Chasing Axel Blaze (Mi Amore...

By annahline

32.2K 784 239

[ COMPLETED ] 2nd Installment of Mi Amore. Seraphine Azalea has everything from a loving family, a good rela... More

Chasing Axel Blaze
Foreword
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Afterword
Seraphine
Note

11

580 24 3
By annahline

"You call it madness, but I call it love."

- unknown

・゚:✧・゚:

Chapter 11

Natapos ang unang midterms hanggang mag finals na hindi kami nag-uusap. We're suddenly back to our old routine of not talking and being cold, except now, I'm already distancing myself from him. I try my hardest to avoid him. Kahit ayaw na ayaw ko at kahit gustong-gusto ko ulit siya makausap kahit panandalian lamang, but I already decided to just stop.

Hindi ko mapipilit ang isang taong ayaw sa'kin. If there's one thing I'll ever learn from my parents...it's to know when to stop. Alam kong sapat na ang apat at mahigit na taon para tumigil.

Habang nag-aaral para sa nalalapit na finals at paghahanda sa pagtatapos ng taon, hindi ko mapigilang maisip ang nangyari nang gabing iyon at sa mga sumunod. Ang huli naming pag-uusap ay isa sa mga hindi ko makakalimutan nung nagkasakit ako, at iniwasan ko na siya pagkatapos.

I tried so hard not to cry but tears just kept falling after I locked myself in my room that night. Baka nga ay narinig na nila 'yon sa kabila pero hindi naman nila ako inabala. He probably heard me crying or something.

Ala una na ng umaga at hindi pa ako nakakalahati sa mga kinakailangan kong gawin. I have to get these assignments done to distract myself from Axel.

Pinunasan ko ang natutuyong mga luha sa mukha ko at umupo sa desk ko. Kahit gaano pa kasakit ang puso ko hindi ito magiging rason para hindi ko gawin ang mga prayoridad ko. It's never an excuse.

Hindi dapat ako madistract sa mga ganiyang bagay. I have to do my works no matter what or else my grades will be affected and I'll be out of my scholarship.

Ginugol ko ang oras ko sa paggawa ng presentation para sa report ko na bukas na pala at hindi ko namalayan dahil sa practice ko sa kompetisyon. My eyes are all puffy and red that it hurt every time I blinked. Kinailangan ko rin labanan ang antok dahil konti nalang ay babagsak na ako sa pagod.

Dapat ay may schedule ang pag-iyak ko para bukas nalang ako umiyak, edi sana natapos ko nang mas maaga ang mga kailangan gawin!

Sa kalagitnaan ng pag-aral ko sa report ko bandang alas dos ng umaga ay nakaramdam ako ng pagka-uhaw pero hindi ako makalabas at baka maabutan ko ulit sila doon kahit alam ko naman na imposible iyon. I just want to avoid him as much as possible and save my face from the embarrassment.

Hindi nalang ako uminom at pinagpatuloy ang pag-aaral. I still had two assignments to do after this one. Sa school nalang siguro ako matutulog at tatapusin ko na lahat ito sa bahay.

Around 2:30 in the morning my phone suddenly vibrated which almost made me scream. I was already so immersed with my work! Humikab ako at nagmadaling binuksan ito.

Kuya:

tulog ka na?

Ako:

oo na

Kuya:

gege

Padabog kong tinapon ang cellphone ko sa kama, sinisiguradong hindi iyon tatama sa pader at baka mabasag ito, wala akong pambili ng bago! Nakakainis, nawala na 'yung momentum ko tuloy sa pag-aaral!

I blinked a couple of times to fight the drowsiness.

Hindi ko pinansin ang tunog muli sa cellphone ko. Tatapusin ko na ito at isa nalang ang natitira kong assignment at makakatulog na ako. Sunod sunod itong tumunog na hindi ko pinapansin.

Kinuha ko ang aking relo para makita kung anong oras na nang matapos ko ang huling assignment na kinailangan kong gawin. It's already 4 in the morning. Kailangan ay 5 gising na ako para makapag-ayos na, malala pa naman ang traffic lalo na kapag bandang alas sais at alas syete na ng umaga.

