What Happens After A One Nigh...

Oleh jLolaAlexandria

2.9M 27K 2.3K

He's the hottest superstar of his generation. She's a commoner and was just starting her writing career. What... Lebih Banyak

What happens after a.. One Night Stand.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter2.2
Chapter 3.1
Chapter3.2
Chapter ...
Chapter 4.1
Chapter4.2 -- BINYAGAN?
Prelude to Chapter5
Chapter5. Mince ^^
Chapter6.
Chapter7.
Chapter8.
Chapter9.
Chapter10 PART1 (MISSING!)
Chapter10 part2 (MISSING!)
Chapter11. CURIOSITY KILLS
Chapter12. BLACKMAILER!
Chapter13. The Manager, The Boss and the Parents.
Chapter14. Ang slow mo. XD
Chapter15. Start of Something New?
Chapter16. Keep your eyes open.
Chapter17. Ang daldal mo kasi Dylan!
Chapter18. When He Misses Her. *ChloDy*
Chapter19. Welcome to the City!
Chapter20. Monday Fiasco. >__<
Chapter21. Wag mo masyado ibaon! LOL.
Chapter22. He's Cheating! TT__TT
Chapter23 Part1. Seriously? O__O
Chapter23 Part2. Seriously?! O___O
Chapter24. Marry me. :)
Chapter25. First official LQ turned to..?
Chapter26. Spell H-A-S-S-L-E?!
Chapter27. What's wrong with them? :)
Chapter28. TH + Martyr + Impulsive + PRINCESS? = ANYAREEEE?
Chapter29. His permission.
Chapter30. The Photoshoot.
Chapter31. A family image, regardless of the REARRANGEMENT! :)
Chapter32. Baby's sick, So's Mommy. Tapos ang cheesy ni Daddy! Yiiiee!
Chapter33. A secret unfolded.
Chapter34. Is it over?
Chapter35. Bolt from the blue.
Chapter36.The bright and dark side of it.
Chapter37. We're all in this together.
NO STRINGS ATTACHED.
Chapter38. Breaking Free.
Chapter39. Leaving with a surprise. :)
Chapter40. Part I. Venice, Italy.
Chapter40 Part II. Venice, Italy.
Chapter41. Always Be Mine. (The Chloe-Dylan Wedding)
Chapter42. Everyone knows but one.
Chapter43. When he screams.
Pagbati ng Pamilya Caine.XDDD
Chapter44. Instinct and Suspicion. <-- Definitely not a good combination.
Chapter45. The little things.
Chapter46. Face-off.
Chapter47. Lance's 1st Birthday.. And wait! Y-you're what?!
Chapter48. Bitter-sweet love.
Chapter49. A Guy Crying.. GAY? Not. HOT.
Chapter50. Mixed.
Chapter51. Signos.
Chapter52. Fighting a Losing Battle.
Chapter53. Wake Up Call.
Chapter54. History Repeats Itself.
Chapter55. Long gone, and moving on.
Chapter56. Pain in the Ass.
EPILOGUE!
SOFT COPY!!!
Daddy Dylan in the house!
When I Decided to Move On
Dear You
Love At First Write

Special Chapter #1

29.2K 343 23
Oleh jLolaAlexandria

This is somehow connected to Chasing Lance. Since nasa POV ni Chantel ang CL, ano nga bang nangyayari sa bahay ng mga Caine? ;)

Dylan's POV

Sunday, 10PM nang dumating ako sa bahay. Kakatapos lang ng Mitral Valve Replacement operation sa isang pasyente ko. Since FTIsland disbanded, tinapos ko ang Medicine at nag-specialize sa puso. Isa na akong ganap na Cardiologist at General Surgeon ngayon.

"Hi love. Bat gising ka pa?" Nadatnan ko si Chloe na nakaupo sa couch sa kwarto namin habang may kinakalikot sa laptop niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumabi sa kanya.

