Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 23: Do something

976 19 10
By AyhenPey

Chapter 23

Pagkababa namin sa Ferris Wheel.

"Tara na," bigla na lang niya akong hinatak palakad. Bakit ganito ang feelings ko parang gustong gusto ko pa na hawak niya ang kamay ko. Naku, hindi maaari! Kinalas ko yung kamay ko sa kanya, hindi talaga pwede. Pati yung iniisip ko kanina na baka nahuhulog na ako sa kanya. Wala yun, naisip ko lang yun dahil natatakot ako. Hindi talaga pwede akong magkagusto sa kanya.

Napahinto pala kami dahil sa ginawa ko.

"Bakit?" pagtatakang tanong niya.

"Wala hehehe." tapos ngumiti naman siya hahawakan pa sana niya yung kamay ko nang bigla akong lumakad.  Ewan ko naguguluhan ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mapansin kong nandoon pa din siya pwesto niya at nakatayo.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot at tinignan lang niya ako. Hindi ko mawari kung anong tingin iyon pero nagulat ako sa ginawa niya. Bakit? Dahil tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa katulad ng ginawa niya sa akin nooong unang beses kaming nagkita.

Pakiramdam ko babalik kahit ano mang oras ang Zac na nakilala ko noon. Kinakabahan ako, ayaw ko ng ganoon siya. Gusto ko yung ngayon na siya, sana hindi. Sana hindi na siya bumalik.

"Ayaw mo na ba akong kasama?" tanong niya sa akin ng may malamig ng tingin. Nakaramdam ako ng kaba, galit ba siya? Tumingin lang ako sa kanya, gusto ko ba siyang kasama o ayaw ko na? Naguguluhan na talaga ako. Oo aaminin ko nagkakagusto na ata ako sa kanya. Pero MALI eh! Hindi talaga pwede, dahil unang-una yung Religion namign dalawa. Napaka importante ng Religion sa akin at ibang-iba ang yung sa akin at sa kanya. Kaya ayaw ko talaga.. Pero,

Lumakad na siya palapit sa akin, huminto siya sa harapan ko. Okay na ba? Pero nagulat ako dahil lumakad na muli siya at nilagpasan ako.

Sumunod na pangyayari? Hindi niya ako nilingon muli at dumerecho na siya palabas ng peryahan. Sinundan ko siya, iiwanan niya ba ako? Akala ko ba...

Hinabol ko siya at nung nakita ko siya pasakay na siya sa tricycle. Iiwanan na niya talaga ako? Bakit ganoon bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiiyak ako. May mali ba akong ginawa sa kanya, bumitaw lang naman ako sa kamay niya kasi naguguluhan ako. Akala ko ba sasamahan ko pa siyang bumili ng pangregalo.

Nakita ko na lang na sumakay siya ng Tricycle. Tinignan ko lang siya at tumingin siya sa akin hanggang sa tuluyan na ngang umalis yung tricycle. Iniwan na nga niya talaga ako. Lumakad ako doon sa may bench at umupo. Bakit ako naiiyak? Bakit?! Nakakaasar naman eh. Anong ibig sabihin nito? Bakit ako naiiyak? Dahil ba sa iniwan niya ako, may pamasahe naman ako pauwi eh.

Pero hindi eh hindi iyon ang iniiisip ko. Ang iniisip ko ano na lang mukha ang ihaharap ko sa kanya kung sakaling magkita ulit kami. Hihingi ba ako ng sorry? Wala naman akong ginawang mali eh.

At doon tumulo na ang luha ko. Hindi ako pwedeng magkagusto sayo! Nakakaasar ka Zac! Malapit na pa naman ang Birthday mo.

Ayaw ko nito! Ayaw ko ng ganitong nararamdaman, ayaw kong may nagagalit sa akin! 

"Serah!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Nagulat ako sa taong nakita ko lalo na dahil nakita niya ako na ganito ang itsura. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Umiiyak ka ba?" lumundag naman ang puso ko dahil hinawi niya yung buhok ko sa mukha ko at tinabi sa tenga.

AKO?! Ako ang crush niya? 

"Hindi, tumatawa ako. HAHAH." sarcastic kong sagot sabay talikod sa kanya. Pinunasan ko naman ng kamay ko yung luha ko. Bakit ba siya nandito? Haysss..

"Iba na talaga ang Serah ko eh." bigla naman akong napalingon sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Loko ka Travis!" tumayo na ako tapos siya naman tumawa.

"Biro lang, bakit ka ba nandito? Para kang pulubi na umiiyak dito sa Bench. Ang kaganda-gandang babae dito nag eemote sa mataong lugar at maingay. pa" napatungo naman ako sa sinabi niya, hindi naman ako kagandahan eh.

"He!" nakatungo pa din ako. Pero kahit papaano naman lumuwag na ang pakiramdam ko, may gusto nga akong itanong sa kanya eh. Pero masyadong personal.

"Bakit ka ba kasi umiiyak?"

"Wala." Bawal mag sinungaling, pero kailangan ko atang gawin ngayon 

"Halika nga, bibili na lang kita ng ice cream." nagulat naman ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. At naglakad na kami, teka saan kami pupunta? At bago pa ako mag react. Pumara na si Travis ng tricycle at sinabi na doon daw kami sa may SM City ****** pupunta.Malapit lang naman dito sa peryahan -  yung Mall maybe 10 minutes.

