Chapter24. Marry me. :)

35.7K 323 15
                                    

 

Credits to @yssaw19 yung new cover ng WHAAONS at ng sa MINCE’s. Ganda nuh? Hohohoho!

Click muna the multimedia! ----------------------> 

Importante yan, nainlove nga ako e. Haha

 

Chapter24. Marry me. :)

“At sinong nagsabi sa’yo na pwede kang umalis sa trabaho ng ganun-ganun na lang?!”

Napapitlag si Chloe sa sigaw sa kanya ng kanyang boss na si Jean. Inagahan na nga niya ang pasok para hindi siya mapuna nito, pero sadya atang mainit ang mga mata nito sa kanya dahil pagkarating na pagkarating ng huli ay agad siya nitong pinasunod sa office.

“Nagka-emergency po kas--”

 

 

Hindi naman siya nakatapos sa pagpapaliwanag dahil pinutol na agad ni Jean ang pagsasalita niya. Nagngingitngit naman siya sa inis. “At hindi ka man lang nagsabi kahit kaninu? Kahit man lang sa kahit isang kasama mo sa department?”

E sa emergency nga di’ba? Nasa “kidnapan” na yung utak ko. Maiisip ko pa ba naman yun? Syempre pupuntahan ko na yung anak ko. Gusto niya sanang sabihin. “Ma’am big--”

 

 

“Kahit ano pa yang dahilan mo Ms. Evangelista,dapat nagpaalam ka pa din. Baka nakakalimutan mong isa kang empleyado dito. Binabayaran. Di porke nagustuhan ko yung reports na pinagawa ko sa’yo e gagawin mo na ang gusto mo. Iilang araw ka pa lang dito, ganyan na agad ang pinapakita mo.”

 

Bakit ba pakiramdam ko malaki talaga ang galit sa’kin ng isang to? Ano ba talaga ang issue niya sa’kin? Kung wala lang akong kontrata dito.. “Sorry po Ma’am, hindi na po mauulit.” ‘Cause there’s no point in explaining dahil bingi naman siya. =___=

“Dapat lang! Patunayan mong nararapat kang ipasok dito sa Elite Mag! Sige na. Bumalik ka na sa table mo. And pupunuan mo yung oras na nawala ka kahapon.”

 

 

Aalis na sana si Chloe ng ma-realize niya ang sinabi ng boss. “Po?!”

 

 

“Are you deaf?!” Singhal nito.

Para nagtatanong lang, bingi agad?

I mean, bakit kailangan ko pang punuan? Pwede namang i-mark nalang na absent. O kaya ibawas na lang sa sweldo ko. Naisip niya. Instead na makipagtalo, sumagot na lang siya ng “H-hindi po”

 

 

“Now go. You have tons of things to do. Have problem with that?”

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon