Carpe Diem

By GorgeousJam92

4.3K 272 412

Chloie Claire Broñola is a simple senior highschooler who will fall in love to Jeremiah Soriano who is a memb... More

PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Once More
Wakas

KABANATA 9

104 5 2
By GorgeousJam92

CLARA'S POV 1896

NGAYON ang itinakdang araw namin ni Señor Leonardo upang makapag-usap o makakain sa labas. Maayos na maayos ang lagay ko ngayon at ang aking hitsura.

Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at nilagyan ko pa ito ng palamuti. Naglagay din ako ng simpleng kolorete sa aking mukha upang madepina ang aking kagandahan. Napangiti ako sa aking sarili.

Nakasuot ako ngayon ng kulay dilaw na baro't saya. Kanina pa ako nagpapa ikot-ikot dito sa salamin. Ito ang unang araw naming lumabas ni Señor Leonardo kung kaya't aking siniguro na maayos na maayos ang aking kalagayan. Halos ipaligo ko na rin ang pabangong binili ni Ina mula sa Italya.

"Anong masamang espiritu na naman ang sumanib sa aking pinsan?" Kunot-noong pumasok ang salihis kong pinsan sa aking silid. Nginitian ko lang siya nang matamis. Ngumiwi lamang siya.

"Ngayon lang naman ang aming unang labas ni Señor Leonardo. Ako ay niyaya niyang lumabas." Ayaw ko mang magmalaki ngunit kusa iyong lumabas sa aking tinig. Napairap siya dahil sa sinabi ko. Idagdag niyo pa ang aking pagtaas ng noo.

"Ikaw ay ingrata! Paano naman na si Señor Gabrielo, Pinsan?" Tanong niya. Kumunot naman ang aking noo sa kaniya at nagpamewang ako sa harapan niya.

"Akala ba'y huwag akong mahuhulog sa kaniya?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Hindi ba't pinatunayan mo pa sa aking siya ay babaero? Bakit ngayon tila bumaligtad na ang mundo?"

"Si Señor Gabrielo ay tunay na iniibig ka. Nakikita ko iyon, Clarita! Hindi naman siya nanliligaw sa ibang mga binibini ngunit pagdating sa iyo... iba ka Clara." Seryosong pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa aking mga mata.

"Eh paano kung ako'y masaktan? Ika'y sasaktan din" Tumalikod ako sa kaniya at nagbiro upang itago ang pait sa aking tinig. Hindi ko kasi rin alam kung saan ko pinanggalingan ang pait. Marahil ay dahil nahihirapan akong magtiwala sa tulad niyang babaero.

"Bakit hindi mo siya subukan kung gayon?" Napaharap na ako ngayon kay Sandrino. "Labis ang pagpapahalaga sa iyo ng Señor na iyon sa'yo ngayon. Hindi ko nais na magsisi ka sa huli dahil hindi mo siya binigyan ng pagkakataon."

LABIS tuloy ang pag-iisip ko nang malalim dahil sa pinagsasabi ni Sandrino. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga sinasabi niya. Noong nakaraang araw lamang ay ayaw na ayaw niya akong mahulog kay Gabrielo ngunit ngayon ay nais na niyang bigyan ko ng pagkakayaon si Gabrielo. Ang pinsan kong iyon ay may pagka balimbing din.

Sinabi niya na babaero si Gabrielo. Pakatapos ngayon ay sasabihin niyang iba ako sa mga naging babae ni Gabrielo. Dapat ay si Gabrielo ang aking kinakausap tungkol dito. Pakikinggan kaya niya ako? Hindi ba ay nakakahiya naman iyon?

"Binibining Clara!" Tawag sa akin ni Señor Leonardo dahilan upang itigil ko ang malalim kong pag-iisip. "Aking tinatanong kung ano ang iyong nais kainin?"

Nakonsensiya tuloy ako sapagkat si Señor Leonardo, na aking labis na hinahangaan simula pa noong una at kasama ko ngayon ay hindi ko napagtutuunan ng pansin. Kasalanan itong lahat ni Heneral Gabrielo Solidad!