Lumabas ako at uminom ng tubig. God, I already feel so weak. Magmula sa pag-ensayo naming kanina sa studio hanggang ngayon ay ang dami kong nagawa at wala pa akong pahinga.

Sa huli ay napagpasiyahan kong hindi nalang matulog. My grades might be affected greatly.

I just decided to cook breakfast for all of us. Mamaya pang alas singko ang gising nina Mama kaya ako nalang muna ang magluluto. I prepared myself some coffee first to stay awake before cooking fried rice, eggs, and sausage.

Halos makatulog ako habang nagluluto. Muntik ko pang matutong! I set the table before doing my morning rituals.

Nagsimula na silang magising at nagulat pa na ayos na ayos na ako at naka uniform na alas singko pa lamang ng umaga. Aagahan ko nalang ang pagpunta sa school para makatulog.

"Alas singko palang, a?" Nagtatakang tanong ni Mama habang kinukusot pa ang mata. Humikab ako at tumango sa kaniya.

"Aagahan ko na ang pagpunta sa school, ma. Alis na 'ko mamayang alas sais." Tamad na saad ko habang nakahiga lang sa sala namin. Hindi pa naman ako diretsong nakakatulog.

"Aga mo nagising ha," puna niya sa 'kin. "Sige na't mag aayos na rin ako."

Kung alam mo lang, ma, hindi pa 'ko natutulog.

"May pagkain na po diyan," ani ko.

Tumango lang siya at umalis para tingnan ang mga niluto ko. Napalingon ako sa kwarto ni Kuya, hindi pa sila lumalabas. Anong oras na kaya sila natulog?

Oh. That reminds me, may text ng text nga pala sa 'kin kaninang madaling araw! I took out my phone to check who it was.

Dalawa silang nagmessage sa akin. Una ay si Lucas at ikalawa ay isang unknown number. At pa'no naman nito nalaman ang number ko? Binuksan ko ito at tiningnan ang mga message.

Lucas:

huy!

pakopya assignment bukas ha

nanonood ako

thanks

u dabest

<3 heart heart

09123456789:

hey

are you okay?

2:41 AM

uh I got your number from your brother

i hope that isn't too weird

I'm really sorry.

Stop crying.

2:45 AM

This is Axel.

I'm really sorry, okay?

You have to stop crying.

The world doesn't revolve around me.

There are plenty of guys out there.

2:48 AM

Napabuntong hininga ako at iritang sinara ang cellphone ko. There are plenty of guys but he's the one I want! Hindi ko tuloy magawang magalit sa kaniya dahil hingi siya ng hingi ng paumanhin.

Gustong-gusto ko magalit sa kaniya, pero bakit simpleng 'yon ay hindi ko magawa?

Napasabunot ako sa sarili sa mga naiisip. Nakakainis! Does he expect me to move on overnight? Nakakapanghina pa ang mga salitang binibitawan niya.

Hindi pa sila lumalabas ng kwarto. I'm not waiting for them anyway. Palagi naman late si Kuya kaya hindi na ako magtataka kung mamaya pa sila. Is he always late too? O ngayon lang dahil puyat rin sila? Did they study or did they play?

Kahit ano pa man 'yon ay masaya akong may kasama siya. He's probably tired of being alone all the time.

"Ma!" Tawag ko sa kaniya nang makitang pabalik siya sa kwarto nila.

"Okay ka na po ba? Hindi na masakit? Akala ko magpapacheck up ka?" sunod sunod na tanong ko. Masyado akong naging abala sa ibang bagay na hindi ko na siya naalala. I felt guilty for it. May mas malalaki pa akong dapat na problemahin.

"Hindi na kailangan magpa-checkup at ayos na ako," mahinang banggit niya sa akin.

"Sigurado ba 'yan, Ma? As in sure na sure? Absolutely sure?" pangungulit ko. The last thing I want to happen is my Mom suffering because she didn't take medical help when she felt signs for her heart.

