2025: The Second Half

By scitusnim

258K 19.3K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... More

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

14 - Calm (Part 1)

4.8K 439 222
By scitusnim

14 - Calm (Part 1)



"There's nothing wrong with the numbers. I think you'll be fine," ani Dr. Vergara matapos niyang suriin si Yuan. "Wag mo lang kalimutang sabihin sa akin o kay Kevin kapag may nararamdaman kang kakaiba."



Tahimik na tumango lamang ang dalaga. Akala ng doktor ay aalis na ito ngunit ni hindi ito gumalaw sa kinauupuan.



"Yuan? May gusto ka pa bang sabihin?"



"What happened with valuing their employees?" Humugot si Yuan ng malalim na hininga at muling nag-angat ng tingin sa matandang doktor. "Why did they drop zombies that day?"



Ngumiti si Dr. Vergara pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "I was waiting for you to ask me that. I'm ready to say I was wrong."



"I wanted to ask Aiah but, I don't want her to think that I'm considering her as a part of that organization. I mean, she is, but she's more than just the daughter of Crescent's leader. And I don't think she's as bad as her father." Muling bumuntong hininga ang dalaga.



"Her mother was as kind as an angel," malungkot ang ngiti na sabi ni Dr. Vergara.



Hindi na iyon pinansin ni Yuan. Seryoso siyang nagtanong muli. "Where exactly in Batanes are they located?"



Yumuko ang doktor bago sumagot. "It's an underground laboratory... in Basco."



Natigilan si Yuan. Hindi alam kung paanong magrereact. Gusto niyang magwala at magalit pero tila tinakasan siya ng lakas. "Y-You took... I understand if it's just me and the other zombies, but you took Kevin to Basco... knowing that?"



"I'm sorry, Yuan. But there's no other place."



"What more are you hiding from us?" Nangingilid man ang mga luha ay matigas ang boses ng dalaga noong magtanong.



"Wala na, Yuan. Trust me, I'm here to help."



Matagal na binalot ng katahimikan ang silid. Kapwa nakayuko sina Yuan at Dr. Vergara, parehong maraming iniisip. Maya-maya ay isa muling tanong ang ipinambasag ng dalaga sa katahimikan.



"Please, be honest. You know what they can do. On a scale of one to ten, how safe are we?"



*****



"Two, Jet. He said 'two'," walang buhay na sabi ni Yuan saka inubos ang laman ng lata. Niyupi niya iyon gamit ang sariling mga kamay saka ibinato sa pader.



"Putangina, lima na lang kayong babae sa bahay na 'to, na-two time ka pa ni Lucas?" hindi makapaniwalang sabi ni Jet saka nagbukas ng panibagong canned beer at iniabot 'yon sa dalaga.



"Tangina, ang bobo mo, naiiyak ako," nakasimangot na sabi ng dalaga saka muling uminom.



"Ayaw mo kasing sabihin kung sinong pinapag-usapan natin!"



"Wag kang sumigaw! Naririndi ako sa--"



"Aha! Hule!" sigaw ni Gian noong buksan ang pinto ng kanilang silid at madatnan doon sina Jet at Yuan, katabi ang isang cooler na naglalaman ng mga alak. "Di man lang nag-yaya!"



"Hoy, di ako umiinom," depensa ni Jet sa sarili. "Nanghingi lang 'to bigla."



"Weak si Jet, hindi umiinom," diretso ang tono na sabi ni Yuan saka muling uminom.



Nagkatinginan na lamang sina Gian at Jet. Alam nilang pareho na may tama na ang dalaga.



"Masaya 'to. Tatawagin ko 'yung iba," ani Gian at hindi na naghintay pa ng kahit anong reaksyon mula sa dalawa. Agad siyang nagtatakbo patungo sa ibang kwarto.



*****



"KAY SAKIT NAMANG ISIPIN NA! SA PUSO MO AKO'Y PANGALAWA!"



Napapikit ng madiin si Yuan noong isinigaw nina Jet at Kevin ang lyrics ng kanta, halatang lasing na lasing na. Nakikisabay din si Gian habang tumutugtog gamit ang gitara na nakuha sa bahay na ginagamit ng mga sundalo. Sina Mariz, Rina at Aiah naman ay tawa ng tawa at minsan ay nakikisabay din.



"Stop drinking," ani Lucas at kinuha ang canned beer sa kamay ng dalaga.



"Hindi naman sa alak sumasakit ang ulo ko." Nakangiwing nagmulat ang dalaga saka sinamaan ng tingin ang mga kaibigan na tila nagko-concert.