Nasa isang kainan kami ng mga Kastila. Sa aking palagay ay ako lamang ang kumakaing Pilipino dito dahil si Señor Leonardo ay may lahi rin. Hindi ako pamilyar sa mga putahe kung kaya't nahirapan akong pumili sa isang papel.

"Kahit ano na lang, Señor." Natawa siya sa aking iniasta at siya na ang namili ng aking kakainin Umiling ako sa aking sarili. Hindi tamang isipin ko si Gabrielo gayong kasama ko si Señor Leonardo.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mayroong pumasok sa kainan at iniluwa ng pinto sina Gabrielo at mayroon siyang kasamang binibini!

Ngunit siya ba talaga iyan? Hindi kaya ay namamalikmata lamang ako dahil sa labis na pag-iisip sa kaniya? Kumurap-kurap ako upang malaman kong siya ba talaga iyan at siya nga iyon. Muli, MAY KASAMANG BINIBINI. Napakababaero talaga!

"Ang iyong kuya oh!" Ako ay ngumuso upan ituro sa kaniya kung saan naroroon ang kaniyang kapatid. Napatitig na muna siya sa aking labi bago tumingin sa kingagawian ng kaniyang kapatid.

"Señor Leonardo!" Bati sa kaniya ng binibining kasama ni Gabrielo. Hindi ito tama! Ako ang nililigawan ni Gabrielo ngunit ngayon mayroon siyang kasamang binibini. Napairap tuloy ako.

"Señorita Alecia," bati ni Señor Leonardo at tumayo itinapat niya ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib at yumuko nang bahagya. "Ako'y nagagalak na makita kang muli."

Ang aming lamesa ay pang-apatan kung kaya't dito na rin nakiupo ang binibining si Artenia nang hindi humihingi ng pahintulot. Umupo ito sa aking kanan. Wala naman nang nagawa si Gabrielo sapagkat umupo na ang kaniyang binibini sa aming lamesa. Naupo na lamang siya sa aking kaliwa. Si Señor Leonardo naman ay nasa tapat ko.

"Ako rin Señor Leonardo, nagagalak akong makita kang muli." Hinawakan niya ang kaniyang saya at bahagya siyang yumuko. Bumaling naman siya sa akin. "At sino naman itong masuwerteng binibini?" Nakangiting tanong niya.

Akmang sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni señor Leonardo. "Naku, hindi. Si Binibining Clara ay aking kaibigan lamang. Siya ay matalik na kaibigan rin ni Hermosa. Hindi ba, Gabrielo?"

Tila nanunusok naman ang titig sa akin ni Gabrielo. Tinaasan ko siya ng kilay sapagkat mayroon din siyang binibining kasama. Inaakala kong matitinag siya sa pagtaas ko ng kilay ngunit ako'y nagkamali dahil ako ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kinakaya ag kaniyang nanunusok na titig.

"Nagagalak akong makilala ka, Binibining Clara," nakangiting bati niya. Ako naman ay hindi. Mabait naman talaga akong tao sa kapwa, kaya lamang ay naiinis ako sa kaniya sa hindi malamang dahilan. "Hindi ba't sa pagkakaibigan nagsisimula ang pagmamahalan?"

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ngayon ako napangiting tuluyan sa kaniya. Nagustugan ko na siya bilang tao.

"Por favor, Señorita. Kaibigan ko lang talaga si Binibining Clara," maaliwalas na ngumiti sa akin si Señor Leonardo. "Sa katunayan ay para ko na rin siyang kapatid. Matalik siyang kaibigan ng aking kapatid, kung kaya't kapatid na rin ang turing ko sa kaniya."

Ang maliit na pag-asang nabubuo sa akin para sa amin ni Señor Leonardo ay tila naglaho na rin. A-ano raw? Kapatid? Kapatid ang turing niya sa akin? Kanina lamang ay kaibigan ngayon ay kapatid na.

