When The Moonlight Kissed The...

By itsmerizzz

181K 2.3K 198

After dating several women during college, Keith was sure he had found the girl he would marry. Mayumi, on th... More

When The Moonlight Kissed The Sea
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Author's Note
Announcement

Chapter 9

4.9K 68 4
By itsmerizzz

SI SABRINA iyong tipo ng tao na diretso kung magsalita. Walang filter. In short, prangka. Ngunit pagdating sa akin, napapansin ko na medyo pinipili niya ang kanyang mga sinasabi.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyong gustong sabihin sa'kin ni Sab. Ite-text naman niya ako kung urgent. What is taking her so long now?

Sa sobrang invested ko sa aking iniisip ay nagitla ako nang tumunog ang aking phone na naka-charge sa bedside table. Napamura pa ako sa aking isip dahil sa gulat.

Dumapa ako sa kama at pagapang na lumapit sa may bedside table. Inabot ko iyong aking phone at tinanggal sa pagkakasaksak sa charger. Hinayaan ko na munang nakasaksak sa socket iyong charger dahil icha-charge ko ulit ang phone ko mamaya.

I tapped the screen of my phone twice. Bumukas ang screen nito at bumungad sa akin ang magandang babae sa aking wallpaper. Napangiti ako nang makita na may message ako galing kay Yumi. I hastily opened the message and read it.

From: Miss Panda
Hi, Keith. Nasa Manila na ako. Thanks sa concern kanina. Nakadating naman ako ng safe sa bahay. Thank you. :)

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ni-dial ko kaagad ang kanyang phone number. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ang aking tawag.

"Hi, Miss Panda. Just making sure na safe ka nakauwi," panimula ko.

Hindi magkamayaw ang puso ko sa aking dibdib. Tila gusto nitong makawala dahil sa naghalong excitement at kaba. Pakiramdam ko ay kada usap namin ay parang first time palagi. Just thinking about Yumi makes me happy.

Natawa si Yumi ng mahinhin. "Yes, nakadating po ako ng maayos," aniya sa kabilang niya.

"Mabuti naman. Kumusta 'yong byahe mo? Siguradong pagod ka. Mamaya nasuka ka sa byahe," pambibiro ko.

"Uy, hindi, ah. Sanay naman ako sa byahe. Pero nakakapagod rin kahit nakaupo lang," paliwanag ni Yumi. "Ikaw, Keith, how's your day?"

Nagtatalo ang isip ko kung pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Andrea. Labas naman si Yumi sa issue na 'yon kaya hindi na niya dapat pang malaman. At kung sasabihin ko pa sa kanya ay baka ma-turn off lamang siya sa akin. Bawas pogi points pa kung sakali.

"Okay naman. Medyo busy sa school dahil sa upcoming finals. Kailangang pumasa. Syempre may pangarap," sagot ko sa kanyang tanong.

"Maganda 'yan, hindi pabaya sa pag-aaral. May mararating 'yong mga taong may pangarap," sang-ayon ni Yumi sa akin.

Two points!

Umarko ang magkabilang gilid ng aking labi dahil umaayon sa akin ang lahat ng pagkakataon para mapaibig ko si Yumi. Mas lalo kong naramdaman ang determinasyon na maging akin siya.

Kung anu-anong mga ideya ang pumapasok sa isip ko— kung paano ko pa mapapabango ang pangalan ko kay Yumi.

"Tama ka diyan, Miss Panda," wika ko. Tumihaya ako at tumingin sa labas ng nakabukas na bintana sa kwarto. Maraming stars ang kumukutitap sa madilim na kalangitan. Mukhang pati ang universe ay umaayon sa tadhana naming dalawa ni Yumi.

"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko kay Yumi.

"Oo, kumain kami sa labas ng parents ko kanina. Na-miss daw nila ako kaya nagyaya si papa na kumain," sagot naman niya.

"I see. Sana kumain rin tayo sa labas minsan."

And there was silence. Rinig ko lamang ang pagbuga ng hangin ng electric fan na nakatutok sa akin. Sumabay na rin ang unti-unting pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko rin naiwasang kagatin ang pang-ibabang labi ko.

At dahil sa katahimikan na iyon ay hindi ko maiwasang isipin na baka i-reject niya iyong sinabi ko. Para tuloy akong naghihintay ng result ng examination namin sa isang major subject.

