Carpe Diem

Door GorgeousJam92

4.3K 272 412

Chloie Claire Broñola is a simple senior highschooler who will fall in love to Jeremiah Soriano who is a memb... Meer

PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Once More
Wakas

KABANATA 13

91 6 3
Door GorgeousJam92


"Ipagpatuloy niyo sana ang naudlot niyong love story noon. Nawa'y pagbigyan kayo ng panahon ngayon."

- Beauty 2018

CLAIRE 2018

UWIAN na namin pero bigo pa rin ako dahil hindi ko nakausap nang maayos si Beauty. I feel like she has a problem. She is just reading the book Mi Amore during break time. Ang sabi niya ay magfofocus daw muna siya sa pagbabasa nito.

"Broñola, Chloie?" May tumawag sa akin sa labas habang inaayos ko ang mga gamit ko para makauwi na. Medyo hindi pa rin ako okay kaya uuwi na talaga agad ako.

Nagtaas ako ng kamay para makita ako ng babaeng hindi ko kilala pero alam kong grade 12 student din siya.

Lumapit ako sa labas at tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit po?" Sanay na ako sa ganito. 'Yung may tumatawag sa akin na hindi ko kilala.

Hindi sa famous ako, kung hindi dahil ay president ako ng section namin. Ako 'yung laging hinahanap ng mga teachers namin.

"Pinapatawag ka ni Sir Leonardo." Tumango ako doon sa babae at umalis naman na siya. Wala kaming subject ni Sir Lienzo kaya ako pinatawag sa iba. Hahakbang na sana ako palabas kaya lang ay hinawakan ni Beauty ang bag ko dahilan upang mapabalik ako sa loob ng classroom.

"Uwi ka na? Sabay na tayo!" Nakangiting sabi niya. Nakasunod sa kaniya si Mara. Umiling ako sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin matapos marinig ang sagot ko at inirapan ako. There, nag balik na si Beauty sa kaniyang usual self.

"Pinapatawag daw ako ni Sir Lienzo Leonardo eh. Sige na mauna na kayo, hindi rin ako sasama sa inyo in case na magmamall kayo eh," sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad at binitawan na rin ni Beauty ang bag ko.

"Samahan ka na namin baka mamaya mahilo ka pa, hindi ka pa naman okay 'diba?" Tanong sa akin ni Mara. Umiling ako sa kaniya kahit tama ang sinabi niya.

"Hindi, okay lang ako." Ngumiti pa ako para ipakitang okay lang talaga ako. Binigyan nila ako ng mapanuring tingin at inilingan. Nilagay pa ni Beauty ang likod ng kamay niya sa noo ko.

"Sasamahan ka na namin sa ayaw at sa gusto mo," seryosong sabi niya. Ngumiti na lang ako at tumango. Wala naman na akong magagawa eh. Narating na namin ang faculty kung saan naroon si Si Lienzo.

"Broñola!" Sinalubong ako ng maaliwalas niyang mukha. Napatingin siya sa mga kasama ko. "And the squad." Tumawa siya pero inirapan lang siya ni Beauty. Awkward namang tumawa si Mara at ngumiti lang ako. "Next week na gaganapin ang Buwan ng Wika niyo. I need you to cooperate."

"Sige po, Sir. Anong gagawin ko?" Sabi ko at nilabas ang cellphone ko para irecord ang pag-uusapan namin. Instead of taking notes, why not record? Diskarte lang 'yan. Nakakatamad na rin kasi maglabas ng notebook at ballpen gayong uwian na.

"Sa Saturday 'yun. Ipeperform niyo 'yung Noli Me Tangere sa stage. 'Yung mga hindi makakasali, gagawa na lang props at scripts. Three pm 'yun and pagkatapos ng performance, babalik kayo sa classroom natin at doon tayo kakain," paliwanag niya habang nagtatype ng kung ano sa laptop niya.

"Sige po, Sir. Anong oras po dapat pumunta dito?" Tanong ko. Humarap siya sa amin at ngumiti. Nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni Mara. Feeling niya siguro siya 'yung nginingitian but the truth is ako.

