2025: The Second Half

By scitusnim

257K 19.3K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... More

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

28 - Fucked Up

4.2K 343 262
By scitusnim

28 - Fucked Up



"It's so fucked up, Yuan. I fucked up so bad."



"Calm down," awat ni Yuan sa binatang napapasabunot na sa sarili nitong buhok. "You're also going through hell. Rina would also want you to find comfort."



"From the person who killed her?!" pabulong na sigaw ni Gian. "What kind of person falls for someone who killed his girlfriend?! And for just a month?! How fucked up can I be?!"



"Have you already asked yourself why?" kalmado pa ring tanong ni Yuan kahit tila galit na ang kanyang kausap. "This is the reason why I asked you when did seeing someone suffer ever been comforting. You're going here to find comfort in the first place."



Napatigil ang binata sa pagsabunot sa sarili at naitakip na lamang ang magkabilang kamay sa kanyang mukha. Alam niya na kung saan papunta ang sinasabi ni Yuan.



"You found that comfort through knowing Aiah and her story."



"She's also living a fucked up life," bulong ng binata.



"Are you sure you don't just pity her? Or maybe you just found her story relatable and you share the same sentiments in life?"



Sinamaan ni Gian ng tingin ang katabi niyang dalaga. "Would I tell you about this if I'm not sure? I've been contemplating with myself since a few days ago, Yuan. I even ended up asking Rina about this in my dream."



"What did she say?"



Sandali pang napayuko si Gian habang inaalala ang kanyang panaginip. "She wants me to do what I want."



"And what do you want to do?"



Marahas na naihilamos ni Gian ang mga palad sa sariling mukha. "If I can't be mad, I shouldn't be feeling this at the very least. I'm such a horrible person."



Hindi nagsalita si Yuan. Nakikita niyang nagiisip ng malalim ang binata at hinayaan niya ito. Sa totoo lamang ay hindi niya rin alam ang sasabihin. Hindi niya rin naman inakalang mauuwi sa ganito ang lahat.



"Tangina, Yuan. Isang buwan? Ang rupok ko naman yata?"



"Everyone's vulnerable in this situation," sabi na lamang ng dalaga.



"But not this stupid," kontra ulit ni Gian. Muli siyang napasabunot sa sarili. "This is so wrong. Tangina? Si Aiah? Puta?"



"Aiah is a good person." Malungkot na napangiti si Yuan at napatingin sa pinto ng nag-iisang silid sa basement. "She just happened to live in a fucked up world which forced her to make bad decisions."



"Alam ko naman 'yon. Trust me, Yuan, alam na alam ko. Kahit naman si Rina, kinaibigan si Aiah." Tila nanlulumong napahugot ng malalim na hininga si Gian. "Kaya lang, kahit saan naman kasing anggulo tignan, mali 'to."



"Then don't look at it." Nagkibit balikat lamang si Yuan noong muli siyang nakatanggap ng masamang tingin mula sa binata. "Ano bang nararamdaman mo? Pakiramdam mo ba, mali 'to?"



"Tangina mo, Yuan."



"Tangina mo din, Gian. Hindi ko alam kung bakit ka pinatulan ni Rina kung ganyan ka pala katanga pagdating sa mga nararamdaman."



Lalong sumama ang tingin ni Gian sa dalaga. "Kung makapagsalita ka para namang nagkajowa ka na."



Ibinalik ni Yuan ang masamang tingin na ibinibigay sa kanya ng binata. "Tungkol ba sakin 'tong usapan, ha?"



"Kasalanan mo 'to eh! Sa'yo kasi dapat ako nagkwento! Hindi sana nagkaganito!" Bakas ang frustration sa mukha ni Gian.



Binatukan ni Yuan ang binata. "Sabi niyo magmukmok ako?!"



Hindi na nagreklamo pa si Gian at tahimik na lamang na sumimangot. Maya-maya ay isinubsob niya pa ang mukha sa sariling mga tuhod.



"Anong plano mo?" kalmado na muling tanong ni Yuan.



