2025: The Second Half

By scitusnim

258K 19.3K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... More

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

37 - Chaos

3.9K 362 136
By scitusnim

37 - Chaos



"Lucas, tama na!" awat ni Mara sa binata. Wala na siyang nagawa kung hindi ang iwan ang anak sa umaangal na si Pia. Lumapit siya para tulungan si Jet na awatin si Lucas na kasalukuyang nakadagan at sumusuntok kay Kevin.



"Pre, he already told us why he did that!" sigaw ni Jet habang pilit na hinihila din si Lucas. "He also wants to save Yuan!"



"Yuan would be safer with us!" sigaw pabalik ni Lucas.



"Jet!" sigaw ulit ni Mara noong hindi na nakapagpigil ang binata at sinuntok na din si Lucas.



"Eh, diba nga wala tayong nagawa?!" galit na pagpapaalala ni Jet habang hinihintay si Lucas na makabangon. "Magpasalamat na lang tayo na nakapag-isip agad si Kevin kaya kahit papaano may pag-asang mabuhay si Yuan! Kasi totoo naman, diba?! Na kahit naman hindi 'yon ginawa ni Kevin makukuha at makukuha nila si Yuan! Tanggapin na natin, putangina! Hindi natin siya kayang protektahan!"



Tila nagpanting ang tainga ni Lucas sa huling narinig. Agad siyang tumayo at walang ano-ano'y sinuntok si Jet. "I know! I fucking know! But I never, and would never, intend to just give her to those people!"



Nakahiga pa rin si Kevin sa semento noong marinig niya ang sinabi ni Lucas. Mabilis na tumulo ang mga luha niya.



"You've known her longer than me!" sigaw pa ni Lucas kay Jet. "You know why Warren stays with her even though she always tells him to go away! You know how those years of being alone in an unknown place affected her!"



Naitakip ni Mara ang mga kamay sa kanyang bibig. Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Jet habang itinakip naman ni Kevin ang braso sa sariling mga mata. Si Gian ay nakayuko lamang sa isang tabi.



Napaluhod si Lucas kasabay ng pagtulo ng luha niya. "We fucking sent her alone again to an unknown place..."



"Aiah's there," madiin na sabi ni Gian, sapat para marinig ng lahat.



"Hindi nga natin sigurado kung--"



"Sigurado ako," putol pa ni Gian sa sasabihin ni Jet. "Yuan is her friend."



"Pero hindi natin alam kung nasaan sila ngayon," malungkot na sabi ni Mara. "If only we still have a form of communication..."



Napaawang ang bibig ni Gian ng may maalala. Nag-angat siya ng tingin. "We do."



*****



Tulad ng inaasahan, kinabukasan, maaga pa lamang ay sinundo na si Yuan ng dalawang tauhan ng Crescent. Kinakabahan man sa mga maaaring mangyari, pilit na ikinubli ng dalaga ang lahat ng kanyang emosyon. Hindi siya pumalag kahit pa noong iposas ang kanyang mga kamay.



Kung kahapon ay hindi mabura ang ngiti sa mga labi ni Timmy, ngayon ay matinding pag-aalala lamang ang mababasa sa kanyang mukha. Ramdam niya ang muling pagbukas ng pinto at alam niyang sa muling pagsara niyon ay maiiwan siyang mag-isa.



"Yuan."



Napalingon ang dalaga. Maging ang mga tauhan ng Crescent na umaalalay sa kanya ay napahinto sa paglalakad.



"Do you want to stop the time?"



Napataas ang dalawang kilay ni Yuan. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Huminga siya ng malalim. "If I'd be able to stop anything, I want it to be this apocalypse."



Napansin ni Yuan ang bahagyang pag-awang ng mga labi ni Timmy pero hindi niya na ito nahintay pang magsalita. Hinila na siya palabas ng silid. Tahimik ang mga pasilyo na kanilang dinaanan. Nasa magkabilang tabi niya ang dalawang tauhan na sumundo sa kanya, sinisiguradong wala siyang pwedeng takbuhan.



Tumigil sila sa tapat ng isang malaking pinto sa dulo. Inilapat ng isa sa mga tauhan ang palad nito sa scanner at agad na bumukas ang pinto.