"One pm ang calling time. Sa clasroom muna tayo tapos gumawa kayo ng mini activity para mayroon tayong bonding. Ikaw na ang bahala Broñola. Magpatulong ka sa mga class officers," sabi niya at ngumiti ulit.

Biglang nag ring ang cellphone ni Mara at tumingin sa amin. "Nag call si Mommy, out lang ako," sabi niya at lumabas na. Sumunod naman sa kaniya si Beauty, nabobored na yata.

Lalabas na rin sana ako kasi wala naman na yatang sasabihin si Sir kaya yumuko na ako. "Ah Broñola, sandali." Napatingin ulit ako sa kaniya kasi may pahabol pa pala siya. Mabuti at di ko pa naiiend ang recorder. "How are you? Mabuti at nakapasok ka na."

Napangiti ako dahil hindi ko ineexpect na concern siya sa akin. "Okay na po ako, Sir. Kaya naman na. Sorry po pala kasi naging epic 'yung field trip dahil sa'kin." Napapahiya akong tumawa.

"Ano ka ba? Don't say that. Ang mahalaga ay nadala ka namin sa hospital agad at ngayon ay okay ka na. Pwede ko bang malaman kung bakit ka nahimatay?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I was about to answer it but I realized that it's hard to believe. Ako? Nakapunta sa South Korea? Nakapunta sa Antarctica. Maybe he will think na hindi pa rin ako magaling at may sakit pa. Kung sabagay, even me hindi pa rin ako sure kung totoo ba 'yun, kung panaginip ba, kung daydream ko ba or imagination.

"H-hindi ko rin po alam, Sir." Iyon ang totoo. Bakit naman ako hihimatayin ng walang dahilan 'di ba? First time kong mahimatay at ang masaklap ay sa public place pa and I am with my classmates.

Tumango siya sa akin. "Ang mahalaga ay okay ka na. Masaya akong okay ka na, Claire." Pagkasabi niya no'n ay nakaramdam ako ng saya. Saya dahil masaya siya na okay na ako. Saya rin dahil... hindi na ako nakakaramdam ng kilig o kung ano man sa kaniya. Naka move on na ako. Well hindi naman talaga naging kami pero wala na akong feelings sa kaniya. "I want you to take care of yourself always because you are important to me and you are special."

PAGKALABAS ko ay naabutan kong naghihintay sa labas si Mara at Beauty. "Arat na?" Tumango naman sila at nagsimula na kaming maglakad. Pagkalabas namin ng university ay mayroong bumusina sa harapan namin. Si Gabriel.

"Kuya Gabbi!" Bakas ang pagkatuwa sa masiglang pagbati ni Beauty. It's very unusual kasi knowing her, hindi siya masiyadong close sa mga kuya niya and ang alam ko ay minsan lang ito magkuya. Pag may kailangan lang daw siya eh.

Pagkalabas ni Gabriel sa kaniyang kotse ay agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ni Beauty kaya napangiti si Gabriel at hinagod ang likuran ni Beauty. "Masaya akong makita kang muli. Masaya din akong kapatid pa rin kita kahit masama ka."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Gabriel dahil sa sinabi ni Beauty. Bahagyang tinulak niya si Beauty. "Should I take it as a compliment? Anong masama? Si Tito ang may ayaw sa akin, Beauty. Kaya rin hindi ako nakakabisita. Nahihiya ako sa kaniya."

Nalaglag naman ang panga ni Beauty sa sinabi ni Gabriel. Parang may nasabi siya na hindi niya dapat sabihin. "K-k-kaya ka nga masama Kuya kasi hindi ka na nagvivisit sa'min ni Mom! Namimiss ka rin kaya namin, Kuya!" Reklamo niya.

Ngumiwi si Gabriel. It looks like hindi siya naniniwala kay Beauty. "Really? Why are you calling me kuya by the way? Do you need something, baby?" Nagtaas ng kilay si Gabriel. Umirap naman si Beauty.

"Grabe Kuya you're so mean! Kapag ba tinawag kitang kuya ibig sabihin may kailangan na agad ako sa'yo? Hindi ba puwedeng nagbagong buhay lang ako?" Humalukipkip si Beauty. "By the way kuya what are you doing here pala? Sinusundo mo ba ako?"

