Mistake

By wwiittyyccuuttiiee

146K 5K 414

Historia #2 Penelope Andrea Smith Odysseus Miller Date started: May 21, 2020 Date finished: June 27, 2020 More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Not an update
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
EPILOGUE
NOTE

Chapter 16

3.8K 167 29
By wwiittyyccuuttiiee


PENELOPE ANDREA SMITH






"Parang gusto kong kumain ng ramen and sashimi." sambit ni Cassandra

"Bakit? Craving?" Selene asked her

Napailing na lang ako. Nasa klase kami pero ang isip niya, nasa pagkain. Ang galing din naman talaga.

"Sa labas tayo kumain mamaya. Gusto ko talaga ng ramen at sashimi." nakangusong saad niya

Umirap ako. "Malayo dito sa school ang Japanse restaurant." saad ko

Mas lalo namang sumama ang mukha niya. "Sige na. Please."

Napahinga ako ng malalim. Napaka spoiled brat naman talaga. Tss. "Fine."

"Yes! Isama natin ang iba." nakangiting sagot niya.

Napatingin naman ako sa mga kasama naming walang pakialam sa mundo. Himala ata at ang tatahimik nila. Hindi sila nagtatalo-talo. Akalain mong pwede pala mangyari ang ganun.

"Psst. Dike." I called her

"Hmm?"

"Anong ginagawa mo?" tanong ko

"Hindi mo ba nakikita? Nagbabasa ng libro." barumbadong sagot niya sakin.

Napairap ako. Ang taray ah. Sungit. "Ano ba 'yang binabasa mo?" usisa ko pa

Inis siyang tumingin sa'kin. "Bakit ba panay ang tanong mo?"

Mahina akong napatawa. "Bakit ba gigil na gigil ka? May regla?" pang-aasar ko pa.

"Tigil-tigilan mo ko Pen ah. Baka ihampas ko sa pangit mong mukha ang librong hawak ko."

Malakas akong napatawa. Grabe! "Ay pikon ka talaga sizt." natatawang tugon ko

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ko ng mapahilamos siya sa mukha niya gamit ang kamay niya. "Ano bang kailangan mo?" tanong niya

Napanguso ako. "Naboboring ako."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ko. "Oh? Anong gagawin ko?"

Umirap ako. "Kwentuhan mo ko."

She shook her in disbelief. "Mabuti pa, tawagan mo na lang ang jowakels mo. Para naman siya ang binubwisit mo at hindi ako."

Napahinga ako ng malalim. Kung pwede lang talaga, ako pa ang pumunta sa kanya sa department nila, kaso hindi ee. "May klase si Odysseus." sagot ko

"Aww. Kawawa ka naman pala." nakangising tugon niya

Inirapan ko siya. Ang bilis talaga ng karma. Tss. "Kamusta kana pala? Kayo ni Larisa?" tanong ko

Hindi naman kasi mahilig magkwento si Dike. Magkukwento lang 'yan sa'min, kapag lasing. Lahat ng hindi namin alam, nasasabi niua dahil sa kalasingan.

"Okay lang naman kami." mahinang sagot niya

Napailing ako. Halata namang hindi sila okay, pero pinipilit niya parin sa'ming okay sila. "Tell me the truth Dike Owens."

She inhaled deeply. "Wala na kami."

My mouth shape an "O". Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. Nagulat ako. Hindi ko 'man lang alam na wala na pala sila. "Kailan pa? Bakit?" tanong ko

"Isang buwan na." she simply said.

Mariin akong nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Napahinga ako ng malalim. "Sumuko ka?"

She smiled weekly. "Hindi naman siguro masama ang sumuko hindi ba?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya. "And besides, bago ako sumuko, lumaban ako. Pinaglaban ko kung anong meron sa aming dalawa ni Larisa." she paused. "Paulit-ulit akong lumaban, kahit na paulit-ulit din akong nasusugatan." nakangiting dagdag niya.

"Pero mahal mo siya." mahinang tugon ko

"Oo naman Pen. Mahal ko siya. Pero kasi, wala namang magagawa ang pagmamahal ko, kung siya mismo, bumitaw na."