Nagpalakpakan pa ang mga scientists habang pinapanood ang hinihintay nilang subject na maglakad papasok sa malawak na laboratoryo. Hindi nila ito nilulubayan ng tingin hanggang sa iakyat ng mga tauhan sa tila entablado sa gitna ng silid.



Napalunok si Yuan ng makita ang dami ng mga taong naka-pokus sa kanya ang atensyon. Nang maka-pwesto sa gitna ng platform ay nakita niya sina Aiah at Jun na nakatayo sa gilid, kapwa seryosong nakatingin sa kanya.



Isang may edad na lalaki ang umakyat din sa platform. Bahagyang napaatras si Yuan dahil sa lawak ng ngiti nito habang hindi maialis ang tingin sa kanya. Naibalik niya ang tingin kay Aiah nang mapagtanto ang pagkakahawig nito at ng lalaki sa kanyang harapan.



"We've been waiting for you, Ms. Ignacio," malakas na sabi ni Sylvester. "The only zombie who transformed back into a normal human being, huh? What's in your blood?"



Bumaba din agad ang pinuno ng Crescent. Ni walang nasabi si Yuan na kahit na ano. Wala din siyang naramdaman bukod sa matinding galit. Hindi siya makapaniwalang nakaharap niya ang tao sa likod ng apocalypse at hindi niya man lang ito nagawang saktan.



"Prepare," utos ni Sylvester at agad na pumwesto ang lahat.



Nanatiling nakatayo si Yuan sa gitna ng platform at nanonood sa nangyayari sa paligid, hanggang sa umakyat din doon sina Aiah at Jun.



"B-Bakit ikaw..." Si Yuan na mismo ang pumigil sa sarili niyang tanong. Nahahabag siyang panoorin si Aiah habang tinatanggal ang posas sa kanyang kamay. Alam niyang pareho ang tumatakbo sa kanilang isipan - ang araw na iyon, ang sandaling kinakalagan niya ang tali sa kamay ni Aiah noon, ang taong nagtali niyon.



Malungkot na ngumiti si Aiah. Bahagya niyang itinaas ang kamay na hawak ang posas. "They know you can fight. They know you won't if it's me."



Napalunok muli si Yuan. Malungkot din siyang napangiti saka napayuko.



"They know nothing about what I did yesterday," bulong naman ni Jun habang ikinakabit ang mga kable sa braso ng dalaga. "But they changed the plan. They'll inject you with the virus right away."



"What?" pabulong din na tanong ni Yuan.



"The modified antidote is in your blood. Kevin did the right thing," mabilis na sabi ni Aiah. Pasimple pa siyang lumingon sa paligid habang nagpapanggap na tinatanggal pa din ang posas. "You'll be fine."



"But I'll be a zombie again? What if I won't be able to control myself? It's also a modified version of the virus, right? What if I die?"



Natigilan si Aiah. Si Jun naman ang pasimpleng lumingon sa paligid.



"You don't know how glad I am to hear that you fear death," ani Aiah habang nangingilid ang mga luha. Kinuha niya ang isa sa mga kable at ipinasok iyon sa damit ni Yuan. Idinikit niya iyon sa tapat ng puso nito.



"Just remind yourself of what you want and don't want to do before the virus takes over your body," sabi naman ni Jun. "They still have no idea that the problem is greatly related to the human mind. They don't know that you transformed back because you didn't let the virus dictate you of what to do."



"It's not like your men will just let me roam around as a zombie," ani Yuan.



"My father ordered everyone not to shoot you. They plan to use you for as long as they could," sagot ni Aiah. Huminga siya ng malalim. "Actually, don't. You don't have to think at all. It would be better if you become a real zombie and kill everyone you touch."



"What?!" sabay na tanong nina Yuan at Jun.



"Chaos will start and we'll take that as an opportunity to escape."



"Pero nandito din tayo," paalala ni Jun. "She won't recognize us when she turns into a zombie."



Nanatiling seryoso si Aiah at muling lumingon sa dalaga. "I trust you."



"Let's start!" malakas na sabi ni Sylvester.



