He texted me na magkita raw kami sa nearest café so I prepared myself para hindi naman nakakahiya sa kanya.
+
I arrived at the café earlier. Sinadya ko yun para makapag isip ako kung itutuloy ko bang sabihin sa kanya.
Maya-maya pa ay nakarating na sya. He's wearing a plain white T-shirt and sweatpants paired with his white Nike shoes. He looked so clean, ibang-iba sa kanina na puro putik. I can't believe na ganito pala sya ka-gwapo kahit simpleng suot lang.
Napakurap ako nang maupo na sya sa katapat ko. "Kanina ka pa ba? Sorry, natagalan ako"
"Pwede ba kong mag tanong?" napabaling sya sakin at mukhang nagulat sa bigla kong pag sisimula. He nodded at umayos ng upo.
"A-Anong meron sa inyo ni Brenna?" I asked directly.
"We're friends"
"How about, you and Noimie?" maingat kong tanong. This is my main question, iyong kanina ay pang cover-up lang.
He paused for a moment and furrowed his eyebrows.
"Are you in love with her? If you do, please wag mo na ipagpatuloy. S-She's just using you to gain popularity. I know, believe me. I heard and saw it," I said almost begging para lang maniwala sya. Baka mamaya ay isipin nyang sinisiraan ko lang si Noimie.
"Don't be so bothered. I knew it from the start," he said calmly.
W-What?! So, all this time nagpapaloko lang sya? Gosh, that is martyrdom
"Pumapayag kang pag laruan?" I asked with disbelief. Ibang klase!
"I don't like her, stop thinking about it," he just shrugged and crossed his arms. "I'm in love with someone else. Apparently, we used each other"
Napa awang ang bibig ko sa sinabi nya. "Why did you do that? Just confess your feelings to the girl you want. Malay mo, she loves you too. Hindi yung ganito, inabala pa ko," I rolled my eyes. Sayang lang ang effort ko para dito tapos alam naman pala nya.
Bahagya syang natawa sa tanong ko na para bang nag bibiro ako. "Would you love me then?"
W-What?! Natigilan ako sa sinabi nya. What the hell was that?
"Hanggang mamaya pa ba tayo rito? Do you want to go somewhere else?" bigla nyang tanong at hindi na inintay pa ang magiging sagot ko sa nauna nyang tanong.
I just shrugged at binalewala na lang ang sinabi nya. "Maybe we can go to the Park"
He looked so stunned. Akala nya ba hindi ko alam kung anong Park? Or maybe akala nya hindi ako pumupunta sa ganong lugar.
"We can go somewhere. Wag na doon"
I looked at him. Bakit naman? "Ayaw mo ba? Bakit?"
Umiling sya at napalunok. "Let's go to the park then"
Nang makarating kami sa parking ay binuksan ko ang kotse at pinasakay sya.
"Ako na ang mag mamaneho"
Tumango na lang ako at di na nakipag talo. Pinag buksan nya ko at sumakay ako sa shotgun seat. Umikot naman sya at naupo sa tabi ko.
Habang nakasakay ay hindi na ko nakapag focus sa kanya at inisip mabuti ang huli nyang sinabi tungkol sa usapan namin kanina.
"Would you love me then?"
"Would you love me then?"
"Would you love me then?"
Ano kayang ibig nyang sabihin doon? Was he pertaining to me? I mean—
Oh, why the hell I am thinking this?
Nilingon nya ko at huminto na ang sasakyan. "Nandito na tayo"
Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto. Wala na kong masabi, he's a gentleman!
Bumaba ako ng kotse at naglakad. Sobrang awkward pa rin! Pakiramdam ko ay mahihimatay ako kapag ganitong magkasama kami.
Nilingon ko sya sa tabi ko at napansin ko ang halo-halong emosyon sa kanya.
Ayaw nya ba talaga dito? He looked so annoyed.
"Okay ka lang ba, C-Cleo? Kung ayaw mo dito pwede n-namang sa iba na lang" maingat kong tanong.
Bumaling sya sakin at nginitian ako.
"Dito na tayo. Halika maupo tayo doon," sambit nya sabay turo sa lugar na puro Bermuda grass.
Naglakad kami papunta sa tinuro nya. Naupo sya sa damo at naupo na rin ako sa tabi nya kahit medyo nag aalangan, gosh is this even clean?
+
Payapa dito, masarap pa lang maupo dito kapag may mabigat kang nararamdaman. Dito walang problema, mahangin at puro tawanan ng bata ang makikinig. Malayong malayo sa puro ingay ng kumunidad.
