Carpe Diem

بواسطة GorgeousJam92

4.3K 272 412

Chloie Claire Broñola is a simple senior highschooler who will fall in love to Jeremiah Soriano who is a memb... المزيد

PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Once More
Wakas

KABANATA 35

73 3 2
بواسطة GorgeousJam92

I just hope that this is just a dream
But it's definitely not
I have to face the reality with a smile
Even though my ending is not happy
-Clara/Claire

CLARA'S POV

Ala una y media na, pagkatapos naming magtanghalian ay nagpasya kaming mamasyal. Kasama na namin ngayon si Nara dahil kanina habang kami ay nanananghalian ay nagtungo siya roon at nakikain na rin.

"May labanan ng mga banda mamaya. Halina't pumunta tayo sa plaza quezon." Nakangiting saad ni Nara. Marami na ang nagbago sa kaniya. Bahagya siyang pumayat. Naiintindihan ko iyon dahil mahirap ang maging guro lalo na sa mga batang makukulit.

"Nara, umamin ka nga. Ika'y nagdodroga ba? Tingnan mo nga ang iyong hitsura," kunut-noong pamumuna ni Hermosa.

"Hahaha!" Nagtakip ako ng abaniko sa aking bibig upang takpan ang aking bibig. "Ganiyan lang talaga ang hitsura niyan! Wala pa kasing nahahanap na Ginoo dito sa atin eh. Panay lamang ang turo niyan sa kumbento. Ika'y magmamadre na ba, Nara?"

Kahit na nandito lang din sa bayan ng San Jose si Nara ay kay tagal na rin nang huli naming pagkikita. Kaya naman ngayong nagkita na kami ay hindi ko ito palalampasin at siya'y aking tutuksuhin.

Kaming tatlo ang magkakasama habang naglalakad patungong plaza. Inaabangan ang maglalabang mga banda mamaya. Si Marisa at Sandrino naman ay hindi ko na alam kung nasaan basta't maghahanap daw sila ng nobyo.

"Hindi, hindi ako puwede," malungkot na ngumiti sa amin si Nara. "Marami akong kasalanan at ang mga kasalanan ko'y hindi mo talaga agad na mapapatawad. Sapat na siguro iyong nagtuturo ako sa mga bata."

"Grabe ka naman magsalita sa iyong sarili," puna ni Hermosa sa kaniya. Tila ay mayroon siyang malaking kasalanan ngunit kung ano man iyon, sa palagay ko ay mapapatawad naman siya ng Diyos dahil ang Diyos ay mapagpatawad lalo na sa mga nagpapakumbaba. "Ikaw, Clara? Ano na ba ang iyong pinagkakaabalahan ngayon dito?"

"Ah, mabuti at iyong itinanong!" Masayang saad ko. "Ako ngayon ay isang mananahi na! Ako'y nagtatahi na ng mga kasuotan nila dito, sa tulong ni Doña Manuela."

Hindi naman talaga, ito'y libangan ko lang. Hindi naman kasi magandang marinig na wala akong trabaho sapagkat ang dalawang kaibigan ko'y nagtatrabaho kahit pa pareho itong babae at nabibilang sa alta sociedad. Hindi rin naman kasinungalingan ang sagot ko dahil nagtatahi naman talaga ako.

"Kailan niyo naman ako bibigyan ng pamangkin ni Gabrielo?" Ngumiwi si Hermosa at humalukipkip na para bang siya'y naiinip.. Palibhasa ay may anak na siya, ako ngayon ang kinakantyawan niya.

"Ah..." namula ang aking pisngi at umiwas ng tingin sa kaniya. "K-kapag may oras na sa akin si Gabrielo. Kapag mayroon na kaming oras sa isa't-isa. Kami ngayon ni Gabrielo ay parehong abala sa kani-kaniya naming trabaho." Pilit na ngumiti siya sa akin.

Siya ay nagtatrabaho sa Fort Santiago, at ang trabaho ko naman ay panatilihing maayos at malinis ang mansyon ng mga Solidad. Iyon naman talaga ang dapat na ginagawa ng isang babae.

