Passionate Obssession [R-18 S...

Galing kay rosequeen21_

804K 18.8K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... Higit pa

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 8☢️

14.4K 359 12
Galing kay rosequeen21_

March 2
10 years ago.

"Bye!" paalam ni Twilight sa mga kaklase niya.

"Bye, Twilight! Ingat ka!"

Tumalikod na si Twilight at tahimik na naglakad sa gilid ng kalsada. Both of her parents are working doctors at busy sa trabaho kaya walang susundo sa kanya kaya sa tuwing uwian, mag-isa siyang naglalakad pauwi since medyo malapit lang naman ang bahay nila.

As a Grade 6 student, she can already act independently and do things on her own. She grew up just fine even without much attention from her parents, given their workload.

Sinipa ni Twilight ang isang bato sa may kalsada atsaka nagpatuloy na naglakad.

Sana kaunti lang pasyente nila Mama ngayon para makauwi sila ng maaga. Yun lang namn ang laging hiling niya.

She can't blame her parents though, naiintindihan niya ang trabaho ng mga magulang niya at ang kaakibat na sakripisyo.

Lumiko si Twilight bago nagpatuloy sa paglakad pero nahinto siya sa pag-iisip nang makita ang kaganapan sa harapan niya.

Sa madilim na parte ng eskinita, tatlong lalaki na may mga takip ang mukha ang nakapaligid sa isang estudyanteng lalaki. Kumunot ang noo ni Twilight nang makilala niya ang logo sa uniporme ng lalaking estudyante. It's the logo of the famous high school in their neighborhood.

Nagulat si Twilight nang biglang sabay-sabay na umatake ang mga lalaki sa estudyante. Nanlaban ang estudyante pero halatang mas lamang ang mga lalaki sa dami nila.

Isa sa mga lalaki ang biglang humablot ng mahabang tubo na gawa sa metal at akmang ihahampas niya sa estudyante na nakatalikod sa kanya pero umakto agad si Twilight. May namataan siyang bato na katamtaman sa laki at pinulot niya ito. If there’s one thing she is proud of, she has excellent throwing skills. She never misses her target.

Pumosisyon siya at walang atubiling  inihagis ang pinulot na bato at sakto itong tumama sa mismong likod ng ulo ng lalaki. Napatigil silang lahat at pati si Twilight ay nabigla sa ginawa niya. She did it out of the adrenaline rush and in order to save the poor student.

Dahan-dahang itinaas ng lalaki ang kamay niya at hinawakan ang likod ng ulo niya.
Napatakip ng bibig si Twilight dahil sa gulat nang makita niyang may dugong dumaloy mula sa tinamaan niya.

Humarap ang lalaki at kahit na may takip ang muka, halatang galit na galit ito. Napasigaw ng malakas si Twilight nang humakbang ang lalaki patungo sa kanya habang hawak-hawak ang tubo. Tumalikod siya at tatakbo na sana pero isang malapad na bisig ang nabunggo niya. She looked up only to scream in terror again. Isa pang kasamahan ng mga lalaki ang nasa harapan niya ngayon at may takip din ang mukha.

Tinakpan niya ang bibig ni Twilight at pilit na hinawakan ang dalawa nitong kamay hanggang sa hindi na makawala si Twilight kahit anong pagpapalag ang gawin niya.

Tumingin si Twilight at nakita niyang nakahandusay na ang estudyante at akay-akay ng mga kalalakihan. Agad nilang ipinasok ito sa sasakyan na nakaparada sa tabi.

Hinila si Twilight at wala itong magawa kundi sumunod na lang dahil nanginginig na ito sa takot. Lumingon si Twilight at ang bag niyang nakasemplnag sa kalsada ang huli niyang nakita bago siya ipinasok sa sasakyan at tinakpan ng panyo ang ilong niya.

“Bakit mo dinala yan?” galit na tanong ng lalaking nasa driver’s seat at tinutukoy si Twilight na kasalukuyang nawalan ng malay dahil sa naamoy niya sa panyo.

“Nakita na niya tayo. Baka magsumbong pa.” sagot ng lalaking nagdala kay Twilight.

Hindi na nagsalita pa ang driver at dali-dali nang pinaharurot ang sasakyan paalis.

The next time Twilight opened her eyes, she blinked for several times for her eyes to adjust to the dim surrounding. Napagtanto niyang nakahiga siya sa malamig na sahig at kasalukuyang nasa isang kwarto na walang ilaw at tanging ang kaunting liwanang na nagmumula sa labas papasok sa maliliit na espasyo ng exhaust fan ang nakatulong para matukoy niya ang paligid niya.