Tumawa siya nang bahagya. "Sure na sure!"

Nagpaalam na ako sakanila bandang alas sais. Maaga pa pero pwede na rin para makatulog ako sa school. Hindi ko pa rin naabutan sina Kuya. Maybe they'll go to school in the afternoon.

I tried my hardest not to pass out on my way there. Inabala ko ang sarili sa phone kahit wala naman akong ginagawa talaga roon. I just had to stay awake. I've already done everything I have to so I can sleep peacefully in the room.

Hinihingal ako habang pumapasok sa room. Dalawa pa lamang sila na nando'n at sabay pa silang napalingon nang pumasok ako. I felt really awkward so I shyly smiled and went to my chair. I heaved a sigh of relief when I sat down and became comfortable.

"Hay...sa wakas," bulong ko sa sarili. I shifted back and forth to my chair, finding a comfortable position to sleep in. Sa huli ay napagpasiyahan kong ilagay nalang ang bag ko sa arm chair at doon sumandal. I immediately fell asleep as soon as I closed my eyes.

"Huy," nagising ako sa ingay at sa marahang tapik sa 'kin ng katabi ko. Kinusot kusot ko ang mata bago umunat at nag-ayos ng upo.

Napasulyap ako sa katabi ko na si Frey na may tinuturo sa akin. Agad ko itong nilingon na papikit pikit pa ang mga mata.

Tumuwid agad ako ng upo at inayos ang sarili, pinasadahan ko gamit ng daliri ang buhok kong nagulo. Laine and Lucas both stared at me with questioning faces. Hilaw akong ngumiti kay Frey at humarap kay Ma'am na kararating lamang.

Pasimple kong tiningnan ang oras. I frowned when it showed 7:30. Kulang na kulang pa ang tulog ko!

I survived my whole morning class without passing out. Noong recess ay hindi ako pinatulog nina Laine at dinamay ako sakanila para kumain. They practically dragged me all the way to the cafeteria to explain to them what happened to me!

Hindi ko pa sinasabi sakanila na umamin ako at baka sabihin nilang matagal na nila akong pinagsasabihan pero hindi ako nakikinig. Sinabi ko nalang na puyat ako kagagawa ng mga assignment na pinaniwalaan naman nila.

During lunch, I didn't give them what they want and instead stayed in the room. Mamaya nalang ako kakain kaya pinauna ko na sila. Sayang ang isang oras na pwede ko pang itulog.

Luckily, I survived the whole day but I instantly felt like shit when I went to practice. Mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko kahit nakatulog naman ako ng konti sa room. Sana naman ay hindi ako lagnatin at marami pa ang kailangan namin gawin!

Hindi ko nakita si Axel sa school at kahit si Kuya. I didn't even leave the room except for break time this morning kaya hindi na rin ako nagtataka. Kahit paglabas naming ni Lucas ay hindi namin sila nakasalubong.

"Hoy," tamad kong nilingon si Lucas. "Ang putla mo, mamatay ka na?!" Akma na niyang hahawakan ang noo ko gamit ang likod ng palad niya pero nilayo ko lamang ang sarili ko sa kaniya.

"Buhay pa 'ko, gago."

"Bagal mo maglakad," saad ko sa kaniya habang nanguna na papunta sa studio.

I feel like any minute I'm about to pass out. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad. Nanginginig pa ako ng konti at umiikot na ang paningin ko.

"'Wag ka na mag-practice, tingnan mo itsura mo!" Mariin akong napapikit ang minasahe ang sentido ko. Mas pinapasakit niya lang ang ulo ko sa ingay niya!

I feel terrible. Halos hindi ko na maabot at maaninag ang mga gamit ko habang nagpapalit. Sana naman ay madaling matapos ang practice ngayon para makauwi na ako agad. Tomorrow's Friday. Just one more day and I can finally rest and study for our first midterms.