"Isa pa pala ayun, ano? Mabuti at heneral pa rin siya? Nabalitaan kong si Padrino na ang gobernadorcillo dito?" Tila walang alam si Hermosa sa nangyayari dito.

"Oo naman! Isa pa pala magkasundong-magkasundo nga ngayon sina Gabrielo at Padrino eh." Saad ni Nara at seryosong tumingin kay Hermosa. "Tila ay walang kalagim-lagim na nangyari sa pagitan ng inyong pamilya. Alam mo ba at siya na ang kanang kamay niyang si Señor Gobernadorcillo Padrino? Higit na mas napapansin na nga niya si Heneral Gabrielo kaysa sa kaniyang mga anak?"

"OH?" Magkahalong galit at gulat na saad ni Hermosa.

"Hindi naman siguro, ano ka ba, Nara?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinapakisamahan niya lang naman ang gobernadorcillo upang hindi siya nito patalsikin sa puwesto at saka sa aking palagay ay nagbunga naman ang pagpapakasal niyo ni Gallardo, ang inyong sakripisyo. Naging ligtas na kayo ngayon ng kuya mo."

Iniwas ko ang usapan kay Gabrielo dahil nasasaktan ako sa sinabi ni Nara dahil may halo iyong katotohanan. Animo'y nagbabago na nga si Gabrielo at umaanib na kay Padrino.

-

SIMULA nang magtungo dito sina Hermosa upang mamiyesta ay dito na sila muling nanirahan. Sa una'y naging masaya kami dahil marami na kaming nakatira sa mansiyon at mayroong batang masiyahin pa ngunit ang kasiyahang iyon ay naglaho. Lalo pa nang may balitang sumabog na talaga namang hindi namin inaasahan.

"Hermosa, tila ika'y hapong-hapo? Si Natalia ay umuwi na sapagkat may kailangan pa siyang asikasuhin.N-nasaan na si Victoria? Akala ko ba ay susunduin mo siya?" Matalim niya akong tiningnan.

"Kailangan ko si Gabrielo, nasaan siya?" Sigaw niya. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Sinapo niya ang kaniyang noo. "Paumanhin, may nakakagulat na katotohanan lamang akong natuklasan."

"Nakakagulat na katotohanan? A-anong katotohanan?" Tanong ko nang bigla akong makaramdam ng kaba. Itinigil ko rin ang pagtatahing ginagawa ko na ipapasa ko sana kay Doña Manuela. Ngayon ay ganap na akong mananahi ng kaniyang magarbong na pamilihan.

"Bakit mo ako hinahanap?" Umalingawngaw ang malalim na boses ni Gabrielo galing mula sa hagdanan.

"Nara, si Nara, Gabrielo. S-siya ang nagpapatay kay Leonardo. Hulihin mo na siya, bago ka pa niya matakasan! Kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang kasalanan!" Sigaw ni Hermosa at natataranta. Nanlisik naman ang mata ni Gabrielo dahil sa narinig. Nakikita ko ang mga apoy sa kaniyang mga mata.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Napatayo pa at nabitawan ang aking mga hawak. "Si Nara? Paanong si Nara? Nara na ating kaibigan? Paano niya naman magaawa iyon? Hindi masamang tao ang ating kaibi--"

"AKALA KO RIN, CLARA!" Sigaw niya na talaga namang nagpabilis sa tibok ng aking puso. "Narinig ko, kausap niya kanina si Nataniel. Magkasabwat sila! Dalian mo, Gabrielo!"

"Magbabayad ang Nara Legazping iyon!" Bakas din ang galit sa boses ni Gabrielo. "Kahit pa tinulungan nila tayo noon, kailangan pa ring magbayad ng kasalanan ng batang Legazpi!

Dahil sa balitang si Nara nga ang dahilan ng pagkamatay ni Leonardo at pagkalaglag ng anak nila ni Natalia, lubusan na siyang kinamuhian ng kaniyang pamilya at ng pamilya Solidad.