Natawa na lamang si Lucas saka inubos ang laman ng lata na kinuha mula sa dalaga. "I just hope we're not waking up those kids next door."



"Hindi pa naman sumusugod dito si Liam, so baka hindi rinig doon. That kid hates noises too." Muling pumikit ng mariin si Yuan noong tila umikot ang kanyang paningin.



"Come here," bulong ni Lucas saka dahan-dahang hinila ang dalaga at hinayaan ito na sumandal sa kanya.



"Hoy! Hoy! Party, hindi date!" sigaw ni Jet saka pinatayo si Yuan na parang walang buhay na nagpahila lamang sa kanya. Maingat niya itong ibinagsak sa tabi ng iba pang babae bago binalikan si Lucas at niyayang kumanta.



"I'll just play the guitar," pagpiprisinta ng binata. Agad namang tumayo si Gian at iniabot ang instrumento dito.



"Ano ba yan, hindi pa kasi lasing," angal ni Jet noong nabigong pakantahin si Lucas.



"Madami na yang nainom. Weak lang kayo," ani Yuan saka dire-diretsong ibinagsak ang sarili sa hita ni Mariz. Hindi niya na narinig ang sigaw ng pag-angal ng mga lalaki at ang kantyawan ng mga babae. Hindi niya na rin nakita kung paanong mabilis na lumapit si Kevin sa cooler, nagbukas ng isang lata ng alak, at dire-diretsong sinaid ang laman niyon.



Alaskwatro ng umaga noong nagising si Yuan sa tabi nina Mariz, Rina at Aiah. Napasapo siya sa noo dahil bukod sa hangover ay hindi niya maintindihan kung paano sila nagkasya sa kama. Nakasalampak naman sa sahig sina Kevin, Jet at Gian na halatang pare-parehong wasted.



Matapos ipatong ang isa sa mga kumot sa suot niyang t-shirt at pants, lumabas ng kwarto ang dalaga para hanapin si Lucas. Pagewang-gewang siyang naglakad at maya't-mayang kumakapit sa pader bilang suporta.



Noong may marinig na tunog ng gitara ay sinundan iyon ni Yuan. Bumaba siya sa unang palapag at mula sa nakabukas na pinto ay nakita niya si Lucas sa terrace. Nakaupo ito sa isang silya na nakatalikod sa kanya at nagi-strum sa gitara habang nakatitig sa dagat na natatanaw mula sa bahay. Napangiti siya at nanatili muna sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung dahil ba sa tama ng alak, pero tuwang tuwa siya sa nakikita. Kinabisado niya muna ang imaheng iyon sa kanyang isip bago nagpasyang lumapit.



"Can't sleep?"



Isang ngiti lamang ang isinagot ni Lucas noong tumabi sa kanya ang dalaga. Pipikit-pikit pa ito at walang sabi-sabing sumandal sa kanyang balikat. "Hangover?"



"Mmm." Tipid na tumango ang dalaga.



"Coffee?"



"Mmm." Ngayon ay umiling naman si Yuan.



Lalong napangiti si Lucas dahil halatang halata na lasing ang dalaga. Natutuwa din siyang pagmasdan itong balot na balot ng makapal na kumot at komportableng nakasandal sa kanya. Hindi na siya muling nagsalita at tinitigan na lamang ito.



"Sing a song."



Natatawang napaiwas ng tingin ang binata noong biglang nagsalita ang inaakala niyang natutulog na si Yuan. "You'll dislike me once you hear my singing voice."



Nananatili mang nakapikit, bahagya ding natawa ang dalaga. "Tumugtog ka na lang pala."



Agad na nagstrum si Lucas sa tono ng Safe and Sound ni Taylor Swift.



"I love that song," bulong ni Yuan na lalong nakapagpangiti sa binata. Pahina ng pahina ang boses nito na para bang tuluyan ng nakatulog matapos iyon sabihin.



Habang patuloy sa pagtugtog ay hinalikan ni Lucas ang ulo ng dalaga. "I love you."



*****



"Tangina mo, Yuan," ngunguto-ngutong sabi ni Jet habang nakapikit. Kanina niya pa hinihilot ang magkabilang sentido pero hindi nawawala ang sakit ng kanyang ulo.



"Tangina mo din. Bakit ako?" ganti ng dalagang nakasubsob sa dining table, katabi si Lucas na komportableng nagkakape - tila hindi nag-inom kagabi.



"Tangina mo din, Lucas. Tinatapon mo lahat ng inaabot ko sayo no?"