"Ewan ko. Hindi ko na alam. Naiinis na ako sa sarili ko. Sa lahat lahat ng magugustuhan..." Nakapikit na iniangat ni Gian ang kanyang ulo. "Ang tanga-tanga, Gian. Napakatanga."



Tumayo si Yuan at pinagpagan ang suot niyang pants. "Just don't forget that we're still in an apocalypse."



Kunot-noong nag-angat ng tingin si Gian sa dalaga na nakatingin din sa kanya.



"Hindi tayo sigurado kung hanggang kelan na lang tayo tatagal," seryosong sabi ni Yuan. "Gawin mo na kung anong gusto mong gawin."



Nang magsimulang umakyat ang dalaga sa hagdan ay muling napasapo si Gian sa kanyang ulo. Akala niya ay tuluyan ng umalis si Yuan pero narinig niya pa muli itong nagsalita.



"Wag mo ng masyadong gamitin ang utak mo. Hindi ka nga nag-aaral ng mabuti noon."



"Tangina mo!" pahabol na sigaw ni Gian dahil sa sinabi ng dalaga. Pero sa halip na mainis ay napangiti siya ng sobrang lawak noong mapagtantong nakausap niya ng normal si Yuan.



*****



"Are you alright?" tanong ni Lucas noong makitang nakakunot noo si Yuan. Higit isang buwan matapos ang pag-atake, ngayong araw lamang nila napagpasyahang linisin ang mga bangkay na nasa labas. Napapayag niya na ang dalaga na huwag ng sumama kaya nagtataka siyang tila hindi pa rin ito mapakali.



Pabagsak na umupo si Yuan sa sofa katabi ng binatang hinihintay pa ang iba nitong makakasama na lumabas. "Kung kelan alam ko na ang sagot, hindi ko na nakikita si Luna. It's been four days since I last saw her. Puro walang kwentang bagay lang pinagusapan namin noong gabing 'yon."



"Maybe you won't see her anymore because you already know the answer?" tanong naman ni Lucas. "Isn't it a good thing that you don't see her anymore?"



Bumuntong hininga lamang ang dalaga. "Feeling ko, kailangan kong sabihin mismo sa kanya. Kaya lang, hindi ko naman alam kung paano siya papalabasin."



Ngumiti si Lucas habang nakatingin sa dalaga. Sa nakalipas na isang buwan ay ngayon na lamang ulit siya nakaramdam ng tuwa.



"Why are you smiling?"



"You always see her when you hit rock bottom," sagot ng binata. "Not seeing her means you're okay."



Bahagya ding natigilan si Yuan saka napangiti. "The talk with Aiah really helped."



"You're still not mad at her?" seryosong tanong ni Lucas.



"If I'm a kid and this is a movie, I'd definitely blame her for blindly following her father's orders. But as we grow up we start to understand the villains, right?"



"Aiah is already a grown up," pagpapaalala ni Lucas. "She knew it was wrong and she had the choice to not follow her father."



"She also knew about the consequences of whatever choice she'll make and we know nothing about her story," katwiran ni Yuan.



Naiiling na natawa si Lucas. "I'll never win against you."



"Oh, tara na. Mamaya na ang landian."



Sabay na napalingon ang dalawa kay Jet at sa kasunod nitong si Sergeant Soriano.



"Where's Gian?" tanong ni Lucas at nagkibit balikat lamang si Jet.



Palihim namang napangiti si Yuan hanggang sa magawi ang tingin niya sa hagdan at nakitang pababa doon si Kevin. "Kasama ka?"



Tumango ang binata habang nagtataka pa na tila normal na ulit makipag-usap ang dalaga. Ni hindi niya nga inaasahang madadatnan ito sa unang palapag ng bahay. "I'll consider this as a break from all the readings."



"It could still be dangerous outside," ani Yuan. "Dito ka na lang. Kaya na nila 'yon."



"Owh," pasimpleng reaksyon ni Jet habang hindi mapigil ang ngiti. Kay Lucas lamang siya nakatingin.



