2025: The Second Half

By scitusnim

257K 19.2K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... More

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

39 - Miracles do happen

4.3K 375 285
By scitusnim

39 - Miracles do happen



"Pwede niyo pang gamitin ang mga utak ninyo at iligtas ang mga sarili niyo," nagtitimping paalala ni Pia habang pinapanood ang mga binatang itulak ang bangka palusong sa tubig.



"Nice, Pia. Concerned ka na sa ibang tao," natatawang sabi ni Jet.



Lalong sumama ang timpla ng mukha ng dalaga. Wala sa sariling nagpameywang siya. "Shut up!"



Tumawa lamang si Jet saka lumingon sa mga binatang aalis. "Hindi niyo kailangang patayin lahat ng tauhan ng Crescent ah. Ilabas niyo lang 'yung dalawa. Saka na tayo mamroblema kapag nandito na ulit 'yung laging namomroblema para sa ibang tao na itago na lang natin sa pangalang Luanne."



"Makakarating, Jethro," walang buhay na paalala ni Gian.



"Mag-iingat kayo," seryosong sabi ni Mara noong lumapit sa kanya si Lucas.



Tumango ang binata habang nakatingin sa sanggol na bitbit ni Mara. "I'll bring her back."



"Si Aiah din," paalala pa ni Mara.



"That's my job," may tipid na ngiting sabi ni Gian. Lumapit din siya kay Mara at sandaling hinaplos ang pisngi ng natutulog na si Tricia.



Natutuwa mang makita na tila kumukuha ng lakas ang mga binata sa kanyang anak, mas nangibabaw ang kaba sa dibdib ni Mara. Bilang pinakamatanda sa kanilang mga natitira, hindi niya maiwasang mangamba para sa mga kabataang kasama niya. "W-When all of this is over, papabinyagan ko si Tricia. Ninong at Ninang kayong lahat ah?"



Tila may kung anong bumara sa lalamunan ni Mara noong mga pilit at malulungkot na ngiti lamang ang nakuha niyang reaksyon mula kina Lucas at Gian. Pakiramdam niya, maging ang mga ito ay hindi sigurado kung makakabalik pa ng buhay.



"S-Syempre naman!" Sinubukan ni Jet na pasiglahin ang kanyang boses. "Mag-anak kayong lahat, ninong ako!"



"Tangina," napangiwi si Gian saka lumingon kay Lucas. "Sigurado ka bang 'yan ang maiiwan para protektahan sina Ate Mara at Pia?"



"We don't have a choice." Bumuntong hininga din si Lucas saka lumingon sa isa pang binata na kanina pang nakatulala sa karagatan, tila tinatanaw ang daan patungong Basco. "Kevin wants to come."



Muling napailing si Gian saka napabuntong hininga din. Itinaas niya ang hawak na baseball bat ni Warren saka iyon isinandal sa kanyang balikat. "Give him your bat, hindi pwedeng wala siyang armas. Ikaw na ang gumamit sa espada ni Yuan."



Walang salitang naglakad si Lucas palapit kay Kevin at iniabot nga ang kulay gintong baseball bat. Sa kabilang kamay ay mahigpit ang hawak niya sa espada na tila ba nararamdaman doon ang kamay ng dalagang may-ari niyon.



"Aalis na kami," malakas na ani Gian.



"Babalik kayo," walang halong pagbibiro na sabi naman ni Jet.



Hindi sumagot si Gian at tumalikod na agad patungo sa bangka. Agad ding sumunod si Lucas. Si Kevin naman ay lumingon muna saglit kina Jet, Mara at Pia. Bumuntong hininga siya bago tumango ng tipid.



Naging tahimik ang biyahe ng tatlong binatang sakay ng bangka. Hindi man iyon ang unang beses, pakiramdam nila ay napakalayo ng pupuntahan. Idagdag pa ang kaba na kahit anong pilit nilang ikubli ay sadyang nag-uumapaw.



Nang makarating sa daungan ng Basco, wala silang inaksayang panahon at agad na bumaba ng bangka. Lakad at takbo ang kanilang ginawa, sa pangunguna ni Lucas, hanggang sa marating ang tinutukoy na lugar kung saan nila unang nakita si Aiah.