In-off niya ang laptop at bumaling sakin. She kissed me. "How's your day, 'Dy?" This is one of the things that I love about my wife. Sa loob ng 16 years namin na mag-asawa, kahit anong busy niya sa trabaho o kahit ano pang ginagawa niya, kapag dumating ako, nakatuon sa'kin lahat ng atensyon niya.

"I missed you." I pulled her into a hug. At the age of 43, Chloe still has the curves on their right places.

"I missed you too." I kissed her again. "So? Bat gising ka pa?"

Umayos siya ng upo. Kilalang kilala ko na ang asawa ko. Kapag ganyan na mukhang excited siya, either may ichi-chismis siya na kung ano sa'kin o may nangyari sa isa sa mga anak namin. "Nakita mo ba si Lance sa baba?"

Kumunot ang noo ko. "Di'ba may date yun ngayon? Baka mamaya pa uuwi yun."

"Hindi siya natuloy! Kanina pa siyang aligaga dun sa baba. Pabalikbalik siya sa kusina, sa sala at sa garden. Hindi siya mapakali!"

Hmm. "Hindi ko siya nakita sa baba. Umayaw ba yung kadate niya?" Hindi naman sa pagyayabang pero ang lakas ng loob ng babaeng aayaw sa anak ko. I mean, anak siya ni Dylan Caine! Manang-mana sa ama ang kagwapuhan!

"I'm not sure.." Pareho kaming concern kay Lance. First time kasi magsabi sa'min nun na may ide-date siya kaya pareho kaming naexcite ni Chloe. "But guess what!"

"Ano?"

"Nadinig ko siya kanina may kausap sa cellphone. Tinatanong niya kung nasan si Chantel!"

It's Chantel Herrera again. Botong boto talaga 'tong si Chloe sa pamangkin ni Cliff.

Nung una akala ko din gusto siya ni Lance. Pero nang ikwento niya sa'min ang tungkol dun sa babaeng gusto niya i-date, naguluhan na din ako.

Pero ayoko namang putukin ang tiny bubble ng asawa ko.

"Eh nasan si Lance ngayon?"

Chloe slumped on her seat. "Ewan ko. Nandun pa siya 15 minutes ago."

"Well, wala na siya dun nung dumating ako." Tumayo ako. "Let's sleep. Malaki na yung baby mo. Uuwi din yun mamaya."

Nagshower lang ako at humiga na sa tabi ng asawa ko. Agad naman niya akong niyakap. "Daddy, ang laki na ng mga anak natin. Lance is 20, tapos si Tacy magde-debut na next year."

"Uh-mm. Parang kahapon lang ayaw mong magpakasal sa'kin e noh?"

Tumawa siya. "Nakakamiss. Ang dami-dami nating pinagdaanan. I never thought na makakasama ka namin ni Lance. I was determined to raise him alone." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hanggang ngayon nakakaramdam pa din ako ng guilt kapag naaalala ko na wala ako sa tabi ni Chloe nung pinagbubuntis niya pa lang si Lance.

"I love you. So much." Bulong ko sa kanya. I kissed the top of her head.

"I love you too." Nag-angat siya ng mukha sa'kin at agad ko siyang hinalikan.

My love for her never changed. In fact, mas lumalim iyon.

"I'm so glad you came back for us. Thank you, love." A lone tear escaped her eye. Pinahid ko iyon.

Kumikirot ang puso ko kapag naiisip ko na muntik na akong mawalan ng pamilya dahil sa kagaguhan ko noon. Pinabayaan ko sila ng halos isang taon dahil hindi ko matanggap ang pagkawala ng kapatid ko. Pakiramdam ko hindi sapat ang habambuhay para bumawi sa pagkakamali kong iyon.

"No. Thank you for accepting me again. For not giving up on me. On us." Hindi ko alam kung ano na ako ngayon kung hindi sila bumalik sa akin.

"Our story is a roller coaster ride. Puno ng thrill. Madaming iyakan. Madaming kilig. It was never boring." She said, almost dreamy. Para bang nagpe-play sa utak niya ang nakaraan namin.