Natawa si Gabriel sa tanong niya. "Of course not. Why would I do that? Baka ipapatay ako ng dad mo." Bumaling siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. No, Gabriel. Hindi mo sasabihing ako ang sinusundo mo. "I am here for Chloie."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya kahit ineexpect ko nang iyon nga ang dahilan. Natatakot lang ako sa susunod niyang sasabihin. "Chloie? Chloie Claire? Chloie Clairenece Broñola?" Nagtaas ng dalawang kilay sa akin si Mara pero iniwasan ko siya ng tingin. What should I do? Sasabihin ko ba sa kanilang nanliligaw siya sa akin?

"Hindi! Chloie May Broñola." Inirapan siya ni Beauty. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinong Chloie May Broñola naman ang tinutukoy niya? Baka madapa ang Chloie May Broñola na 'yun dahil bigla siyang namention dito. "Pero wait... WHAT? Si Claire?"

Tumango si Gabriel at hinawakan ang kamay ko at itinabi ako sa kaniya. Napatingala naman ako sa kaniya dahil ang tangkad niya talaga at walang emosyon siyang tumingin kay Beauty pero nakangiti. Para siyang napipilitan lang sa pagngiti? Ang taong 'to talaga, ang hirap espelengin.

"Yes. I am courting her, for your information. May pupuntahan pa ba kayo?" Nakangiting umiling si Beauty sa amin at pumalakpak pa.

Hindi man lang ba siya nagtaka kung paano kami nagkakila? Well nagkita naman sila sa birthday ko at aware siyang senior ng kuya ko ang kuya niya pero hindi sapat na dahilan 'yun para hindi siya magtanong. Knowing her, madaldal 'yan at marami siyang tanong palagi.

"Wala na, uuwi na rin kami. Good luck sa date niyo! Ingatan mo siya Kuya at nilalagnat pa siya." Lumapit siya sa akin at bumeso na hindi naman talaga niya ginagawa. "Ipagpatuloy niyo sana ang naudlot niyong love story noon. Nawa'y pagbigyan kayo ng panahon ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya. Bakit parang mayroon siyang alam na hindi ko alam? Bakit parang dapat kong alamin ang kung anuman ang sinasabi niya? Bakit biglang nagbago si Beauty?

-

NASA loob na kami ngayon ng black car at dahil nasa Pilipinas kami, traffic. Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Wala naman rin kasi kaming sasabihin sa isa't-isa at isa pa, malalim ang iniisip ko.

"Ipagpatuloy niyo sana ang naudlot niyong love story noon. Nawa'y pagbigyan kayo ng panahon ngayon."

Bumabalik-balik sa akin ang sinabi ni Beauty. Anong ipagpatuloy at ano ba ang alam niya? Pilit ko rin inaalala ang sinabi sa akin angel daw na nakasalamuha ko. Hindi na malinaw sa akin ang aming napag-usapan. Kung tatanungin ako, mas gugustuhin kong makasalamuha siyang muli.

Lumipas pa ang mga minuto pero nanatili kami sa posisyon namin at walang pag-usad na nagaganap. For sure late na naman akong makakauwi kaya bumaling na ako kay Gabriel. "Gabriel ba't ang tagal nama--" automatically, napatigil ako sa pagsasalita dahil pati siya, naka stop din.

Seryoso siyang nakatitig sa kalsada at ang mga kamay niya ay nasa manubela. Winagayway ko ang kamay ko sa kaniya para pagalawin siya in case na nakatulala lang siya pero hindi pa rin siya natinag. Napatingin ako sa bintana ng kotse at nakitang nakastop din ang mga tao.

Nasa tapat kasi kami ng isang public market ngayon at ang mga mamimili na nasa labas ay nakastop. Ang mga tricycle driver ay nakastop din. Ang mga batang nagtatakbubuhan ay nakatigil rin pati na ang isang batang badyao na dapat ay sasakay ng jeep.

"Oh my god! What happened?" Mahinang sabi ko dahil nanghihina na ako. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako.