Tumigil muna saglit ang tatlo sa eskinitang iyon upang habulin ang kanilang paghinga. Hindi pa man tuluyang nakakabawi ay napatayo ng tuwid si Lucas. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa dulo ng eskinita saka inilibot ang kaniyang paningin. Doon lamang nag-sink in sa kanya na mula noong makarating sila ay wala pa silang naririnig na kahit anong tunog, tao man o hayop. Ni walang mga zombies na naglalakad ngunit maraming mga bangkay na naaagnas na ang nakahandusay sa kung saan saan.



Nagkatinginan sina Kevin at Gian noong mapansing natigilan si Lucas. Dahan-dahan din silang naglakad palapit dito at napatitig din sa tahimik na paligid na tinitignan nito.



"So this is how a place would look like six months in an apocalypse," wala sa sariling naibulong ni Gian.



"Two," ani Kevin. "Two months lang dahil normal pa ang Batanes noong dumating tayo dito. Ano na kaya ang itsura sa ibang parte ng bansa?"



Napabuntong hininga na lamang si Lucas. "Let's go."



Maingat na hinanap ng tatlong binata ang sinasabing compound na kinaroroonan ng Crescent. Wala pang sampung minuto ay natunton nila ang nagtataasang pader na nababalot na ng lumot.



"Sisilipin ko," bulong ni Gian at agad namang tumango sina Lucas at Kevin. Tahimik siyang humakbang patungo sa mataas na gate na gawa sa bakal at sumilip sa manipis na siwang doon. Agad din siyang tumayo ng tuwid noong makita ang container. Lumingon muli siya sa mga kasama at tumango.



*****



"She's not even moving!" Umalingawngaw sa apat na sulok ng laboratoryo ang galit na sigaw ni Sylvester. Dinampot niya ang isa sa mga monitors na malapit sa kanya at walang sabi-sabing inihagis iyon sa sahig. "Ulitin niyo! Bring her back! Bakit ba walang makatalo sa Vergara na 'yon?!"



Tarantang nag-unahan ang mga natitirang tauhan sa pagbaba ng barrier habang nagmamadali ding lumapit ang dalawang nakasuot ng body suit para turukan ulit ng antidote si Yuan.



"Sir." Lumapit naman ang isang kapapasok lamang na tauhan kay Sylvester. "We saw three men outside the compound."



"What?" kunot-noong tanong ni Sylvester.



"They are the other survivors, Sir."



"Why are you reporting that to me?! Patayin ninyo agad! Ako lang ba talaga ang nakakapag-isip dito?!"



"S-Sorry po, Sir!" Mabilis na yumuko ang tauhan at tatalikod na sana noong hilahin siya ng kanilang pinuno.



"Sandali," ani Sylvester. Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. "Isa ba sa mga taong 'yon ang may pangalang Lucas?"



"H-Hindi ko po alam." Yumuko muli ang tauhan noong panlisikan siya ng mga mata ng kanyang boss.



"Alamin mo, tanga!"



"O-Opo!" Tatalikod na sana muli ang tauhan ngunit muli pa siyang nagtanong. "Dadalhin po ba dito 'yong Lucas?"



Napatingala si Sylvester at napapikit ng mariin upang pakalmahin ang kaniyang sarili. "Fucking idiots! Malamang! Bakit ba ikaw ang nakikipag-usap sa akin?! Wala na bang mas matalino sa'yo?!"



"S-Sampu na lang po kaming mga gwardiya na n-natitira, S-Sir," halos pabulong na sabi pa ng tauhan.



"Ano?!" galit na sabi ni Sylvester. Sa sobrang pagkahumaling niya sa nagaganap na eksperimento, wala na siyang kaalam-alam sa nangyari sa kanyang mga tauhan.



"Higit dalawampu lang po kaming nakaligtas sa kaguluhan kahapon. 'Yong iba po ipinadala pa para hanapin 'yong bulag na babae."



Napasapo ang pinuno ng Crescent sa kanyang ulo at pilit na huminga ng malalim. "Open the basement."