Napakagat labi ako. Damn! Ang sakit nun. "Love is ain't enough Penelope, kung sa isang relasyon isa lang ang nagmamahal." napahinga pa siya ng malalim. "Sobrang sakit para sa'kin ang pakawalan siya. Pero mas masakit, kung makikita kong hindi siya masaya sa piling ko diba. Ayaw ko namang maging selfish. Ayaw kong masaya ako, habang siya pinipilit na maging masaya sa piling ko."

Napaiwas ako ng tingin para hindi makita ang malungkot niyang mata. Sa aming magpipinsan, si Dike ang may pinaka magandang mata. Turquoise eyes na namana niya sa lola namin. Bukod tanging siya lang ang nakamana ng kulay ng mata na 'yun.

"Isa lang naman ang gusto ko Penelope, 'yun ang maging masaya siya. At alam kong kahit kailan, hindi na ako magiging dahilan ng ngiti niya." she smiled weekly.

"Pero... hindi ka masaya, nasasaktan ka." sagot ko

She looked at me. At doon ko nakita ang luhang pumatak mula sa mga mata niya. "Kahit sino naman, hindi magiging masaya kung pakakawalan mo ang taong mahal mo diba, basta ang mahalaga para sa'kin, kasiyahan niya. Makita ko lang na masaya siya, okay na ko dun. Sapat na kasi 'yun."

"Dike."

"Alam mo bang, pangarap kong makasama siya habang buhay?"

Napahinga ako ng malalim. Syempre, alam ko. Alam na alam ko. "Ang pangarap kong iyon, ay habang buhay na pangarap na lang." dagdag niya

Napaiwas ako ng tingin. Oh my gosh. Ang sakit nun. Kakainis. Nadadala ako.

"Penelope." she called me

Mabilis akong napatingin sa kanya. "Bakit?" tanong ko

she staring intently at me. "Mahal mo si Odysseus, hindi ba?"

Napalunok ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. "Oo naman." kinakabahang tanong ko.

She nodded slowly. "Pano kung, bumalik na ang taong matagal mo ng hinihintay?" seryosong tanong niya

I froze. I fucking froze. My heart skips a beat. Hindi ko alam kung anong salita ang nababagay na sabihin sa kanya. Buhat ng dumating si Odysseus sa buhay ko, hindi ko na inisip ang taong matagal ng nawala.

"W-what do you mean?" nauutal kong tanong

She smiled. "Nothing."

Magsasalita pa sana ko ng biglang sumingit si Selene. "Tara na kumain! Nagugutom na talaga ko!" impit na sigaw niya

Napairap ako. Puro pagkain ang alam. Tss. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod na nga lang. At tama nga ang bruha, talagang niyaya pa niya ang iba naming kaibigan.

"Let's go. Nagke-crave talaga ako." sambit niya

Tinext ko lang saglit si Odysseus na hindi ako makakasabay sa kanya sa pagkain. Baka kasi magtampo ang isang 'yun. Napangiti ako sa loob loob ko, ang cute pa naman niyang magtampo. Parang batang inagawan ng candy.

Napairap ako. Nang makarating kami sa parking, naabutan pa namin ang ibang kaibigan na mariing naghihintay. Napailing na lang ako. Talagang g na g sila ah.

"Buntis kaba Selene?" naiinis na bungad sa kanya ni Athena

Mahina akong napatawa. Hindi lang pala ako ang napipilitang sumama sa kanila.

"Hindi pa nga ee. Ang hina kasi ni Achi. Ayaw agad akong buntisin." sagot naman ng isa.

"Daig pa pala kita." Ianthe said all of sudden.

Napatawa ako ng malakas. Ayan na po. Nagsisimula na naman sila.

"Malibog ka kasi Vi." barumbadong sagot ni Selene.

Ianthe smirked at her. "Mahina ka lang talaga."