Eh? Teka, Balak pa nitong mag Mall? Tinulak na lang niya papasok sa loob ng tricycle pero hindi naman masakit. Pati sana'y na din naman ako sa kanya kasi mag kaibigan kami. Ang pinagtataka ko lang bakit nandito siya. Pati lagot ako nito kay Mama, patay ako kapag umuwi ako. Hindi ko naman kayang sabihin kay Travis yung real issue. Ayaw ko na malaman niya..

"Travis bakit nasa peryahan ka?"

"Ako dapat magtatanong niyan sayo eh. Pero sige dahil tanong mo eh di sasagutin ko. Uhmm, may ime-meet lang ako na katextmate ko?" hayss, hindi pa siya sigurado sa sagot niya eh.  "--eh ikaw bakit ka nandito?"

Patay! Tinanong na niya ako. Zipper your mouth Serah! Kaysa sa mag sinungaling tumahimik na lang. After ng long silence ko...

"Pssh, ayaw sabihin. Sige pagbibigyan kita crush naman kita eh. Pero sa susunod di na pwede yan."  tumingin naman siya sa may labas. Tinignan ko siya at ngayon ko lang narealize ang gwapo pala ni Travis kapag naka side view. Hindi lang siya gwapo, mabait, matalino pa siya at caring. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito. Nagulat na lang ako dahil bigla siyang lumingon sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nakita niya ako na nakatingin sa kanya!

"Bakit ka nakatingin sa akin?" still, hindi pa din ako tumitingin sa kanya nakatingin ako sa may harapan.

"Hindi ha" sagot ko, tapos naramdaman ko naman na lumapit ang mukha niya sa akin. Kasi nakaramdam ako ng something sa tenga ko. Wag kang lilingon Serah! Wag!

"Crush mo din ako noh?" nagsitayuan naman ang balahibo ko doon. Tapos naramdaman ko naman na hinawakan niya yung likuran ng ulo ko. Travis!! Anong ginagawa mo? Naninigas na ako dito, hindi ko makilos ang katawan ko.

"Nandito na po tayo" sabi nung Driver. Wossh, thank you kuya! NIligtas mo ako kay Travis! Inabot naman ni Travis si kuya ng 50 pesos at lumabas ng Tricycle pati ako lumabas na din. Tapos tumingin sa akin si Travis at ngumisi.Tinignan ko lang siya ng what-to-do-look. Nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko at ayun lumakad na kami.

May nadaanan kaming nagpipicture sa kanya. Pero hindi naman siya pinapansin. Parang si Zac lang kanina. Haysss, siya na naman. Pumasok na kami sa Mall at saan ba kami pupunta nito?

"Saan tayo pupunta?"

"Gusto mo sa simbahan na lang?" parang napangiti ako doon pero naalala ko baka naman dalhin ako nito sa Catholic Church.

"Bakit?" try ko munang mag tanong, wag tayong mag assume. Pero gusto ko pumunta kami sa Church namin, ipapakilala ko siya sa mga ka-sisters at brothers ko para masaya. Pero nagulat naman ako sa sagot niya

"Para papakasalan na kita." napatingin naman ako sa kanya na may tingin na di maintidihan. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko gamit yung kaliwa niyang kamay. Paano naman kasi yung kanan niya hawak yung kaliwa kong kamay 

"Loko! Kay Bethina ka eh" biglang lumabas sa bibig ko.

"Selos? Tara, ibibili na nga kita ng ice cream." tapos dinala niya ako sa may Dairy Queen, di ko alam kung anong Food Chain ito. Tapos pinaupo niya muna ako siya na lang daw bibili. Binuksan ko naman yung wallet ko at may laman itong 100 pesos. Pamasahe ko lang ito pauwi tapos yung cellphone ko na sa bahay naman. Patay talaga ako nito kay Mama.

 Pero bigla naman siyang bumalik.

"Mag Greenwich na lang tayo hindi ka kasi mabubusog dito. Pati magandang mag dinner na lang tayo." bago pa ako makasagot tinayo na niya ako sa upuan at inakbayan. Naglakad na kami at grabe naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi kasi ako sanay na ganito lalo na ngayon pinagtitinginan kami.

Gwapo ba naman ang kasama mo tapos ikaw ganito itsura haysss Travis talaga.

"Travis, hatid mo ako sa amin ha?" sabi ko sa kanya. Bahala na mamaya kung papagalitan ako ni Mama dahil iba na ang kasama ko. Kilala din naman niya si Travis eh. Ikwekwento ko na lang sa kanya yung real na pangyayari. Kaya ko 'to! Mag o-open up ako sa Mama ko.

Lord help me..

Papasok na sana kami sa loob nung Greenwich ng may na kasalubong kami. Napatingin ako sa katabi ko at binati naman niya iyon.

"Zac!" nilagpasan niya lang kami at hindi pinansin. Tapos may dala-dala siyang Box ng Blue Magic na ang sukat ay kalahati sa katawan niya.Bumitaw naman ng akbay si Travis at hinabol si Zac kaya ako ngayon ay naiwan dito.

So siya na lang pala ang bumili ng regalo. Nalungkot naman ako kasi dapat kasama niya ako pero ang masaklap nakita niya ako na kasama ko si Travis. Hayss! Ano ba bakit ko ba iniisip iyon?

Nag-usap lang yung dalawa, hindi ko naman marinig. Tapos noon pinat ni Travis si Zac at bumalik na siya. Si Zac naman umalis na din, akala ko pa naman sasama din siya sa amin.