Feeling ko ay nahahawa na ako kay Mara sa pagiging baliw niya pero ibang level ang akin at mas malala. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. Nanlaki ang mga maga ko ng makita kong five o'clock pa rin. How come eh almost one hour na kami dito!

"Nice to meet you again, Binibining Clara." Napatingin ako nang biglang may nagsalita sa likod. Nasa tabi kasi ako ni Gabriel at wala namang nakasakay sa likod namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangiting lalaki na malawak ang ngisi ngayon sa akin. "Binibining Chloie Clairenece na pala, my bad."

Pamilyar ang lalaking ito dahil siya rin ang lalaking nakasalamuha ko noong nagfield trip kami.

"M-Mikaelo? Angelito?" Tumango siya ng dalawang beses at ngumiti ulit sa akin. Tumingin siya kay Gabriel at umiling siya.

"Hindi ba at pinagbawalan na kita? Ang sinabi ko sa iyo ay iwasan mo ang taong 'yan." Tinuro niya si Gabriel kaya napaturo rin ako kay Gabriel. "Si Gabriel Soriano ang dati mong asawa, Claire."

Ngayon, nalaglag na ang panga ko dahil sa sinabi niya. Dati kong asawa? Kailan? Bakit hindi ako nainformed tapos siya alam niya?

"What are you talking about?" Napahawak ako sa ulo ko as in 'yung dalawang kamay ko, hawak na 'yung ulo ko.

Hindi ko kasi alam kung totoo ba ito o panaginip pa rin. Pinagtitripan na naman ako ng mamang 'to eh! Ang tanda na niya para makipaglaro sa'kin! Well hindi naman siya sobrang tanda. 'Yung face niya mukhang forty lang gano'n.

"I mean sa past life mo. Remember what I told you the last time we saw each other?" Bumalik sa akin ang lahat ng pinag-usapan namin noon. Tumango ako at itinaas niya ang hintuturo niya at iginalaw pakaliwa at pakanan ng tatlong na parang sinasabing 'no' or 'don't'. "Huwag na huwag ka ng lalapit pa sa lalaking 'yan."

Napatingin ako sa nakatulalang si Gabriel. Mistulang naging instant statue ang lalaking 'to.

"Bakit naman? Wala naman siyang ginagawang masama ah? Tapos ang bait niya sa'kin." Tiningnan ko ang seryosong si Mikaelo Angelito. "Alam mo bang siya ang nag-alaga sa'kin matapos akong magkasakit dahil sa kung saan-saang lugar tayo pumunta at magkakaiba ang klima?" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Alam mo bang wala akong pakialam?" Walang ganang sagot niya at sumandal sa inuupuan niya. Ngayon ay parang relax na relax siya samantalang litong-lito naman ako. "Hoy, ikaw ang may gusto ng mga pinuntahan nating lugar. Ikaw ang nagrequest kaya bakit parang kasalanan ko." Tinuro niya ang sarili niya.

"Nevermind. Sabihin mo na lang sa'kin kung bakit mo ako ginugulo, kung ano 'yung plano mo at kung ano ang gagawin ko para lubayan mo na ako." Tumingin na lang ako sa bintana at gano'n pa rin ang mga tao.

"Layuan mo lang si Gabriel Soriano pagkatapos ay kailanman ay hindi na ako manggugulo pa sa iyo," seryosong pagkakasabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Kung hindi, hindi na ako mawawala sa paningin mo."

"Bakit ba ganiyan ka!" Sigaw ko sa kaniya. Tumingin ulit ako kay Gabriel na nakatulala. "Bakit ba ang sama ng tingin mo sa taong ito? Wala naman siyang ginagawang masama ah? Sino ba ang nag-utos sa iyo na guluhin ako dito, ha?"

"Ikaw." Dinuro niya ako. "Ikaw ang nag-utos sa aking magtungo dito sa future. Nanahimik akong nagbabantay sa'yo sa panahon ng 1902, pinapunta mo ako dito. Well, ayos lang naman sa akin dahil trabaho ko ito bilang isang anghel. Ang magbantay sa mga taong naliligaw."