"Madalas ka ba rito?" tanong ko at nilingon sya. He shook his head habang nakatanaw pa rin sa mga batang nag lalaro.
"Sabagay, busy kang tao kaya di mo na maiisipang mag punta pa rito," dugsong ko at mahinang tumawa.
Humarap sya sakin at nagulat ako nang makita ko ang malungkot nyang tingin.
"Masamang ala-ala ang bumabalik sakin kapag pumupunta ako sa ganitong lugar, kaya pinili kong wag na"
A-Anong ibig nyang sabihin? I'm confused.
"Park ang huling lugar na napuntahan namin ng Mama ko bago kami nagka hiwalay," he smiled and looked away.
Nabigla ako sa narinig. Gosh, sensitive issue pala. Sana di na ko nag tanong.
"I-I'm sorry. Di na dapat ako nag tanong"
"Ayos lang. Matagal na yun"
Natahimik na ulit kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nakakahiya.
"A-Ah Cleo. Gusto mo ng ice cream?" wala na akong masabi kaya nang may nakita akong batang nabili ng ice cream ay yun na agad ang pumasok sa isip ko. Hindi pa nga ako nakakatikim ng ice cream dito eh.
He looked at me with habang nag tataka. "Kumakain ka ba nyan?"
Kung makapag tanong naman sya ay parang di ako pwede ng mga ganitong pagkain. "Hindi pa ko nakakatikim pero mukhang safe naman kaya gusto kong s-subukan"
"Mag hintay ka rito, ibibili na lang kita"
"Gusto kong sumama," I pouted. Please?
He sighed. "Alright. Tayo na"
Wait, What?! Gosh, I hate my mind.
+
Naglakad na kami papunta sa manong na nag titinda. Malapit na kami nang may umiiyak na bata na sumalubong samin. "Find my M-Mama ... f-find my Mama!"
Magsasalita na sana ako ng nakita kong lumuhod si Cleo sa tapat ng bata at binuhat ito. "Wag ka na umiyak. Ibabalik ka namin sa Mama mo"
Para silang mag ama tingnan. Nakakatuwa. "Oo nga, baby. Kaya wag ka na umiyak"
"I hate how things keep on repeating. This is kid reminds me of my old self, eighteen years ago," may diin at mahinang sambit nya.
Napatitig ako sa kanya. Pinunasan nya ang luha sa pisngi ng bata. Ano ba talagang nangyari sayo Cleo? Gusto kong mag tanong pero ayokong manghimasok ng buhay.
+
Ni-report namin ang bata sa nakabantay na security guard att iniradyo para mahanap kaagad ang Nanay ng bata. Habang nag iintay kami ay unti-unti nang tumahan ang bata na nasa bisig pa rin ni Cleo.
Maingat sya sa mga bata. Hindi kaya tatay na sya? Gosh, what am I thinking?
Natigilan ako sa pag mumuni-muni at napabaling sa babaeng umiiyak na lumapit samin.
"Xyrus! Anak," niyakap ng babae ang batang bata na tumakbo palapit sa kanya.
Lumapit din kami ni Cleo, sya pala ang Mama ni Xyrus, buti na lang nagkita na sila ulit.
"Salamat sa pagbantay sa anak ko," nahihiyang sambit nya. I was about to speak nang biglang sumingit si Cleo.
"Be responsible and look after your child," he spatted without emotion.
Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya sa mga sasabihin nya. I saw him looked at me in my peripheral vision.
"Ah. Miss pasensya na kayo pagod lang itong kasama ko. Walang anuman po," naiilang na ngiti ko.
Kalaunan ay umalis na rin sila at naiwan kaming dalawa ni Cleo.
"Cleo, are you okay?"
Tumango sya at ngumiti sakin. "Bili na tayong ice cream?"
I nodded. Mag lalakad na sana ulit kami nang natigilan ako dahil sa titig nya. He's looking at me na para bang pinag aaralan ang buo kong itsura. G-Gosh, bakit naman?
Tumungo ako at agad akong napalingon sa kamay kong nakahawak sa kanya. Nang laki ang mga mata ko at agad na binitawan ang kamay. "I'm s-sorry"
He chuckled. Tuwang tuwa sya kapag napapahiya ako! Kung hindi ka lang si Cleo ay baka nasapak na kita.
"Bakit ka bumitaw?" he asked with a humor at kinuha nya ulit ang kamay ko at hinawakan ito.
W-What the hell?!
"Hawakan na kita. Baka mawala ka rin," nakangisi nyang sabi.
Ano raw?! Nakakainis! Babae ako, Cleo. Damn, I m-might misinterpret this. And my hand, mas malamig pa ata sa ice cream na bibilhin namin.