2025: The Second Half

By scitusnim

258K 19.3K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... More

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

24 - She is Me

4.2K 395 130
By scitusnim

24 - She is Me



"It's been two days and there hasn't been any attack," ani Sergeant Soriano habang pinapanood sina Lucas, Jet, at Gian na naghahanda para lumabas at maghanap ng pagkain. "I can't really say that we should be thankful. I'm actually getting more nervous."



"Sana iniisip nilang naubos na tayong lahat dito," ani Jet na kinakargahan ng bala ang isang rifle. Magdadala sila ng mga armas para makasigurado. "Hindi magandang pakinggan, pero mas mabuti na 'yon."



Tumango-tango ang babaeng sundalo. "Mag-iingat kayo."



"Yuan's still sleeping," paalala ni Lucas at muli namang tumango ang sergeant.



"Dalawang araw pa lang ang nakakalipas, pero sana naman lumabas na siya ng kwarto."



Parehong napaiwas ng tingin sina Jet at Gian. Kapwa sila nag-aalala kay Yuan at hinihintay din itong bumalik sa kanila kahit pa alam nilang malabo dahil sa lahat ng nangyari.



"Let's go," pagyayaya ni Lucas at tumango lamang ang dalawang makakasama niya.



Hinatid ni Sergeant Soriano ang tatlong binata sa labas ng bahay. Hindi niya inalis ang tingin sa mga ito hanggang sa nawala sila sa naabot ng kanyang paningin. Hindi rin muna siya pumasok sa loob ng bahay at nagpasyang hihintayin ang mga binata sa labas.



Samantala, sa ikalawang palapag ng bahay, umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ng sanggol na si Tricia. Humahangos na dinaluhan ni Mara ang kanyang anak at pilit itong pinatahan.



Dahil sa malakas na pag-iyak ng bata ay naalimpungatan si Yuan. Hanggang sa tuluyan siyang nagising. Natigilan siya at nanatili munang nakahiga. Pinakiramdaman niya ang sarili. Malinaw niyang naririnig ang pag-iyak ng isang sanggol ngunit hindi siya kinakabahan o natatakot. Hindi siya sigurado kung nawala na ba ang trauma niya sa nangyari noon sa kapatid na si Lindsey o sadyang wala na siyang kakayahan para makaramdam ng kahit na ano dahil sa lahat ng nangyari.



Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin tumatahan ang bata. Naisip ni Yuan na marahil ay nahihirapan si Mara na patahanin ang anak nito. Bumangon siya at nagpasyang lumabas.



Bumungad kay Yuan ang iritableng mukha ni Pia na mukhang nagising lang din dahil sa pag-iyak ni Tricia. Bigla itong ngumisi noong nakita siya.



"Good morning, Yuan."



Sandaling napapikit si Yuan at napabuntong-hininga. "Not now, Pia."



"Why?" nakangisi pa din at taas noong tanong ni Pia. "Accepted your defeat?"



"I didn't even know that we're playing," walang ganang sagot ni Yuan saka tumalikod at sinundan ang pinanggagalingan ng iyak.



Hindi na sumunod si Pia at napapadyak na lamang sa sahig dahil mas lumakas pa ang iyak ni Tricia. "Ugh! Somebody shut that tyanak up! Kung naglalakad na yan, itutulak ko yan sa hagdan!"



Napatigil si Yuan sa paglalakad dahil sa narinig. Napalingon siya at nakitang papasok na ulit sa kwarto si Pia. Binalikan niya ito.



"Where's Luna?" tanong ni Yuan.



Nakataas ang isang kilay na tinignan siyang muli ni Pia. "Ha?"



"Where's Luna? Which room is she using?"



Ang mataray na tingin ni Pia ay nauwi sa isang kunot noo. "Luna who?"



"Luna, the little girl?" nagtataka din na sagot ni Yuan. "She's here. She also survived the other day."



"Bitch, I don't know any Luna."



"Pia, she's the only new kid. You should at least remember her as the only new face aside from the soldiers," paliwanag pa ni Yuan.



Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Pia. "Wala namang ibang survivors aside from everyone na galing sa Cavite and the soldiers? Did you hit your head somewhere? Yuan, if you're going nuts I'm telling you, I'm really taking Lucas away."



Nagsalubong din ang mga kilay ni Yuan. Gulong gulo siya. "No. I met that kid. She's here. Pinahatid ko siya kay Lucas dito sa loob ng bahay. Didn't you see Lucas entering the house that day?"



"I did, and I swear he's alone," sagot ni Pia na talagang nawi-weirdo-han na sa dalagang kausap niya. "I've always thought you're a bitch but, I didn't know you're crazy."