Nagpasya sila na dapat pagbayaran ni Nara ang kaniyang mga pagkakamali. Buhay ang nawala kung kaya't buhay din daw ang babawiin.

"Gabrielo, kailangan ba talagang gawin ito? Wala na bang paraan na mapagbabayad niyo si Nara? Bitay ba talaga ang solusyon?" Nakikipagtalo na naman ako ngayon kay Gabrielo sa loob ng aming silid. Nandito siya upang magpalit ng kasuotan lamang.

"Kapatid ko si Leonardo, Clara. Nais kong makamit ang hustisya para sa kaniya. Noon ay hindi ako naging mabuting kapatid sa kaniya kung kaya't gagawin ko ang lahat ngayon para sa hustisya."

Napatulala ako sa sahig at napaisip. "Ang ginagawa mong ito ay hindi para kay Leonardo..." hinarap ko siya at nagkasalubong ang aming mga mata. Magkatapat lamang kami ngunit ang aming mga puso ay magkalayo. "Ginagawa mo ito para sa ikapapayapa ng konsensya mo. Ginagawa mo ito para masabi mo na may nagawa ka para sa kapatid mo. Ginagawa mo ito para sa sarili mo."

Iniwan ko siya matapos kong sabihin iyon.

~•~•~•~

CLAIRE'S POV

TULUYAN nang natapos ang love story namin ni Gabriel. I guess, gano'n naman talaga. Walang forever, walang permanent. Gusto kong damdamin ang break up namin, gusto kong mag-emote gaya ng ibang ginagawa ng mga babae after their break up, pero wala akong time. Mas dapat kong unahin si Mama.

Si Mama na unti-unting nauubos. Masakit panoorin na 'yong taong hinahangaan mo dahil malakas at matapang ay unti-unting nanghihina emotionally and mentally. As the days goes by, napatunayan ng korte na she is guilty.

"Anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ah? Kayo ng kuya mo," nakangiting sabi niya habang nakahawak sa selda. Umiling siya sa akin. "'Wag mo nang isipin ang kalagayan ko ah? Okay lang ako at to be honest, mas kampante na ako kasi wala na si John Pablo."

"Ma naman eh!" Saway ko sa kaniya habang pinupunasan ang luha ko. "Ma, promise ilalabas kita dito. Ilalabas ka namin dito ni kuya. Hindi nga lang ngayon, pero soon."

Nasa loob na kami ng city jail dahil dito na dinala si mama after mapatunayang guilty siya. Si Kuya ay wala dito dahil may trabaho siya at kaya naman ako nandito ngayon dahil wala na akong ganang mag-aral.

"Gaya ng ginawa ni Jeremy sa tatay niya?" Nakakalokong ngumiti sa akin si Mama. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "'Wag mo nang babalikan 'yon ah? Ang weird at iba na ang sitwasyon niyo ngayon. Hindi na kayo pwede."

"Ma naman eh! Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin ngayon? Alam ko naman na po 'yan at kahit hindi niyo na sabihin ay iyon ang gagawin ko!" Umirap ako sa kaniya.

"Talaga lang ha?" Tinaasan niya ako ng kilay ngayon. "Siya nga pala, ikaw na ang bahala sa paupahan natin. Ikaw na ang mangasiwa no'n ngayon at ang kuya mo busy 'yan sa trabaho niya at malaki rin ang sahod niyan kaya 'yung paupahan, sa'yo na 'yon kasi kailangan mo 'yun."

"Ikaw ang kailangan ko, Mama." Every human needs a mother on their sides, lalo na ako. Ang hirap sa'kin ngayon na unting-unti nang lumulubog si Mama.

Hindi naman kasi ganito dati si Mama at alam kong ako rin ang dahilan kung bakit siya nasa kulungan ngayon. Hindi naman niya papatayin si John Pablo kung hindi dahil sa akin.