"It's because our love is real." I smiled at her.

"And it's constant." Aniya. "I want the same for our kids. True love. One that never fades."

"Don't worry. They'll find it. In time."

Nakatulog kami sa ganoong posisyon pero naramdaman ko nang bumangon si Chloe ilang minuto lang ang nakaraan. Lumabas siya ng kwarto. Hindi ko na siya tinawag dahil alam kong hihintayin niya si Lance. Hindi kasi yun makatulog kapag wala kaming tatlo--ako, si Lance at Tacy--sa bahay. Gusto ko sana siyang samahan sa baba kaya lang ay pagod na pagod na ako.

7AM nang magising ako. Nasa kusina na ang mag-iina ko nang bumaba ako.

"Good morning" Bati ko sa kanila. Hinalikan ko sa pisngi si Chloe bago umupo sa isang stool sa may kitchen island. Madalas kasi ay dito kami nag-aalmusal.

"Morning Dad" Sabay na bati ng magkapatid sa'kin.

Tumango lang ako sa kanila. Napansin kong tutok na tutok si Lance sa cellphone niya. "Anong oras ka umuwi Lance?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at binitawan ang cellphone.

"Around 12, Dad."

"Kamusta ang date mo?" I asked. Knowing my wife, hindi niya tatanungin ang anak niya tungkol dito. Magi-guilty kasi siya lalo na at alam niyang hindi ito natuloy.

Imbes na si Lance ang sumagot, si Tacy ang nagsalita. "Kuya was with someone else."

"What? Sino? At pano mo nalaman?" Sunud-sunod na tanong ni Chloe.

"Mommy it's all over the internet. Nag-trending kaya si Kuya kagabi pati yung IG post niya."

"Hindi ako ang nag-post nun. Chantel thought it was her phone kaya dun siya nag-upload ng picture. It was too late when she realized that it was mine."

"Si Chantel ang kasama mo?"
"Bakit nasa kanya ang phone mo?"
"Bakit di mo binura?"

Sabay-sabay na tanong namin. Nairita ata si Lance dahil kinuha niya yung juice at tinapay niya at umakyat na sa kwarto.

Nagkatinginan lang kaming tatlo. Malawak nanaman ang ngiti ng asawa ko dahil umaariba ang manok niya. Napailing na lang ako. Okay lang sa'kin na magka-girlfriend si Lance. Pero si Tacy, dadaan muna sakin ang magtatangkang manligaw. Kahit ang kuya niya ay sobrang strikto sa kanya.

Sabado ng linggong iyon ng madatnan ko nanaman si Lance na nakangiti sa cellphone niya. "Good mood ka ata?" Lagpas alas-syete pa lang ng umaga noon. "Dahil ba yan sa date mamaya?"

"Date?" Humarap siya sa'kin na parang confused. "Ah! Y-yeah." Sinungaling. I know him very well. Kung anuman ang kinakatuwa niya, walang kinalaman iyon sa date niya.

Wala akong trabaho ngayon. Wala ding pasok ang mga bata kaya hinahayaan namin na late magising si Chloe kapag Sabado. Okay lang naman sa'kin kung katulong ang mag-asikaso, pero hindi pa din nagbabago ang misis ko. Ayaw niya pa din ng kasambahay.

Maya-maya lang ay napansin ko ang pagkunot ng noo ni Lance. Nadinig ko din siyang bahagyang nagmura. Hindi ko siya sinaway dahil mukhang badtrip talaga siya.

Nanood na lang ako ng NBA sa sala. Bumaba na din si Chloe at Tacy makalipas ang isang oras at nag-almusal.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Lance na kanina pa hindi mapakali. Tinitingnan lang din siya nung dalawang babae.

Nanood lang kami ng TV buong umaga. Nang mapatingin ako sa orasan ay alas onse na. "Lance hindi ka pa ba mag-aayos? Male-late ka sa date mo."