Walang nagawa sina Aiah at Jun kung hindi ang umalis sa platform. Agad na pumalit ang dalawang tauhan na nakasuot ng makapal at kulay puting full body suit. Dala ng isa ang syringe na naglalaman ng virus. Sa utos ng kanilang pinuno, in-inject nila ang modified virus kay Yuan.



Dahan-dahang umatras ang mga tauhan hanggang sa makababa ng platform. Tumahimik ang buong laboratory, lahat ay nakatingin kay Yuan at hinihintay na mawala siya sa katinuan.



*****



"It's really here." Itinaas ni Gian ang isang keypad phone na nahalungkat nila sa silid na ginamit dati nila Aiah, Yuan, Mariz at Rina. Nang maalala ang kasintahan at ang lahat ng mga kaibigang nawala ay napaupo siya sa kama. Malungkot ang ngiting inilibot niya ang tingin sa silid. Tila ipinapaalala sa kanya ang lahat ng masasakit na nangyari mula ng magsimula ang apocalypse.



"I love you because I know that you trust me."



Matagal-tagal pa bago bumaba si Gian. Nadatnan niya si Pia sa unang palapag at tila naghihintay sa kanya. Ngumiti lamang ito noong makita siya at tahimik silang lumabas ng bahay. Natanaw agad nilang nasa dalampasigan sina Lucas at Jet, nagkaayos din agad ang dalawa at tila may malalim na pinaguusapan. Hindi na muna nila inistorbo ang mga ito at dumiretso na lamang sa van na nakaparada sa di kalayuan.



"Found it?" tanong ni Mara noong makita sina Gian at Pia na papalapit.



Itinaas ng binata ang keypad phone. "Susubukan ko kung makaka-connect pa."



"Diba, tatay niya ang kino-contact niya dyan? O mga tauhan nila?" kunot-noong paalala ni Pia. "Edi, malalaman lang nila kung nasaan tayo? Imposible namang bigyan nila tayo ng directions papunta sa kanila. Saka, hello, bakit pa ba kasi tayo pupunta sa kanila?"



"We need to try," ani Kevin.



"What about the risks?" kontra pa din ni Pia. "Hindi naman tayo sure kung ang babaeng 'yon ang sasagot sa kabilang line!"



Hindi sumagot si Kevin. Si Gian naman ay patuloy lang na nagpipindot sa cellphone at bahagyang lumayo sa van. Nagpapapadyak na naglakad din si Pia palayo, naiinis dahil minsan na lamang siya maging concerned ay wala pang nakikinig sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Mara at pilit na nilaro ang sanggol na karga niya.



"I don't really care about the risks."



Muling napalingon si Mara noong sinabi iyon ni Kevin. Nakita niyang nakatingala lamang ito at halatang malungkot. Malungkot din siyang napangiti habang patuloy ang kamay sa pakikipaglaro sa anak. "You really want to save her, don't you?"



"I'd die for her."



"Even though she won't give that love back?"



Napababa ang tingin ni Kevin pero hindi pa rin siya lumingon kay Mara. Huminga siya ng malalim. "Why can't it be me?"



"Kevin..."



"I'm willing to do anything to save her. Why is that still not enough?"



Bumuntong hininga din si Mara. Hinintay niyang lumingon sa kanya ang binata bago siya muling nagsalita. "But does she want to be saved?"



Unti-unting napakunot ang noo ni Kevin. "She says otherwise, but Yuan doesn't really want to die. We all know that. Deep inside, she wants to live."



"I know, Kevin. I know." Malungkot na ngumiti ulit si Mara. "Everyone has problems and everyone wants to overcome them but, we have different ways and solutions."



Nanatiling tahimik ang binata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Mara.



"I'll ask you again, Kevin, do you think Yuan wants to be saved?



*****



"She's transforming."



"Heart rate is getting fast."



"She's starting to move."



"Stay away! Stay away!"



"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!"



Napuno ng sigawan ang malaking laboratoryo noong maputol ang mga kable at sugurin ng zombie ang pinakamalapit na scientist. Agad itong napuruhan at ilang segundo lamang matapos lubayan ng zombie ay agad na din itong bumangon.