"After 20 years, Chloie. O kaya ay hindi na talaga ako makalabas dito," tumawa siya pero ako umiiyak pa rin. "Bantayan mo si Tessie ah? 'Yong babaeng pa naman 'yon matagal magbayad. Baka pag nalamang ikaw na ang nangangasiwa ay mas lalong hindi siya siya magbayad."

Mama was wrong. The truth is, nang malaman nilang nakulong si Mama dahil sa pumatay ito ay lumipat na sila ng bahay.

"Lilipat na kami, Claire. Mahirap na, killer pala ang nanay mo. Mabuti at kahit papano ay hindi ako napatay. Ito 'yung bayad ko last two months oh. Nagbayad last time si Mystica kaya wala na kaming kulang ah?"

"Sige po," ito na lang ang naisagot ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kay Mama. Kasalukuyan akong nasa tapat ng apartment na pinapaupahan namin.

"Claire, magkita pa rin tayo. Lilipat kami pero magkakaibigan pa rin tayo nila Xander ah--"

"Hay nako Misty! 'Wag ka nang makipagkaibigan diyan at baka mapatay ka pa niyan," kunot-noong sabi ni Aling Tessie. "Wala na kaming utang ah? Let's go, Misty."

"Hayaan mo na 'yang si Aling Tessie! Wala naman siyang alam para husgahan kayo eh! For sure naman na may malalim na dahilan si Mama Gemma." Napangiti ako sa sinabi ni Xander. At least, I have Xander at my side.

"Iyan ang gusto ko sa'yo eh," natatawang sabi ko. Tiningnan ko ang cellphone ko kung anlng oras na. "Xander, alis na muna ako. Dadalo ako sa libing ni Sir."

Binigyan ako ni Xander ng nakakaawang tingin. "Kailangan mo pa bang pumunta diyan? Masasaktan ka lang na naman eh. Makikita mo si Je," nag-aalalang sabi niya.

Umiling ako sa kaniya at ngumiti. "Hindi naman siya ang pinunta ko roon. Isa pa, kailangan ko talagang pumunta kasi sinave ni Sir Lienzo ang buhay ko. Ano ba naman ang makipaglibing ako sa kaniya."

"Hmmp! O sige! Basta't huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng gwapo niyong sir ah?"

Tumango ako sa kaniya. "Ikaw na lang ang sisihin ko," pagbibiro ko at saka tumawa ako. Siya naman ay umirap.

-

"LIENZO was a good son," panimula ni Mr. Melecio Leonardo. Namumula na ang kaniyang mga mata at ilong dahil sa labis na pagluluksa. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "I didn't expect that his life is too short, yet he has many achievements in his life. Twenty four years, is not enought but I can say that in those years, it's enough for me because he always makes me feel proud."

Nag-iiyakan ang mga tao sa message ni Mr. Melecio. Nasa altar siya, nagbibigay eulogy para kay Sir Lienzo. Nasa dulo ako ng simbahan dahil hindi pa rin mawala sa akin ang feeling na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Nasa first row ang kaniyang pamilya including his mom, Beauty and Jeremy. Mabaha ang naging speech ni Mr. Melecio pero wala na akong naintindihan doon. Parang kamag-anak ko si Sir dahil sa lahat ng tao dito, ako ang labis na umiiyak.

"Sis tama na 'yan. Si Beauty nga oh, hindi na masiyadong umiiyak. Parang natatanggap na niya," pagpapakalma sa akin ni Mara pero hindi ko magawa. Dinamayan ako ng mga kaklase ko sa dulo kahit na gusto ni Elaine sa harap ay dito na siya naupo.

"Naubos na ang mga luha ni Beauty, Claire, but that doesn't mean na hindi siya nasasaktan. What I mean to say is, please, 'wag mo nang pahirapan ang sarili mo," nag-aalalang sabi ni Harrymond. Niyakap ako ni Mara.