No furnitures, no bed, no other things. Just an empty dark room.

Dahan-dahang bumangon sa pagkahiga si Twilight at napa-aray siya nang makaramdam ng kirot sa sentido niya.

"Okay ka lang?"

Nagulat si Twilight sa biglaang boses na nagsalita. Tumingin siya sa paligid niya at sa isang sulok na hindi niya napansin kanina, nandoon ang lalaking estudyante at naka-upo lang. The same high school student she saw a while back. Lumapit ito kay Twilight at tinanong ulit kung okay lang siya.

Tumango si Twilight bilang sagot. "Nasaan po ba tayo, kuya? At anong oras na po ba?" She's suddenly hungry and wants to go home.

Napabuntong-hinga na lang lalaki. "Wala akong ideya kung saan tayo dinala. Pero tingin ko malapit nang maghatinggabi. Ilang oras na din ang lumipas eh."

Tumahimik si Twilight at pinakalma ang sarili kahit sobrang takot na ang bumabalot sa buong pagkatao niya.

"I'm sorry and thank you." Biglang saad ng lalaki sa mahinang boses.

"Ha?" Takang tanong ni Twilight. Hindi niya makita ng husto ang mukha ng lalaki dahil sa dilim pero bakas sa boses nito ang sinseridad sa apology nito at sa pasasalamat niya.

"Dahil sa akin nadamay ka pa. Sana hinayaan mo na lang kami. Ibabalik din lang naman nila ako. Pero thank you. Kundi dahil sayo, baka natamaan na ako ng bakal na tubo."

Kumunot ang noo ni Twilight." Paano niyo po nasabi na ibabalik ka nila? At bakit tila hindi ka takot?"

Gumalaw ang binatilyo at sumandal sa pader na nasa likod nila. Kinapa ni Twilight ang espasyo sa tabi nito bago niya ginaya ang lalaki at sumandal din sa pader hanggang sa magkatabi silang umupo at nakatingin lang sa dilim.

"Habang wala ka pang malay, nauna akong nagising," panimulang kwento ng estudyante. "at narinig kong nag-uusap ang mga kidnappers natin. Nagtatalo sila kung magkano ang hihingin nilang ransom."

Napaawang ang bibig ni Twilight sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang kidnap for ransom pala ito. She knows what a kidnap for ransom is. At nadamay siya dahil sa ginawa niyang pagligtas sa target ng mga kidnappers.

"Huwag kang mag-alala. Pagdating ng hinihingi nilang pera, makakalabas na tayo. Pakakawalan nila tayo."panigurado ng lalaki kay Twilight.

Napakagat ng labi si Twilight habang tahimik na lumandas ang mga luha sa pisngi niya. She's thankful for the darkness para kahit papaano hindi siya makikitang umiiyak. Takot na takot siya pero anong magagawa niya? She was just a mere twelve-year old girl na nasangkot sa isang kidnapping.

"By the way, you can call me K." biglang pagpapakilala ng estudyante. Hindi sanay si K na makipag-usap at magpakilala sa isang estranghero pero sa sandaling iyon, naramdaman niyang gusto niyang pawiin ang takot ni Twilight kaya isang letra ang sinabi niyang pangalan niya.
"Ilang taon ka na pala?" He's trying to start up a conversation.

Pasimpleng nagpunas ng luha si Twilight at sinagot ang tanong ni K. "Twelve po kuya."

She knew she just have to stay strong hanggang sa palabasin sila. Wala na siyang magawa kundi magtiwala kay K na papalabasin sila kapag nakuha na nila ang pera. Somehow, K's presence beside her is calming her down.

"Mas matanda ako sayo ng tatlong taon." mahinang tumawa si K. "Pero huwag mo akong tawaging kuya. Nakakatanda masyado."

"Oh, okay po. Uhm, may tanong ako." Nag-aalinglangan na sabi ni Twilight.

"Ano yun?"

"Bakit parang hindi po kayo natatakot at ang kalmado niyo?"

Malakas na napabuntong-hinga si K. He's not used to talking about himself kaya napahinga siya ng malalim bago sumagot. "Hindi sa pagmamayabang pero mayaman kasi ang mga magulang ko kaya easy target kami ng kapatid ko para sa kidnap for ransom.  Pangalawang beses ko na itong makidnap kaya alam ko kung paano ito. Hihintayin lang nila ang pera at pakakawalan din tayo pagkatapos."

Napaawang ang bibig ni Twilight at tumingin kay K kahit na anyo niya lang ang nakikita nito. "Pangalawang beses niyo na po ito? Kung mayaman kayo, bakit hindi kayo nag-hire ng bodyguard o di kaya mga tiga-bantay sa inyo sa lahat ng oras?" Yun kasi napapanood niya sa tv.