"P-Po?"



"Tanga ka na, bingi ka pa! Buksan ninyo ang basement! Turukan ng virus ang iba at hayaan silang magpatayan! Palabasin ninyo lahat para siguradong mamamatay ang mga bisita natin!" Hinihingal si Sylvester noong matapos magsalita. Wala siyang pakialam kahit napatigil ang lahat sa loob ng laboratoryo dahil sa sobrang takot sa kanya. "Naiintindihan mo na ba? O ipapaliwanag ko pa ulit?"



"N-Naiintindihan po..."



"Papuntahin mo dito lahat ng natitirang gwardya para makasigurong walang iistorbo sa test."



"P-Pero, Sir... ang anak niyo po... Maiiwan pong mag-isa si Ma'am Aiah at--"



"Ikaw na ba ang nagdedesisyon ngayon?!" Sinampal ni Sylvester ang tauhan na nakayuko lamang sa kanyang harapan. "Hindi ka kasama sa mga pupunta dito, ha?! Naiintindihan mo?! Sumama ka sa basement!"



Napalunok na lamang ang tauhan at tahimik na tumango. Ramdam niya ang naaawang tingin ng lahat hanggang sa makalabas ng laboratoryo.



Sandaling pumikit muli si Sylvester para pakalmahin ang sarili noong makalabas na ang tauhan. Pagmulat ay bumungad sa kanya ang mga takot na mukha ng lahat ng kasama niya sa laboratoryo. "Prepare."



"S-Sir..." mahina at pumipiyok pang tawag ng isang scientist sa kanilang boss. "S-She's still unconscious."



Napasabunot si Sylvester sa sarili. Bigla na lamang walang umaayon sa kanyang mga plano. Lahat ng nangyayari ay mali.



"Turukan niyo na ulit! Wala akong pakialam kung gising 'yan o hindi!" Pinandilatan pa ni Sylvester ang mga empleyadong tila hindi makapaniwalang tumitig lamang sa kanya. "Move!"



Habang aligaga na ulit ang lahat ay pabagsak na umupo si Sylvester sa isa sa mga swivel chair na naroon. Hindi niya inaalis ang tingin sa dalagang nakahiga sa gitna ng platform at pinapalibutan ng ilan sa kanyang mga scientists. Hindi nagtagal, nauwi sa mahihinang halakhak ang kanyang ngisi.



"Did Romeo really come to save Juliet?" Napailing-iling pa si Sylvester. Sumandal siya saka pinaikot-ikot ang kanyang upuan. "Will Romeo survive outside before Juliet dies here? Ah, this is getting exciting."



*****



"What the fuck is that?" bulalas ni Gian noong muling sumilip sa siwang ng gate. Agad ding napasilip doon sina Lucas at Kevin.



Kitang-kita ng tatlo kung paanong tila isang sliding door na bumukas ang lupa bago ang kinalalagyan ng container. Sabay sabay din silang napaatras noong maglabasan doon ang napakaraming zombies.



"Akala ko ba walang ibang daan?!" kunot-noong tanong ni Kevin. Bakas ang pagkataranta niya dahil sa nakita.



"Sa tingin mo ba papadaanin tayo ni Aiah doon?!" ganting sigaw naman ni Gian.



Sa gitna ng pagtatalo ng dalawa ay tahimik na napayuko lamang si Lucas. Sinabi na ni Aiah noon kung gaano karami ang mga taong nakakulong sa basement ng Crescent. Hindi lamang doble o triple ang dami ng mga iyon kumpara sa mga zombies na nasa labas ng SBIA noon, at iyon na ang pinakamaraming zombies na nakaharap niya.



"Pre," tawag ni Gian noong makitang tila malalim ang iniisip ni Lucas.



"I'm not sure if I can get you past those zombies alive," diretsahang pag-amin ni Lucas habang nakatingin kina Gian at Kevin.



"Basta pilitin mong makalagpas ng buhay," walang pag-aalinlangan na sabi naman ni Gian. "Kung maililigtas mo si Yuan, sigurado akong hindi 'yon papayag na iwan niyo si Aiah."



