Life After Lies

By abrilicious

10.3K 1.3K 46

COMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat... More

DISCLAIMER
ONE: PASSWORD
TWO: HER BOYFRIEND
THREE: SHAKE HANDS
FOUR: FLYING SHOES
FIVE: CAPTAIN BALL
SIX: HIS CRUSH
SEVEN: DATING
EIGHT: USER
NINE: STALKER
TEN: CONFIRMED
ELEVEN: DIFFERENT WORLD
TWELVE: OUT OF PLACE
THIRTEEN: PARK
FOURTEEN: MIRROR
FIFTEEN: PLAYER
SIXTEEN: SIMON
EIGHTEEN: INTER-HIGH
NINETEEN: CHANDELIER
TWENTY: LABELLED
TWENTY ONE: CLEO AGUILAR
TWENTY TWO: PREOCCUPIED
TWENTY THREE: BEHIND HIS SMILES
TWENTY FOUR: FINALS
TWENTY FIVE: COMMUTE
TWENTY SIX: LIES
TWENTY SEVEN: MARKED
TWENTY EIGHT: BOTHERED
TWENTY NINE: TRUTH
THIRTY: NIGHTMARE
THIRTY ONE: FORGIVENESS
THIRTY TWO : COLD AS ICE
THIRTY THREE : LEAVE
THIRTY FOUR: REVEALED
THIRTY FIVE: WAR OF WORDS
THIRTY SIX: FRUIT OF LIES
THIRTY SEVEN: DROWNED
THIRTY EIGHT: DISTANT
THIRTY NINE: PIZZA
FORTY: STEPS
FORTY ONE: MARSEILLE
FORTY TWO: FOUND
FORTY THREE: FAMILY
FORTY FOUR: MOTHER FIGURE
FORTY FIVE: LEFT BEHIND
FORTY SIX: SISTER
FORTY SEVEN: STILL
FORTY EIGHT: LIL MATCHMAKER
FORTY NINE: TIME FLIES
FIFTY: HOME
FIFTY ONE: UNCLE
FIFTY TWO: HIS WORDS
FIFTY THREE: HIS SIDE
FIFTY FOUR: REUNITED
FIFTY FIVE: PUNISHMENT
FINAL NOTE

SEVENTEEN: POSSESSIVE

170 24 2
By abrilicious

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ganon daw talaga kapag masaya ka, hindi mo na napapansin ang pag usad ng araw at gabi.

Maagap akong pumasok ngayon dahil may training kami para sa volleyball. Hindi na ako pinag tryout ni coach dahil nakita na naman daw nya akong mag laro noon.

Masaya ang mga ka-team ko nang makapasok ako dahil may malakas na raw sa team nila. Bakit, si Noimie ba hindi? Natawa na lang ako ng sabihan nya na di naman daw ako magaling at nagkataon lang.

Ngayon ang ikalimang araw ng training namin at walang araw na hindi ako tinapunan ng masamang tingin ng babaeng yun. Masyadong inggit sa galing ko. Bihira ko na rin makasama si Deffi dahil hands-on kami sa training. Ganon din si Cleo, busy na rin sya sa training nya pero madalas ay sabay kaming mag lunch at hinahatid ako sa parking kapag uuwi na.

"Good morning, how's my Eli?"

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Cleo na kakaupo lang. "Bakit ka nandito, Cleo? Wala ka bang training?"

Nandito ako sa court at nag wa-warm up kasama ang team. Napatigil din sila at napatingin sa gawi namin ni Cleo.

"Hey, you're spacing out," he snapped his finger in front me kaya napaharap naman ako bigla.

"G-Good morning, wala ka bang training?"

Umiling sya at inabot nya sakin ang isang energy drink at bahagyang ginulo ang buhok ko. He's so thoughtful. Madalas nya rin gawin to lalo na sa harap nila Noimie.

Hindi ko manlang sya nabilhan ng kanya. "Thank you, naabala ka pa tuloy"

"Dinaan ko lang yan dito. Baka kasi wala kaming break time, hindi ako makakapunta mamaya"

Naiintindihan ko naman. Dahil nga last training na ito at sa makalawa na ang simula ng inter-high. "See you sa lunch then?"

He nodded at napabaling sa dumaan na ilang ka-team nya at tinawag na sya dahil magsisimula na raw. Nang makaalis na sya ay tinuloy ko na ulit ang pag wa-warm up.

