Special Chapter #1

29.2K 343 23
                                    

This is somehow connected to Chasing Lance. Since nasa POV ni Chantel ang CL, ano nga bang nangyayari sa bahay ng mga Caine? ;)

Dylan's POV

Sunday, 10PM nang dumating ako sa bahay. Kakatapos lang ng Mitral Valve Replacement operation sa isang pasyente ko. Since FTIsland disbanded, tinapos ko ang Medicine at nag-specialize sa puso. Isa na akong ganap na Cardiologist at General Surgeon ngayon.

"Hi love. Bat gising ka pa?" Nadatnan ko si Chloe na nakaupo sa couch sa kwarto namin habang may kinakalikot sa laptop niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumabi sa kanya.

In-off niya ang laptop at bumaling sakin. She kissed me. "How's your day, 'Dy?" This is one of the things that I love about my wife. Sa loob ng 16 years namin na mag-asawa, kahit anong busy niya sa trabaho o kahit ano pang ginagawa niya, kapag dumating ako, nakatuon sa'kin lahat ng atensyon niya.

"I missed you." I pulled her into a hug. At the age of 43, Chloe still has the curves on their right places.

"I missed you too." I kissed her again. "So? Bat gising ka pa?"

Umayos siya ng upo. Kilalang kilala ko na ang asawa ko. Kapag ganyan na mukhang excited siya, either may ichi-chismis siya na kung ano sa'kin o may nangyari sa isa sa mga anak namin. "Nakita mo ba si Lance sa baba?"

Kumunot ang noo ko. "Di'ba may date yun ngayon? Baka mamaya pa uuwi yun."

"Hindi siya natuloy! Kanina pa siyang aligaga dun sa baba. Pabalikbalik siya sa kusina, sa sala at sa garden. Hindi siya mapakali!"

Hmm. "Hindi ko siya nakita sa baba. Umayaw ba yung kadate niya?" Hindi naman sa pagyayabang pero ang lakas ng loob ng babaeng aayaw sa anak ko. I mean, anak siya ni Dylan Caine! Manang-mana sa ama ang kagwapuhan!

"I'm not sure.." Pareho kaming concern kay Lance. First time kasi magsabi sa'min nun na may ide-date siya kaya pareho kaming naexcite ni Chloe. "But guess what!"

"Ano?"

"Nadinig ko siya kanina may kausap sa cellphone. Tinatanong niya kung nasan si Chantel!"

It's Chantel Herrera again. Botong boto talaga 'tong si Chloe sa pamangkin ni Cliff.

Nung una akala ko din gusto siya ni Lance. Pero nang ikwento niya sa'min ang tungkol dun sa babaeng gusto niya i-date, naguluhan na din ako.

Pero ayoko namang putukin ang tiny bubble ng asawa ko.

"Eh nasan si Lance ngayon?"

Chloe slumped on her seat. "Ewan ko. Nandun pa siya 15 minutes ago."

"Well, wala na siya dun nung dumating ako." Tumayo ako. "Let's sleep. Malaki na yung baby mo. Uuwi din yun mamaya."

Nagshower lang ako at humiga na sa tabi ng asawa ko. Agad naman niya akong niyakap. "Daddy, ang laki na ng mga anak natin. Lance is 20, tapos si Tacy magde-debut na next year."

"Uh-mm. Parang kahapon lang ayaw mong magpakasal sa'kin e noh?"

Tumawa siya. "Nakakamiss. Ang dami-dami nating pinagdaanan. I never thought na makakasama ka namin ni Lance. I was determined to raise him alone." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hanggang ngayon nakakaramdam pa din ako ng guilt kapag naaalala ko na wala ako sa tabi ni Chloe nung pinagbubuntis niya pa lang si Lance.

"I love you. So much." Bulong ko sa kanya. I kissed the top of her head.

"I love you too." Nag-angat siya ng mukha sa'kin at agad ko siyang hinalikan.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Where stories live. Discover now