The Midnight Our Fates Entwin...

By bloomstreet

550 106 122

Ever since she was a kid, Patricia Ivy Bueza dreamt of becoming a student in Buenalejo Academy. She felt as i... More

the midnight our fates entwined
ii | pink and blue
iii | him and her
iv | dreams
v | friends
vi | unexpected visitor
vii | how it feels

i | that one midnight

168 25 63
By bloomstreet

☽༓☾

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tapos magalit sa mundo. I took in a few deep breaths, trying to calm myself as much as possible. Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha. Ayaw kong umiyak. Hindi ako dapat umiyak.

Too late, though. Napapikit ako nang walang tigil na bumuhos ang mainit na likido mula sa aking mga mata.

My trembling hands wiped the tears rolling down my cheeks. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para bitawan ang bagay na matagal ko nang pinapangarap. I hugged my knees and allowed myself to let it all out.

Kanina, nakatanggap ako ng email mula sa university na pinag-exam-an ko — sa Buenalejo Academy. Bata pa lang ako, pinangarap ko na ang paaralang 'yon. Sa tuwing may nakikita akong estudyante mula doon, magkahalong paghanga at inggit ang nararamdaman ko. Kaya pinag-igihan ko lalo ang pag-aaral, kasi isa lang naman ang gusto ko: senior high pa lang, makapasok na ako sa BA.

Hindi ko kasi makita ang sarili ko sa ibang school. . . at kung sakali man, baka 'di ko maramdamang buo ako kung hindi ako doon mag-aaral. Parati akong may hahanap-hanapin at baka mahirapan akong punan ang puwang na iyon sa pagkatao ko.

Inis na inis ako sa tingin ng mga kaklase ko noong nalamang nag-exam ako. Para bang pinaparating nila agad na babagsak ako dahil hindi naman ako matalino. They were one of the reasons why I doubted myself! I mean, why? Alam kong average lang ako, pero wala ba akong karapatan mangarap? Sa totoo lang, isa sila sa mga naging dahilan kung bakit ako nagpursige; kasi gusto kong isampal sa mukha nilang lahat na kaya ko.

And true to my words, I passed the entrance test.

Ang malamig na hanging nagmumula sa bukas kong bintana ay tila inaalo ako. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob nito sa aking hita. Humugot ako ng malalim na hininga, pero imbis na kumalma na ng tuluyan ay lalong lumala ang paghikbi ko.

Abot-kamay ko na sana ang isa sa mga pangarap ko. Konting-konti na lang, mapapasakin na. Ang kaso, may isang bagay akong nakalimutan; hindi namin afford ang tuition fee doon. Mapait akong tumawa. Dapat ba akong maging masaya na nakapasa ako o malulungkot dahil nakapasa nga ako, pero hindi pa rin naman ako makakapag-aral doon?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Masasayang lang ang oras ko sa pag-iyak dahil kahit lumuha pa ako ng dugo, walang milagrong mangyayari — wala namang perang lilitaw bigla para ipambayad sa tuition fee. I let out an exasperated sigh, hoping to finally untangle the mess of my thoughts and calm the chaos in my heart.

Baka hindi talaga para sa akin 'yon.

Kumirot ang puso ko sa naisip.

Despite my wobbly knees, I managed to stand up and sit in front of my vanity mirror. My eyes were already swollen from crying. Halata rin ang pamumula sa aking pisngi dahil sa maputi kong kutis. My fingers traced my chapped lips. Ang kulot kong buhok ay lalong bumuhaghag. Mukha akong zombie na lasing! Paniguradong aasarin ako ni Mikoy kapag nakita niya ako sa estadong 'to.

Hindi ko na kinaya ang malagkit na pakiramdam kaya minabuti kong maligo ulit. Sana posibleng maalis din ng pagligo ang bigat at sakit na nararamdaman ng isang tao. Kung may nangyayari lang talagang gano'n, baka sa banyo na ako tumira mula ngayon.

Matapos kong maligo, I wore my usual oversized shirt and pajamas. I was tying my naturally curly hair into a loose ponytail when I heard my phone's familiar ringtone. Kumunot ang noo ko. Maga-alas diyes na ng gabi, who would chat me at this hour?