Lumabas na ako habang nanlalabo pa ang mga mata. It's okay. I'm okay and I will be. Magpapahinga ako pagkatapos nito.

Mahina kong sinampal ang sarili ko para magising at pumunta na sa formations namin para makapag-practice.

I lessened the strength of my movements to get through the whole practice. Hindi naman napapansin ng iba habang si Lucas ay panay ang tingin sa gawi ko. We had a break time for 10 minutes and all I did was lay on the floor while Jiara and the others flocked to my side.

"Okay ka lang ba?" ani Jiara na nag-aalala. I closed my eyes and nodded at her.

"Sabing 'wag ka na muna mag practice at ang putla putla mo!" giit ni Lucas. Hindi ko siya pinansin. I can't miss practice. Kailangan kong sulitin ito dahil gusto ko magpaalam sa sunod na lingo para makapag-aral.

"Rest ka muna..." saad ni George na tinanguan ko nalang.

Lumapit naman si Mark sa amin. I sighed. I'm fine!

"Bakla, rest ka na diyan!" Malakas na banggit nito habang tinuturo ang pwesto sa gilid. "Nai-stress bangs ko sa'yo, kaya pala ang hina ng mga galaw mo!"

Hindi ko hinayaan ang sarili kong umuwi at matulog. Nakaupo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila at inaalala ang mga steps na tinuro o binago.

My phone beeped. Tiningnan ko ito agad at nakita ang text ni Kuya.

Kuya:

tapos na practice mo?

Ako:

hindi pa

bakit

Kuya:

diyan ka lang

susunduin ka ni Axel

kinuha mga gamit dito

babalik na 'yon sa condo niya kaso sabi ko daanan ka muna at ibalik rito

ayos diba

yie quality time with crush

I massaged my temples when I saw his message. Kung pabalik na siya sa condo niya bakit dadaanan niya ako, ida-drive papuntang bahay at balik na naman sa condo niya? Sayang ang gas!

Ako:

bobo ka

wag na siya mag abala sabihin mo at magcocommute ako

Kuya:

mas bobo ka gabi na baka mapano ka diyan

papunta na nga diyan hayaan mo na

Ako:

sabihin mo dumiretso na siya sa condo niya!

asar

Kuya:

bahala ka diyan ako na nga nagmagandang loob

edi makakasama mo pa dapat sabihin mo salamat master

Ako:

bahala ka

He's making things more stressful! Hindi naman ako umaasa na dadaan nga rito si Axel, why would he even bother?

Alas otso y medya nang magkaroon sila ng pangalawang break. Nagpaalam na ako kay Mark na aalis na ako at hinayaan niya naman ako. He told me to rest.

Irita akong bumaling kay Lucas na sunod ng sunod sa akin palabas.

"Ihahatid na kita papunta sa bahay niyo at baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo," Mahinahon na saad niya habang sinusunod ako kaya hinayaan ko nalang siya at wala na akong lakas para makipag-away pa sa kaniya.

Inalalayan niya ako at hinawakan ang siko habang naglalakad. I was thankful for that. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin sa bigat ng katawan ko.

Halfway through while we were walking to the jeepney, a car parked in beside us though I didn't pay much attention to it.

"Putangina," napalingon ako kay Lucas na malutong ang mura at napatingin sa gilid namin. Sinundan ko ang tingin niya at mas tiningnan ito. My jaw dropped when I saw Axel come out of the car wearing a black shirt and ripped jeans. Nagmadali itong pumunta sa amin.

He's really here!

"I'll take her home," saad nito kay Lucas at hindi ako tinitingnan. Dumilim ang itsura ni Lucas habang nakikipaglaban sa mga titig ni Axel.

"Papalampasin ko 'to ngayon dahil mas madali mo siyang mauuwi. 'Wag na 'wag mo 'yan galawin." Madiin ang bawat salita na binibitawan ni Lucas.

"I'll take her home every day from now on, then." Naglakad na ako papunta sa kotse niya at hindi na sila pinansin. Wala akong karapatan mahiya at ang sakit na ng ulo ko!

