Maaga akong nagising and I saw Mom doing her job in my room, as usual. Hinawi nya ang kurtina sa sliding window ko at nilingon ako.
"Good morning, Mom. Anong oras po kayo nakauwi kagabi?" I asked habang kinukusot ang mga mata ko.
"Madaling araw na, hija. Pasensya ka na may m-mahalaga kaming inasikaso," pilit syang ngumiti at tumango. She looked nervous, sana namang ay walang problema. Noon naman kasi ay hndi sila ganito ka busy. Minsan nga ay sa laptop na sila nag ta-trabaho.
Binalewala ko na ang isipin at nag handa na para pumasok. Maaga akong umalis ng bahay, so what? I'm inspired!
+
I parked my car and walked gracefully. Napahinto ako nang makita ko si nerd na nakatingin sakin. Bakit kaya? Don't tell me, alam nya na sinundan ko sila? Oh, well. I don't care. Hindi ko na sya pinansin. I don't want him to ruin my day.
Nadaanan ko ang building ng mga criminology pero hindi ko nakita si Cleo. Dito naman ang department nya sabi ni Deffi. Baka hindi pa nakakadating, masyado nga ata akong maaga.
Dumiretso na ko sa classroom at may iilang tao na din pero wala pa si Deffi so I texted her at nag good morning na din kay Cleo.
—Good morning! Pumasok ka na I have a chika—
I sent it to Deffi and she replied kaagad pero si Cleo hindi. Wala sigurong load? Whatever, bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?
Kalaunan ay pumasok na rin si Deffi at naupo sa tabi ko.
"Good morning, Deffi!" I greeted her and show my sweetest smile.
She looked at me and pinched her pinkish cheeks. "Kanina ka pa! Ang agap mo pumasok tapos nag text ka pa! And then you greeted me"
Ngayon ko lang ba talaga ito ginawa? Gosh, she's overreacting.
"And your chika is? Kwento mo na dali," pamimilit nya habang agad na naupo sa tabi ko.
"It's about Cleo," panimula ko.
"Oh, that! I saw Cleo kanina kasama si Noimie at mukhang seryoso yung usapan nila," she interrupted and nodded before continuing. "Anyways, ituloy mo na yung chika mo, what about Cleo then?"
Magkasama sila ni Noimie? Akala ko iiwasan na nya? Sabagay, wala akong karapatang mag demand. And as if I care?
Kinuwento ko kay Deffi lahat-lahat and as expected, she looked surprised. "OMG! Really? Masama pala ang ugali noong babaeng yun! Hinangaan ko pa naman sya sa mga laro nya!"
See? Dapat kasi ako lang ang idol mo.
Hinayaan ko lang syang mag rant habang ako naman ay busy sa pag lalagay ng lip balm.
"And I can't believe na boyfriend nya si George! At nakakainis ang nerd na yun masyadong patay na patay kay Fuentes, to the point na kahit makasakit na sila ng iba ay ayos lang! Buti na lang talaga matalino si Cleo"
I just shrugged and continue what I'm doing.
"Iba rin ang mga paandar ni Cleo ano? Akalain mong matagal na pala yung tinamaan sayo! So, kailan magiging kayo? Dapat mag celebrate tayo! Ay wait, how about Tita? Bawal ka pa diba?" tuloy-tuloy na salita nya habang hinahampas ang braso ko.
Nag kibit-balikat na lang ako. "Hindi ko alam Deffi, baka nag a-assume lang ako na ako nga ang gusto nya. Tsaka I'm sure Mom won't allow me"
"It's okay, Eli as long as you're happy. I will cover you up and I will support you," she whispered and leaned on my shoulder.
+
Lumipas ang ilang oras at nag simula na ang klase at lunch na.Malapit na nga pala ang inter-high at pinipilit ako ni Deffi na mag tryout sa volleyball dahil yun daw ang forte ko. Di ako sigurado, ayoko dahil nandon si Noimie.
"Dapat nga na sumali ka para naman maagaw mo ang atensyon ng bawat students dito sa ACU," she said while bumping me.