"Badtrip! Kinakausap ko ng matino hindi ako sagutin ng maayos! Laging PMS!" sabi ni Travis na naaasar.  Tapos pumasok na siya sa loob kaya sumunod na lang ako. Pinaupo na lang niya ako at oorder muna daw siya.

Habang umoorder siya napatingin ako sa labas. Makakita kaya ako ng pang regalo kay Zac sa isang linggo? Pero baka naman meron na siya noon, kasi nakakita ako doon sa kabilang store ng T-Shirt. Kung lalaki ang pupuna doon magugustuhan din niya iyon kasi cool yung style. Gusto ko sana iregalo sa kanya iyon pero baka naman hindi niya magustuhan. Pati makakapunta ba ako sa Birthday niya? Hindi naman niya ako sinasabihan at hindi ko din naman kayang pumunta doon para ibigay ang regalo ko.

Pero gusto ko talaga siyang regaluhan, bilang kaibigan.

"Heto na po ang order niyo" nagulat ako kay Travis dahil bigla niyang nilapag sa lamesa yung Pizza.

"Piling waiter." asar ko sa kanya

"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Heto, kain na tayo." kumuha na siya ng slice kaya kumuha na din ako. Hmmm, sarap! Pero naalala ko, nakalimutan kong mag pray! Kaya naman binaba ko sa plato yung pizza ko at tumungo at nagdasal.

Mag th-thank you muna ako kay Lord. Nung natapos na ako tumingin ako sa katabi ko at nakangiti siya sa akin. Naisip ko lang 100 pesos lang ang pera ko kulang na kulang sa kalahati ng presyo nitong pizza. Nakakahiyang kumain. Ang sabi niya ililibre lang niya ako ng Ice Cream hindi ng pizza!

"Oh? Bat di ka na kumain? Sige ka mauubos ko ito" ngumiti na lang ako sa kanya, sige ubusin mo na yan Travis. Hindi na lang ako kakain, wala kasi akong pambayad. Pero napansin ko yung Pizza na nakalagay sa plato ko. May kagat na!!!! Waaah. Magkano itong pizza na ito? Ito na lang ang babayaran ko.

Kinuha ko yung bag ko at nilabas yung wallet ko. Mabuti na lang at dalawang 50 pesos iyon kaya kinuha ko iyon at inabot kay Travis.

"Ito ang bayad ko sa isang slice sayo na ang lahat, wala na akong pera eh" sabi ko sa kanya, yung isusubo sana niyang pizza ay bigla niyang binitawan. At tinignan ako ng gulat na gulat.

"Sinasabi mo?"

"Oh, ito ang bayad ko dito" tinuro ko yung pizza na nasa plato ko. Eh kasi naman ito lang naman talaga ang kaya kong bayaran eh. Tinulak naman niya yung kamay ko na inaabot sa kanya yung 50 pesos.

"Treat ko ito, kaya kumain ka. Pati wag mo akong bayaran. LIBRE nga eh."

"Nakakahiya." kaya inabot ko ulit sa kanya yung 50 pesos.

"Libre nga sabi eh, kumain ka na dyan. Yang 50 pesos? Sayo na yan, wag mo akong bayaran." tapos tinulak na naman niya yung kamay ko.

"Eh, " magsasalita pa sana ako ng bigla siyang sumigaw.

"Isa pa Serah, hahalikan na talaga kita!" kaya naman napatungo ako at binalik ko na sa bag ko yung pera. Nung nailagay ko na kinain ko na yung pizza habang nakatungo. Loko ka talaga Travis! Dami tuloy nakatingin sa amin ngayon. 

"Hahah, edi sinunod mo ako. Yun pala ang magpapasunod sayo eh"

"He!"

"Parang si Bethina lang eh" kaya naman napatingin ako sa kanya, tapos siya naman nakangiti habang nakatingin sa kinakain niya. Uyy something's fishy here ah. Pero bakit ganoon parang may something na naman akong nararamdaman.

"Ayieeh" pang-asar ko sa kanya kahit may iniisip ako.

"Pssh" pagkatapos noon hindi na muli siyang nagsalita. Kumain na lang kaming dalawa hanggang sa naubos na yung pizza. Tatlo sa akin, lima sa kanya. Hahah takaw niya eh. Tapos noon tumayo na siya kaya naman ginaya ko na din at mukhang uuwi na kami.

Nung nasa labas na kami biglang lumabas sa bibig ko.

"Travis ano magandang iregalo sa lalaki?"naglalakad kami ngayon, at nakatingin ako sa mga Boutique na dinadaanan namin. Baka kasi pwede ko pang mapaltan ang ireregalo ko kay Zac. pati mag su-survey muna ako heheh.

"Bakit reregaluhan mo ako?" tumawa na lang ako sa tanong niya baka mapaghalataan eh.

"Sa pasko. So anong magandang iregalo?" sagot ko sa kanya, totoo naman na Pasko reregaluhan ko siya. Sana hindi niya mapansin na nag-iisip ako ng pang regalo kay Zac.

"Hmmm, girl o boy?" tanong niya

"Boy" mabilis kong sagot ng may nadaanan kaming tindahan ng Cake, cupcakes, brownies, etc. Hmmm, parang ganito na lang ang ireregalo ko sa kanya pero baka hindi niya magustuhan ang iba-bake ko. Hindi pa naman kasi ako kagaling sa pagb-bake.

"Kiss na lang" napalundag ako sa sagot niya at tinignan ko siya ng nakakaloko. Seryoso ang tanong ko eh.

