I'm Just A Transferee || (PUB...

By Gaellicious_13

68.6K 3.2K 315

Yesha Brie is an adoptive daughter of Leida Miranda. She doesn't know a thing about her real family. So she g... More

I'm Just A Transferee
I'm Just A Transferee: Prologue
I'm Just A Transferee: Kabanata II
Book Covers made by my friends
I'm Just A Transferee: Kabanata III
I'm Just A Transferee: Kabanata IV
I'm Just A Transferee: Kabanata V
I'm Just A Transferee: Kabanata VI
I'm Just A Transferee: Kabanata VII
I'm Just A Transferee: Kabanata VIII
I'm Just A Transferee: Kabanata IX
I'm Just A Transferee: Kabanata X
I'm Just A Transferee: Kabanata XI
I'm Just A Transferee: Kabanata XII
I'm Just A Transferee: Kabanata XIII
I'm Just A Transferee: Kabanata XIV
I'm Just A Transferee: Kabanata XV
I'm Just A Transferee: Kabanata XVI
I'm Just A Transferee: Kabanata XVII
I'm Just A Transferee: Kabanata XVIII
I'm Just A Transferee: Kabanata XIX
I'm Just A Transferee: Kabanata XX
I'm Just A Transferee: Kabanata XXI
I'm Just A Transferee: Kabanata XXII
I'm Just A Transferee: Kabanata XXIII
I'm Just A Transferee: Kabanata XXIV
NOT AN UPDATE!
I'm Just A Transferee: Kabanata XXV
I'm Just A Transferee: Kabanata XXVI
Kingster University
I'm Just A Transferee: Kabanata XXVII
I'm Just A Transferee: Kabanata XXVIII
NOT AN UPDATE!
I'm Just A Transferee: Kabanata XXIX
I'm Just A Transferee: Kabanata XXX
I'm Just A Transferee: Epilogo
I'M JUST A TRANSFEREE PHYSICAL BOOK

I'm Just A Transferee: Kabanata I

4.1K 152 28
By Gaellicious_13

Dedicated to: Axery_Gail  and Psyche_Paige

KABANATA I

YESHA BRIE'S POV

MY NAME IS Yesha Brie Miranda, eighteen years old. My looks? Well, I look like a Korean or Japanese. I'm an orphan. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang totoong magulang ko dahil walang nakakikilala sa kanila. Ang sabi ng ginang na nakapulot sa akin ay nasa gitna raw ako ng kalsada no'ng mapadaan sila. Muntikan na raw akong masagasaan ng sasakyan nila noong galing sila sa isang business meeting.

Ang alam ko lang sa pagkatao ko ay ang pangalan ko. 'Yesha Brie', iyan ang nakaukit sa kuwintas na simula bata ay suot ko na. Hindi ko ito hinuhubad pero nananatili itong nakatago sa ilalim ng mga damit na isinusuot ko. Ang apelyidong ginagamit ko ay ang apelyido ng taong may mabuting kalooban dahil inampon ako.

Sino ang kumupkop sa akin? Kilala sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. She is Leida Miranda, a well-known businesswoman. She is kind, and lovely. My ideal mother.

Ngayong school year ay lilipat ako ng paaralan, sa isang private school. Mayaman ang kumupkop sa akin pero mas pinili ko noon na mag-aral sa pampublikong paaralan. Kaya ngayong lilipat ako sa pampribado ay alam kong maninibago ako. Papasok ako bilang isang college student.

I don't want to wear sexy clothes, but I must if it's needed. A loose shirt with jeans is fine with me. I attend modeling because I want to earn money on my own. Ayaw kong umasa lang sa umampon sa 'kin kung kaya ko rin naman mag-ipon kahit para sa daily allowance lang. Yes, I'm a model but I wear glasses if it's a normal day, if there are no photo shoots or workshops.

"Yesha!" sigaw ng babae sa labas ng kuwarto ko.

"Yes, Momma?" sigaw ko pabalik dito saka binuksan ang pinto.

"Already done?" tanong nito habang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Nakangiti akong tumango sa kaniya. I'm wearing maong pants and white loose shirt with my eyeglasses. Simple but I'm comfortable with it.

"Saulo mo na ba lahat ng bibilhin mo?" tanong ni Momma habang iginigiya kami ng driver at bodyguard niya pasakay sa Porsche. Pupunta kami ngayon sa mall para mamili ng mga gagamitin ko sa school.