Mananalangin na sana ako sa Poong Maykapal at kay Mama Mary nang sumagot si Yumi sa wakas.

"Bakit hindi? Vacation lang rin naman ako dito sa Manila. Maganda na rin kung sulitin ko 'yong stay ko, 'di ba?"

Napatayo ako mula sa edge ng kama at itinaas ko ang aking dalawang kamay na para bang nanalo sa boxing na may malawak na ngisi sa aking labi. Napakayabang ng dating ko dahil sa sobrang tuwa. Naglakad-lakad pa nga ako ng back and forth dahil literal na winner ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa ako nakuntento. Umakyat pa ako sa aking kama at lumundag ng tatlong beses. Pagkatapos ay hinayaan ko ang aking sarili na mapahiga sa aking kama. Tumitig ako sa kisame na may ngiti sa aking labi bago ko idinikit muli sa aking tainga iyong phone. Pagkatapos ay tumihaya ako paharap sa bintana. Pinanood ko ang mga kumukutitap na stars habang niyayakap ng mahigpit ang aking unan na may ngiti sa aking labi.

"Keith, okay ka lang ba diyan?" nag-aalalang tanong ni Yumi.

Baka narinig niya iyong pag-squeak ng kama kanina nang lumundag ako. With that, I did my best to sound chill dahil ayaw kong malaman ni Yumi na nagpa-party-party ako rito sa kwarto.

"I'm okay, Yumi. Tumihaya lang ako sa kama. Nangawit na kasi 'yong kamay ko," pagra-rason ko. "Saan mo gustong magkita tayo? I can pick you up sa bahay ninyo kung okay lang sa'yo."

Kailangan malinis ang intensyon. Kailangan makilala niya ako ng maayos. Ganoon ako kaseryoso kay Yumi, wika ko sa aking isipan.

"Not yet," nag-aalinlangan niyang saad.

Then, the pleasant feeling that I was feeling suddenly disappeared.

"Bakit? Hindi ba pwede?"

Nakaramdam man ako ng pag-aalala at lungkot ay hindi ko na iyon pinahalata pa kay Yumi. Marahil ay may dahilan naman siya at kailangan ko iyong intindihin.

"Hindi naman sa gano'n, Keith," wika niya. "Ano kasi... medyo strict kasi si papa. Pwede naman tayong magkita sa mall kung okay lang sa'yo," nahihiya niyang paliwanag.

Kung robot man ako ay siguradong nasira na ang makina sa loob ko dahil paiba-iba 'yong nararamdaman ko. Masyado lamang siguuro akong natutuwa at excited sa meet up namin ni Yumi kaya kasalanan ko rin kung bakit nadidismaya ako kapag may nasasabi siya na hindi ko inaasahan.

I think I'm being obsessive about her and this is not a good sign. Mahirap man ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko kung gusto kong maging akin si Yumi. Ayaw kong ma-turn off siya sa akin.

"It's alright. Kailan ka ba pwede?" tanong ko sa kanya.

"May pasok ka kasi sa school, so I think Saturday or Sunday?" aniya.

She is so understanding. Isang trait na gusto ko sa isang babae. Hindi puro sarili at mga gusto niya lamang ang nasusunod. The girls I have dated before were too focused on themselves, especially with their appearance. But for Yumi? She doesn't have to dahil alam naman niyang dalhin ang kanyang sarili base sa mga photos niya.

"Sa Saturday na kaya? Two days from now," wika ko.

Because I can't wait to see you, I told myself mentally.

"Sige," tipid niyang sambit.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"Okay naman. Uhm, kinakabahan?" aniya. Then, she laughed nervously.

I smiled at the thought of her being shy around me when we get to see each other for the first time.

"Kinakabahan din ako. This is my first time na makikipag-meet ako na nakilala ko sa dating site na 'yon." Dumiretso ako ng higa at tumitig sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko kung ano kayang mangyayari sa first meeting namin.

"Talaga?" hindi makapaniwalang wika niya. "Akala ko may mga iilan ka nang na-meet na nakilala mo doon sa dating site."

"Ah, hindi. Kagagawa ko lang ng account na 'yon no'ng nagkakilala tayo," sagot ko. "Ikaw, may na-meet ka na?"

"Hmm, I met someone."

