Carpe Diem

Par GorgeousJam92

4.2K 269 410

Chloie Claire Broñola is a simple senior highschooler who will fall in love to Jeremiah Soriano who is a memb... Plus

PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Once More
Wakas

KABANATA 30

88 4 4
Par GorgeousJam92

"Life always surprises us in the most unexpected way
That's why we must be prepared
CHANGE is the only permanent in this world."
-Claire

CLARA'S POV

Dahil sa nalaman ko kay Mama ay mas lalong gumulo ang isipan ko. Ngayon ko kinakailangan ng gabay mula kay Mikaelo Angelito, hinihiling na sana hindi pa huli ang lahat. Baka sakaling mayroon pa akong mabago.

"Mikaelo!" Tawag ko sa labas ng simbahang Baclaran kahit na hindi ako sure kung pupuntahan ba niya ako o maririnig niya ba ako. Wednesday ngayon, umaga at kahapon ako nadischarge sa ospital. Naisip ko na ang simabahan ang pinaka the best na puntahan kaya nag cut ako ng class para pumunta dito.

Para akong tanga na naghahanap dito ng tao o anghel na hindi ko naman sigurado kung nandito ba. "Mukhang nangyari na ang nakatakdang mangyari, Chloie."

Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay si Mikaelo na nakaoutfit pa ng Barong Tagalog at mayroon pa siya ng sumbrerong mayroong balahibo. Halatang galing pa sa ibang panahon. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Bakit naman gano'n Miks s-si Sir Lienzo, namatay na..." hindi ko na napigilan ang umiyak. Naramdaman ko ang kamay niya na humahagod sa likuran ko.

"Hindi siya namatay, Chloie. Pinatay siya. Dapat ikaw 'yong namatay pero magpasalamat ka dahil siya ang napuruhan at ikaw, heto buhay at pakalat-kalat." Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko ang braso niya.

"Mikaelo naman eh." Akala ko ay nakikipagbiruan siya sa akin pero hindi pala dahil kahit tumawa ako ay hindi siya natawa. Tumigil na lang ako at nagsimula ng maglakad papasok sa simbahan upang magdasal.

"Ito ba ang gusto mong mangyari, Chloie? Gusto mo bang maulit ang pagkakamali ng nakaraan?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya at umiling.

"S'yempre hindi. Kaya nga ako nandito kasi I want to pray and to ask you advice. Ayaw ko nang may sumunod kay Sir Lienzo ng dahil sa akin." Tumingin ako sa kaniya sa mata at seryoso itong tinitigan. "Alam ko ang kuwento nina Hermosa at Graciano. Ayaw kong mangyari iyon sa'min."

Tumango sa akin si Mikaelo. "Tama kung kaya't nararapat na bitiwan mo na si Gabriel. Salamat din pala sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit buhay ka pa rin ngayon. Siya ang nagdonate ng dugo mo."

Tumango ako sa kaniya dahil alam ko ang bagay na iyon. Kumuha ako ng three candles at nagsindi para magdasal. Unang kandila para sa pamilya ko, pangalawa ay kay Gabriel at pangatlo kay Sir Lienzo.

Kahit sa kandila, love triangle talaga kami.

"Alam mo, ako'y napapabilib nang bahagya kay Gabriel. Kung noon ay siya ang dahilan kung bakit ka nagpakamatay, aba ngayon siya na ang dahilan kung bakit ka nabuhay. Masasabi kong mayroon siyang character development." Binalewala ko ang sinabi niyang iyon dahil magsisimula na akong magdasal.

Lord, kayo na ang bahala sa pamilya ko. Huwag naman po sanang may masamang mangyari sa amin lalo pa dahil sabi ni Mama, puwede kaming patayin ng Pablong 'yun. Huwag niyo po kaming pababayaan.

