as well talk to him. He seems harmless, anyway. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. . . and if he ever does something funny, lagot siya ro'n sa dalawang kasama ko. Lagot din siya sa akin, syempre. Sasapakin ko talaga siya agad kapag nagtangka siya ng kung anong kalokohan!

"Patch," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Dinaplis ko lang ang palad ko sa kaniya at 'di pa yata umabot ng isang segundo. Narinig ko ulit siyang tumawa dahil doon. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Kanina pa siya tawa nang tawa kahit wala namang nakakatawa!

Naningkit lalo ang mata niya dahil sa lawak ng ngiti niya. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa kaniyang mukha, mas naaninag ko ang kaniyang itsura. I bit the insides of my cheeks to stop myself from smiling when I noticed that he has a mole right above the space between his thick eyebrows. Parang katulad no'ng sa mga Indiana'ng nagbe-belly dancing.

"It's a pleasure to meet you, Patch."

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...