Isang tingin lamang ang isinagot ni Lucas kay Jet at sumubsob na itong muli sa lamesa.



"Putangina, ayoko na kayong kainuman." Umaangal na bumaba si Aiah sa hagdan at dire-diretsong pumwesto sa isa sa mga upuan sa dining table. Pabagsak siyang umub-ob katulad nina Yuan at Jet.



"Tangina niyong lahat," tila may galit na bati naman ni Mariz noong bumaba din at lumapit sa dining area.



"Rina?" tanong ni Yuan habang nananatiling nakasubsob sa lamesa.



"Nagpapakajowa," tinatamad na sagot ni Mariz.



"Nagsusuka si Gian?" Agad pinagsisihan ni Jet ang mabilis niyang paglingon. Pakiramdam niya ay naalog ang utak niya at umikot muli ang kanyang paningin. Sa kabila noon, hindi niya pa rin napigilang magkomento. "Weak ampota."



"Tangina mo," ani Gian na narinig ang sinabi ni Jet.



Kasama ng binata na dumating ang kasintahang si Rina na nakakunot din ang noo at halos hindi maimulat ang mga mata. "Tangina, hindi na 'ko iinom ulit."



"Lagi mo namang sinasabi yan," ani Mariz na kasalukuyang hinihilot ang sariling noo.



"May humampas ba sakin kagabi? Bakit andami kong pasa?" tanong ng nakasimangot na si Kevin. Pagewang-gewang pa din itong naglalakad at halos madapa sa huling baitang ng hagdan.



"Tanga, in-straight mo yung isang lata tapos nagdive ka sa cooler eh hindi ka naman kasya doon!" pagpapaalala ni Gian sa nangyari kagabi.



Pare-pareho mang hindi maganda ang pakiramdam ay nagtawanan ang lahat. Maging si Kevin na hindi pa talaga napoproseso ang ginawa niya ay nakitawa din. Sabay-sabay din silang napahinto noong muling umikot ang kanilang mga paningin.



"Tangina, bakit ba tayo nag-inom?" tanong ni Aiah.



"Tangina mo ulit, Yuan," ani Jet at itinaas ang magkabilang middle finger sa harap ng dalaga.



Hindi nag-react si Yuan at tinapik lamang si Lucas. "Kunin mo 'yong espada ko. May puputulin akong mga daliri."



Agad na ibinaba ni Jet ang kanyang mga kamay. "Gago. Ikaw naman talaga unang nagyaya ng inuman."



"Sinabi ko bang magpaparty kayo?"



"Oh, basta, kasalanan ni Yuan kaya ipagtitimpla tayo ni Lucas ng kape," ani Gian at sumubsob na din sa mesa.



Hindi na umapela si Yuan noong napasubsob na din siya sa lamesa. Tanging si Lucas lamang ang nakaupo ng ayos. Napabuntong hininga ang binata at tumayo.



"Ay anong nangyare?" puno ng pagtatakang tanong ni Gibo noong pumasok sa bahay ng mga kabataan at nadatnang nakasubsob sa dining table ang lahat, maliban kay Pia na nasa sariling silid pa, at kay Lucas na nagtitimpla na ng kape para sa mga kasama.



"Wag kang maingay."



Lalong naguluhan si Gibo noong umangal si Mariz kahit hindi naman malakas ang pananalita niya. Binigyan niya ng isang nagtatanong na tingin si Lucas at isang kibit balikat lamang ang natanggap niyang sagot.



"May maganda akong balita eh," pagpaparinig ni Gibo at napangiti naman siya noong isa-isang nag-angat ng tingin ang mga kabataan. "Jet, ilabas ang mga alak!"



Tuwid na tingin lamang ang isinukli ng lahat sa ngiting-ngiting lalaki.



"Bertdey ni Sergeant Soriano. Sa tabing dagat daw tayo manananghalian. Pwede din maligo at, higit sa lahat, pwedeng mag-inuman!"



Nauwi nanaman sa ngiwi ang masayang mukha ni Gibo noong sabay-sabay na muling isinubsob ng mga kabataan ang kanilang ulo sa lamesa.

;












Continue Reading

You'll Also Like

CODEPLAY | #Wattys2021 By 틴

Mystery / Thriller

42.1K 2.5K 60
The mysterious band that you will ever know! Detective club is banned in Northville High school and there's a rule that every student shall join a cl...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
8K 971 11
Hundreds of years ago, there lived a king who was loved and adored by his people. He was a wise and powerful ruler that led his kingdom to be the mos...