"Huwag naman din sanang ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay ni Gabriel 'no?" Doon na naagaw ang atensyon ko. Sinamaan ko ng tingin si Mikaelo kaya natawa siya sa akin. Pinagtitinginan siya ngayon ng mga tao dahil sa outfit niya. "Mali ka. Pinagtitinginan ako ng tao dahil makisig akong ginoo."

Napatigil ako at napangin sa mga mata niya dahil sa sinabi niya. "Lalaki ka pala? All this time akala ko beki ka kasi ang kulit mo, the way you speak ang prangka tsaka boses bakla, tapos 'yung kilos mo, ang lamya-lamya."

Binale-bale ko pa 'yung kamay ko na para bang ginagaya ko 'yung kilos ng mga bakla. Napangiwi naman siya dahil sa iniasta ko at umirap. See? Diba parang beki.

"Gaga! May angel ba na bakla? Tsaka hello? Ang judgmental mong babaita ka!"

Kita mo, nagmumura na nga, parang bakla pa magsalita.

"At FYI, nababasa ko 'yung iniisip mo 'no! Tsaka bakla ka, iniisip mo pa talaga 'yung pagkatao ko sa gitna ng lahat? Dai! Maraming problema ka ngayon oh!"

Pagkatao? Tao ka ba?

Hay naku! Ba't ko ba iniisip ang mga bagayna 'yan! Magdadasal na nga lang ako. Panggulo 'tong si Mikaels. Pinikit ko na ang mga mata ko.

"Better! Dapat kanina mo pa ginawa!"

Lord, si Gabriel po, kung hindi po siya para sa akin, gawin Niyo po sana ang lahat para maging kami hanggang sa huli. Ayaw ko po ng ibang lalaki, si Gabriel lang po talaga. Ngayon---

"Kakaibang binibini! Hindi iyon maaari! Kung hindi kayo ni Gabriel, hindi talaga! Siya ay nakatadhana sa ibang binibini at ikaw naman ay nakatadhana kang mamatay."

Hindi ko na masiyadong pinakinggan ang huling sinabi niya para hindi na ako madistract. Itong angel na 'to, kung hindi siya kilala ay mapagkakamalan ko talaga 'tong budol-budol.

Ngayon lang po ako humiling sa inyo kaya please, sana po, siya na talaga. Ako rin, gagawin ko po ang lahat ng gusto Niyo para sa akin basta magkatuluyan po kami ni Gabriel. Matuloy na po sana ang love story namin ni Gabriel na noong 1896 pa naudlot.

"Tila ang kapal ng iyong mukha, Chloie. Nakakatawa kang pakinggan," natatawang sabi ni Mikaelo Angelito. "Pagkatapos mong magdasal ay hayaan mong payuhan kita." Tumango na lang ako dahil ayaw ko na siyang manggulo pa.

About kay Sir Lienzo naman po, Lord. Buksan Niyo po ang pintuan Niyo sa kaniya at patuluyin Niyo po siya sa Inyong kaharian. Mabuting tao po 'yong sir namin. Kayo na po ang bahala sa kaniya.

"Sa langit talaga mapupunta si Leonardo dahil noon pa man ay mabuti na itong tao at alam nating lahat na busilak ang kaniyang puso. Ang dapat mong dinadasal ngayon ay future mo. Dapat ipanalangin mo na, nawa'y ibigay na sa iyo ang buhay na ito.

Bumuntong hininga ako at tumango. Nakatingin ako sa sahig. "Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang future ko. Hindi lang ito tungkol sa amin ni Gabriel," tumingin ako sa mga mata niyang kulay blue. "Tungkol na rin ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging future ko!"

Natawa siya matapos kong sabihin 'yon. "Malamang dahil tao ka lang. Feeling mo, angel ka na rin kasi angel ang kausap mo? Hindi, tao ka pa rin!" Napangiwi ako kay Mikaelo.

Minsan ang lalim niya magsalita minsan naman parang kasing edaran ko lang siya. Nalilito din ako sa isang 'to eh.