"Stop playing with her like she's your damn toy!" sigaw ni Lucas nang makapasok na ako. Agad kong sinandal ang ulo ko sa bintana. I feel like I'm about to throw up. Kailan ba sila diyan matatapos?

"I'm not playing around." singhal ni Axel. "She was mine to begin with."

Did I just hear him correctly?

Is he even hearing himself? He literally turned me down yesterday and he's telling people I'm his?!

Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ayaw ko na siyang tanungin at baka sabihin niyang dahil na naman iyon kay Kuya. Palagi nalang.

Nagpanggap na lang akong natutulog at mas lalo pa atang bumigat ang buong katawan ko sa sinabi niya. Why is he so confusing and hard to read? I closed my eyes and rested my head on the seat.

"Alagaan mo at may sakit," madiin ngunit may pag-aalala sa tono ng boses ni Lucas. Sunod ko na lang na narinig ay ang pagsarado ng pinto sa kotse at ang pagpaharurot ni Axel rito.

Mayamaya ay naramdaman ko ang likod ng kaniyang palad sa aking noo at leeg. It sent shivers down my spine but I still pretended to be asleep.

"Damn," mahinang mura niya. Parang mas lalo lang akong lalagnatin sa mga ginagawa niya!

I slowly opened my eyes when I felt someone lightly shaking me. Nasa tapat na kami ng bahay. I shut my eyes again for a bit before massaging my temples. I still have a bad headache.

Kinusot kusot ko ang mga mata at muntik pang mapatalon nang makita ko si Axel sa harap ko. He's too damn close! Kung gumalaw pala ako ay mahahalikan ko na siya!

Tumikhim siya at lumayo sa akin. "You have a fever..." mahinang saad niya. "I was just checking on you."

Tumango na lamang ako at kinuha ang bag ko. Nakakaabala pa ata ako sa kaniya. Kailangan niya na rin makauwi. I closed my eyes for a second when I felt pain in my head again. Kahit nakatulog na ako ay masakit parin!

Sinundan ko siya ng tingin nang bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. I bit my lower lip, flashbacks started running through my mind when he told Lucas I was his.

I should be angry at him...but when can I ever do that? Babalik at babalik lang ako sa kaniya kahit gaano pa ako nasasaktan.

I'm literally on the verge of asking him why he keeps acting and talking differently.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at inangat para makatayo. I squinted my eyes at him. May sakit ako pero hindi ako baldado! It's not like I can't walk nor use my hands at this point!

Tinulak ko siya ng mahina. "Nakakalakad naman ako."

His cheeks turned a light shade of pink before letting me go and resting his hand on my lower back instead to support me which sent numerous unknown feelings all at once. I stiffened at his touch. He made sure to lock the doors before helping me walk properly.

"I should have taken you to the hospital..." came his gentle voice.

"Itutulog lang 'to," I told him when we got to the door. Pinasalamatan ko siya at akmang papasok na pero hindi niya binibitawan ang hawak sa 'kin. Para akong mababasag kung hawakan niya.

Bahagya ko siyang nilingon. "Umuwi ka na."

Hindi niya ako pinansin at binitawan ako bago naglakad papunta sa loob. Walang akong naabutan sa sala at wala rin akong narinig na ingay. Hindi ko alam kung nasaan sila. Sinundan ko nalang siya na ngayon ay naglalakad papunta sa kwarto ni Kuya. Isn't he going home yet? Akala ko ay uuwi siya sa condo niya pagkatapos dito.

"Your sister's sick," narinig kong banggit niya. I sighed before going to my room and laying down. Mamaya na ako magbibihis, my body feels really heavy. I heard muffled voices before drifting off to sleep.

Nagising ako nang bandang alas-diyes nang makaramdam ng panlalamig. I hastily threw my blanket away before standing up. Kinailangan ko pang humawak sa ulo ng kama para makahanap ng suporta.

Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nag-aalalang mukha kaagad ni Mama ang bumungad sa akin. I looked around and didn't see Axel. I sighed, of course he went home already.