"May bodyguards ako pero minsan tinatakbuhan ko sila at tinataguan."

"Bakit niyo naman po ginagawa yun? Hindi mo ba naisip na kawawa ang mga bodyguards mo sa ginagawa mo? Ginagawa nila ang trabaho nila para protektahan ka pero ano? Tinatakbuhan mo lang sila? E ano ka ngayon na nakidnap ka ulit? Kaya nga may bodyguards para hindi na humantong sa pangalawang beses ang pagkidnap sayo eh."

Lihim na napangiti si K. Ang bata nito pero kung makapagsalita parang matanda na.

Ngayon lang nakarinig si K ng ganong sermon mula sa isang hindi niya kilala and somehow it gives warmth to his soul.

Bumaling siya kay Twilight. "Alam mo bang para kang nanay na nagsesermon? May 'po' sa umpisa pero nawawala sa dulo dahil sa bilis mong magsalita." Pero ang cute mo pakinggan.

Napatahimik si Twilight kaya nagpatuloy pa si K.

"Unang beses nang makidnap ako, wala akong kalaban-laban. At ayokong maging mahina at magtatago na lang sa likod ng bodyguards ko. At alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay andiyan ang bodyguards ko para iligtas ako kaya minsan gusto kong mapag-isa at masanay ang sarili na lumaban."

Kumunot na naman ang noo ni Twilight. "Gusto mong sanayin ang sarili mo na makidnap?"

Napatawa ng mahina si K. "Hindi sa ganon. Uh, paano ko ba i-explain 'to? Uhm.  .  .basta ganon yun. Ambata mo pa kasi para maintindihan ako."

"Ambata niyo din naman po ah. High school pa lang po kayo, diba?"

"Oo pero mas matanda pa rin ako sayo."

At para na silang baliw na nagtatalo sa dilim dahil sa edad.

"Nga pala, kuya, uh, I mean, K, matanong ko lang yung singsing na suot mo. Napansin ko kasi yun nang makita ko kayo sa eskinita na nakikipaglaban. Ang weird lang kasi may suot kayong singsing at mukhang hindi yun basta-basta na singsing."

Napahawak si K sa daliri niyang suot ang singsing na tinutukoy ni Twilight. "Tama ka. Hindi ito basta-basta na singsing. Sa mommy ko ito."

"Bakit niyo po kinuha?"

Marahas na huminga ng malalim si K bago sinagot ang tanong ni Twilight sa mahinang boses "Binigay niya sa akin bago siya namatay."

"Oh." Ano bang sasabihin sa mga ganitong sitwasyon? Condolence ba? Hindi sigurado si Twilight kaya tumahimik na lang siya at nagsalita ulit si K.

"Siya ang the best mommy sa amin ng kapatid ko. Lagi siyang andiyan para ihatid kami sa school at para ipagluto kami ng masasarap na pagkain."

Napatitig lang si Twilight sa anyo ni K. Gusto niyang makita muli ang mukha ni K. She can sense him smile as he talks about his mom at gustong makita ni Twilight ang itsura nito pag nakangiti.

Lumipas ang ilang segundo at bigla silang nakarinig ng malalakas na kabog mula sa labas. It's the kidnappers shouting at each other.

"Victor! Huwag kang magkakamaling gawin ang balak mo!"

"Putangina! Binato ako ng batang babae na yun! Sa ulo pa talaga?!" Pasigaw na sagot ng tinawag na Victor. "Tignan mo! Dumudugo pa hangang ngayon!"

May kumalampag sa pintuan ng kwarto na kung saan nakakulong sina Twilight. Sa sobrang takot ni Twilight, napahawak siya sa braso ni K. Awtomatikong napaakbay naman si K sa kanya in a protective manner. Alam nilang dalawa kung ano ang tinutukoy ni Victor.

"Victor, tama na! Lasing ka at wala sa tamang pag-iisip. Kung hindi ka binato,  baka napahamak mo ang bata at sa tingin mo, matutuwa si Boss sayo kung nasaktan mo ang anak ng magbabayad sa atin? Hindi ba klaro ang sinabi kong hindi dapat masaktan ang target kahit na manlaban pa ito? Huwag kang mag-alala, parating na ang pera at makukuha mo na ang hati mo."

Ngunit walang narinig si Victor sa sobrang kalasingan at sa galit na isang batang babae ang nagpadugo sa ulo niya. Kinalampag niya ang pinto hanggang sa bumukas ito at walang alinlangang pumasok siya habang hawak-hawak ang isang patalim.