"Of course! Binabagayan ko lang kung nasaan ako 'no! Minsan kaya napapalalim ang aking pananalita ay dahil pakiramdam ko ay nasa aking harapan si Maria Clarita Arcilla ng taong 1896."

"Tumitigil ka na nga! Nanonose bleed na ako!" Napakalalim na naman kasi ng Tagalog niya. Nagsimula na ang maglakad palabas kaya sumunod na rin siya. Matirik ang araw ngayon at masakit sa balat, pero pinili pa rin naming maglakad sa Baclaran.

"Ibig kong sabihin 'di ko makita 'yong sarili ko sa isang trabaho. Hindi ko mafeel na magiging teacher ako, abogado ako, engineer ako o kung ano pa mang trabaho 'yan. Nakakainggit nga 'yong iba, elementary pa lang alam na kung anong future work nila. Ako nga.." natatawa akong lumingon kay Mikaelo. "Nursing 'yong pinapakuha nila sa'kin, pero takot ako sa dugo. Nagnursing rin ako kasi... 'yun ang choice nila Beauty."

Matagal kaming nabalot sa katahimikan ni Mikaelo hanggang sa humangin nang malakas. I thought nga matatangay na ako ng hangin mabuti na lang may nahawakan akong poste. Natatawa kong tiningnan si Mikaelo Angelito dahil sa nangyari sa akin pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin ngayon.

Bakit ganern? Minsan ang serious niya tapos minsan nakikisakay siya sa akin, madalas nakakainis siya.

Tumingin siya sa simbahan at muli siyang tumingin sa akin. "Bakit hindi mo maisip magmadre? Hindi ba iyon... sumagip sa iyong isipan, hija?"

-

HANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Mikaelo Angelito. Madre raw, nakakatawa kung papakinggan. Hindi sa masamang magmadre, masama nga lang kung ako dahil hindi naman ako banal.

Oo, palasimba ako pero hindi pa rin puwede eh kasi makasalanan pa rin naman ako inaamin ko 'yon, tsaka gusto kong magkaanak. I want to be a mother, and a wife also. I want to experience a happy family. Tapos 'yong magiging padre de familia, gusto ko mamahalin niya ng sobra 'yung mga anak namin, tapos s'yempre ako. Kung tatanungin niyo ako kung sino, lalayo pa ba tayo? Si Gabriel Jeremiah.

"Claire, mabuti naman at nakadalaw ka na." Malamig na sabi ni Beauty. Namamaga ang mga mata niya dahil for sure umiyak siya nang sobra at malalim din ito na nagsasabing kulang siya sa tulog. Magulo din ang kaniyang pagkakaponytail at namumula ang ilong niya.

"I'm sorry..." iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Sunod noon ay ang luha na sunud-sunod ng tumulo. "I'm so sorry, Beauty, hindi ko ito ginusto." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Hinayaan niya naman akong gawin ito ngunit hindi niya ako niyakap pabalik.

"Gosh Beau, Claire, don't make a scene here!" Nag-aalalang sabi ni Mara. I continuously cry with saying apologies while Beauty is just standing and can't move. "It's not your fault, Claire. It's the suspect's. Stop blaming yourself."

Dumating si Gabriel at hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko, sinusubukan akong pigilan sa paghagulgol pero nabigo siya. Hinarap ko siya at masama agad ang tingin ko sa kaniya.

"Napakasama ng tatay mo," mariing bulong ko sa kaniya. Napayuko na lang siya at tumango. He knows that his father is a monster. Napaiyak na naman ako at sa pagkakataong 'to, sa bisig na ni Gabriel.

Sa isang mamahaling funeral ibinurol si Sir Lienzo. What do I expect, he's an inherito afterall. Siya ang dapat na magmamana ng eskwelahan, hospital at kapihan na negosyo ng kanilang pamilya pero heto siya ngayon at pinaglalamayan.