"I cancelled." Marahas na sagot niya. Itatanong ko sana kung anong problema kaso dumiretso na siya sa itaas.

"Yaan mo na Daddy. Badtrip lang yun kasi may ibang kasama si Ate Chantel ngayon." Inabot sa'kin ni Tacy ang cellphone niya at nakita ko doon ang mga pictures ni Chantel kasama ang isang lalaki. Di hamak na mas gwapo naman ang anak ko. Pero bakit badtrip yung isang yun? Kung tutuusin may ka-date din naman dapat siya ngayon ah.

"Sino yan?!" Histerikal na tanong ni Chloe na nakikisilip sa cellphone ng anak namin. Inatake nanaman ng pagka-fangirl niya. Number 1 fan ata 'to ni Chantel at Lance e. Kulang na lang pikutin ng asawa ko yung pamangkin ni Cliff at ipakasal sa binata namin.

"Zeke Dela Merced, 'My! Ang gwapo niyaaa!" Tumigil lang sa pagtili si Tacy nang makita niyang tinititigan ko siya.

She knows how I feel about her and "boys". I'm not ready to give away my only daughter just yet. Kahit boyfriend-boyfriend lang iyon. No one will be good enough for my princess. Kahit sino atang lalaki ang iharap niya sa'kin, kahit tunay na royal prince ay hindi papasa.

"Dad we have a deal, remember?" Ngumuso siya. Kamukhang kamukha niya ang Mommy niya. Kaya siguro masyado akong protective sa kanya.

Tumikhim ako. "I know." We agreed na pwede na siyang magpaligaw once she turns 18. Labag man sa loob ko ay wala akong magawa. Both ladies ganged up against me.

Naputol ang usapan namin nang bumaba si Lance. Nakasimangot ito. "Gutom ka na ba, Lawrence honey?" Kabadong tanong ni Chloe.

Umiling lang ito at dumiretso sa kusina. Tiningnan ako ni Chloe. Nagkibit-balikat lang ako.

Alauna nang kumain kami ng lunch. Awkward iyon dahil hindi umiimik si Lance. Nagpapakiramdaman lang kami habang kumakain. Pagkatapos noon ay umakyat kami sa taas para mag-afternoon nap.

Bumaba ako ng bandang alas-kwatro. Nadatnan ko sa may porch si Lance. Gulong-gulo ang buhok nito.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang beer. Bumalik ako sa porch at binigay kay Lance ang isang bote. Nagulat pa siya nang tumabi ako sa kanya. Pucha! Lutang na lutang ang isang 'to.

"What's up, buddy?" Tanong ko sa kanya sabay lagok ng beer.

Tinanguan niya lang ako. Lakas ng sapak ng taong to ah.

"Problem?" I probed. Tumawa lang siya ng bahagya. "Is it about a girl?" Tanong ko pa. Dire-diretso lang ang inom ni Lance. Bawal ka malasing. Patay ako sa Mommy mo. "Is it about your girl?"

"Chantel is not my girl." Mabilis na sagot niya. At mabilis niya ding inubos ang beer niya.

"I didn't say that it's Chantel." Gotcha! So it's true. Kaya siya nagkakaganyan ay dahil kay Chantel.

Hindi siya nakasagot. Hinayaan ko lang siya mag-isip. Mahirap kasi makasali sa isyu ng taong hindi sigurado sa nararamdaman niya.

Lumipat kami sa kusina. Ilang minuto ang nakaraan at nakakadalawang beer na siya bago siya ulit nagsalita. "Dad is it possible to like two girls at once?"

Tiningnan ko siya. Nakatitig lang siya sa beer niya.

"Walang imposible. You can even love them both. Pero hindi pantay. May lamang parati." Neutral na sagot ko.