Natigilan ako nang biglang lumapit sakin ang mayabang naming captain ball. "So, feeling mo may gusto na sayo si Cleo?"

"Hindi ba halata?" pabalik na tanong ko bago kinuha ang bola at hinagis-hagis ito sa ere.

"If I know ginagamit ka lang ni Cleo para pag selosin ako," nakangising sagot kasabay nang pag ismid.

What the hell? Sumobra naman ata ang kayabangan nya?

"Talaga? Baka naman ikaw ang nagseselos samin? Magagalit si George kapag nalaman nya yan," pasaring kong sambit habang pinag mamasdan ang bola sa kamay ko.

"W-What are you s-saying?"

Sinimulan kong paugtulin ang bola ng ilang beses habang nag sasalita ako.

"Chill, ate. I know your little secret," bulong ko habang pinag mamasdan ang reaksyon nya. She looked mad. Pumunta ka dito sa pwesto ko tapos ikaw pa ang mapipikon? Too bad.

"How dare you to call me ate? Di kita kapatid!" she yelled at me and I just smirked at her in return.

As if gusto ko syang maging kapatid? "Easy, we're on the same page. Look at yourself, pag magkatabi tayo ay para lamang kitang alalay," I looked at her and from head to foot before I continued. "By the way, I like your shoes. Magkano ang bili ni George dyan?"

Gulat na gulat sya at naluluha na sa galit.Nginitian ko na lang sya at nag lakad papunta sa mga teammates namin. Sana may natutunan sya. Lesson learned, wag dadayo ng away kapag walang dalang armas. Nakakaawa, nagmumukhang talunan.

+

Ilang minuto pa dumating na ang coach namin at nagsimula na ang training. Hinati kami at pinaglaban. Ako ang middle blocker ng team at setter naman si Noimie sa kabila.
Pansin kong nilalakasan nya talaga ang palo para mahirapan kaming i-block kaya lang madalas outside. Nakapuntos sila pero habang tumatagal ay nalamangan namin.

Napansin siguro ni coach na wala sa laro si Noimie kaya pinagpahinga muna kami. "Fuentes! Anong nangyayari sayo? Masyado kang malakas tumira!"

Napatungo si Noimie at marahang tumango. "S-Sorry po, may iniisip lang"

"Ayusin mo yan at kung ano man yang problema mo ay sana wag mong dalhin sa court," sermon ni coach bago umalis sa harap nya at nagsimulang mag discuss sa iba.

Napatingin ako sa paligid. Maraming nanonood samin at nakakahiya dahil nasermonan sya sa harap ng maraming tao. Nilapitan ko sya at inabutan ng panyo. Nag angat sya ng tingin at tinitigan ako ng masama.

Bago pa sya makapag salita ay naunahan ko na. "Wag ka nang maarte. Kunin mo na, nakakahiya ka ang daming nakatingin"

Napatingin pa sya sa paligid at kinuha rin ang panyo ko."Bakit mo ito ginagawa? Don't tell me concern ka sakin?"

"Nope. Ang dami kong fans na nanonood. Gusto kong magpalakas sa kanila," mayabang kong sagot at nginisian sya.

Inirapan nya lang ako at pinunasan ang luha nya. "Plastic!"

"Mamahaling plastic," pagtatama ko at iniwan na sya.

+

Umalis si Coach pansamantala kaya naisipan kong pumuntang field kung saan nag lalaro sila Cleo. Hindi ko pa sya nakikitang maglaro dahil magkasabay ang training namin, madalas din silang matapos agad.

Bumili muna ako ng tubig at naglakad na papuntang field. Alam kong mas gusto nya ang tubig kaysa sa kung anong inumin kaya yun na lang ang binili ko. Sa susunod nga ay mag papahanap ako ng mamahaling tubig at bibilhan ko sya.

Habang nag lalakas ay syempre hindi mawawala ang mga living megaphones. Pero mas dumami yata sila, ang iba ay fans ko na.

"Ang ganda nya talaga"

"Notice me, Eli!"

"Ang ganda ng legs nya girl nakakainggit"

I'm wearing our uniform para sa practice. Black na may touch of yellow sa bawat tabi at ang shorts ay talagang maikli. I paired it with my iconic socks and my white Louis Vuitton shoes.

