That Girl Pristine Madrigal

By hwannyssik

17.9K 835 151

That Girl Pristine Madrigal is the sequel of That Gangster Trake Corpuz. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 27

258 10 2
By hwannyssik

Chapter 27

Pristine

Napabalikwas ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Para akong hinabol ng kung ano dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Agad akong nilapitan ni Chase na nagulat ko yata. Nasa katabing couch ko kasi siya at nakaharap pa rin sa kanyang laptop.

"uy, ayos ka lang?" tanong niya na hindi mapakali kung lalapit ba saakin o magtatawag ng ibang kasama.

Nanunuyo ang lalamunan ko.

Pinilit kong pakalmahin ang tibok ng puso ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim ng ilang beses. Nakatulong naman iyon kahit na papaano. Sinenyasan ko si Chase na ayos lang ako.

Napanaginipan ko kung papaano ipabugbog ng grupo ni Zoren sit rake. Naroon ako pero wala naman akong magawa dahil hawak ako ng mga tauhan ni Zoren. Nakakakilabot ang tawa ng lalaking 'yon. Kahit gising na ako, nagpapauli-ulit ang boses niya sa utak ko.

"Nanaginip  ako ng masama, si Trake may nangyari raw sa kanya at kagagawan iyon ni Zoren. May balita na ba sa kanya? Tumawag na ba?"

Dire-diretso ang tanong ko kaya mas lalo tuloy nagpanik si Chase. Kung pwede ko nga lang sanang puntahan na lang si Trake para ako mismo ang makasiguro na ok lang siya ay gagawin ko na. Nasa sala kami ng bahay ni Trake, nakatulugan ko na ang paghihintay ng balita.

Sa katunayan nga niyan hindi pa ako nakakatawag sa bahay. Siguradong nag-aalala na saakin sina Uncle.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Chase bago tumingin saakin. Alam kong hindi lang ako ang nag-aalala kundi lahat kami. Ang tanging pinanghahawakan lang naming ay ang napagusapan ni Trake at Gino.

Paano naman kami mapapalagay sa ganoong kakarampot na impormasyon?

"Pristine panaginip lang 'yon walang mangyayaring masama doon. Hindi ka pa ba nasanay? Basta kailangan lang nating magtiwala sa kanya."

Natulala na lang ako sa kawalan, ramdam kong hinaplos ni Chase ang likod ko bago ito pumunta sa dating upuan. Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko. Iba kasi itong nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko talaga may mangyayaring masama.

"Hindi ko kaya Chase. Hindi ko kayang maghintay na lang dito. Kayo na rin ang nagsabing hindi mapagkakatiwalaan si Zoren. At ngayon nanaginip pa ako, paano kung sign na iyon na dapat na tayong makialam? Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa mga otoridad?"

Naghyhysterical na ako. Idagdag pa na kung ano-anong pumapasok sa utak ko dahil sa panaginip.

I can't bare seeing Trake in a hospital again.

Iyon ngang nagpaopera siya pakiramdam ko ako ang inooperahan.

Nakakainis ka Trake! Bakit palagi niya na lang akong pinag-aalala? Dahil ba galit siya saakin dahil sa mga sinabi ko at dahil sa pagtataboy ko sa kanya?

Kung iyon man ang dahilan mas gugustuhin ko pang hindi niya ako pinapansin at galit siya kaysa nasa panganib ang buhay niya! Mas kakayanin ko ang ganoon kaysa ang ganito. Iyong bukod sa wala akong magawa ay pinanghihinaan pa ako ng loob.

"Saglit, huwag ka munang magpanik, ako ang natataranta sayo eh!" si Chase, umalis ito bigla at hindi ko alam kung saan ang punta.

Maya-maya lang may narinig akong yabag ng paa at mukhang nagmamadali si Chase rin iyon pero may dala na itong tubig.  Binigay niya saakin 'yon. Kahit nag-aalinlangan, tinaggap ko pa rin.

Pagkatapos kong maubos ang tubig kinuha ni Chase ang baso at siya na mismo ang naglapag sa lamesa.

Napakamot na lang ito ng ulo.

"kumain ka na doon, may pagkain ng nakahanda sa lamesa. Nandoon ang iba. Huwag ka na lang masyadong mag-isip Pristine. Pangako, kapag may nakalap agad akong impormasyon ikaw agad ang sasabihan ko."

Malambot ang ekspresyon ni Chase, naniniwala naman ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at pumunta na ng kusina.