Padami na ng padami ang mga zombies sa silid pero nanatiling nakataas ang kanang kamay ni Sylvester, pinipigilan ang mga staff niya na magpaputok. Tanging ang mga pinakamagagaling at pinakaimportanteng scientists lamang ang iniutos niyang protektahan ng mga tauhan niyang may baril. Ang lahat ng natitira ay walang kaalam-alam na bahagi sila ng eksperimento sa araw na ito.



Nagkakagulo na ang lahat noong makalapit kay Sylvester ang zombie na kanina niya pang sinusundan ng tingin. Akmang susugurin siya nito noong hinila niya ang sariling anak at iniharang ito sa kanyang harapan.



Hindi napigilan ng pinuno ng organisasyon na mapahalakhak noong makita ang pagkilala sa puting mga mata ng zombie. Nakikilala nito ang kanyang anak, nakakapag-isip pa ito. Talaga ngang matindi ang antidote na nagawa ni Dr. Vergara. Sa magkahalong pagkamangha at sobrang inis ay hindi niya magawang tumigil sa pagtawa. Hanggang sa tumama ang isang kamao sa kanyang ilong.



"Sorry, Dad!" sigaw ni Aiah bago hinila ang zombie palabas ng laboratoryo.



Naghihintay na sa pintuan si Jun. "Let's go!"



"Si Timmy?!" tanong ni Aiah.



"Let's just go! They can't hurt her anyway!"



"Hindi papayag si Yuan na iwan 'yon!" sigaw muli ni Aiah saka nauna ng tumakbo patungo sa direksyon ng silid na kinaroroonan ni Timmy. Hawak niya pa din ang kamay ng zombie na nagpapahila lamang sa kanya.



"What are you doing?" tanong ng lalaking may malaking pangangatawan na nakabantay sa labas ng silid.



Hindi malaman ni Aiah ang isasagot kaya hinila niya na lamang si Yuan at itinulak palapit sa lalaki.



"Are you sure she won't hate you when she tranforms back?" nakangiwing tanong ng kakalapit lamang na si Jun habang pinapanood ang zombie na kainin ang bantay.



"Yuan doesn't really know how to hate people," sagot ni Aiah habang binubuksan ang pinto. Nagulat pa sila noong bumungad sa kanila ang mukha ni Timmy na tila inaabangan na ang kanilang pagdating.



Dahil lumaki sa building na iyon, alam na alam nina Aiah at Jun ang pasikot-sikot. Nagawa nilang makaakyat sa nag-iisang hagdan palabas at makarating sa compound kahit pa maraming humahabol sa kanila.



Malapit na sila sa gate noong umalingawngaw ang isang putok ng baril. Napatigil ang lahat sa pagtakbo.



"Run! Go!" sigaw pa ni Aiah kina Yuan at Timmy bago siya lumingon. Tumigil ang mundo niya sa nakita. "No!"



Halos pabagsak na lumuhod ang dalaga sa tabi ni Jun. Hindi niya malaman kung paanong hahawakan ang duguang lalaki na kinalakihan niyang kasama sa organisasyon ngunit kagabi lamang nagpakilala sa kanya bilang kanyang kapatid. Umiiyak na pinanood niya lamang itong mamilipit sa sakit at suminghap para mabuhay.



Unti-unti ng nakakalapit ang mga staff na humahabol sa kanila noong isang pares ng mga paa ang tumayo sa harapan nina Aiah at Jun. Nagkatinginan sila ng mapagtantong si Yuan iyon. Lumingon pa si Aiah sa kanyang likuran at nakitang wala na si Timmy. Napapikit na lamang siya ng mapagtantong binalikan pa rin sila ni Yuan kahit na isa itong zombie. Muli siyang napamulat noong marinig itong magsalita.



"Don't... kill... Kuya... Wa-wie..."



Hindi man alam ang kwento tungkol sa sinabi ng dalaga, napaiyak din si Jun. Nahihirapan man ay inabot niya ang kamay ni Aiah at hinawakan iyon ng mahigpit. "S-Save that kid..."



"I will. I will, Kuya, I promise." Umiiyak na tumango si Aiah. Hinawakan niya din ng mahigpit ang kamay ni Jun.