"Hahahaha, oo Serah. Kiss ang gusto namin mga lalaki lalo na kapag galing kay special someone. Kaya kung ako sayo wag ka ng mag-isip pa ng ireregalo. Kiss muna lang." tapos noon tumawa na naman siya ng tumawa. Hindi ko na lang pinansin, kung alam mo lang Travis.

T-shirt o Cake?

Kung cake ang ireregalo ko sa kanya baka naman may ganoon na siya sa araw ng Birthday niya. Natural na yun Birthday na niya eh. Pag T-Shirt naman madami na siya noon, pero kasi kapag T-Shirt magagamit niya kumpara sa Cake na isang kainan lang ubos na. So, anong ireregalo ko?

Waaah, Lord wag niyo akong bigyan ng sakit ng ulo ko. Kung pwede lang akong humingi sa inyo kung ano dapat kong iregalo gagawin ko. Eh ang tanging mahihiling ko lang naman sa inyo aty tulungan ako. 

"Uwi na nga tayo, kaboring"

Hinatid na ako ni Travis sa amin tinignan ko ang orasan at 9:24 p.m na. Naku, mukhang patay ako nito pag-uwi. Papasok na ngayon kami ni Travis sa loob ng bahay, sabi ko kasi sumama muna siya. Pati kinuwento ko na din sa kanya yung tunay na ng nangyari kanina habang nakasakay kami sa Tricycle. Nagulat nga siya kasi ang rude daw ni Zac, ang sabi ko naman ganoon talaga eh. Pati I need to say na rin sa kanya yung tunay na pangyayari para matulungan niya akong mag explain kila Mama kung bakit siya na ang kasama ko pag-uwi.

"Ser---" bati sa akin ni Mama na biglang naputol dahil nagulat siya sa kasama ko. "--Travis! Bakit ikaw na ang kasama ni Serah ngayon? Ah siguro umuwi na ng maaga si Zac kaya ikaw na lang nag hatid sa anak ko ano? Oh siya upo ka muna"

Napa WHAT look naman si Travis pero sinunod din naman niya ni Mama. Ako naman sabi ko tataas na ako dahil pagod na din kasi ako eh. Kaya hindi ko na alam ang nangyari kay Travis kasi pagkapasok ko sa kwarto pahinga muna tapos maliligo ako at matutulog na. Wait, syempre magdadasal muna ako bago matulog. Heheh.

- - - - - -

 Isang linggo kaming sembreak. Wala akong magawa sa bahay kung meron man maglilinis ako ng kwarto, ng C.R, mag tatanggal ng mga alikabok at marami pang iba. Pero nabobored na din ako eh. Hindi naman ako mahilig manuod ng T.V dahil naniniwala ako na hindi lahat ng napapanuod sa TV ay maganda. Sumasakit naman ang mata ko kapag tumatagal ako kababasa ng Bibile. Hayss nakakabored din kapag walang pasok.

Sayang walang gawain ang  Youth ngayon. Kung meron edi hindi ako bored. Nakaupo ako sa sofa bukas na din iyong Birthday ni Zac. Nag-iisip ako kung gagawa ba ako ng Cake hindi ko naman maibibigay sa kanya eh. Nang biglang lumapit sa akin si Mama.

"Anak."

"Bakit po?" nakiupo na din si Mama sa tabi ko tapos inayos yung buhok ko. Nagulo na ata hehehe.

"College ka na next year, may plano ka na ba?" bigla akong napaisip sa tanong ni Mama sa akin. Oo nga no, hindi ko man lang naisip. Ano bang magandang kurso na kukunin ko? Pati saan ako mag-aaral?

"Hmmm," hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ganito yan anak, isipin mo kung ano gusto mong gawin habang buhay mo."

Ang pagsilbihan si God. :)

Pero hindi naman kurso iyon kung meron man ganoon talagang kukunin ko iyon pero wala eh. Sayang!

"Hindi ko po alam" sagot ko kay Mama

"Kami ng Papa mo gusto ka namin pakuhanin ng Accountancy. Gusto mo ba iyon anak?" bigla akong nagulat sa sinabi ni Mama. Accountancy? Alam ko more on MATH iyon. Mahina pa naman ako doon. Waah.

"Hindi po ba mahirap iyon?"

"Lahat ng kurso mahirap, ang kailangan mo lang sa College sipag at tiyaga. Oh siya magluluto muna ako ng Tanghalian. Dapat bago mag January makaisip ka na ng kurso na kukunin mo anak."

At naiwan ako doon na nag-iisip. Pero biglang sumagi sa isipan ko yung Birthday ni Zac bukas na iyon. Ano gagawin ko? Nang biglang mag ring yung cellphone ko. May natawag sino kaya ito? Pagkatingin ko sa cellphone ko.

Calling Travis..

Sinagot ko naman baka importante simula kasi nung pumunta siya dito at hinatid ako hindi ko na muli siyang nakausap since hindi nga ako lumalabas ng bahay.

' Hello? ' 

Serah bukas pumunta ka sa birthday ni Zac. Invited lahat ng 4th year ng SJNH.

' Eh? '

Hindi ka ba nagfa-facebook? Naka-post sa group na imbitado tayo. Kaya kung ako sayo bilhin mo na yang regalo na iniisip mo. Hahah. Oh siya siya b-bye na. Nandito na si Commander eh..