Magtiwala ka na lang kay Chase, Pristine. Mahirap mang sabihin na magiging maayos rin ang lahat pero hindi dapat mawalan ng pag-asa. Siguro nga sa pagkakataong ito, laban ito ni Trake. Kung hindi niya hinayaang makialam ang mga kaibigan paniguradong may dahilan iyon.

Habang papalapit ako ng kusina, naririnig ko ang malakas na sounds ng t.v. kung normal na palabas lang iyong baka hindi ko na pinansin pero nung narinig ko ang mga salitang pier, ingkwentro, at palitan ng mga bala ng baril kinutuban agad ako.

Saktong pagpasok ko ng kusina ay siyang pagpatay ni Gino sa t.v.

"Bakit mo pinatay? Buksan mo Gino, baka tungkol iyan kay Trake!" I said, mabilis akong lumapit kay Gino at tinangkang hanggitin sa kanya ang remote control ng t.v. na kaagad niyang itinaas sa ere para hindi ko maabot. Kainis, ang tangkad kasi!

"Walang kinalaman kay Trake ang balita." Si Gino na hindi ako pinagbigyan sa gusto ko.

Masama ang mga tingin na pinukol ko sa kanya. Bakit parang pakiramdam ko may tinatago sila?

"Hindi ako naniniwala sayo Gino! Malakas ang kutob ko na may kinalaman iyan kay Zoren."

Mas lalo lang lumakas ang kutob ko at nagkaroon ng pagdududa ng magkatinginan sina Lay, Ace, Black, Z at Jackson na kasalukuyang nakaupo sa hapag kainan at kumakain ng agahan.

Halata ko na nagsisinungaling sila pero ayaw pa ring umamin!

"Kung talagang wala kayong tinatago bakit ayaw mo akong pagbigyan Gino? Simpleng pagbubukas lang ng telebisyon hindi mo pa magawa. May itinatago nga talaga kayo!" puno ng hinanakit ang bawat salitang pinakawalan ko.

Simula yata ng dumating ako rito parang hindi sila nagtitiwala saakin.

As if I don't have the right to know what is happening.

Kung hindi pa ako natawagan ni Chase hindi ko pa malalaman na may nangyayari na pala. Papaano pala kung hindi nangyari iyon? Mukha akong tanga na normal ang buhay.

Unang sumuko si Lay sa pagkukunwawaring walang alam. Guilty ito ng tumingin saakin dahil kita ko sa mga mata niya na hindi kayang tumingin saakin ng direkta.

"Sabihin na natin Gino. She deserves to know."

Tumingin ako kay Gino lalo na't nakakuha na ako ng suporta galing kay Lay. Inaasahan kong bibigay rin siya gaya ni Lay pero hindi ako nito pinansin at pinanindigan ang kanyang sinabi.

"Ano bang kailangang sabihin eh wala naman talagang kinalaman iyon kay Trake. It just happened that the pier that we are all talking about was being forecast in the news is just the same."

"Kung ganoon nga ano ang dapat sabihin saakin, ha Lay?"

Sige, kung ganito ang gusto nila sasabayan ko sila. Pagpapanggap pala ha. Kayang-kaya kong gumawa ng paraan.

Hindi kaagad nakapagsalita si Lay. Parang nag-alangan pa siya lalo dahil sa tanong ko. Ng lumipas ang segundo na hindi siya nagsasalita doon na ako nawalan ng pasensya. Ayaw nga nilang malaman ko ang impormasyong iyon.

Bakit?

"Sorry Pristine, tama si Gino. Wala naman kasi talagang kinalaman."

Tumango ako hindi dahil sa tinatanggap ko ang dahilan niya. Alam naman naming lahat na naririto sa kusina na nabuko ko na sila. Pero kung ganito nga sila kadesperadong huwag ipaalam saakin ang nakuhang impormasyon, pwes ako ang gagawa ng paraan.

Tahimik kong nilisan ang kusina. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit anong dahilan na magppakitang may binabalak akong gawin.

Wala si Chase sa pwesto niya kanina. Nandoon ang kanyang laptop na hanggang ngayon ay bukas pa.

My heart beats fast ng mapagtantong wala nga siya sa sala. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at mabuti iyon.

I swallowed the lump that forms in my throat.

Lumapit ako may laptop. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan ang nasa screen.

May nakalagay doon na address hindi specific kung saan pero malaking tulong na rin sa paghahanap.

Nanginginig pa ang mga kamay ko. Kamintik ko pang mabitiwan ang phone. Pakiramdam ko tuloy nag-nanakaw ako o ano.