+

Nakarating na ako sa field at nakita kong nag lalaro nga sila. Ang iba ay napapahinto at napapatingin sakin. Tinanaw ko sila pero hindi ako kita ni Cleo dahil naka focus sya sa pag sipa ng bola. Ang astig nya tingnan!

"Eli? Wow, you're here"

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang hambog na anak ng business partner nila Dad na si Dexter. Dexter nga ba? He's wearing the same uniform of Cleo. Player din sya?

I just rolled my eyes at akmang titingin na sa field nang harangan nya ang paningin ko. "Wala pa ko sa field kaya wag ka na munang tumingin doon"

Ang kapal nya! See this, kung nakikita lang ni Mom ang ugali ng lalalking to ay baka sya pa ang mag presinta na layuan ko na ito.

"Pwede ba? Hindi ikaw ang pinunta ko rito kaya umalis ka sa harapan ko," inis na sambit ko.

"Bakit hindi mo na lang kasi aminin? You're too obvious, Eli"

Isa na lang talaga ay masasapak ko na ito! Magsasalita na sana ako nang may nauna na sakin.

"Anong meron dito?" baritonong boses ni Cleo galing sa likuran namin. Gosh si Cleo! Nakakatakot talaga ang boses nya.

Sabay kaming lumingon ni Dexter sa kanya. "Wala, captain. Misunderstanding lang namin. Diba babe?"

What the hell?!

Nakita ko ang pag igting ng mga panga nya kasabay ng pag kunot ng kanyang noo. Mali ata na pumunta pa ko rito! Nakakatakot. Parang gusto ko na lang lumuhod at mag hintay ng parusa nya.

"Balik sa field, Lim. Late ka na ngang dumating tapos maaabutan pa kitang nang aangkin ng di mo naman pag aari," naka kunot-noo pa rin sya at tinapik ang balikat ni Dexter. Napailing na lang si Dexter at bumalik na sa field.

Naiwan kaming dalawa at nagsibalikan na rin sa field ang ibang nakikinig kanina.

"Why are you here?" walang emosyong tanong nya.

"D-Dadalhan lang sana kita ng t-tubig," mahinang sambit ko at inabot sa kanya ang tubig.

Binuksan nya yun at ininom sa harapan ko. Ang pawis nya, marahang tumutulo sa leeg nya at ang iba ay galing sa noo nya pababa. Ang bawat lunok nya ng tubig ay talagang nakakaakit! That bottle! Masyadong swerte. Mabuti pa sya ay—

"Wala kang practice?" natigil ang pag iisip ko ng kung ano nang mag salita sya.

"Meron pa. M-Mamaya"

Tiningnan nya ko at pinasadahan ang suot ko. "Pumunta ka rito ng ganyan ang suot mo. Alam mo bang puro lalaki ang nandito?" sermon nya at lumingon sa likod bago nag patuloy. "Ako ba talaga ang pinunta mo dito o si Lim?"

W-What the— Don't tell me he's jealous?

"Ayos lang naman itong s-suot ko. Tsaka ikaw ang pinunta ko. Hindi ko nga alam na nandito si Dexter"

Di ko nga alam na player din pala ang hambog na yun.

"Ayoko ng ganyang suot mo. Hindi ba pwedeng naka jogging pants ka habang nag lalaro?" seryosong tanong nya habang sinisipat ang kapirasong pambaba ko.

I laughed at his sentiments. Ano kayang itsura ko kapag ganon. Ang iba kong teammates ay naka shorts samantalang ako ay— What the hell!

"Anong nakakatawa? Seryoso ako," he asked habang naka kunot pa rin ang noo.

"H-Hindi naman kasi yun pwede. Ang pangit tingnan!" I laughed and shook my head. Sobrang pangit tingnan!

"Maganda ka kahit anong suot mo"

A-Alam ko naman yun pero iba rin pala kapag sa kanya nang galing.

"Go back to your teammates, ihahatid kita. Baka may humarang na naman sayo at mag feeling boyfriend," inis syang sabi bago naunang mag lakad kaya naman wala kong choice kundi habulin sya habang natatawa. So possessive, huh? I love it.

Continue Reading

You'll Also Like

59.3K 2.2K 24
'What if the things we grow unto knowing its wrong started to feel so right? Was it really wrong o we just misunderstood everything?' Tyler Ventura...
1M 34.6K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
96K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...