Chapter29. His permission.

31.2K 264 10
                                    

 

Chapter29. His permission.

 

Chloe’s POV

 

 

“NO!”

 

“Eee Dylan, hindi ko din naman ginusto yun..”

 

“Hindi mo naman pala gusto, kaya walang problema.”

 

“Kung ako lang naman, ayoko naman talaga. Kaso naiipit ako e.. Malaking project yun ng Elite. Magba-backout yung kliyente kapag hindi ako pumayag.”

 

“Bakit kasi ikaw? Wala na ba silang makuhang ibang endorser? Inilalayo nga kita sa eskandalo sa show business, tapos ikaw naman ang papasok sa modelling?”

 

“Kasi naman si G--” Uwaaa!! Muntik na akong madulas. Hindi ko pwede sabihin na si Gian yung may gawa kung bakit ako napasubo sa endorsement na yun. At mas lalong hindi pwede malaman ni Dylan na si Gian ang male model!!! Siguradong mas malabong pumayag siya pag nalaman niya yun at mas malalagot ako kay Ma’am Jean kapag nag-backout ako. TT_______TT

“Kasi naman sino? Sabihin mo nga sa’kin kung sinong nagsabak sa’yo d’yan!” He looked at me intently.

Anong sasabihin ko? OMG! “A-ano.. Kasi naman si G-gina! Oo.. Si Gina.. Yung ano.. Isa sa mga head  nung kliyente, ano.. N-nagustuhan niya ata ako.. A-ano daw.. Maganda daw yung ano.. Yung t-tindig ko daw? B-bagay daw sa ano.. sa brand nila? Ganun. Di ko masyadong maintindihan kasi wala naman din ako alam sa ganun..” Grabe Chloe! Napakasinungaling mo.. Uwaaaa!! Maniwala ka Dylan. Please be gullible just this once!

Anong sabi ko? Gina? Uwaaaa!! Jinumble ko lang yung name ni Gian. Sana hindi niya mahalata. Huhu. I really suck at lying. T_T

“Why are you stammering?” Ayan na! Kasi naman hindi ako sanay magsinungaling!

Magdadahilan sana ako pero nagsalita na siya ulit.

“Wala na ba talagang ibang choice? Alam mo naman kung bakit ayoko din na pasukin mo yan di’ba?” Hinawakan niya ako sa dalwang kamay at tiningnan ako sa mata. Nagi-guilty tuloy ako.

Gustuhin ko man na tanggihan yun.. Kaso eto oh.. Kayo nga!

_flashback_

Nang mag-register na sa utak ko yung sinabi ni Gian na PRINCESS..

“Huy ano ba.. Princess pinagsasasabi mo? Naku sorry po.. Aalis na po siya. Dumaan lang po talaga ‘to dito.. Alis na.. Bilis..” Tinutulak-tulak ko si Gian umalis. Kaso muntanga, parang estatwa.

Nakatingin lang silang lahat sa’kin.

Silence..

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Where stories live. Discover now