"I like Yzabelle. I know I do. Unang beses ko siyang nakita sa dance studio, I was already drawn into her. Parang may koneksyon kaming hindi ko maipaliwanag." Punong-puno ng frustration na kwento niya. Nakinig lang ako. "She's my mystery girl. The girl that I badly wanted to meet. I looked for her everywhere. Gusto ko siyang makilala, Dad. But while I was helplessly looking for her.. I found myself enjoying Chantel's company. We started off as enemies, but later on she's become a habit. My habit. Para bang di kompleto yung araw ko pag di ko siya naka-interact. Kahit nung nasa Spain ako, Dad. It was almost a need to contact her everyday. Like Yza, I also felt the connection."

Lumagok ulit siya ng beer. "Narealize ko na masyado na akong napapalapit kay Chantel. I thought it was dangerous! Kaya naman natuwa ako nang finally nakilala ko na si Yza! Bukod sa na-solve na ang misteryo, mada-divert na din ang atensyon ko from Chantel. But.." Bumuntong hininga siya. "But he met that guy.. Zeke. And suddenly I felt this strange emotion. A strong force of possessiveness engulfed me. I don't want her near that assh*le. Kagaya ngayon. I want to tell her to go home and get away from him but I can't fcking reach her damn phone!" Lance is already shouting. Lasing na ba'to? Matibay to sa inuman ah. "I'm so fucked up. I cancelled my date with Yza twice. Twice, Dad! Para kay Chantel. This is so wrong."

Kumunot ang noo ko. "Paano naging mali?" Hindi ko makuha kung ano bang problema nitong anak ko. It is crystal clear that he's into Chantel.

Tiningnan niya ako na para bang napakahirap ng tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Matalino si Lance. Hindi ko ibibigay ang sagot sa 'problema' niya. I'll let him figure it out himself.

Although, I'm not sure about how he really feels for Yzabelle. But if he cancelled two appointments with her for Chantel, isn't it obvious who he likes more?

Napailing ako. Nakaubos kami ng tig-tatlong bote nang nagising si Chloe.

"Dylan!" Bungad nito nang makita na mapungay ang mata ni Lance. Sus. Matanda na yung anak niya. "Lance honey, are you okay?" Hinaplos niya ang mukha ni Lance.

Tumawa ito. "Mommy, okay lang ako."

Pinandilatan ako ng mata ni Chloe. Nginitian ko siya at hinila palapit sa akin. I snaked my arms around her waist and pressed her back against my chest. I buried my face on her hair. "I love you.." Bulong ko sa kanya.

Tumikhim si Lance. Tiningnan ko siya at tumawa. "My advice, go with the girl who's like your mom." Kinindatan ko siya.

Hinila niya ang Mommy niya at yinakap ito. "That's hard, Daddy. Mom is one of a kind." Nagblush naman ang misis ko. I tell her that everyday, pero nagba-blush pa din siya kapag pinupuri.

Hinigit ko ulit si Chloe. "Well, that's your problem, not mine." Hinampas ako ni Chloe sa braso pero nagtawanan lang kaming tatlo.

Nagluto ng dinner si Chloe habang pinapanuod namin ni Lance. Sa kalagitnaan ng pagluluto niya, "Mommy peram ng phone.."

"Bakit?" Tanong ng asawa ko habang inaabot ang telepono niya sa anak.

"I'll just check on something." Sagot nito habang nags-scroll sa contacts ng ina. Maya-maya lang ay nag-dial na siya.

Nagkatinginan lang kami ni Chloe.

Malalalim ang buntong-hininga ni Lance hanggang sa, "Nakauwi ka na ba?" Kahit ako ay kinilabutan sa boses niya.

"Chantel" Chloe mouthed then beamed at me. Napailing na lang ako.

Dati-rati kotse lang ang problema ni Lance. Ngayon babae na.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
463K 6.8K 55
The job was simple- crash into a wedding and make sure na hindi ito matutuloy. But sadly, Mariana came to the wrong wedding! Dahil doon niya matatagp...
673K 12.4K 34
Pagdating ko sa Hotel hindi ako agad tumungo sa lobby sa kdahilanang natakot ako bigla. Mabuti na lamang ay may isang lugar sa hotel na hindi pansini...
125K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?