"Anong ginagawa mo Pristine?"

Shit, huli na ako!

"Wala naman. Umupo lang ako bakit ba?"

Kunwari hindi ako nakatingin sa laptop at ang tinitignan ko ay ang mga magazine na nasa gilid noon.

Hindi ako makatingin kay Chase. Alam ko kasing sa oras na tumingin ako sa kanya, tiyak ng mabubuko ako.

Ramdam ko ang paninitig ni Chase. Sana naman maniwala siya na wala akong ginawa. Mabuti pala picture lang ang ginawa ko. Paano na kung pinakialaman ko mismo yung laptop.

"Ok. Teka, baka hinahanap ka na sa inyo."

"Ah oo kaya nga pauwi na rin ako. Balitaan niyo na lang ako kapag may nakuha na kayong impormasyon."

Malumanay at may halong pagmamakaawa ang boses ko. Hindi iyon kasinungalingan.

Tumango si Chase. Ako naman ay umalis na.

Sorry, alam kong magagalit sila sa gagawin ko. Pero alam kong maiintindihan rin nila ako.

Trake

Matagumpay kaming nakalabas ng pier. Nagkabarilan kaya hindi na kami kumpleto. Sinabihan ko na si Zoren tungkol dito pero hindi siya nakinig.

Talagang handa siyang isakripisyo ang mga tauhan para lang makasigurong kumakampi na ako sa kanya.

May ilang gasgas at sugat akong tinamo. Mabuti ng iyon lang kaysa sa sinapit ng mga kasama ko. Hindi na sisikatan ng araw.

Kaya ayoko ng may kasama kapag may ginagawa! Imbis na mapadali mas lalo lang nagtatagal.

Kung ako lang sana ang nagpunta hindi na matutunugan ng mga bantay ang pagpasok namin.

"T*ngina Trake! Ba't mo 'yon ginawa? Gusto mo yata kaming patayin eh." sabi ng isa. Hindi ako umimik.

Ang tanga kasi. Nasabi ng ako na lang ang papasokwas mag-isa at mag matyag na lang. Namukhaab sila kaya nagkabarilan.

"Pasalamat ka utos ni boss na hindi ka namin galawin. Kung hindi baka hindi ka na kasama rito!" angil nung isa na natamaan ng bala.

Habang umaadar ang sasakyan na lulan kami naisip ko ang mga ginagawa ko noon bago pa mabuo ang gang.

Si Zoren ang saksi kung paaano ako gumawa ng mga ilegal na bagay. Siya ang kasa kasama ko sa mga kalokohan.

Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa ginawa kanina. At nakakakonsensya iyon. Nangako akong hindi na gagawa ng mga ganoong bagay simula ng mabuo ang gang at mawala si Mama.

Pero sa ginawa ko ngayon para akong nagtraydor sa sinumpaan ko.

Tumigil ang sasakyan. Nagsibabaan na ang iba at ako ang huli. Dala dala ang dalawang bag na may lamang mga baril, derederetso ako sa kinaroroonan ni Zoren.

Itinapon ko sa tapat niya ang mga bag. Nakakasuka ang mga naiisip ko. At mukhang natutuwa pa si Zoren sa kanyang nakikita.

"Sabi na nga ba't bagay na bagay sayo ang ganitong trabaho."

Iminuwestra niya ang t.v.

Headline ng balita ang nangyaring engkwentro sa pier. Habang nagrereport ang reporter kita sa likod ang mga kasamahan naming hindi na nakaligtas sa barilan.

Isa isa silang binibitbit ng mga pulis.

Nagngingitngit ako. Hindi sana nangyri iyon kung ako lang ang nagpunta. Maiiwasan sana ang patayan.

"Sana lang marunong kang maglinis ng mga kalat na iniwan mo. Iyan tuloy..."

"Hindi pa rin ako naniniwala sayo kaya maghanda ka't may bago akong ipagagawa. At nga pala, ayusin mo! Ayoko ng makalat na trabaho."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.2K 52
(REVISED 2020) An angel at day, they say. The goddess of death at night, they say. Kwon Yuri has two personas in one world to fulfill her revenge. Gu...
7.1K 937 54
PUBLISHED UNDER IMMAC PH Love moves in mysterious way, Micaela fell in love with Hanz in the most unexpected way. Tibok ang keyboard ika nga nila. Hi...
14.6K 925 38
"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is c...
1.9K 392 52
In an elite school of arts and music, you can find Celeste Lim, the campus' well-known student for her wide variety of talents. Her passion for danci...