Kapatid pala ah? At kailan pa siya naging anak ng aking mga magulang? O ako, kailan ko sila naging kapatid?

Ang labo naman niya kausap at kay hirap intindihin ngunit isa lamang ang aking natitiyak. Hindi niya ako kayang mahalin bilang isang binibini na kaniyang kasintahan.

-

"Bakit kayo magkasama ni Leonardo?" Tanong sa akin ni Gabrielo. Kami ngayon ay nasa aming mansyon na.

Kakauwi ko pa lamang sa aming mansyon ay nagpupumilit na agad siyang pumasok dito. Kilala naman siya ng aming mga guardia personal kung kaya't pinapasok na siya. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa heneral?

"Ano't nangingialam ka?" Nanghahamong sabi ko.

"Dahil ako ay iyong manliligaw." Mahina ang kaniyang boses ngunit mariin ang pagkakasabi niya. "Ako ay binigyan mo na ng pakakataon tapos ngayon malalaman kong kumakain kayo sa labas ni Leonardo? Ako ba ay pinaglalaruan mo?"

Nanlaki ang aking mga mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Ako pa talaga ha? Kumunot ang aking noo at siya'y aking dinuro. Sino kaya sa amin ang may kasamang ibang binibini kahit na may nililigawan na.

"Bakit ikaw, mayroon kang kasamang ibang binibini?" Sinobrahan ko ang pagkakunot ng aking noo dahil sa inis. "Nanliligaw ka na sa'kin tapos may ibang babae ka pa?"

"Matalik na kaibigan ko lamang iyang si Alecia at walang namamagitan sa amin, Clara. Bakit hindi mo siya tinanong kanina upang malaman mo kung ano ang totoo!" Ngayon napataas na ang kaniyang boses.

"Bakit ha?" Hinampas ko ang kaniyang matigas na dibdib at nagsimula nang maglabas ng hinanakit. "Ano ba ang kaniyang sinabi kanina? Na sa pagkakaibigan nagsisimula ang pag-iibigan, hindi ba? Maaaring kayo ay mag-ibigan, Gabrielo!"

Hinuli niya ang aking mga kamay na humahampas sa kaniyang dibdib. Ngumuso naman ako sa kaniya dahil sa matinding pagkabigo at pagkalungkot nang hindi ko alam kung saan ko pinanggagalingan.

"Kanino ba niya iyon sinabi? Hindi ba sa inyo ni Leonardo? Siya at ako ay pawang magkababata lamang. Kayo ni Leonardo, bakit kayo magkasama?" Seryoso ang kaniyang mga titig.

"Ikaw ang nanliligaw sa akin! Ikaw ang gumawa ng paraan upang magustuhan kita at ikaw ang dapat na maging tapat sa atin! Ako ang dapat mong sinusuyo at hindi ikaw ang aking susuyuin!" Sigaw ko sa kaniya, wala nang pakialam sa aming mga kasambahay.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi kanina ni Leonardo? Ang tingin niya sa iyo ay tanging pakikipag kaibigan lamang o hindi kaya ay kapatid lamang ang pagtingin niya sa iyo." Seryosong sabi niya.

"Ano naman kung ganoon nga? Wala naman akong pakialam doon dahil hindi ko alintana kung ako lamang ang nagmamahal. Basta't mahal ko siya at sapat na sa akin 'yun." Kasinungalingan. Hinahangad ko ring ibigin niya ako.

"Ngunit narito ako upang mahalin ka nang buong-buo. Hindi mo kailangang maghabol sa isang ginoo na hindi ka namang gusto. Hindi mo kailangang humanga sa isang ginoo na hindi ka naman hinahangan. Nandito ako, Clara."

Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang panlalambot ng aking tuhod. Masyado na akong napagod sa pagtatalo naming ito at napapagod na rin akong kalabanin ang puso ko dahil sa totoo lamang siya na ang tinitibok nito.