Hindi man nagustuhan na tila tinatanggap na ni Gian na maaaring itong mamatay, tumango na lamang si Lucas. Gusto niyang kontrahin ito at sabihing makakaligtas silang lahat pero hindi niya nga iyon sigurado.



"Talaga bang papasok lang tayo basta?" kinakabahang tanong ni Kevin noong pumwesto na si Lucas sa harap ng gate. Nag-iwas siya ng tingin noong humarap ito sa kanya.



"You can stay here," seryosong sabi ni Lucas.



Seryoso ding umiling si Kevin. "I'm saving Yuan."



Napabuntong hininga na lamang si Lucas saka lumingon kay Gian. Nang tumango ito ay tumango din siya saka tinadyakan ang gate. Paulit-ulit niya iyong ginawa at paulit-ulit iyong lumikha ng ingay. Noong bumukas ang gate, halos magtulakan na ang mga zombies na sumalubong sa kanila.



Habang dinadama ang matinding takot at hindi inaalis sa isipan ang dahilan kung bakit sila naroon, matapang na lumaban ang tatlong binata. Napaatras man muli sa labas ng compound dahil sa dami ng mga zombies, ni hindi nila naisipang umurong sa laban.



"Lucas, si Kevin!" sigaw ni Gian noong mapansing nahihirapan ang binata na hindi sanay sa pakikipaglaban. Kahit siya mismo ay ngayon lamang lumaban ng harapan sa ganoon karaming zombies pero sa tingin niya ay mas kailangan ni Kevin ng tulong.



Nagmamadaling hinawi ni Lucas ang mga zombies sa pagitan nila ni Kevin upang makalapit. Hinila niya ang binata sa damit nito noong muntikan ng masunggaban ng isang zombie na hindi nito napansin. Gulat man at hinihingal dahil sa bilis ng pangyayari, ni hindi nila nagawang huminto kahit isang segundo.



Sa sitwasyong ito, walang oras para maging mahina. Sa bawat zombie na kanilang napapatumba, may isang lalapit o susugod sa kanila. Sa bawat segundong lumilipas, ni hindi nila nararamdamang nababawasan ang peligrong kinakaharap nila.



*****



"Do you want to pray with me?" pagyaya ni Mara sa dalagang katabi niya sa sofa sa receiving area ng bahay.



"Like I'd be heard," nakangiwing ani Pia.



"We'll all be heard," sabi naman ni Jet na nakaupo sa sofa katapat ng dalawa.



Bumuntong hininga si Mara saka napayuko sa sanggol na nasa kanyang kandungan. "Do you think... Mapapabinyagan ko kaya talaga si Tricia?"



Tipid na ngumiti lamang si Jet saka nag-iwas ng tingin. Gustuhin niya mang pagaanin ang atmosphere ay hindi niya na alam kung paano, lalo pa at kakaibang takot ang kanyang naramdaman mula pa noong umalis ang tatlong binata kanina. Si Pia naman ay napakunot ang noo at nag-iwas din ng tingin.



"Do we still have a future to look forward to?" mahinang tanong pa ulit ni Mara. "I wasn't particularly hoping for this apocalypse to end."



Napalingon ang dalawang kabataan dahil sa narinig.



Malungkot na ngumiti si Mara. "I already gave up on that. But when we came here in Batanes, I wished to start again with everyone. Kaso pinasuko din ako agad. Paano? Eh, iilan na lang tayong natitira."



"Ate Mara..." Napabuntong hininga si Jet at pilit naghanap ng pwedeng sabihin. "We'll get through this. Kahit saan tayo mapunta, pupunta tayo doon ng sama-sama."



Muling napaiwas ng tingin si Pia. Hindi siya natutuwa na nadadala siya sa pinagsasasabi ng mga kasama niya.



Bagsak ang mga balikat na napailing si Mara. "Seven months ago, we're all living our normal lives. Six months ago, we were forced to abandon that life. But we were okay. We became alright with the new family we formed. Four months ago, we traveled to get here. We welcomed new additions to the family. Not knowing that what comes next is an endless diminishing of our number."