"Kumain ka na ba? Jusko, pinakaba mo kami! Mabuti at dinala ka agad ni Axel dito!" She exclaimed, her eyes filled with worry.

"Hindi pa po ako kumakain..." mahinang banggit ko habang kumukuha ng tubig.

"Ma, soup nalang o kaya noodles..." I requested.

As if on cue, Kuya's door opened and revealed him. Halos malaglag ang panga ko nang makita si Axel at ang dalawa pang tropa ni Kuya sa likod nila. Bakit ba ang hilig nilang gawin tambayan ang bahay namin?

"Nak, bilhan mo muna 'to ng noodles diyan sa tindahan at paglulutuan ko," utos niya kay Kuya.

Axel's eyes met mine, hindi ko mapaliwanag kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya. Tumikhim ako, inayos ang buhok at pinunasan ang mukha ko.

Tumango si Kuya at lumapit sa akin bago guluhin ang buhok ko. "Sakto, lalabas kami sandali Ma, bibili lang pagkain namin."

Hindi ko na sila nilingon at humiga nalang ulit sa kama habang naghihintay sa kanila.

Nagising muli ako bandang alas onse. I fell asleep again right after I changed my clothes. I felt a little better now once I got more sleep but now my stomach kept aching. I brushed my hair using my fingers before heading out. Naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng noodles.

Kumalam agad ang sikmura ko at dahan dahang umupo sa may mesa. Mom was almost done cooking the noodles.

Sarado na ulit ang pinto ni Kuya ngunit rinig na rinig sa labas ang ingay nila.

I smiled when a pair of hands hugged me from the side. Nilingon ko si Reksin na mahigpit ang yakap sa akin sa tagiliran ko. I let her sit on my lap and played with her hair while waiting for the food.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kaniya. She nodded but tapped her hands on the table as if waiting for her food as well.

When you live with younger siblings, you'll learn to prioritize them more. I'm not complaining though, the huge smile on her face when she gets what she wants is enough for me.

After a few minutes, she laid the food down. Inutusan ko si Reksin na kumuha ng mga mangkok na agad niya naman sinunod. The hot temperature of the food immediately brought me to life.

"'Wag ka na pumunta sa practice mo bukas, magpahinga ka muna," banggit ni Mama sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Dapat kasi ay hindi mo inaabuso ang katawan mo, nasobrahan ka na sa kaaral at kasasayaw mo na 'yan."

"Naabutan kita ng alas dos ng umaga kakaaral," pinanliitan niya ako ng mata. "Hindi naman kita pinagbabawalan sumayaw pero ayaw ko na may mangyari sa 'yo," dugtong niya.

The next morning was a Saturday. Dire-diretso na ang tulog ko at nagising na pinagpapawisan kaya alam kong maayos na ako. It was 9 in the morning when I woke up. Ngayon nalang ulit ako nakatulog ng gano'n katagal.

I hopped happily towards the kitchen. I felt so great! Napadako ang tingin ko kina Kuya, siguro ay nagpuyat silang apat kaya ngayon tulog na tulog pa o baka naman umuwi na.

Naabutan ko silang tatlo sa sala. They were watching some dubbed anime on TV.

I gasped when I realize I didn't update my friends, or even Mark that I won't be practicing today. I rushed to my room to get my phone. May 20% pa naman iyon. Sandamakmak na messages agad ang nakita ko sa texts. I knew they were worried!

Lucas:

huy

uminom ka gamot

'wag ka na magpractice bukas

gago bat di ka nagrereply

reply kase

text mo q a kapag oks ka na

wag matigas ang ulo sa taas!

wag magpractice bukas!

Laine:

hoy

may sakit ka raw?

Kaya pala 2log n 2log sa room ha 'di ko alam!

Pagaling kaaa mwa

09123456789:

take your medicine.

I bought it for you.

Kumunot ang noo ko sa huling message at agad na binalikan ang mga naunang text. It's Axel! I still hadn't saved his number! At anong gamot naman ang sinasabi niya? No one told me about any medicine! I placed the phone down and headed for the kitchen.