' Uy teka-- '

Bigla ba namang inoff ni Travis yung call. At wait! Paano niya nalaman na nag-iisip ako ng regalo? Hindi naman ako obvious nung isang araw ah? Pati sino kaya yung Commander na tinutukoy niya? Wag niyang sabihin na nasa Military sila. Wait! Naalala ko ngayon na din pala yung Concert nila. Pero, hayaan mo na nga sila. Good luck na lang, hindi naman ako manunuod dahil hindi ako nakikinig ng mga awitin nila.

And bahala na din bukas, pumunta ako sa kusina at nag paalam kay Mami na pupunta ako sa Groceries Store. Sinabi ko sa kanya na mag ba-bake ako ng cake mamaya. Pumayag naman siya. Sinabi ko din na Birthday ni Zac bukas, basta reregaluhan ko siya nito.

- - - - -

3:00 p.m daw mag pupuntahan yung mga classmate ko doon. Tinext ako ni Travis na dadaanan daw niya ako dito para sabay kaming pupunta. Mabuti na lang kaibigan ko siya may nakakasama tuloy ako. Kinuha ko na yung Cake sa ref nakalagay dito sa box tapos nilagay ko na siya sa Paper bag. Sana magustuhan niya ito, second time ko lang kasing gumawa ng Fondant Cake. Kaya hindi ko talaga alam kung papasa ang lasa nito sa kanya. Pati iniisip ko nga din kung tatanggapin niya ito, di ba galit siya sa akin? 

"Tao po" napatayo ako sa pagkakaupo ko at nilabas ko si Travis. As usual naka porma na naman siyang checkerd at naka angat ang buhok pero ngayon ang iba ang style niya dahil naka salamin siya.

"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?"

"Heheh,wait lang" pumasok ako sa loob at sinabi kay Mama na aalis na ako. Umoo lang siya at syempre mag-ingat daw.

Lumabas na kami ni Travis nag lakad na kami, kasi walking distance lang naman dito ang bahay nila Zac. Nang mapansin kong huminto siya sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko

"Hmm, umiikli na ata palda mo ngayon at naka sandals ka na ngayon hindi doll shoes. Wow nag iimprove" dinilaan ko na lang siya at lumakad na. Sana talaga tanggapin niya itong regalo ko. Nung malapit na kami doon, parang umatras na ata ang paa ko. Nahihiya na akong pumasok, hindi namana ko imbitado dito at galit pa sa akin yung may Birthday.

"Pasok na" sabi sa akin ni Travis

"Eh, nahihiya ako"

"Ako bahala sayo" bigla na lang akong tinulak ni Travis papasok muntikan na nga akong masubsob at mabitawan yung Paper bag. Thank you kay Lord dahil hindi. Nasa garden yung mga classmates ko, pati mga kabatch ko. Tatanungin ko sana kung nasaan sila Hannah, naalala ko Third Year pala sila kaya hindi naimbita.

Pumunta kami ni Travis doon sa pwesto nga mga kaklase ko ng mapansin kong nakatingin sila sa akin. Including yung grupo nila Bethina, iniwas ko na lang ang tingin ko at umupo ako sa likuran nila. Si Travis? Nawala na. Iniwan na ako, tiningala ko naman ang ulo ko at nakita kong nakatingin pa din sila sa akin. Nang kinausap ako ni Jane

"Ano yan?" tinuro niya yung Paper bag na hawak ko.

"Wala"

"Weh? Gift mo kay Zac yan anoh?" tapos ngumiti siya sa akin, napatingin naman ako kila Bethina at inirapan lang nila ako. Haysss,

Nang mag sigawan yung mga tao sa harapan ko. Lumakad kasi ang The Switch sa harapan nila at pumunta sa pinaka gitna. Doon kasi sa gitna nakalagay yung drums, mic , guitar and bass. Siguro mag pe-perform sila. Umayos na sila at nakita ko na si Zac, parang kakaiba ata ang aura niya ngayon? Dahil siguro sa nag iba na naman siya ng kulay ng buhok. Ngayon kasi itim na, mas lalong nagpaputi sa kanya. Nang bigla siyang tumingin sa akin? Oh sa lugar namin? Kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Mag pe-perform muna kami, para doon sa mga hindi nakanuod ng Concert namin kagabi. Para sa inyo ito" tapos nag sigawan naman sila. Lalo na ng tumugtog yung Drums at sinabayan ng guitar at bass. Hindi ko masyadong makita si Travis kasi nasa likuran siya. Tapos yung kinakanta nila ngayon yung may lyrics ng time machine. Ewan, hindi ko alam.

Tanggapin kaya niya ito?

Napadaydream na lang ako habang tumutugtog sila. Hindi ko iniintindi yung kanta kasi nga mas gusto ko yung mga Hillsong kaysa dyan. Nang biglang mag switch yung kanta sa alam ko. Yung kantang Prinsesa ng 6cyclemind.

Kaya nag tilian na naman sila, kahit sila Jerome na lalaki sumisigaw. Hala? Tapos nakikisabay sila sa kanta kahit ako yung utak ko napapasabay na tuloy. Ito ang hirap kapag alam mo yung kanta eh, kapag alam mo at narinig mo mapapasabay ka. 

Dalhin mo ako sa iyong palasyo, maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian.. Wala man akong pag-aari pangako kong habang buhay kitang pagsisilbihan oh aking prinsesa..