"Tama lang 'yan! Kulang na kulang pa ang pag-iiyak niyang iyan. Dahil lang naman sa kaniya kaya---"

"Sheda Elaine!" Maarteng sabi ni Harrymond. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero dahil sa sinabi niyang iyon kaya nag-away silang dalawa. Nakisali pa si Mara.

"Maraming salamat sa mga dumating, sa mga nakiramay. We highly appreciated it. Chloie, anak," nagulat ako sa pag special mention sa akin ni Mommy Carlotta. "Please, don't blame yourself. It's not your fault. Patawarin mo na ang sarili mo."

Mas lalo akong naiyak. I am wearing a long sleeve black dress, black lipstick, black hat and black stilettos. Paano niyang nagawang patawarin ko gayong hindi ko mapatawad ang sarili ko. She really is angel. Mula noon, hanggang ngayon.

"Lienzo never hated me even though I left him and his father." Bahagya siyang napangiti. "Unlike my firstborn, Jeremiah. But don't get me wrong, we're okay now. What I'm trying to say is Lienzo is very understanding man. He always wanted me to be happy. Not just me, but all the people in his life, he wanted them to be happy. Hindi na ako nagtatakang iniligtas niya ang buhay ni Chloie."

Paanong mayroong isang taong gaya ni Sir Lienzo? Nagpatuloy si Mommy Carlotta sa kaniyang eulogy at pagtapos niya ay si Beauty naman ang nagsalita. Kung kanina ay hindi na siya umiiyak, ngayon ay lumubas ang mga itinatago niyang luha.

"Hindi ko inakalang mamatay ka agad, Kuya!" Humarap siya sa kabaong ni Sir Lienzo. "Kung alam ko lang na hanggang dito, maiksi ang buhay mo. Sana hinayaan na lang kita sa mga pang-aasar mo. Sana tinanggap agad kita bilang kapatid ko. I'm so so sorry. Pasaway akong estudyante, kahit pa sabihin niyong may honor ako. Pagdating kay kuya, ang mean ko."

Nagtawanan kahit papano ang mga nakiramay. Nagdrama pa nang marami si Beauty pero ang lahat ng mga sinabi niya ay puro pagsosorry.

"Sana pala kahit super annoying si Kuya Enzo, sana hinayaan ko na lang pala. Kung alam ko lang na mamatay din siya agad. Sana pag nag-aaway kami at naiinis ako sa kaniya, sana hindi ko sinabi na mamatay ka na! Because I don't really mean it."

Muling nagtawanan sila kahit si Beauty ay iyak-tawa rin dahil sa mga pinagsasabi niya. After niyang magsalita ay pinalitan na siya ni Jeremiah. Una niyang ginawa ay bumuntong-hininga at saka pumikit.

He is wearing a white long sleeves polo na nakatupi hanggang sa kaniyang siko at black pants. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na ang layo niya sa akin ay nakikita ko ang kagwapuhan niya at the same time ay ang sakit sa puso niya. Dalawa lang naman ang patay sa pamilya niya.

"First of all, I would like to thank my mom and Tito Mel for allowing me here even though my dad," napanhinto siya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "...killed Enzo. I also want to sincerely apologize for my father's mistake although it's unforgivable."

"We forgive you! It's not your fault!" Sigaw ni Mr. Melecio habang nakangiti nang kaunti.

"I love you, Anak," si Mommy Carlotta.

"I will miss my lil bro. I will miss our bonding. I think he's too nice, that's why the world doesn't deserve him. We all know how good Lienzo is and I don't need to elaborate it because I know that you know it all. I..." humikbi siya. "I just want to apologize to my brother. He doesn't deserve that kind of death. He doesn't... deserve the bullets."

Kung kanina ay tawanan, ngayon naman ay mas lalong nag-iyakan dahil sa eulogy ng isang kuya na namatayan ng kapatid. Hinahabol ko na ang paghinga ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak. Inabutan ako ng tubig ni Harrymond pero hindi ko tinanggap iyon.