Napabuntong hininga si Mara. "We were almost fifty, but right now, tayong apat na lang ang nandito. Walang kasiguraduhan kung may hinihintay ba tayong bumalik. Ako ang pinakamatanda at gusto kong maging matatag para sa inyong lahat pero kasi... pakiramdam ko..."



Tumayo si Pia at umalis sa receiving area noong maramdamang nag-init din ang mga mata niya. Naiinis siyang nahawa siya sa pagsinghot ni Mara. Si Jet naman ay tahimik na umiyak din habang nananatili sa kanyang kinauupuan.



"It feels like we're already at the end," lumuluhang bulong ni Mara. "And the possibility of a happy ending is almost impossible."



*****



"Miracles... do happen..." Hinihingal na napaluhod si Gian sa lupa, katabi ng halos nakahiga ng si Kevin. Makalipas ang higit apat na oras ay natapos ang laban. Hindi pa makapaniwalang inilibot niya ang tingin sa tila baha ng mga bangkay sa kanilang paligid. "H-How did we..."



"I always hated... when the main characters... in movies are so outnumbered... yet they survive..." Marahas na tumataas baba ang dibdib ni Kevin habang nagsasalita siya. "...but fuck!"



Kapwa man hinihingal pa rin, parehong napalingon sina Lucas at Gian dahil sa sinabi ng binata.



"Tang... ina mo..." Nanghihinang hinampas ni Gian si Kevin. "Nagmumura ka din palang kingina ka..."



"Damned situation... damned mouth..." Pumikit si Kevin at tuluyang humiga sa lupa. Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang buong pagkatao niya.



Bahagyang natawa si Gian. "Hindi rin."



Tahimik man ay umupo din si Lucas sa lupa. Kahit siya ay hindi makapaniwalang nakaligtas sila sa dami mg mga zombies na halos magpatong-patong na ang mga bangkay ngayon.



"Naaalala mo si Vic? Kahit sa sleep talk nun, mura ang sinasabi ng gagong 'yon." Mula sa ngisi ay napakagat ng ibabang labi si Gian. Napayuko siya at bumulong sa sarili. "This is for them."



"Do you think there are more zombies inside?" hinihingal pa ding tanong ni Kevin noong muli siyang nagmulat.



"Sure you're going alone?" tanong naman ni Lucas kay Gian.



"The lab's on right and the room's on left." Tipid na ngumiti si Gian at tumango. "Yeah."



Hindi na hinintay ng tatlo na maging sapat ang kanilang pahinga. Nilagpasan nila ang mga zombies na kanilang pinatumba at tahimik na pumasok sa loob ng container. Walang kahit na anong sumalubong sa kanila doon at tulad ng sinabi ni Aiah, isang hagdan pababa ang bumungad sa kanila.



"Stay alive," seryosong sabi ni Lucas noong makababa sila sa isang hallway na walang katao-tao. Doon na hihiwalay si Gian sa kanila.



"I know who Rina wanted to protect," ani Gian. "You know it too. Get her out of here."



Tumango lamang si Lucas habang tinapik naman ni Kevin ang balikat ni Gian. Hindi na nila hinintay na mawala ang binata sa kanilang paningin. Tumalikod na din sila kaagad at naglakad patungo sa kanang bahagi ng hallway.



Natanaw na ng dalawa ang malaking double door na mayroong nakapaskil na "Laboratory" noong biglang lumabas doon ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim at tinutukan sila ng baril. Wala na silang nagawa kung hindi ang sumama sa mga tauhan ng Crescent na dinala sila sa kung saan mismo sila pupunta.



"I must say, I'm very very very much impressed. So, who's Lucas?" ngiting ngiti na tanong ni Sylvester noong makita ang dalawang binata na hawak ng natitira niyang mga gwardiya. Pabirong pinaningkitan niya ng tingin ang mga ito noong sabay na tumingin ng masama sa kanya. "Just a little heads up, our Juliet has been looking for Romeo. Lu... cas... Lu... cas..."