"Sergeant," tawag ni Yuan sa sundalong kasalukuyang itinatali ang buhok nito. "Can you go without, Kevin?"



"Okay lang naman," tumatangong sagot ni Sergeant Soriano. "Kaya naman na siguro naming tatlo 'yon. Hindi ko na nga din pinasama si Manong Jules at sa tingin ko eh saglit lang naman kami."



"Let me help, Yuan," kontra naman ni Kevin. "Like what I said, pahinga ko na din 'to."



Pinaningkitan ni Yuan ang binata. "Hindi ka makakapagpahinga sa labas, Kevin. Stay here."



"Ano? Tara na ba?" nakangising tanong naman ni Jet kay Lucas na walang emosyon lamang na tumango.



Palabas na si Lucas sa pinto noong huminto pa siya at muling lumingon kay Yuan. Lumipas ang ilang segundo at tila nagtatakang tumingin lamang sa kanya ang dalaga. Napabuntong hininga siya at mabilis na lumabas.



Tatawa-tawang lumabas din si Jet. Sumunod din agad si Sergeant Soriano.



"Okay ka na?" Iyon agad ang naitanong ni Kevin noong maiwan silang dalawa ni Yuan sa unang palapag ng bahay. Hindi niya maialis ang tingin sa tila umaliwalas nitong mukha.



Ngumiti si Yuan at tumango. "I won't sulk in my room anymore."



Napangiti din si Kevin. "Welcome back."



Natatawang umiling si Yuan.



Nagkukwentuhan ang dalawa sa living area noong biglang bumukas ang pinto. Sabay silang napatayo noong pumasok doon ang humahangos na si Jet bitbit ang isang syringe sa kamay nito. Nagkatinginan ang dalawa.



"S-Sergeant..." hinihingal na sabi ni Jet habang bakas ang matinding kaba sa kanyang mukha.



Naintindihan agad ni Yuan at Kevin ang nangyari.



Nagmamadaling tumakbo palabas ang dalaga at hinanap sina Lucas at Sergeant Soriano. Hindi niya na halos narinig ang pagtawag nina Kevin at Jet sa kanyang pangalan.



Sa mismong lugar kung saan niya natagpuan ang bangkay ng kanyang pamilya, nadatnan ni Yuan na akmang susunggaban na ni Sergeant Soriano si Lucas.



"Lucas!"



Mabilis na hinila ni Yuan ang binata at tinadyakan ang tiyan ng sundalo na unti-unti ng nawawala ang itim sa mga mata. Dahil sa pagkabigla at sa malakas na pangangatawan ng sundalo, maging sina Yuan at Lucas ay natumba.



Samantala, sa loob ng bahay, kinuha ni Kevin ang syringe sa kamay ni Jet at dali-daling nagtatakbo patungo sa basement. Dire-diretso siyang pumasok sa silid na naroon at nadatnang nag-uusap sina Aiah at Gian. Kapwa napalingon ang dalawa dahil sa pagdating niya.



"Aiah." Hinihingal na din na itinaas ni Kevin ang kamay na may hawak sa syringe. "Is this what I think this is?"



Bahagyang napaawang ang bibig ni Aiah noong makita ang syringe na dinala niya para sana kay Yuan ngunit ginamit niya kay Rina. Dahan-dahan siyang napalingon kay Gian at nakita niyang nakakunot ang noo nito.



Napalunok ang dalaga saka ibinalik ang tingin kay Kevin na naghihintay pa rin sa kanyang sagot. Kitang-kita niya kung paanong lumatay ang matinding takot sa mukha nito noong dahan-dahan siyang tumango.

;















Continue Reading

You'll Also Like

20K 1.7K 25
Book 3 of Fate of Darkness Ako si Nolymer Del Moire, isa sa mga Sources of Death at Water User mula sa House of Nacht. Noon, isa ko sa mga kalaban...
281K 21.1K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
41.6K 4.3K 39
Si Keith Anthony Gibson, 17-anyos, ulila sa magulang, mahilig magbasa ng mga out of this world na libro o articles at ibang bagay na may mga scientif...
641K 40K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...