Nakita ko ang ama niyang si Dr. Leonardo na dean ng university namin at CEO naman ng hospital na katabi lang ng university namin. Ang totoo niyan, doctor talaga ang tatay ni Sir Lienzo. Ang university naman na pinapasukan namin ay namana niya lang sa kaniyang ina na mayaman din, lola ni Sir Lienzo at ang kapihan ay mula sa kaniyang ama na lolo si Sir. 'Yong hospital, siya 'yong naghirap do'n.

Diba, ang 'yaman? Sanaol.

Kaya't masasayang ang lahat ng pinaghirapan niya dahil lahat ng 'yon ay wala ng pagmamanahan. Ang dapat na tagapagmana ay pinaglalamayan na ngayon. Nakokonsensiya ako ng sobra.

Masasabi kong mabuting tao si Dr. Leonardo dahil welcome pa rin ako dito kahit ako ang dahilan ng pagkamatay ng anak niya. Maging si Gabriel nga ay malayang nakakapasok dito kahit na ang tatay niya ang pumatay sa kapatid niya.

"Where's your father?" Tanong ko kay Gabriel nang medyo kumalma na. Nakaupo na kami ngayon at nasa harapan ang kabaong ni Sir Lienzo. Nakasandal ako ngayon sa matigas niyang dibdib habang ang kamay niya naman ay nasa buhok ko, marahang hinahaplos ito.

"Hindi ko alam," he sounded so frustrated. "I'm sorry, Chloie. Nanggugulo na naman si Daddy. Hindi na talaga dapat siyang lumabas ng kulungan. Hindi pa pala siya nagbabago. Ngayon pati kapatid ko, napahamak na."

Mayroong bakas ng pagkalungkot at galit sa boses niya pero hindi ko iyon ininda. Ang iniisip ko ngayon ay ang galit ko. "Bakit pa kasi nakalaya 'yang tatay mong kriminal?" Naiiyak na sabi ko. Hirap na hirap akong bigkasin ang mga sinabi ko dahil umiiyak pa rin ako.

"It's my fault." Dahil sa sinabi niya ay napalayo ako sa kaniya at tumingin ako sa mga mata niya. "Ginawa ko ang lahat ng paraan para makalaya si Dad kasi siyempre, he's my father after all. Sino ba ang mag-aasikaso--"

"You did?" Pinandilatan ko siya ng mata. Napatikom naman siya at tumango. "Tang ina naman, Jeremiah!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Gusto kong tanungin kung bakit niya nasisikmura na palayain ang tatay niya kahit na napakasamang tao nito pero alam ko naman na ang isasagot niya. Tatay niya ito kahit na anong mangyari.

"I'm sorry, Chloie. Kung alam ko lang na--"

"You should have known," pabulong na sabi ko. I don't want to make scene here kasi nakakahiya naman na kung mag-eskandalo pa ako rito. Ako na nga ang may dahilan kung bakit namatay si Sir, tapos manggugulo pa ako sa burol niya.

"I'm sorry--"

"Sorry, sorry, sorry! Putanginang sorry na 'yan! Maibabalik ba niyan ang buhay ni Sir Lienzo?" Hindi ko na nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ko pero anong magagawa ko? Nagagalit ako ngayon. Nagagalit ako sa John Pablong 'yan, kay Gabriel at lalong-lalo na sa sarili ko.

Umiling si Gabriel at tiningnan niya ako na para bang humihingi pa rin siya ng kapatawaran kaya naman napairap ako. "Sir Lienzo is a good man, Gabriel. Malaki siyang kawalan sa mundong 'to! Hindi niya deserve na mamatay at hindi niya deserve na mabaril. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng mamatay ay siya pa at bakit sa dinami-rami ng puwedeng maging suspect ay tatay mo pa?"

Hindi ko na mapigilan ang boses ko pero wala pa rin namang makarinig dahil nasa unahan kami. Ang iba ay nasa bandang gitna o kaya sa likuran at magkukwentuhan kung gaano kabait na tao si Sir Lienzo.