"W-What did you c-call me?"



"Kuya..." pag-uulit ni Aiah. Tuluyan siyang napahagulgol. "Kuya. Kuya."



"D-Don't follow me yet, Aiah," bilin pa ni Jun habang pinipigilan ang sarili na mapaubo ng dugo. "Don't f-follow Kuya..."



"Don't die, please! Please! We haven't spent time together! Marami ka pang utang sakin! Babawi din ako sa'yo!" pakiusap pa ni Aiah. May iilan ng mga staff na nakalapit sa kanila at nilalabanan ni Yuan pero hindi siya umalis sa tabi ng kanyang kapatid. "Kuya, please..."



"S-Sorry... k-kung wala si Kuya n-noong kailangan mo..." Tuluyan ng napaubo ng dugo si Jun. Paulit-ulit siyang napasinghap. "S-Sorry, Aiah... 'di na... m-makakabawi si Kuya..."



"Sige, wag na! Just stay, please! Please!" paulit-ulit na pakiusap ng dalaga ngunit walang nakinig sa kanya. Naramdaman niya na lamang ang unti-unting pagbitaw sa kanyang kamay.



*****



"Still can't connect?"



Napalingon ang lahat noong marinig ang boses ni Lucas. Madilim na at kanina pang nakabalik si Jet sa sasakyan pero nagpa-iwan ito sa tabing dagat. Ni hindi ito nananghalian.



Bumuntong hininga si Gian at umiling. Iniabot niya ang cellphone kay Lucas saka sumandal sa kinauupuan at pumikit. Tulog na ang katabi niyang si Pia. Tulog na din ang sanggol na si Tricia. Si Jet naman ay kanina pa din humihilik sa passenger's seat.



Umupo si Lucas sa mismong pintuan ng van at doon sinubukang kalikutin ang cellphone. Ilang oras na ang lumipas ay wala pa ding nangyayari pero hindi siya tumigil. Nabawi lamang ang tingin niya mula sa gadget noong humarang doon ang isang cup noodles na umuusok pa.



"Kumain ka muna," ani Mara saka tumabi sa binata. Inilahad niya ang isa niya pang kamay.


Nagdalawang isip pa muna si Lucas bago ipinatong ang keypad phone sa kamay ni Mara. Bumuntong hininga siya saka humigop ng sabaw ng noodles.



"She'll be fine." Huminga ng malalim si Mara. Sa katahimikan ng gabi ay rinig na rinig ang sinabi niya kahit mahina ang kanyang boses. "She's Yuan after all."



"I know." Tumingala si Lucas sa kalangitan. Walang mga bituin. "She's strong. I'm not even worried."



Alam ni Mara na may isang binata pa sa loob ng van ang hindi natutulog at nakikinig sa kanilang usapan. Napayuko siya at napangiti. Gusto niyang marinig nito mula kay Lucas ang kasagutan sa tanong nito kanina. "Then why do you want to save her so bad?"



"I don't," walang pag-aalinlangang sabi ni Lucas.



Bahagyang napalingon si Mara sa loob ng van at nakumpirmang nakikinig nga si Kevin. Halata niyang natigilan ito sa narinig.



"Sa'yo na nanggaling Lucas, mag-isa siya sa lugar na 'yon," sabi pa ni Mara.



"And I'm sure she's not even crying." Sa tono ng binata ay mababakas nga ang kasiguraduhan. "Yuan isn't someone who would just sit there and wait for someone to come and save her. She knows how to fight. She's different and she knows that I understand. That's why she had been telling me not to save her."



"Then why--"



Sabay na napalingon sina Lucas at Mara. Si Kevin na mismo ang pumigil sa kanyang sariling sasabihin. Nangingilid ang mga luha na tinignan niya si Lucas.



Nanatiling normal ang mga mata ni Lucas noong salubungin ang tingin ni Kevin. Walang emosyon. "Yuan's fighting there alone. I'm going there to stand beside her in that fight."

;















Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 380 18
Magnus Academy: The Cursed Blood Continuance As the title suggests, due to unforseen circumstances of that certain Wattpad rule of having only 200 pa...
642K 40K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...