How can I freely drink and breathe while Sir is now dead. Hindi kaya ng konsensya ko ang lahat ng ito. Hindi ko kaya na ako buhay, tapos masaya? Samantalang si Sir Lienzo ay ayun, nasa kabaong na.

Natapos na sa kaniyang eulogy si Jeremiah at iniabot na ang mic sa nag-hohost. "Meron pa po bang gustong magbigay ng last message para kay Lienzo Japeth Leonardo?"

Walang pag-aalinlangan akong nagtaas ng kamay. Naagaw ko ang atensyon ng mga tao. Mistulang naging runaway model ako na nag catwalk dahil titig na titig ang lahat ng mga tao rito hanggang sa makarating ako sa altar. For sure, they all know who I am. Pag tinanong ba naman kung bakit namatay si Lienzo, bibida na ang pangalan ko.

"First of all, I would like to thank Sir Lienzo for saving my life. At the same time, I would like to apologize to Sir Lienzo and to all of his family. Though my sorry isn't enough, I know it. Sir Lienzo will remain forever in my heart." Napangiti ako matapos kong sabihin iyon.

Oras na siguro para mag confess ako sa kaniya. It's now or never. "The truth is, Sir Lienzo is my ultimate crush." Nagawa ko pang ngumiti kahit nanlalabo rin ang mga mata ko. "He is such a gentleman, genius, lovable and handsome. Who wouldn't fall for him?"

Parang roller coaster ang emosyon namin dito dahil ngayon ay nagsigawan naman ang mga co-member ko sa Lienzo Leonardo's babies na fans club. Ang ilan ay kinikilig dahil sa mga sinabi ko. Kahit si Mara, tuwang-tuwa na ngayon at pumapalakpak pa.

"I started liking him when I was seventeen. Vice president ako sa fans club namin at talagang sumasama ako sa mga laban niya, sa iba't-ibang lugar sa pagpipinta. He always won 'cause he's the best. Walang pangit sa ugali ni Sir Lienzo. I believe we all agree to that?"

Muling nagsigawan ang mga estudyante ni Sir. "Kapag tumingin palang sa'yo si Sir, nakakapanghina na kasi ang sincere ng mga tingin niya. He really is my ideal man, our ideal man, right?" Pangdadamay ko sa mga fans ni Sir.

Kahit ang mga teacher ay kinikilig din sa mga sinasabi ko. "He is my first love," naging malungkot na ang tinig ko. "Sana ay panaginip na lang ito, kaso hindi. Kung alam ko lang ang kahihinatnan ni Sir? Sana ako na lang 'yung nakahiga ngayon." Napayuko ako at nanahimik na ang mga tao.

"Parang movie nga lang ito or gaya ng mga teleserye, na sinisave ni Mr. Right ang kaniyang Ms. Right. Kaya lang ay di gaya ng mga nasa palabas, namatay ang Mr. Right ko. Nakakamatay naman kasi talaga ang bala ng baril."

Ang kaninang hiyawan at asaran ay nawala. "Kaya ang last message ko kay Sir Lienzo ay sana mapatawad mo ako, Sir. Sana maging masaya ka kung nasaan ka man. Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko."

Pagkatapos no'n ay binitawan ko na ang mic. At saka ko lang din narealize na nakikinig pala si Jeremy. Ano kayang naramdaman niya gayong kakabreak lang namin. Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko?

Sinabi kong nasa puso ko si Sir Lienzo pero hindi na in a romantically way. Siguro bilang kaibigan o superhero na nagligtas sa akin. Wala naman na akong dapat pang iexplain sa kaniya dahil break na kami at pangit din na sabihin ko sa kaniyang siya pa rin ang mahal ko dahil kapag break na, break na.

#

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

50K 710 11
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
41.9K 1.6K 32
WATTYS 2018 BOOK WINNER✔️ Nobody knows, but I am dead.
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
538K 12.8K 65
Pumasok si Alvie sa isang kakaibang paaralan kasama ang mga kaibigan, dahil sa kagustuhan ng mga magulang ay wala siyang magagawa. Matutuklasan niya...