Nang biglang may humawak sa balikat ko paglingon ko doon nakita ko si Dria buhat buhat si Mishka. Bali si Mishka pala yung humawak sa balikat ko. Napangiti naman ako sa magkapatid na ito. Kinuha ko si Mishka kay Dria at binuhat ito. Ang cute talaga ni Mishka  Ang bigat nga lang hahaha kasi ang taba niya.

"Ate tara sa loob?"

"Ha?" pero bigla na lang niya akong hinigit patayo. Tapos siya na yung humawak sa Paper Bag na dala ko habang buhat buhat ko naman si Mishka.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta" sumunod na lang ako sa kanya nung nakapasok na kami sa loob ng bahay nila at daming tao. Siguro kamag anak nila iyon, nakatingin pa sila sa akin. Kasi nga buhat ko si Mishka. Tapos umakyat kami ni Dria ng hagdan. Saan naman kaya kami pupunta nito?

Nang pumasok siya sa isang kwarto. Kwarto ba niya...

"Ate pasok ka" pumasok ako at namangha naman ako sa loob ng kwarto niya. Puro color pink lahat at hello kitty ang theme ng kwarto niya. Lumapit ako sa kama at binaba ko si Mishka mabuti na lang at hindi umiyak

"Wow" ang tanging nasabi ko

"Si Kuya ang nag-ayos nito" bigla niyang sinabi..

"Weh?"

"Oo, ayy Ate ano pala itong dala mo?" bigla niyang sinilip yung Paper bag, hindi na ako nakaapila kasi malayo siya sa akin. Pati may tiwala naman ako sa kanya na hindi niya masisira iyon.

"Wow.. Akin na lang ito Ate!!!" doon na ako napatakbo palapit sa kanya para kunin yung Box. Binuksan na niya kasi eh

"Sa kuya mo yan eh.."

"Sige na.."

"Gift ko sa kanya yan eh" ayaw niya pa din ibigay sa akin

"Bakit mo naman siya reregaluhan?" tapos ngumisi siya kaya napaatras ako. Oo nga no? Bakit ko ba siya reregaluhan?

Naalala ko yung sinabi ng Teacher namin sa Math noon. 50% common sense , 50% logic

"Kasi Birthday niya, ibalik mo na sa akin yan. Gagawan na lang kita ng mas maganda pa dyan. BIlis na" lumawak naman yung ngiti niya at binalik niya din sa akin.

"Ate dito na lang muna tayo, laro muna tayong Barbie. Pero wait lang kukuha ako ng food, alagaan mo muna si Mishka"

 At iyon dumating na din si Dria may kasama pa siyang katulog nung nilapag niya sa table yung pagkain. May sphagetti, salad, rolls, drinks, jelly, at kung ano-anu pa. Basta ang dami talaga! Tawa nga siya ng tawa sa itsura ko tapos bigla na lang hinampas ni Mishka yung sphagetti at sinubo sa bibig niya. Eh ang dami noon, anong resulta? Puro sauce ang mukha ni Mishka, tawa lang ng tawa si Dria. Kumain na lang kami habang nanunuod kami ng TV. Nawala na din yung tugtugan sa baba, siguro tapos na. Tapos si Dria niyaya akong maglaro daw kami ng Barbie, talaga bang Gr.7 na ito? Parang hindi eh, bigla na lang nyang nilabas yung mga Barbie nya at sinuklayan. Kinuha na din sa akin si Mishka nung isa nilang katulong kaya tuloy napalaro na din ako ng Barbie kay Dria.

Nung bata ako wala akong ganito kaya ngayon hayaan nyo na lang ako. Hehehhe. Naglaro kami, kunyari daw nasa school kami at magkaklase tapos bigla daw dumating yung crush niya at kinausap daw ako. Di na daw siya magagalit at mag seselos, ako lang naman daw eh. Siguro dalawang oras na din kaming naglalaro dito, kasi nag laro din kami ng DollHouse niya ng ubod ng laki. Kalahati ng katawan ko ang sukat nung bahay. Nang biglang may pumasok..

"Kuya, may kalaro ako ngayon. Bleeh!" tumingin lang siya sa akin ng masama kaya nabitawan ko yung hawak ko na Barbie. Naku galit nga pala ito sa akin, natatakot na tuloy ako. Baka masigawan ako nito bakit ako nandito. Lord, wag naman po sana.. Nang bigla siyang lumapit sa akin at hinatak ako na kinagulat ko. Lalabas na sana kami pero si Dria may inabot sa akin. Yung paperbag! Tapos kinindatan niya lang ako.

Nung nakalabas na kami ng kwarto at pababa na ng hagdan. May humarang sa amin. Si Gian yung Bassist nila.

"Mr.Birthday Boy bawal tumakas."

"Oo na" kaya iyon bumaba na kami at tumungo sa garden. Pero bago kami makarating doon binitawan na niya yung kamay ko. Tapos lumakad na siya sa gitna ano bang meron? Kasi nagsisigawan sila ng CLOSER, CLOSER. Pagkakita ko doon sa sinisigawan nila. Si Mariz at Jerome magki-kiss?! Hindi naman magki-kiss pero may kinakagat sila na color brown na stick. Tapos malapit na nilang maubos. Kahit ako mapapasigaw na din kasi isang kagat na lang mag ki-kiss na sila. Kaya lalong lumakas ang sigawan ng CLOSER. Tapos si Jerome siya na yung huling kumagat kaya nakiss niya si Mariz. At nagkaroon ng malakas ng AYIEEEH.

"Si Zac naman!" may sumigaw sa di kalayuan.