I let my body fall on the soft mattress after I turned the lights off. Hirap kasi akong makatulog kapag bukas ang ilaw. Inabot ko ang phone kong nakalapag sa katabing study table. Sandali akong napapikit dahil sa liwanag na nagmula sa phone ko ng buksan ko 'yon. 'Yong pinsan ko pala.

Gian:
PATCHOT!!!
tuloy ka ba mag-exam sa la buenavista this week?

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang sinabi niya. Muntik ko nang malimutan 'yon! Kuya Gian recommended that school to me. Sabi niya kasi maganda rin daw ang turo at kakayanin ko naman daw ang tuition. Pumayag naman si Papa nang magpaalam ako, kaya ayos na rin. I composed a reply.

Patch:
Yep, kuya.

Kinuha ko ang katabing unan at niyakap ito. Sa mga ganap sa buhay ko nitong nakaraan, parang naalog bigla ang utak ko at nawala lahat ng mga inaral ko.

Gian:
oks. dont forget to bring your reqs pls!!!
diretso ka sa condo namin ni karlo para masamahan ka namin

Patch:
K.

Gian:
WOW?????
ok sige ganiyan ka ha kine-k mo na pala favorite cousin mo ngayon after all i've done for you

Kahit ang bigat ng pakiramdam ko sa oras na 'to, bahagya akong napangiti sa sinabi ng pinsan ko.

Patch:
Ay, nanumbat.
Ikaw lang naman kasi pinsan ko.
You think I have a choice? Hahaha

Tuluyan na akong natawa nang isang like emoji na lang ang ni-reply niya. Nilapag ko ang phone ko sa tabi pagtapos kong magset ng alarm. May pasok pa ako bukas, kaya dapat maaga rin ako. Ilang minuto akong nanatiling nakapikit ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko.

Hindi talaga nauubusan ng paraan ang tadhana para paglaruan ang buhay ng mga tao. Napabuga ako ng hangin sa inis. Life is so unfair.

The last few days have gone by in a blur. Mamayang umaga na ang exam ko sa La Buenavista kaya hinahanda ko na ang sarili ko. I picked up the sling bag resting on top of my drawer and stuffed my things inside. Pagtapos kong maligo, pinili kong magsuot ng sky blue na blouse at puting skirt.

Napahinto ako sandali sa harap ng kwarto ni Lola, wondering if I should knock and inform her that I'd be going. Hindi na lang siguro. . . maiistorbo ko lang ang tulog niya. Nakapagpaalam naman na ako kahapon, magtetext na lang ako mamaya.

Nang masiguro kong kumpleto na ang lahat ng kailangan ko, lumabas na ako at ni-lock ang gate. Hindi na ako nag-abalang umarkila ng tricycle kahit may ilan pa akong nakita sa labas ng street; kaya ko namang maglakad papuntang terminal. Malapit lang, e.

Tanging ang tunog na nililikha ng wedge na suot ko ang naririnig ko habang naglalakad palabas. Nakisabay pa ang malamig na simoy ng hangin. Gumapang ang takot sa aking sistema. Iilan lang din ang mga street lights sa daan, 'yong iba sira at ang iba'y pa-kurap kurap kaya dali-dali kong binuksan ang flashlight ng phone ko.

Shit, kung hindi multo ang makikita ko, baka aso naman ang sumalubong sa akin o 'di kaya pagtripan ako ng lasing. Hindi ko na pinansin ang mabilis na tibok ng puso ko at mas binilisan ang paglakad.

Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong nakasalubong na aso, multo, o lasing. Ito lang yata ang swerteng natanggap ko ngayong linggo — meron agad akong nadatnan na bus papuntang LB pagdating ko sa terminal. Bumungad sa akin ang pamilyar na nakakahilong amoy ng mga de-aircon na sasakyan pagpasok ko. I scratched my forehead when I realized I forgot to bring bonamil. 'Wag sana akong magsuka mamaya, nakakahiya sa mga tao rito!

Marami pang bakanteng upuan pero pinili kong umupo malapit sa harap para 'di rin ako mahirapan bumaba. Doon ako pumwesto sa tabi ng bintana. Naghihintay pa siguro ng ibang sasakay kaya 'di pa agad umandar ang bus.