Lumapit siya sa akin upang yakapin ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako at hinayaan ko rin ang sarili kong umiyak sa kaniyang dibdib. Hinagod naman niya ang aking likuran at hinayaan akong umiyak sa kaniya kahit na hindi niya alam ang dahilan kung ano ang iniiyak ko.

Sabagay, kahit ako hindi ko alam kung ano ang iniiyak ko ngayon. Litong-lito na kasi talaga ako sa aking puso kung para kanino ba ito tumitibok. Kung para ba ito kay Señor Leonardo o kay Señor Gabrielo.

Nakayakap pa rin siya sa akin at umiiyak pa rin ako sa dibdib niya nang hinawakan ko ang dibdib ko at tinibok ang tibok ng aking puso.

Leonardo

Dinama ko ang tibok ng puso ko habang iniisip ko si Leonardo Solidad ngunit wala pa rin namang nagbabago. Ganoon pa rin ang tibok ng aking puso.

Gabrielo

Doon na nagwala ang aking puso nang isipin ko si Gabrielo Solidad. Mas lalo akong humikbi nang mapagtantong siya na talaga ang aking iniibig at hindi na si Señor Leonardo ngunit si Señor Leonrdo ang aking hinahangaan. Ang gulo talaga ng aking puso at isipan. Silang dalawa ay nagtatalo na.

"Tahan na, mahal ko. Hayaan mo akong mahalin ka at hayaan mo rin ang iyong puso ang magdesisyon kung ako ba ay papasa o kung ang puso mo ay para talaga kay Leonardo. Maluwag kong tatanggapin iyon."

-

AKO AY hapong-hapo nang umuwi ako galing sa Ilog Ligaya kasama sina Hermosa, Nara at Pamela. Aming dinamayan si Hermosa dahil sa aming palagay ay nahihirapan na ito sa buhay ngunit hindi niya iyon ibinabahagi sa amin.

"Clarita, ateng! Ano at ika'y ginabi na?" Halos hating gabi na kasi ang aking dating dahil masyado kaming natuwa sa paglangoy sa ilog ligaya. Hindi alintana kung kami ba ay mahuhuli ng mga guardia civil.

"Aming dinamayan lamang si Hermosa. Hindi ba at siya'y dinakip na nga noong nakaraan, siya'y natagpuan pa sa kagubatan." Malungkot na pagsalaysay ko sa aking pinsang si Sandrino. "Nasaan sina Ina at Ama?"

Isang linggo na ang nakalipas at patuloy sa masuyong panliligaw sa akin si Gabrielo. Araw-araw niya akong hinahatid sundo patungong kumbento at pauwi sa aming mansyon, araw-araw niya akong binibigyan ng mga bulaklak at mga sulat na talaga namang ikinatutuwa ng aking puso.

Alam niyo na ba na malapit ko na siyang sagutin? Kaya lamang ay natatakot pa rin ako. Maaaring isa lamang ako sa mga binibining kaniyang paiiyakin.

Nakauwi na rin sina Ina at Ama pati ang aking tiyuhin mula sa Tsina. Si Sandrino ay nanatili sa aming mansyon dahil mas malapit dito ang Unibersidad ng Santo Tomas na kaniyang pinapasukan.

"Sila'y natutulog na! Ika'y aking pinagtakpan! Sinabi ko sa kanila na ikaw ay nasa iyong silid na kahit pa nasa galaan ka pa, Clarita!" Pinandilatan niya ako ng mga mata dahilan upang matawa ako.

"Salamat ngunit hindi mo naman kailangang magsinulanging para sa akin." Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Mahaba na ang araw na ito. Nais ko nang matulog."

Akmang pupunta na ako sa aking silid ngunit hinila niya ang aking palapulsuhan. "Kami ay iyong pinaghintay nang kay tagal pagkatapos ay matutulog ka na lang?" Nakikita ko na ang ugat sa kaniyang leeg. Napanguso ako dahil hindi ko na siya maintindihan.

"Sandrino, ako'y magtutungo na sa aking silid. Tototohanin ko na ang iyong pagsisinungaling kanila Ama at Ina." Ngumiti ako sa kaniya ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay hinila niya ako patungo sa aming beranda.