"Tapos si Bethina ang partner!"

"Bethina! Zac!" tumayo na si Bethina sa upuan at pumunta sa gitna si Zac kasi nandoon na kanina pa. Ako naman umupo doon sa inuupuan ko kanina, nasaan kaya si Travis? Tapos pagtingin ko sa harapan, kagat na nila yung stick sa magkabilang gilid. Nang sumigaw ang lahat ng GO. Si Zac yung unang kumagat. At bakit ganoon may naramdaman ako na kakaiba sa dibdib ko. Tapos si Bethina naman kumagat na din, grabe ang ganda niya. Nagtilian naman yung mga classmates ko kasi konti na lang mauubos na yung stick.

Tapos biglang nawala yung tilian ng biglang tinulak ni Travis si Zac. Tapos yung stick sa parte ni Zac kinagat ni Travis at iyon nakiss niya si Bethina

"WAAAAAAAHHHHHHHH!"

"OHHHHHHHHH! AYIEEEEEEEEH!"

Napatakip na ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng tilian. Grabe lang talaga si Travis, kiniss niya si Bethina?! Hawak ko pa din pala itong Paper Bag, mabuti na lang hindi nahulog. Nang biglang may humawak na naman sa braso ko.

"Come with me" hindi ko nakita yung mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin habang hawak ang braso ko. Napatayo na ako at napatingin sa kalangitan, naglalabasan na ang mga stars tapos yung orange na langit nagdidilim na. So, mag ga-gabi na pala. Pumasok kami sa loob ng bahay nila, saan naman kaya kami pupunta? Tapos umakyat sa hagdan, ah baka kay Dria lang. Pero hindi eh, umakyat ulit kami sa panibagong hagdan at isa pang ikot sa hagdan.

At nang makarating kami sa huling floor nasa rooftop na kami. Napa wow ako sa itsura may garden din kasi doon sa side nung rooftop tapos sa gitna niya may upuan at table yung pang picnik ang dating. Tapos kita mo yung mga bahay sa malayo na bukas na ang  ilaw. WOW. Pero naalala ko may nakahawak pa din pala sa braso ko. 

"Zac" tumingin ako sa kanya pero nakatingin siya sa malayo.

"Bakit ka nandito?" hindi niya ako tinignan, nakaramdam ako ng kaba na galit siya sa akin at masisigawan niya ako at lamig dahil umihip ang hangin na kinagulo ng buhok ko.

"Invited daw kasi lahat ng 4th year, pati sinundo ako ni Travis sa amin."

"Kung hindi ka sinundo ni Travis, di ka pupunta?"

"Hmm, hindi na siguro."

"Sige umuwi ka na.." tapos binitawan niya yung braso ko at tinulak pero hindi naman malakas. Tumingin ako sa kanya at seryoso ang mukha niya. Paano itong regalo ko sa kanya? Mukhang hindi ko na ata maibibigay, pinapauwi na niya ako eh. "--alis ka na" sabi niya kaya tumalikod na ako at lumakad ng dahan-dahan. Naiiyak ako. Bakit ganoon? Pero sayang itong cake kong di ko man lang ibibigay sa kanya, ilang oras ko din itong dinesign.

Pababa na ako sa hagdan pero naisipan kong ibigay sa kanya ito. Tumakbo ako pabalik doon at nakita kong nakaupo na siya. Nilapag ko sa harapan niya yung Box, tinignan lang niya ito ng may kilatis ng tingin sabay tingin sa akin.

"Ano ito?" sabay turo sa box

"Regalo ko sayo"

"Na, wag na. Napilitan ka lang naman dyan, Kunin mo na ulit" tapos tumingin na ulit siya sa malayo. Wag kang iiyak Serah, dapat maibigay mo sa kanya iyon. Sayang ang effort mo!

"Hindi ako napilitan, ginawa ko talaga yan para sayo, gusto kitang regaluhan pati sorry na din sa inasal ko nung magkasama tayo sa perya. Sana tanggapin mo yan kasi yan lang ang kinaya kong iregalo sayo. So please tanggapin mo." inabot ko sa kanya yung box habang ako naman ay napatungo kasi tumulo ang luha ko. Nakakaasar naman, ang emosyonada ko. Promise, kapag kinuha na niya yung box tatakbo na ako.

Kinuha na niya yung box, pagkakuha niya noon, tatakbo na sana ako. Nang bigla niyang hinawakan yung wrist ko at hinatak ng malakas palapit sa kanya. Napa out-of-balance ako, pinikit ko ang aking mata kasi kita ko ang sarili kong mahuhulog sa sahig pero hindi eh. Pagkamulat ko sa mata ko nakaupo ako sa lap niya at ang lapit ng mukha niya sa akin. Bigla niyang pinahid yung daliri niya sa ilalim ng mata ko.

Naitulak ko siya kaagad at tumayo na ako.

"Happy Birthday, sige uuwi na ako"

"Dito ka muna.."

"Galit ka naman sa akin, pati gabi na uuwi na ako"

Lumakad na ako dahil kailangan ko na talagang umuwi, pero napahinto ako dahil nakaramdam ako ng braso na pumulupot sa bewang ko. At ulo na sumandal sa balikat ko.

"Hindi ako galit, I just want you to do something." tapos tumawa siya, pinagtr-tripan ba ako nito? Bigla akong lumingon sa kanya pero mali pala.