"W-What--"



Hindi naituloy ni Yuan ang sasabihin noong bigla nanamang lumakas ang pag-iyak ni Tricia. Napalingon siya sa direksyong pinanggagalingan niyon habang si Pia naman ay napapikit na parang nagtitimpi.



Sa kabila ng palahaw ng sanggol na naririnig na sa buong bahay, napalingon si Yuan noong may tumawag sa kanyang pangalan.



"Ate Yuan!"



"Luna!"



Unti-unting nagmulat si Pia at lalong napataas ang kanyang kilay noong makitang nakangiti si Yuan at tila may tinatawag. Hinihintay niyang makalapit ang kung sino man iyon sa kanila noong muling nagsalita si Yuan.



"Pia, this is Luna."



Nanlaki ang mga mata ni Pia noong ipinakilala sa kanya ni Yuan ang isang batang hindi niya naman nakikita.



"Pia, the kid said 'hi'," seryoso pang sabi ni Yuan na para bang pinipilit ang dalaga na batiin din ang batang wala naman doon.



"A-Are you..." Nagpabalik-balik ang tingin ni Pia sa mukha ni Yuan at sa kamay nitong tila may hawak na kung ano. "Are you...making fun of me?!"



"What?" gulong-gulo na tanong ni Yuan.



"Bitch, where's the kid?!"



"Here?"



"Where?!"



"Here!" Bahagyang itinaas ni Yuan ang kanang kamay na hawak ang braso ni Luna at itinuro niya pa ito gamit ang kaliwa niyang kamay.



"Hindi tayo close para magbiro ka sakin, Yuan." Pinagkrus ni Pia ang kanyang mga kamay. Taas noong sinamaan niya ng tingin ang dalaga.



"But I'm not joking?"



"Bitch, there's no kid! I see no one but you!" Umakto pa si Pia na iginagala ang paningin sa kabuuan ng pasilyo. "Walang ibang tao dito bukod sa ating dalawa! Walang nag-hi dahil wala kong naririnig kung hindi ang iyak ng tyanak na anak ni Ate Mara!"



"Luna!" Napasigaw si Yuan noong biglang hinila ng bata ang braso nito mula sa kanyang kamay at nagtatakbo ito palayo. Susundan niya sana ito noong muling nagsalita si Pia.



"God, you really irritate me. Do you really think sasakay ako sa kalokohan mong imaginary friend? Yuan, dalaga na ko, hindi na uso sakin 'yan. Or kahit bata pa tayo, hindi ako makikipaglaro sayo."



Hindi na nakapagsalita pa si Yuan noong ibinagsak ni Pia ang pinto sa kanyang harapan. Tumigil na din ang pag-iyak ni Tricia kaya naging tahimik na ulit ang paligid. Sa kabila noon, hindi pa rin siya makaalis sa kanyang kinatatayuan. Gulong gulo siya. Pakiramdam niya ay niloloko lamang siya ni Pia. Pero may parte din ng utak niya na nagsasabing totoo ang mga reaksyon nito.



Nangingilid na ang mga luha ng dalaga noong marinig na bumukas ang isa sa mga pinto sa pasilyong 'yon. Lumabas mula doon si Kevin.



"Yuan, are you alright?" Mabilis na lumapit ang nag-aalalang binata noong makitang kumikislap ang mga mata ni Yuan.



"Kevin." Huminga ng malalim si Yuan at tumingin mismo sa mga mata ng binata. "D-Do you know Luna?"



Natigilan si Kevin. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon at wala siyang nakahandang sagot. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit isinara niya din lamang iyon. Napalunok siya.



Tuluyang tumulo ang mga luha ni Yuan dahil sa naging reaksyon ng binata. Hindi siya makapaniwala.



"Yuan," tawag ni Kevin noong biglang tumalikod ang dalaga at pumasok ulit sa silid nito. Mabilis nitong naisara ang pinto at agad naman siyang kumatok. "Yuan, open the door! Yuan, please! Let's talk about it, Yuan! Yuan!"



Sa kabila ng pinto ay napasandal si Yuan at napaupo. Halos pigain niya ang sariling ulo gamit ang kanyang mga kamay. Napakaraming pumapasok sa kanyang isip at naiintindihan niya iyon. Mula sa unang gabi niya sa isla kung kailan niya nakilala ang bata hanggang sa pagkukunwari ni Lucas na nakikita din ito. Mayroon din siyang ideya kung bakit nagkaroon ng isang Luna at kung bakit niya ito nakikita. Napagdudugtong niya ang lahat mula sa damit nitong hindi nagbabago at kung bakit tuwing gabi niya lamang ito nakikita noon.