"Momma naman. 'Di ba po ipinalista niyo na sa 'kin kagabi?" natatawang sagot ko nang makaupo na sa tabi nito.

"Sorry, honey. Makalilimutin na si Momma," parang batang usal nito at pinisil-pisil pa ang pisngi ko. Agad ko namang inilagay sa mukha ko ang dalawa kong palad dahil alam kong hindi na naman ito titigil hanggang sa hindi mamula ang pisngi ko.

"I already enrolled you in Kingster University. Wala ka na iba pang poproblemahin kundi ang pag-aaral mo lang. Maliwanag?" maawtoridad na sabi nito. Hindi kayo maniniwala kapag sinabi kong tatlumpu't dalawang taong gulang pa lang si Momma.

"But, how about my modeling career, Momma?" nakangusong tanong ko.

"Okay, okay. Stop pouting, will you? Magmo-modeling ka pa rin pero sa isang kondisyon," pa-suspense na sabi niya.

"What is it, Momma?"

"You have to prioritize your studies."

"Of course, naman, Momma. Kailan ko po ba pinabayaan ang pag-aaral ko?" malambing na sabi ko habang yakap siya.

"Manong, parang ang lakas po yata ng aircon. Pakihinaan naman," nakangising baling nito kay Manong driver. Napatawa na lang nang mahina si Manong dahil nakuha nito ang ibig sabihin ni Momma.

"Momma, hindi naman ako nagyayabang, eh. I'm just telling the truth, 'di ba Manong?"

"Oo nga naman po, Ma'am Leida. Ang sipag-sipag kasi niyang anak mo," sang-ayon sa 'kin ni Manong kahit tutok pa rin sa pagmamaneho ang atensiyon.

"Saan pa ba magmamana 'yan Manong, eh, 'di sa akin," preskong sabi ni Momma, tila nagyayabang.

"Eh, parang ikaw nga diyan ang mahangin, Momma, eh," sabi ko at tumawa.

Nagtuloy-tuloy ang asaran namin sa sasakyan hanggang sa maiparada na ni Manong ang sasakyan sa isang reserved parking slot sa mall. Bumaba ako no'ng pagbuksan ako ng pinto ng isang bodyguard ni Mom na kanina pa nakasunod sa amin, ngunit sa ibang sasakyan lamang nakasakay.

"Ma'am, dito na lang po ako magbabantay sa sasakyan. Ang mga bodyguard niyo na lang po ang sasama sa inyo kung ayos lang po," magalang na paalam ni Manong driver.

"Masyadong mainit dito sa parking lot pero kung 'yon ang gusto mo ay ayos lang naman sa 'kin basta 'pag hindi mo na nakayanan ang init dito ay sumunod ka sa loob. Safe naman ang mga sasakyan dito," sagot ni Momma na nginitian naman ni Manong.

Naglakad na kami papasok ng mall at sumakay ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang National Bookstore. Pagdating namin doon ay agad akong pumili ng magandang klase ng notebook at mga librong mapaglilibangan ko. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na ako sa pamimili.

"Tapos ka na?" tanong ni Momma habang nakatingin sa mga magazine. Mga magazine na ako ang front cover!

"Opo, Momma. Bakit niyo po 'yan tinitingnan?" alanganing tanong ko dahil alam ko na rin naman ang isasagot niya.

"You're so beautiful yet mas pinipili mong magsuot ng mga damit na ganiyan kapag wala kang photo shoot," tukoy nito sa cover ng magazine at sa suot ko ngayon.

"Komportable naman po ako sa suot ko saka okay na rin po 'yon dahil ayaw ko pong pagkaguluhan. Alam niyo naman pong kalat ang mukha ko sa mga billboard, TV, at magazine, eh."

"You're a Miranda, Yesha. Hindi ka dapat nagsusuot ng mga ganiyang kasimpleng damit."

"Momma, I'm your adopted child. Hindi ko kailangang magsuot ng magagarang damit dahil lang sa tanyag at mayaman ang umampon sa 'kin. Momma, malaki ang utang na loob ko sa inyo at kailan man hindi ko sasamantalahin ang kabaitan niyo," pagpapaintindi ko.

"Kaya kong ibigay sa 'yo lahat. Mahal kita na parang sa 'kin ka nanggaling. Alam mo 'yan," tugon niya na nagpaantig sa puso ko.