"Tatay mo pa, tatay mo na naman. Siya na naman, ang dapat sa kaniya, makulong!" Seryoso at malinaw na sabi ko kay Gabriel na agad naman niyang tinanguan. "Gusto ko rin siyang makausap, Gabriel, you know? Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya pinatay papa ko, bakit niya ako gustong patayin, bakit niya ako binaril at bakit.. bakit siya nangdamay ng inosenteng tao, Gabriel?" Humihikbi ako habang sinasabi ko 'to.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyong iniregalo sa akin dati ni Beauty, kasi daw lagi kong nawawala ang panyo ko kaya heto, walain ko na rin daw 'tong regalo niya noong 7th birthday ko. Natawa tuloy ako sa kalagitnaan ng pag-iyak ko kaya gulat na napatingin sa akin si Gabriel. Maybe he is thinking that I'm now crazy bitch.

"Pero siyempre, ayaw ko namang hiwalayan ka kasi hindi mo naman kasalanan 'yon eh." Muli akong tiningnan ni Gabriel at sa tingin niyang iyon, may nakikita siyang pag-asa. "Siyempre hindi kita hihiwalayan kasi mahal kita."

Dahil sa sinabi ko ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Love, please don't ikamamatay ko. Promise me, tayo pa rin. I will marry you, I promise. After you graduate, please. Maayos natin ang lahat. Si Papa? Ipapakulong ko siya promise. I won't make a promise that I can't keep."

"Mamatay man lahat ng chismosang kapitbahay namin?" Natawa siya sa tanong ko pero seryoso ako roon. Tumango siya habang tumatawa pa rin.

"Oo, Hon. Please, don't leave me." Sa halip na sumagot, niyakap ko siya nang mahigpit. Even if it's hard, even if... my family doesn't like Gabriel anymore, it's okay. I still like him. I still love him.

Hindi naman sila ang papakasalan ni Gabriel pagdating ng araw, ako naman. Hindi rin naman nila alam ang lahat ng hirap ko sa love story namin noon ni Gabriel kahit hanggang ngayon, kaya hindi nila ako mapipigilan kung sino ang dapat kong mahalin.

Okay nga lang kahit walang-wala na ako, basta nasa tabi ko si Gabriel. Kahit madaming problema, okay lang, basta kami. Okay lang din kahit araw-araw na'kong umiiyak ngayon basta't may Gabriel na magpapatahan sa'kin, solve na'ko ro'n.

"Sisilipin ko lang si Sir Lienzo," paalam ko kay Gabriel. Agad naman niya akong binitawan sa pagkakayakap kaya tumayo na ako para lumait sa kabaong ni Sir.

Si Sir Lienzo, ang mapayapa niyang tingnan. Ang gwapo niya pa rin kahit sa huling sandali. Hindi nakakapagtaka na naging crush ko ang isang 'to eh. Napangiti ako, pero siyempre, malungkot 'yon. He looks like he is just sleeping, but the truth is, he will never wake up again.

"Sorry, Sir," panimula ko. Sinubukan kong muling ibuka ang bibig ko pero hindi ko pala kaya. Nakakaiyak at nakakakonsensya. Naramdaman ko na lang ang malamig na kamay sa likuran ko. Si Beauty pala kaya mas lalo akong napaiyak.

"Why life is so unfair..." hindi tanong iyon. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa kabaong ni Sir Lienzo. "Pati ba naman sa buhay na 'to, pagkakaitan siya."

Tila tumigil ang mundo nang sabihin niya iyon. Nagsitandigan ang mga balahibo ko, at naluluha akong lumingon sa kaniya.

And at this moment, I knew that she knew our past lives too. I discovered that just like me, she also knew our tragic past.

#

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Socorro Par Binibining Mia

Roman Historique

1.1M 69.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
66.5K 3.1K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
4.3K 171 30
"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na...