Ilang sandali pa, lumitaw ang chat head ni Kuya Gian sa phone ko. Sunod-sunod siyang nagchat kaya panay din ang tunog ng messenger. Napatingin tuloy sa akin ang babaeng nakaupo sa kabilang side, naingayan yata. I gave her an apologetic smile.

Gian:
aga mong online, 3am palang ah. paalis ka na ba?
nabanggit sa akin ni tito 'yong nangyari
di ka nagkukwento
NAKAKATAMPO

I bit my lower lip. Nang makita ako ni Lola noong umaga pagtapos kong umiyak, bakas sa mga mata niya ang pagtataka, pero mukhang nahimigan ding ayaw ko pag-usapan. Si Mikoy naman, pinaulanan lang ako ng pang-aasar dahil mukha raw nakagat ng ipis ang mata ko, pero 'di rin nagtanong.

Pilit ko inalis sa isip ko ang nangyari; nilibang ko ang sarili sa pagrereview, pagluluto at paglilinis ng bahay.

Kahit sa school, ilang beses akong kinulit ng mga kaklase ko tungkol doon, at ilang beses ko ring iniwasang sumagot sa takot na baka magbreakdown ako sa harap nila. Another reason is that I'm not even close to them. Ipupusta kong tinanong lang nila ako dahil nagulat silang ako lang ang nakapasa sa aming batch.

Ngayon, may nagtatanong ulit sa akin tungkol doon. I don't want to be rude and not answer Kuya Gian, especially since he'd been a lot of help to me lalo noong nagrereview ako. Siya pa ang nagprovide ng reviewers na ginamit ko at nagsilbing moral support sa tuwing pinagdududahan ko ang kakayahan ko.

"I told you, I just needed some time to think. Pauwi na nga ako, o."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. A guy who looked my age sat next to me. He's wearing a simple pink hoodie and jeans.

My brows furrowed as I sniffed. He smelled of. . . vanilla and strawberries.

His right hand was scratching his eyebrow while his other hand was holding his phone over his ear, probably talking to someone. Umusog ako ng kaunti sa gilid dahil mukhang nahirapan siyang umupo. Paano, e ang laki ng bitbit niyang bag. Mukha siyang umuwi galing sa bakasyon. Ba't kasi hindi niya ilagay doon sa compartment?

Agad na napataas ang kilay ko nang binaling niya rin ang tingin sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang magkatinginan kami. He cleared his throat as he turned his gaze somewhere.

"What? Anong nakabuntis? 'Wag mo akong itulad sa 'yo, Kuya Nico!"

Itinuon ko muli ang atensyon ko sa phone ko.

Patch:
Don't worry, Kuya. I'm okay.

Gian:
ok patch lokohin mo ang sarili mo
i know how much you wanted to get in that school, it's been your dream since you were eight
dont worry pagluto kita ng carbonara pagdating mo dito to cheer you up :)

Patch:
Tapos pababayaran mo ulit sa akin pinambili mo ng ingredients tulad last year? Thanks, but no thanks.

"Is Nica asleep? Give her the phone, Kuya. Ayaw ko na sa 'yo, gulo mo kausap, e."

Ang mahinang pagtawa ng katabi ko ay muling pumukaw sa atensyon ko. Mukha siyang. . . anghel. Even his laugh sounded sweet and angelic. Maingat niyang pinatong ang bag sa kaniyang hita, at tinukod niya naman doon ang kaniyang mga braso. His smiling eyes were almost completely shut.

Gian:
HAHAAHAHA
sige utang nalang muna
magiging oks din lahat Patchot
malay mo pag college ka na doon ka na mag-aral
or maybe God has something bigger in store for you

Huminga ako ng malalim pagkabasa ng sinabi ni Kuya. Pinilig ko ang ulo ko sa bintana at tumingin sa labas. Mariin akong pumikit nang maramdaman kong nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Ilang araw ko nang iniiwasan ang pakiramdam na 'to. I swallowed the lump in my throat.