Ako'y aangal pa sana ngunit narinig ko ang paglalaro sa gitara. Kumunot ang aking noo at tumingin sa ibaba. Naita ko ang maginoong heneral na may hawak na gitara at nilalaro niya ito. Si Gabrielo.

Nagsimula na siyang kumanta at nagsimula na ring magtambol ang aking puso. 'Yung boses niya, ang lalim, maganda. Ginoong-ginoo ang kaniyang boses at ito ay buong-buo. Ito rin ang unang beses kong narinig ang kaniyang tinig.

Nagsimula namang magpalakpakan ang mga kasamahan niyang guardia pati na ang aming guardia personal. Si Sandrino na nasa aking tabi ay pumapalakpak na rin at humihiyaw.

Pakiramdam ko, nawawala na naman ako. Hindi ko na naman makilala ang sarili ko dahil hindi naman siya ang gusto ko. Hindi naman siya ang hinahangaan ko ngunit heto ang aking puso, animo'y mayroong sariling pag-iisip at tumibok na lamang.

Nalilito ako dahil wala akong nakikitang dahilan kung bakit ko tumitibok ang puso ko para sa kaniya. Hindi katulad kay Señor Leonardo, alam ko na gusto ko siya dahil siya'y maginoo, mabuti, gwapo, matikas, mapagmahal sa bayan at marami pang iba.

Si Gabrielo naman ay hindi ko alam. Sa katunayan lahat nga ng away ko ay nasa kaniya na kung maaari ko lamang utusan ang aking puso ay sasabihin kong

'Mahal kong puso, maaari bang huwag na si Gabrielo Solidad? Siya ay madelikadong tao at talaga namang nakakatakot. Kakayanin mo kaya siya? Maaari bang huwag ka nang tumibok para sa kaniya dahil hindi naman siya ang gusto natin, hindi ba? Si Señor Leonardo ang aking guso at hindi siya.'

"Binibining Clara!" Sumigaw si Señor Gabrielo mula sa ibaba at siya'y mahinang tumawa. Kitang-kita ko ang lalim ng biloy niya sa kaniyang pisngi at ang mapuputi niyang mga ngipin kahit siya'y malayo na.

"Señor! Nawa'y huwag kang mag-ingay. Natutulog na ang mga tao sa mga oras na ito!" Sigaw ko din sa kaniya dahilan upang matawa din siya. Sinaway ko nga siya ngunit heto ako at nag-ingay din.

May binulong siya sa isang guardia na agad namang tumango. May kinuha itong isang tela at malaki ito. Apat na katao pa ang naghawak upang ibalandara ito. Mayroong nakatahi dito.

MAHAL KITA

Iyon ang nakasulat ngunit ang gamit na alfabeto ay ang Baybayin. Kahit papano naman ay marunong ako nito dahil inaral namin ito noon. Hindi ko namalayan ang unti-unti kong pag ngiti. Natagpuan ko ang sarili kong nakangiti na pala kay Gabrielo.

"Maaari na ba kitang maging nobya!" Sigaw niya mula sa ibaba. Hindi alintana kung siya ba'y nakaka abala, hindi alintana kung magising man ang aking mga magulang. Sabagay, kanino nga ba natatakot si Heneral Gabrielo? Hindi ba'y siya ang kinatatakutan dito?

"Oo!" Sa pagkakataong iyon, hindi ang ako ang sumagot. Hindi ko nga namalayan na sinagot ko na pala iyon. Ang puso at ang bibig ko ay nagkaisa. Sila ang sumagot para sa akin. Naramdaman ko na lang ang pamumula ng aking pisngi.

#

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
25.1K 991 25
✏Three Mafia Heiress:Season 2[The First Installment of Heiress Series] ✒After the sad ending of the First Season,the Three Heiress embark to a new jo...
41.9K 1.6K 32
WATTYS 2018 BOOK WINNER✔️ Nobody knows, but I am dead.
49.6K 647 10
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...