Napapikit ako dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko na naman ang kirot sa sentido ko kasi hindi pa ako totally na magaling. "Sabihin mo sa akin ang eksaktong dahilan kung bakit ko lalayuan si Gabriel. Kapag may point ka, lalayuan ko siya."

Nakakalungkot naman kung lalayuan ko ngang talaga siya. Kakakilala pa lang namin, kakasimula pa lang niya sa aking manligaw, kakasimula ko pa lang siyang mahalin... tapos ay kakailanganin ko na siyang iwanan?

"Amirae Gruvibda Malma Anduerus Avoya Malnakreshiah!" Iniangat niya ang dalawang kamay niya at umiilaw ito. Nanlaki ang mata ko at pilit kong kinakalma ang sarili ko pero hindi ko na magawa. Itinapat niya sa akin ang kamay niya.

"Waaaah!" Sigaw ko dahil sa sobrang hapdi ng ginagawa niya. Feeling ko, kinukuryente niya ako ngunit kasabay noon ay ang pagbalik ng mga alaala ko noong Spanish Era na tinutukoy niya.

Ako si Clara Arcilla ng panahong 'yun. Ipinanganak ako noong May 17, 1873. Nagmula ako sa mayamang pamilya ng Arcilla at nagmamay-ari ng barkong Arcilla noon.

Kaibigan ko na rin noon sina Beauty na si Hermosa noon at Mara na Nara noon. Kami ay napasok noon sa kumbento at mapapalad kami dahil nakakapag-aral kami, samantalang ang ibang kababaihan ay walang kakayahan.

Si Sir Lienzo? Kilala ko na rin pala noon. Siya si Señor Leonardo na kapatid na rin noon pa ni Hermosa at kagaya ng noon, may lihim na pagtingin ako sa kaniya ngunit wala siyang gusto sa akin.

Nag-iisang anak lang ako noon at napangasawa ko si Gabrielo Solidad at siya ang dahilan kung bakit ako...

"Hindi!" Umiiling na sabi ko pero tumango lang siya. Hinawakan ko ang ulo ko. "Hindi 'yun totoo, paanong ako pala ang madalas kong napapanaginipan Mikaelo Angelito?"

Parang bumaligtad ang sikmura ko dahil sa nalaman ko. Bakit ko naman ginawa 'yun? Bakit naman ako nagpakamatay ng dahil lang sa hindi nila ako pinapakinggan? Ganoon na ba talaga ako kalungkot? Ganoon na ba talaga kasira ang ulo ko para gawin ko 'yun?

Napahagulgol na ako at paulit-ulit ang sigaw ko ng hindi, hindi ko buhay 'yon, hindi ako 'yon, hindi ako mamamatay sa ganoong paraan.

"Nais mo bang maulit ang mga nangyari dati?" Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay naglaho na siya na parang bula at nagsimula ng umandar ang sasakyan. Nagsimula na ring gumalaw ang mga tao sa labas at maging si Gabriel ay nagdadrive na. Ako naman ngayon ang natigilan.

"Are you okay?" Inosenteng tanong ni Gabriel kaya napatingin ako sa kaniya ngunit hindi ko na siya maaninag nang maayos dahil nanlalabo na ang paningin ko. Natatabunan na ito ng namumuong mga luha ko.

-

PAGKAUWI namin sa bahay ay hindi na kami nag-usap pa. Hindi ko siya kinikibo at kapag natatanong siya at tango o hindi kaya iling lang sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nadiskubre ko.

Grabe 'no? Totoo pala 'yung reincarnation?
Pero hindi eh! Iba eh! Iba na ang noon at ngayon. Magkaiba ang sitwasyon namin noon at ngayon. Maaaring kaya kami nagtagpong muli ay para ituloy ang dati naming pagsasama.

Nagbalik sa akin kung paano ko minahal noon si Gabriel bilang Gabrielo Solidad. Naalala ko kung paano ako nabaliw dahil sa pag-ibig niya, kung paano ako nangulila sa kaniya noon, kung gaano kasaklap ang nangyari sa amin noon. Kahit na ganoon, parang gusto ko na siyang sagutin ngayon dahil mahal ko siya eh! Mahal na mahal.