Di ko na pinansin ang sinabi nya at nag simula ng sumubo ng pagkain ko.
"Taubin mo si Noimie! Alam kong mas magaling ka pa roon. Alam mo ba ang sabi sakin ni Ann kanina ay ipinag yayabang daw ng babaeng yun na sya ang tatanghaling MVP," bulong pa ni Deffi.
Napatigil ako sa pag kain at uminom ng apple juice bago nag salita. "Hindi na naman bago yun kay Noimie. Masyadong mayabang"
"Kaya naman sumali ka na at pakitaan mo yun ng galaw ng isang MVP," pilit nya bago tumawa ng malakas. Maybe, pag iisipan ko na lang muna.
Tinapos na namin ang pag kain bago bumalik sa classroom para sa kasunod na subject.
+
Hours had passed like a blink of an eye. Finally, tapos na ang klase. Wala masyadong ginawa dahil papalapit na rin ang inter-high at nag hahanap na ng mga players.
Sayang lang si Deffi, may asthma sya kaya hindi ko sya mapilit sumali sa alin mang sports.
Nag liligpit na kami ng gamit nang makarinig kami ng bulungan.
"Sya yung nalilink kay Fuentes diba?"
"Ang gwapo nya naman! Makalaglag panty"
"Sa Criminology department yan diba?"
"Ang hot nya pala sa malapitan!"
What the hell?
"Eli, I think nasa labas ang boylet mo! Dalian mo na, baka maagap pa," she chuckled and pushed me.
Binilisan ko na ang pag aayos ng gamit at nag retouch ng konti. I sprayed my Versace perfume for my final touch.
"Bilisan mo na pinag kakaguluhan na si Cleo ng mga malalandi rito. Go na mabango ka na"
"How about you, Deffi sasabay ka ba?" I asked and looked at her.
She shook her head and crossed her arms. "Nope. May date rin ako with my boys"
Well, di na ko dapat magtaka. I kissed her cheeks at nag lakad na palabas kaya lang naka harang ang mga libing megaphones na ito.
"Move, dadaan ako. Tsaka wag nyo nyang pagkaguluhan yan, ako ang sadya nya rito so, back off," I spatted and rolled my eyes.
Tumabi naman sila habang yung iba ay masasama ang tingin sakin, who cares? Bago pa ako makalabas ay narinig kong humalakhak si Deffi.
+
Nakita ko sya sa labas at nakasandal sa bintana. Nilingon nya ko at umayos sya ng tayo.
I smiled at him at nilapitan sya. "Hi, sorry kung natagalan ako"
"No problem," tipid nyang sagot.
"B-Bakit ka nga pala nandito? Wala ka na bang klase?" tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang shot nya. He's not on his school uniform at naka jersey sya ng pang wait,
Soccer?!
P-Player pa sya.
"Wala kaming klase. Nag training lang kami para sa inter-high," he explained.
A-Ano kayang itsura nya kapag naglaro? Tsaka marunong pala sya mag soccer, wala sa itsura nya.
Nag simula na kaming maglakad at mga tingin at bulungan sa paligid ang sumalubong samin.
"Marunong ka pala. Noon ba ay nag l-lalaro ka na?" I asked out of curiosity.
"Yes. Noong grade ten ang huli kong laro"
"Pareho pala tayong player. Sabi nila pag player daw manloloko," I paused and chuckled bago nag patuloy. "Basta ako I only played volleyball, not— oh, never mind"
Natigilan ako nang tumigil sya sa pag lalakad at humarap sakin. He looked at me intently. "What do you mean by that?"
I chuckled and shook my head. He's serious! Gosh I was just joking! "Forget it. Why so serious Cleo?"
"It seems like you're accusing me of cheating," he said in a monotonous voice.
He's angry? Gosh! Bakit kahit nagagalit sya parang nakakatuwa pa rin?
"I'm not accusing you. Nag bibiro lang ako," depensa ko habang bahagyang natatawa.
Pinag titinginan na kami ng mga naglalakad at iilang mga naka tambay sa hallway. Nakatayo pa nga pala kami sa gitna ng daan! Para tuloy kaming may LQ.