Tila tumigil sa pagbuga ng hangin ang lungs ko. Hindi ako sigurado kung tama bang naitanong ko iyon. Para ko na rin kasing sinuntok ang sarili ko sa tinanong ko. Masakit ng slight at nakakaselos.

"Anong nangyari sa meet up ninyo?" tanong ko kahit alam ko sa aking sarili na ayoko nang ituloy pa ang topic na iyon. Gusto ko rin malaman pero ayaw ko rin at the same time. Ewan. Gulung-gulo na ako sa sarili ko.

"Nagkita kami sa isang coffee shop. He was nice sa initial part ng pag-uusap namin. Tapos bigla niyang tinanong kung virgin pa ba ako. Naghahanap raw kasi talaga siya ng ka-fubu. Tapos tumayo ako agad no'n at sinabing 'sinayang mo ang oras ko,' then I walked out," pagsasalaysay ni Yumi.

Pakiramdam ko ay gusto kong manapak. Napakuyom ang aking kanang kamay kasabay ng pagkunot ng aking noo. Kung tao lamang ang ceiling, malamang ay kanina pa siya tumakbo palayo dahil sa sama ng titig ko. I closed my eyes ang took a deep breath.

"Mayumi," I called her name.

"Yes, Keith?"

"Alam kong wala ako sa lugar para sabihin sa'yo 'to pero please, huwag ka nang makikipagkita sa mga gano'ng tao. Baka kung ano pang gawin sa'yo ng lalaking 'yon."

"Hindi ko naman alam na gano'n siya. He was okay at first. Hin—"

"Please?"

She went silent. But I was relieved when she said, "Okay."

Nakahinga ako ng maluwag dahil pinakinggan niya ako kahit strangers pa rin ang status namin sa isa't isa.

"Thank you," sambit ko.

Hindi ko na rin mapigilan ang possessiveness na nananalaytay sa aking mga ugat. Alam kong wala akong karapatan pero I have to tell her.

May narinig akong boses ng babae na tumawag sa kanya sa kabilang linya ngunit malabo iyong sinabi ng babae sa aking pandinig.

"Keith, I have to go, tinatawag na kasi ako ni mama. Bye for now and see you soon!"

"Bye, Yumi. Take care," sambit ko naman. Then, she ended the call.

Yumi is always busy. She has her own life and I like it. Hindi siya nagkakandarapa sa akin at ako mismo ang nagkakandarapang habulin siya. They say that men are born hunters and I think it's true. Gusto ko na talagang i-pursue si Mayumi.

Malayong-malayo si Yumi kay Andrea. I liked Andrea because she was very sweet noong nilapitan ko siya sa tapat ng university para alukin na ihatid siya. Iyon ang mga panahong hindi ko pa alam ang dumi niya. Sa katunayan, kaya kong makipagsabayan kay Andrea. I grew up in the United States. I do parties a lot. Pero nakakasawa na. Iyong bang nagising na lamang ako isang araw na sawa na akong makipaglaro. Gusto ko nang magseryoso sa buhay at sa babaeng mamahalin ko.

Until I met Yumi. She is one of a kind. A rare gem. She's so interesting to the point na kaya ko palang ayusin ang sarili ko para maging karapat-dapat ako sa puso niya.

And I am excited to see her on Saturday.

Tumayo ako at nagsimulang maghalungkat ng mga damit ko sa closet ko. Kailangan kong mag-prepare para sa special day namin ni Yumi.

Dahan-dahan akong tumigil sa paghalungkat ng mga damit at saka napabuntong-hininga habang tulala. Napngiti ako sa pag-iisip na makikita ko na si Yumi in two days.

Pakiramdam ko pasko na sa Saturday.

Continue Reading

You'll Also Like

18K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
21.5K 2K 25
Book 4 of Fate of Darkeness I'm lost in time. Literally. Dahil sa paglaban sa mga kalaban ay napahiwalay ako at napunta sa nakaraang hindi ko alam...
47.9K 1.2K 32
Dapat bang akusahan kapag walang sapat na ebidensya? Kahit ano pang pagpupumilit ni Hide Laurier hindi niya makuha ang inaasam na hustisya ng kaniyan...
61.4K 1.3K 24
Snow Peralta, isang introvert girl na inudyukan ng kanyang kaibigan. Kung saan kailangan niyang i-cheer ang 'Ace' ng kanilang basketball team. Bagama...