Natigilan ang tinutukoy na binata noong ginaya pa ni Sylvester ang nanghihinang pananalita ni Yuan. Gusto niyang itulak ang lahat ng nakaharang dahil alam niyang nasa platform sa kabilang dulo ng silid ang dalaga.



Lalong napangisi ang pinuno ng Crescent sa nakuhang reaksyon kay Lucas. Natukoy niya agad na ito ang binatang kanyang hinahanap. Namamanghang napasinghap naman siya noong makitang nag-iwas ng tingin ang isa pang binata. "Oh! Looks like we have a Count Paris. Poor boy. Our Juliet never mentioned any other name."



Lalong napayuko si Kevin habang lalo namang nandilim ang paningin ni Lucas. Matinding galit ang kanyang nararamdaman at wala sa sariling naikuyom niya ang kanyang mga kamao.



"Anyway, Juliet is a zombie right now," kaswal na balita ni Sylvester. "At least, she's not dead, right?"



Sa isang kumpas lamang ng kaliwang kamay ng kanilang pinuno, itinulak ng mga tauhan si Lucas palapit sa platform. Nagpadala na lamang ang binata lalo pa noong matanaw na nakahandusay si Yuan sa sahig.



"Ah, I shouldn't have said that she's not dead." Umakto pang dismayado si Sylvester. "Romeo killed himself when he thought he lost Juliet in the story, right?"



Tahimik lamang ang lahat. Kahit si Lucas ay hindi nagsasalita. Ang iba naman ay nanonood lamang sa nagaganap.



"But oh well, let's just make Juliet kill Romeo."



Muling tinakasan ng lakas si Lucas dahil sa narinig. Kahit si Kevin na nanonood lamang habang hawak pa rin ng ilang tauhan ng Crescent ay natigilan.



Hindi na nakapalag pa si Lucas noong itinulak siya ng mga tauhan sa walang malay na si Yuan. May ideya man sa maaaring mangyari, walang pagaalinlangan na hinawakan at niyakap niya ang dalaga.



"Yuan..." Mabilis na nag-init ang mga mata ni Lucas noong makita kung gaano kaputla ang balat ng dalaga. Maging ang labi nito ay halos hindi kakitaan ng kulay. "Yuan, I'm here. Your partner is here."



"What a lovely scene." Hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi ni Sylvester. Nilingon niya pa ang mga scientists na kasama niya. "Right?"



"Yuan!" pabulong na ani Lucas noong unti-unting magmulat ang dalaga. Natigilan siya noong pawang kulay puti lamang ang makikita sa mga mata nito, tulad ng isang zombie.



"Yuan! Yuan!" tarantang sigaw ni Lucas noong tila kinukuryenteng nagpumiglas ang dalaga mula sa kanyang yakap. Napatayo siya noong tuluyan itong lumayo sa kanya. "Yuan..."



Napasinghap si Kevin noong walang mabakas na kahit na anong pagkilala sa ekspresyon ni Yuan noong lumingon ito kay Lucas. Isa itong ganap na zombie ngayon at alam niyang mapapatay nito ang binatang halatang walang balak na tumakbo palayo.



Noong magsimulang humakbang si Yuan ay mabilis din na nagpumiglas si Kevin sa mga nakahawak sa kanya. Dahil pare-parehong nasa platform ang atensyon ay mabilis siyang nakawala.



Napuno ng sigawan ang laboratoryo noong tumakbo si Kevin at sumampa sa platform. Mabilis nitong iniharang ang sarili kay Lucas at tinanggap ang malalim na kagat mula sa nag-iisang zombie sa silid.



"K-Kevin..." gulat na sabi ni Lucas noong mag-rehistro sa kanya ang nangyari. "Why..."



"S-She... would never... w-want to hurt... you--" Iyon ang mga huling salitang lumabas sa bibig ni Kevin bago siya natumba sa sahig habang hindi nilulubayan ng zombie na gusto niyang iligtas. Tunay ngang namatay siya para sa babaeng minamahal.

;


















The next chapter would be the last :)

-scitusnim 💚

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 406 24
A group of Seven Students who has the same interest in the world of mystery. At first they'll see each other as a competencies but little did they kn...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...