"Ma, may gamot raw?" Tanong ko sa kaniya habang naghahanap sa mga lagyanan.

"Ay, meron! Bumili sila kahapon nakalimutan ko!" Sigaw niya mula sa sala.

After a couple of minutes, I finally found it on one of the drawers where they store medicine. Nakalagay pa ito sa isang plastic na maliit. The corner of my mouth rose unconsciously. He really bought me medicine!

I took the medicine after I ate. Bumalik na ako sa kwarto ko para makahabol sa mga gagawin.

Monday came around quickly, the first day of our first midterms. I buried myself with studying during the weekend. I would normally study two days or a day before but since I had nothing else to do, nag-aral na lamang ako.

Nagpaalam na ako kay Mark na hindi kami magpa-practice ni Lucas. Malaking bagay iyon at marami kaming kakailangan na habulin pero mas uunahin ko ang pag-aaral ko.

Hindi ko na nakita si Axel simula noon at hindi rin ako nakapagreply sa text niya. Wala akong load! Wala naman akong tinetext at sayang ang pera ko pampaload kaya 'wag nalang. Pasasalamatan ko nalang siya kapag may oras.

Kung makausap ko man siya ulit.

Because even after rejecting me and saying sorry...he keeps popping out of nowhere and doing things I wouldn't expect.

Sa lunch lang kami nakapag-usap ng maayos. I told them I just had a mild fever but didn't go through the one with Axel and the medicine. Sinabi ko nalang na uminom naman na ako ng gamot.

Dahil abala ako sa pag-aaral dahil wala akong kinailangan gawin masyado noong Linggo, naging madali lang ang takbo ng exam para sa akin. Ayon nga lang, nagpapasa pa ako kay Lucas ng sagot sa pre-cal at pinakaayaw ko talaga iyon! 'Yung iba lang naman na hindi ko alam.

Pagkatapos ng exams, kanya-kanya na kaming uwi at wala rin naman akong pera kung mag-aaya silang lumabas. Mag-aaral nalang ako pagdating sa bahay at may mga kinakailangan pa akong ipasang proyekto. Nagpresinta pa sana si Lucas na ihatid ako pero tinanggihan ko siya.

Lalakarin ko mag-isa papunta sa sakayan ng jeep habang nakikinig sa musika at nakatingin lamang sa paligid. I think that's such a nice and therapeutic break. It's been almost a month since I went home this early.

When midterms finally ended on Wednesday, Lucas and Laine invited me to Starbucks but I had to decline since I'm saving money and I can easily just drink a random juice at home, and I also wanted to be home early to rest. Susulitin ko na ang mga araw na wala kaming practice at tapos na rin ang mga gagawin sa paaralan.

"Kuya!" sigaw ko nang makapasok ako. Hindi pa ba 'yon umuwi pagkatapos ng exam?

"Lumabas, bumili lang saglit."

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Kahit naman pala hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino 'yon.

Why does he keep showing up here?! Nakakairita na. Alam kong mag-tropa sila at hindi naman ako ang pinunta niya, pero naiinis parin ako!

Parang wala lang sa kaniya! Parang wala siyang ginawa o sinabi man lang, normal lang lahat!

"Okay," mahinang banggit ko.

"Hey-" Akmang magsasalita pa siya nang magsimula na akong maglakad paalis.

I wish we could go back to how we used to. I wish I never said that. I wish it didn't hurt so much. I guess there are really things you can miss, but things you also can't go back to.

That was the last time I talked to him and since then, we both avoided each other. 

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
6.1K 141 12
"I can't keep chasing you forever. That's absurd. It's either you want me to stay or you let me go. Hindi habang buhay ipagsisiksikan ko ang sarili k...
7.5K 162 12
Caelum Gregory Martinez She's just like her. Act the way she does. But not her. ***** Hope Esther Saldivar is a woman with a singular dream: to amass...
131K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?