Dahil nung napalingon ako sa kanya nandoon pala yung ulo niya at sa di inaasahan nagtama ang mga labi namin. Nagsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko at tumibok ng napakalas ang dibdib ko sa kaba. Ia-atras ko na sana yung ulo ko pero bigla niyang hinawakan ito. Pinikit niya kanyang mata at kita ko ang ngiti sa labi niya.

Second time

Ginalaw niya ang labi niya at ewan ko sarili ko napapikit na lang ako.

Illuminati siya.

Napaatras ako na kinagulat niya pero ngumiti naman siya pagkatapos. Ano ba talaga siya sa akin? May gusto na ba ako sa kanya talaga? Pero pinipigilan ko lang? Ano..

"Serah, sorry din pala sa ginawa ko sayo nung isang araw. It's not my intention na iwanan ka, naisipan ko lang na gumawa ng scene para mapaisip ka. So sorry talaga, and you don't need to give me a gift. You're enough"

Nginitian lang niya ako, so totoo pala yung sinasabi nila Hannah na member ng Theater Club si Zac noon dahil ang galing nyang umarte! Pero kailangan ko na talagang umuwi..

"Sige, uuwi na ako."

"Hatid na kita"

"May bisita ka pa sa baba"

"Wala akong pake sa kanila.."

"Birthday mo ngayon.."

"It's time to party? Hahaha. Like what I said I don't care to them mas importante ka sa akin kaya ihahatid kita. I cherish you nga di ba?" tapos kinuha niya yung box na nakalagay sa lamesa at lumapit na sa akin.

"Tara na" pagkababa namin dumaan muna siya sa kitchen at sinabihan yung mga katulong na wag gagalawin yung box. Mawawalan daw ang trabaho ang gagalaw noon. Pagkatapos noon nadaan kami sa Living Room nandoon yung Mommy niya at buhat si Mishka. Nginitian ko na lang siya tapos ngumiti din siya sa akin.

Pagkalabas namin sinalubong kami ni Travis.

"Oh? Uuwi ka na ba?" tanong niya sa akin

"Oo."

"Tara, hahatid na kita" tapos hinawakan niya yung kamay ko. Bigla naman akong hinigit sa balikat ni Zac.

"Ako ang maghahatid sa kanya"

"Ako ang sumundo dyan, so ako ang maghahatid" sabi ni Travis. Hala, ano ba ito. Mag-aaway pa ba sila sa paghahatid sa akin? Ano bang meron ako? Hindi naman ako baby na kailangan pang gantuhin. Iniwan ko na sila doon at lumakad ng mabilis sa gate.

Nang may humawak sa kamay ko.

"Ano ba Travis?!" paglingon ko doon, si Zac pala. Nakagat ko naman ang labi ko doon. Hehehe

"Tara na"

Lumakad na kami, naiilang nga ako ngayon eh. Hawak niya kasi yung kamay ko, hindi ko naman magawang alisin dahil hindi ko din alam. Tapos humangin pa ng malakas yung hangin, ang lamig. Malapit na kasing mag Christmas. 

"Serah, may tanong ako sayo"

"Ano yun?"

"May naging boyfriend ka na ba?"ewan ko ba bigla na lang akong kinabahan sa tanong niya, oh baka naman nagulat lang ako.

"Wala." hindi ko nilagyan ng 'pa' dahil mukhang nag-aassume ako na magkakaroon. Pero minsan din iniisip ko anong feeling ng may boyfriend? Pero naiisip ko may araw na iiyak ka at araw na masaya ka kasi hindi naman lahat ng nasa relasyon ay masaya. So maganda na ang single but happy together with Lord.

"Ahhh" yun na lang ang sinagot niya, malapit na kami sa amin. Nung nasa tapat na kami ng gate namin hihigitin ko na yung kamay ko ng bigla niyang hinigpitan ang kapit dito.

Napatingin ako sa kanya at siya ay nakatingin din sa akin.. Long silence..

"Ah, Happy Birthday ulit, sige papasok na ako" hihigitin ko na nga ulit yung kamay ko pero hinigpitan na naman niya. Ayaw ba niya akong papasukin sa amin? Bigla siyang tumungo at kinamot ang batok niya.

"Serah,"

"Bakit?" tumingala ulit siya sa akin at bakit ganito ang itsura nito? Parang may iniinda? Wag niyang sabihin na may masakit sa kanya?

"Pwede ba kitang ligawan?"

Seryoso ang tingin niya sa akin, habang ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig ko. Ano daw? Ligawan? Di ba iyon yung susuyuin ka? Anong isasagot ko dito.. Hindi ko alam, hindi pa ako nakakaranas ng ganito.

"Hmm, sige pag-isipan mo muna, hindi naman kita minamadali. Bye" umatras na siya sa akin at tumalikod na. At doon ko napagtanto ang ibig sabihin niya. Di ba kapag niligawan ka at gustong-gusto o mahal na mahal mo na siya, sasagutin mo na? At magkakaroon na kayo ng relasyon. Eh di kapag pumayag ako na niligawan niya ako posibleng magkarelasyon din kami?

Nagulat na lang ako dahil bumalik siya. Hinawakan niya yung ulo ko at hinalikan ang noo ko.

"I'm dead serious, Serah"

Lord, ano ito? Anong gagawin ko... Tulungan niyo ako kung ano ang DAPAT kong gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
7.9K 326 46
She is a bitch. Maldita. Matalino. Maganda. Mayaman. She has everything in other words. She's a bitch with a class. Then she met him AGAIN. Her old b...
9K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
71.4K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...