Patch:
Di naman ganoon kadali tanggapin :(

Gian:
i know... if only i could do something to help you
tito was crying over the phone yesterday pala
sabi niya natatakot daw siya na baka sumama ang loob mo dahil hindi ka niya masuportahan sa pangarap mo

Patch:
What?
Bakit naman ako magagalit? It's not his fault.

Gian:
i assured him naman na di ka ganoon

Lumitaw sa isip ko ang mukha ni Papa habang magka-video call kami noong nabanggit ko sa kaniyang pumasa ako.

Paulit-ulit siyang nagsosorry no'n kasi hindi raw kayanin ng pamilya namin kapag doon ko napiling mag-aral. Sabi niya, kung 'di lang sana nangyari ang mga nangyari sa pamilya namin last year, baka pwede pa. . . pero ngayon, malabo raw. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko no'ng oras na 'yon, hindi agad ako nakapagsalita at napatayan ko pa siya ng tawag. I suddenly wanted to slap myself for being rude. I made a mental note to call Papa later this day and apologize.

Hindi ko kayang magalit kay Papa. Isa pa, hindi niya naman talaga kasalanan kung hindi niya kayang pag-aralin ako sa dream school ko. Grabeng sakripisyo na nga ang ginagawa niya sa pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa. Kahit 'di niya sabihin, bakas sa kaniyang himig ang pagod sa tuwing kausap namin siya. Kung meron man akong dapat kainisan, ang magaling kong ina 'yon.

Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha. 'Wag kang umiyak, Patch. Do not fucking cry.

I feel like I'm at fault too. I should've just accepted there's no way I'd be able to study in my dream school. Not in this lifetime. Parang mas pinaasa ko lang ang sarili ko nung kumuha ako ng exam, tapos pumasa pa ako. It was as if the universe gave me a gleam of hope only to take it back in the end.

Tinakpan ko ang mukha ko nang 'di ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ang aking mga luha. Akala ko ang posibleng nakakahiyang gawin ko rito sa bus ay magsuka, 'yon pala dito pa ako iiyak!

"Hey, are you crying?"

I pressed a palm over my mouth to muffle my sobs. Kahit kailan talaga, 'di ako nagawang pagbigyan ng mundo sa mga bagay na gusto ko. Makaramdam man ako ng kaunting saya, kaagad din naman itong babawiin. Sana pwede kong diktahan ang puso kong 'wag nang pangarapin ang mga bagay na hindi ko naman kayang abutin.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong ng lalaking katabi ko. Why did he sound so concerned? Kung makapagtanong siya akala mo ay close kami. Ni hindi nga namin alam ang pangalan ng isa't isa!

"Tahan na, baby. . ."

His words rang in my ears. Baby, really? Ang bilis din ng isang 'to, ah. Napairap ako at 'di na lang siya pinansin. Umusog ulit ako sa gilid kahit wala nang uusugan. Baka kung ano pang gawin sa akin nung lalaki. Mukha naman siyang harmless, but still. At bakit ko ba kasi nalimutang magdala ng panyo? Hindi pa man ako nakakaalis sa bayan namin, mukha na akong timang dahil sa pag-iyak ko.

"Uy, bakit ayaw mong sumagot?"

I gritted my teeth in annoyance. Ang kulit. Ano bang paki niya? May mapapala ba siya kapag nalaman ang pinagdaraanan ko? At talaga bang nakikipag-usap siya sa mga 'di niya kakilala?

"Tahan na. . . ano nga kasing nangyari?"

"Pwede bang 'wag mo akong pakialaman?" I said, not even bothering to hide the irritation in my voice.

I turned to face him, only to freeze halfway in shock. I blinked — once, twice, thrice. Shit na 'yan. Hindi pala ako ang. . . hindi pala ako ang kausap niya. The guy turned to face me, raising his brow.

My hands went cold when our eyes met and all I could hear was my heart thumping loudly.

Sandali niyang ibinalik ang phone sa tenga. "Hello, Nica? Wait lang, ah—" Hinarap niya akong muli. "—ano ulit 'yon, miss? Sorry, 'di kita narinig, e."

Nanuyo ang lalamunan ko bigla. The corner of his lips curved into a playful smile as he gazed intently into my eyes. When I tried to speak, no words came out.

Mas gugustuhin ko pang tumalon sa bintana kaysa sumagot.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...