Lalong napaiyak si Yuan habang iniisip kung gaano na siya kalayo sa reyalidad para makakita ng isang tao na hindi naman totoong nag-eexist. Siya mismo ay alam na may mali na sa sarili niya.



*****



Pare-parehong sinalakay ng matinding kaba sina Lucas, Jet at Gian noong makauwi at nadatnan si Kevin na nakaluhod na sa labas ng pinto ng kwarto ni Yuan. Noong lumingon ito sa kanila ay nakumpirma na agad nilang may hindi magandang nangyari.



"What happened?" mabilis na tanong ni Lucas. Hindi niya na rin nahintay pang sumagot si Kevin, agad siyang lumapit sa pinto at kumatok. "Yuan! Yuan, it's me! Open the door!"



"Ano ba! Lahat na lang ba gigisingin ako?!"



Napalingon ang apat na binata sa katapat na pinto at sa nakakunot-noong si Pia.



"Kanina may umiiyak na bata, tapos 'yang si Yuan may imaginary friend na ipinakilala, ngayon--"



Nagulat ang lahat, lalo na si Pia noong bigla siyang sinugod ni Lucas. Napapikit na lamang siya noong nagpakalawa ito ng suntok ngunit hindi iyon sa kanya tumama. Nagmulat siya at nakitang ang katabi niyang pader ang sinuntok nito, ilang pulgada lamang ang layo mula sa kanyang pisngi.



"What did you do?" seryosong tanong ni Lucas habang nagdidilim ang paningin kay Pia.



Walang nakapag-react kina Kevin, Jet at Gian. Napalabas naman ng kwarto sina Mara at Jules, at napaakyat din sa ikalawang palapag si Sergeant Soriano, dahil sa narinig na pagsuntok sa pader.



"Anong nangyayari?" tanong ni Manong Jules. Walang sumagot sa kanya.



"What did you do, Pia?" pagdidiin ni Lucas sa tanong.



Kunot noong tumingin ang lahat kay Pia. Napalunok siya. "S-She introduced me to this k-kid named Luna... But t-there's no kid..."



"Alam na ni Yuan," hindi makapaniwalang nasabi ni Manong Jules ang laman ng kanyang isip.



"I saw her in front of Pia's door. I asked her if she's alright and she just asked me if I know Luna," sabi naman ni Kevin. Napayuko siya bago nagpatuloy sa sinasabi. "I couldn't speak."



"This is not the right time to reveal this to her." Napasapo si Sergeant Soriano sa kanyang noo. "Masyado ng nagsunod-sunod ang lahat. Sobra-sobra na 'to para sa isang tao."



Napakagat din si Mara sa ibabang labi at napahugot ng malalim na hininga. "You said this is all related to her childhood traumas, right?"



Tumango lamang ang nakayuko ng si Lucas.



"She got through all those years with Warren. How will she survive this one without him? Even her family is not here. Kenzo might be able to comfort her since they're childhood friends but, he's not here either. We don't even have Mariz who knows a lot as her bestfriend. What should we do?"



Walang nakasagot sa huling tanong ni Mara.



"Yuan always analyzes things," ani Kevin. "She might be thinking about it since Pia told her that she can't see the kid. She knows there's something wrong with her."



"She knows," pag-uulit ni Gian. Napabuntong hininga din siya at napayuko. "She knows there's something wrong but no one, not even Yuan herself, has an idea of how to deal with it."



"S-She knows," wala sa sariling nasabi din ni Jet. Nangingilid ang mga luha na lumapit siya sa pinto ng kwarto ni Yuan. Hindi na siya kumatok, pinaghahampas niya na iyon. "Yuan! Yuan! Yuan!"



Nagulat ang lahat noong matapos ang ilang segundo ay pumihit ang doorknob. Hinihingal pa si Jet noong itinulak niya pabukas ang pinto.



"J-Jet," umiiyak na tawag ni Yuan sa kanyang kaibigan.



"Yuan." Mabilis na tinawid ng binata ang pagitan nila. Niyakap niya si Yuan.



"Jet. Si L-Luna..."



"Sshh," pagpapakalma ni Jet sa dalaga. Hinigpitan niya pa ang yakap dito.



"Jet. Luna is me." Lalong lumakas ang pag-iyak ni Yuan. "That kid is me."



Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang lahat noong marinig ang sinabi ni Yuan. Alam na nito. Napagtagpi-tagpi na ng dalaga ang lahat sa sarili nito. At hindi nila alam kung paano ito matutulungan.

;













Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 737 20
[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)
18.9K 406 24
A group of Seven Students who has the same interest in the world of mystery. At first they'll see each other as a competencies but little did they kn...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
718K 20.6K 55
A renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has bee...