"I love you too, Momma, pero tama na po ang drama baka may gagawin ka po ngayon."

"Free ako ngayon. Kinansela ko lahat ng appointment ko because I want to be with you today," sabi nito at inakay na ako papuntang cashier. Nakasunod lang naman sa likod namin ang mga bodyguard niya, bitbit ang mga pinamili ko.

"Ughhh, ang sweet talaga ng Momma ko," nata-touch na sabi ko.

Pagkatapos naming bayaran ang lahat ay nagpasya kaming kumain muna sa isang fast food chain sa loob ng mall.

Habang kumakain ay hindi ko naiwasang magtanong. "Momma, kailan po ang umpisa ng klase?"

"Next week. Kaya you should be ready. Bibili tayo ng mga damit mo after this," sagot nito matapos sumubo ng beef steak.

"Ah, bakit pa po tayo bibili ng damit, eh, marami pa po ako sa closet?" nagtataka kong tanong.

"Basta," tanging tugon nito. Hindi pa man nagtatagal ay nagtanong ulit ako.

"Mababait po ba ang mga student doon?" kinakabahang usal ko.

"Some are nice; some are not. But promise me na kahit ano'ng mangyari, 'wag kang magpapaapi."

Napatango na lang ako sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang shop para sa mga damit pambabae. Punong-puno ng mga dress ang store pero jeans at T-shirt ang hinahanap ko.

"You should pick dresses too. 'Wag puro jeans at shirt," maawtoridad na sabi ni Momma bago nagsimulang maghanap ng mga dress.

"Miss, nasaan ang jeans at shirt section dito?" tanong ko no'ng may napadaang sales lady sa harap ko.

"Sa pinakalikod po, Ma'am. Sa right side," sagot niya at itinuro pa ang direksyon.

"Thank you." Nginitian ko ito bago tumalikod.

Nakapili na ako ng mga damit kaya lumapit na ako kay Momma. Nanlalaki ang mga mata ko dahil napakarami nitong bitbit na dress.

"Momma, ang dami naman po niyan. Hindi naman po ako madalas magsusuot niyan sa school," angal ko rito.

"I'll buy this all. Kung hindi sa school, eh, 'di sa modeling mo gamitin." Napabuntonghininga na lang ako bago tumango. "Pagkauwi natin ay ayusin mo na lahat ng gamit na pinamili natin. Nasabi sa 'kin ng manager mo na this week daw ay marami kang fashion show at photo shoot na gagawin."

"Ah, opo. Kailangan na po kasing sunod-sunod na shoot kasi malapit na 'yong start ng school year," tugon ko.

"Uh-oh," Momma simply nodded.

*****

GABI NA NOONG makarating kami sa bahay, bitbit ko na lahat ng mga paper bags para iakyat sa room ko. Si Momma naman ay agad na dumiretso sa banyo dahil kanina pa raw siya naiihi. Inilapag ko ang mga paper bag sa paanan ng kama ko. Isa-isa kong hinubad ang sapatos at damit ko bago dinampot ang bath robe at ibinalot sa katawan ko.

Nakasanayan ko na ang maligo bago matulog. Nagbabad ako sa bath tub nang ilang minuto bago naisipang bumangon. Nagbihis ako ng pantulog at sinimulang ayusin ang mga bago kong damit at mga gamit. Nang matapos ay pagod akong nahiga sa malambot na kama.

"Hays," utas ko nang maramdaman ang lambot ng kamang hinihigaan ko.

Heto ako, heto ang buhay na mayroon ako. Handa ka pa bang malaman kung ano pa ang kuwento ko? Masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon pero napaiisip pa rin ako kung bakit iniwan ako ng magulang ko. Napaiisip pa rin ako kung mahal ba nila ako? Kung sa loob ba ng labimpitong taon na pagkawala ko, hinanap ba nila ako?

Bago pa ako makapag-isip ng mga bagay-bagay ay tuluyan na akong nakatulog dala na rin ng pagod.

Continue Reading

You'll Also Like

Section 13 By ...

Mystery / Thriller

5.2K 4.1K 46
Sa isang Unibersidad na puno ng misteryo, may pag-asa kayang makaligtas pa tayo? Samahan mo akong tuklasin ang misteryo at iba't ibang suliranin sa l...
666K 28K 52
Aria has been cordially invited to the wedding of the century . According to her mom . Her older sister is finally marrying her high school sweethear...
107K 5.2K 41
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...