Mahal na mahal... 'yung tipong handa akong mamatay muli para sa kaniya.

Hindi lang ang alaala ang nagbalik sa akin. Bumalik din sa akin ang pagmamahal ko para kay Gabriel. Kaya ngayon, mas pipiliin kong mahalin ko ulit siya. Lalakasan ko ang loob ko at mamahalin ko siya. Siguro naman kaya kami nagkitang muli para sa second chance?

"Sissy narinig mo ba ang sinabi ko?" Nakataas ang kilay na sabi ni Xander. Nandito kami ngayon sa terrace namin. Dinadalaw niya ulit ako dahil alam niyang hindi pa ako masyadong okay. Umiling ako sa kaniya dahil iyon naman ang totoo.

"Ha?" Inirapan niya ako. Tumingin naman ako sa sahig dahil ang lalim ng iniisip ko na naman at hindi ko matanggap ang nalaman ko. Nakabihis na ako ngayon ng puting t-shirt at maong shorts. Si Xander naman ay nakasuot ng green na v-neck at jersey na short.

"Ang sabi ko, parang magiging totoong sissy na tayo!" Nakita ko ang kislap sa kaniyang mga mata. "Sabi ni Papa, nililigawan niya daw si Tita Gemma!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ha?" Ngayon, kahit na narinig ko, gusto kong ulitin ang sinabi niya. Ayaw kong tanggapin na may nanliligaw kay Mama kahit na patay naman na si Papa. Ayaw ko lang. Ayaw kong may kahati kami kay Mama.

"Paulit-ulit tayo dito, Sis?" Inirapan niya ulit ako. "Well, okay lang naman sa'yo, 'diba? Wala naman ng asawa si Tita Gemma at matagal na ring hiwalay ang mama at papa ko."

"Bakit okay lang sa'yo?!" Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng boses. Nagkibit balikat siya at kunot-noong tumingin sa akin. Mababakas ang pagtataka sa kaniyang hitsura.

"Bakit naman hindi?" Bumuntong-hininga siya. "Sis, wala naman tayong magagawa kung nagmamahalan 'yung dalawa eh." Inirapan ko siya kasi tutol ako. Selfish na kung selfish pero ayoko eh. Bakit ba?

"Ayokong may kapalit si Papa eh." Inirapan ko siya. Tapos ang usapan. Bigla ko tuloy naalala si Papa. Kaunti lang ang alaala namin at pilit ko itong inaalala para hindi ko siya makalimutan. Ang pinakamalinaw na alaala ko sa kaniya ay 'yung pinatay siya.

Eight years old ako noong namatay siya at Linggo noon. Nakasuot ako ng dilaw na dress na binili ni Mama noon sa mall. Apat kami, magkakasama na magsisimba sana kaso paglabas namin ng bahay ay may nakasalubong kaming riding on tandem.

Biglang binaril nang naka-angkas sa motor si Papa sa dibdib dahilan upang matumba ito at hindi lang iyon isang beses. Maraming beses 'yun at hindi ko na iyon nabilang. Ang tiningnan ko na lang ay si Papa na bumulagta at ang bibig niya na nilabasan ng malapot na dugo.

"Eduardo!" Sigaw ni Mama at agad na dinaluhan si Papa. Hinawakan ni Mama ang ulo ni Papa habang inaalog-alog ito at pinilit na gisingin ang nakapikit ng mga mata ni Papa.

"Papa!" Lumapit na rin si Kuya at niyakap ang Papa namin na hindi ko alam kung buhay pa o hindi na. "Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ni Kuya smanatalang ako, nakatulala na lang at natatakot na lumapit kay Papa.

Bilang isang bata, natatakot akong lumapit sa patay. Idagdag niyo pa na ako, mismo, nakasaksi kung paano tumama ang baril sa dibdib ni Papa. Kung paano lumabas ang malapot na dugo ni Papa sa kaniyang bibig at higit sa lahat natatakot din ako na baka patay na nga si Papa. Ayaw ko siyang mamatay!