Napapikit si Twilight sa biglaang liwanag na galing sa labas at dahil na rin sa takot na nararamdaman niya sa oras na iyon.

Ang mga kasamahan ni Victor ay walang nagawa nang mabilisang umatake si Victor. With a shout, he raised the sharp weapon and lashed it through the air aiming at his target  pero imbes na kay Twilight dumapo, tumama ito sa likod ni K na iniharang ang katawan.

Naramdaman na lang ni Twilight ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni K. Nang imulat nito ang mga mata niya, hawak na ng mga kidnappers ang kasamahan nilang si Victor na natigilan at parang nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong iba ang natamaan niya.

"Shit!" malutong na mura ng isa at kwinelyuhan si Victor. "Tignan mo ang ginawa mo!"

Tumingin si Twilight kay K at sa tulong ng liwanag mula sa nakabukas na pintuan, nakita niyang may malapot na dumaloy mula sa balikat nito. "Kuya K.  .   ." nanginginig na bigkas ni Twilight.

"Okay ka lang?" nanghihinang tanong ni K kay Twilight kahit namimilipit na ito sa sakit. Siya ng tinamaan pero si Twilight pa rin ang inaalala niya.

Sa sandaling iyon, malakas na wangwang ang bumalot sa buong kapaligiran. Sunod nito ay magulong sigawan at takbuhan ng mga kidnappers at mga pulis na dumating sa eksena.

Si Twilight ay naiiyak at nanginginig ay mga kamay na kinarga ang ulo ni K sa mga hita niya nang manghina ang binatilyo dahil sa dugong umaagos sa likod niya. With her small hands, she tried pressing on the wound to stop the bleeding pero sadyang malaki at mahabang hiwa ang naidulot ng ginawa ni Victor.

May lumapit agad na pulis sa kanila at inalalayan si K. With tears blurring her eyes, naramdaman pa rin ni Twilight ang kamay ni K na humawak sa palad niya at may inilagay doon.

Hindi na nakapagsalita pa si K nang tuluyan na siyang buhatin at itinakbo palabas habang si Twilight ay inasikaso ng ibang pulis.

Twilight couldn't stop crying as she was carried outside and to the arms of her worried parents. Napaiyak na lang din sila nang mayakap ang anak. They both rushed out of the hospital kung saan sila nakaduty nang may tumawag na pulis sa kanila at sinabihan sila sa sitwasyon.

The kidnapping was caught on CCTV at ang bag ni Twilight na naiwan sa kalsada ang nakatulong upang macontact ng mga pulis ang magulang nito.

Ilang minuto din ang lumipas bago tumigil sa pag-iyak si Twilight. It's already close to 1AM pero abalang-abala ang mga pulis sa oras na yun. Police headlights are everywhere and sirens fill the air but Twilight feels empty and guilty.

Gusto niyang makita si K at siguraduhing ligtas ito. She owes him a life. Kung hindi dahil kay K, baka siya ang duguan ngayon.

Dahan-dahang ibinukas ni Twilight ang palad niya na kanina pa nakakuyom. Napaiyak na naman siya nang makita kung ano ang ibinigay ni K bago siya tuluyang binuhat paalis. Ang singsing.

Kahit may bakas na dugo, hindi maikaila ang kakaibang disenyo at ganda nito. May kaunting diamond ito sa gitna na hindi masyadong pansin but its design is so detailed. Twilight couldn't help but stare at its awesome and unique beauty.

And that ring remained with Twilight ever since that event. Dahil sa takot niyang baka mawala ito, she decided to tie a band around it para maging necklace and she always wore it with the hope that someday she would be able to meet K again because ever since that night, K mysteriously disappeared without a trace.

---


So there, that's the story behind the necklace😅. I'm so thankful sa pagsuporta niyo dear readers kahit na mabagal UD and I'm so sorry for that😥
Vote and comment down to let me know your thoughts.
God bless everyone and keep safe po tayo.🥰💕
Have a great day!😍🥰

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

194K 3.3K 29
This story is about a not so good marriage between a painter and a lawyer. An accidental marriage. Xenon Carter Evangelista is a lawyer while Oceana...
42K 611 62
My name is Skylar Winston. I am 15 years old. Before you ask, yes my brother is Dallas Winston. He is a nice guy once you get to know him. But wh...
123K 1.9K 50
Warning: MATURED CONTENT | R-21 Where are you? Please buy me a condom." "Condom my butt! I'm your bodyguard, not your slave!" "Who said you were a...
7.8K 233 34
17 years old light skinned curvy black girl name Peony Williams who has a friendly bubbly personality and love to read book but an outsider but she d...