Pero namatay pa rin si Papa. Iyak kami ng iyak noon kasi namatay si Papa dahil pinatay siya hindi dahil may sakit ito o naaksidente. Sobrang bigat sa pamilya namin 'yon. Idagdag niyo pa na hindi nahuli ang pumatay noon kay Papa. Wala namang pinagkakautangan noon si Papa at mas lalong wala siyang kaaway kaya palaisipan kung sino ang pumatay noon kay Papa.

Ang masaklap, hanggang ngayon hindi namin alam kung sino. Hindi na rin binuksan ni Mama ang kaso dahil masiyadong masakit ito para sa amin. Ang sabi ni Mama, hayaan na lang namin ang karma ang gumanti sa taong iyon. You know, law of karma? Napailing ako nang balikan ang masaklap na alaalang iyon.

KINABUKASAN, sabay ulit kaming pumasok ni Gabriel. Hinatid niya ulit ako papasok sa university at oo, hindi ko siya nilayuan. Sino ba ang Mikaelo Angelito na iyon para sundin ko? Hangga't wala akong nakikitang mali at masamang ginagawa sa akin ni Gabriel ay hindi ko siya lalayuan. Baka rin kasi, kaya kami nagtagpo ay dahil oras na para sa aming dalawa. Oras na para maayos namin ang gusot sa love story namin dati.

"Gabriel!" Tawag ko sa kaniya matapos ang mahabang katahimikang bumalot sa amin. Nilingon niya ako. "Sinasagot na kita." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at inihinto ang sasakyan. "Ba't mo hininto? Ituloy mo, wala pa tayo sa school." Saway ko sa kaniya.

Nabalik naman siya sa huwisyo at pinaandar na ulit ang sasakyan. "Sinasagot mo na ako? So tayo na?" Hindi na niya matago ang ngisi sa kaniyang labi. Siguro weird 'no? Kasi ngayon lang kami nagkakilala, pero niligawan na niya ako, sinagot ko na siya. Parang ang dali naming mahulog sa isa't-isa

Mas may katuwiran ako kasi bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan kaya ko siya sinagot. Naalala kong mahal na mahal ko siya noon kaya ko siya simagot at kaya ko siya minahal ulit ngayon, kahit na nakakatakot. Eh siya? Ano bang alam niya? Ang dali naman niyang mainlove. Natawa ako.

"Seryoso 'yan ah? Hindi mo ako binibiro. We are officially together?" Paniniguro niya kaya natawa ako lalo. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumisi sa kaniya. Tumaas ang dalawang balikat niya dahil sa gulat nang hawakan ko ang kamay niya.

"Yes. I'm your girlfriend now and you are my boyfriend." Ngumiti ako ngunit may bahid iyong lungkot. Hindi ko alam ang kahihinatnan naming dalawa pero itutuloy ko ito at hindi papakinggan ang kahit na sino.

Kahit nakakatakot, kahit hindi sigurado, kahit kalaban ko ang sarili ko which is si Clara noong 1902, sasagutin ko pa rin si Gabriel. Mamahalin ko pa rin siya at walang magagawa ang kahit na sino.

Narating na namin ang university at bago ako bumaba, nagsalita siya. "I'll fetch you later, my girlfriend." Tumawa siya matapos niyanh sabihin iyon. Nararamdaman kong hindi pa siya sanay at nahihiya pa siya sa akin.

"I'll wait for my boyfriend then." Nakangiting sabi ko. Unti-unti siyang lumapit at nagnakaw ng halik sa aking noo. Agad akong natigilan at namula ang pisngi ko.

Kaya naman bumaba ako sa sasakyan ng may ngiti sa aking labi. Nakangiti ako habang kumakaway sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon ko. Hindi ko inakalang may tinatago pala akong tapang.

"Nangyari na ulit. Nangyayari na ulit ang nangayari noon." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatulala sa akin si Beauty. Nang mapansin niyang nakatingin ako, pilit siyang ngumiti.

S-sandali... ano ang sinasabi niya kanina? Nangyari ulit ang nangyari noon. Mayroon ba siyang nalalaman. I think may alam din siya. Kaya... kaya siguro naging weird si Beauty lately kasi... may alam siyang siya si Hermosa dati.

#

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

Socorro Door Binibining Mia

Historische fictie

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
1.7M 90.2K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...