"Bitch." Selene murmured

Napailing na lang ako. Para silang mga basag. Kay Athena, Venus at Helen ang ginamit naming sasakyan. Kay Ven ako sumabay dahil nasa sasakyan niya ang matitino kagaya ko. Kay Helen sumabay si Vi and Jeremiah. Sinama kasi ni Vi ang girlfriend kahit na ayaw namin ng isa. Under talaga si Jeremiah.

Hindi din naman nagtagal nakahanap na din kami ng Japanese restaurant. Ang layo nga lang sa school. Si Selene kasi ee. Talagang ngayon pa siya nagkainiteres sa Ramen at Sashimi. Hay nako.

Si Selene ang nagorder ng lahat. Tutal siya naman ang nagyaya sa'min, siya na din ang sasagot sa lahat. Si Ianthe ang nakaisip niyan. Kuripot talaga ang bruhang iyon.

"Jeremiah. Kailan niyo balak gumawa ng baby ni Ianthe?" Cassandra started asking.

I chuckled when Jeremiah coughed a little. "Ano... papakasalan ko muna siya." nahihiyang sagot niya

"Pakakasalan mo siya? Sigurado ka?" pang-aasar ni Athena.

"Kaya nga. Wala 'man lang pagdadalawang-isip?" segundo naman ni Dike

"Marriage is a lifetime commitment Jeremiah, alam mo 'yan. Ngayon? Sigurado kana ba talaga?" pag singit ko naman

"Shut up midgets!Kumain na lang kayo." naiiritang tugon naman ni Vi.

Malakas na tawanan ang nagawa namin. Napakasama ng tingin niya sa'min, habang ang girlfriend niya ay nagpipigil ng tawa. Napailing na lang ako bago pinagpatuloy ang pagkain ko.

I cleared my throat. "Excuse me girls, restroom lang." paalam ko

They just nodded at me. Tumayo na ko at pumunta sa restroom. Nagbawas lang ako saglit bago naghugas ng kamay.

Ng masigurong okay na ko, lumabas na ko. Pero napatigil pa ko ng may taong nakabunggo sa'kin.

I looked at him. At pinagsisisihan kong tiningnan ko pa siya. I stunned. I fucking stunned because of him.

He's back...

"Penelope." gulat na sambit niya sa'kin.

Napakagat labi ako. His voice... damn! I fucking missed his voice! I fucking missed him!

I gulped hard. "Damon.."







---





ODYSSEUS MILLER




"Hey Ody the great. San ang lakad na'tin ngayon?" Lucas asked, my classmate.

Mahina akong napatawa. "Secret. Interesado ka ah." nakangiting tugon ko

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Hulaan ko, pupuntahan mo ang bebe girl mo 'no?"

Tinawanan ko lang siya bago pabirong sinuntok sa braso niya. Kalalaking tao, chismosa. Hay nako. "Mauna na ko Lucas."

"Naks! Sana all may pupuntahang jowa."

"Mag jowa kana kasi."

Huling sabi ko bago ko siya iwan dun. Minsan nakakatawa talaga ang mga kaklase ko. Ang hilig nilang alamin ang buhay ko. Napailing na lang ako.

Mabilis ang paglakad na ginawa ko para makarating agad sa business department. Napangiti pa ko ng makitang nasa labas na ang babaeng dahilan ng ngiti ko.

She's really beautiful...


"Hi." I greet her.

Mahina pa kong natawa ng makitang nagulat siya ng dumating ako.

"Hello Ods. Sinusundo mo na?" Cassandra asked me.

I nodded. "Oo Cass." nakangiting sagot ko

"Sana all. Nako magsasawa ka din Ods." nagtaka pa ko ng mapansing inirapan niya si Penelope, hindi ko na lang pinansin. For sure, inaasar na naman niya ang kaibigan.

I held her hand. "Hey. Let's go?" I softly said her.

She nodded. "Let's go."

My eyebrows met when she immediately pulled me out of that place. What's wrong with her? "Nagmamadali ka ata. May pupuntahan kaba?" kunot noong tanong ko

Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Bigla tuloy akong kinabahan. "Pwede bang... ahm.."

My brows furrowed. "Pwede bang?" tanong ko

She shook her head. "Ihatid mo na lang ako."

"Are you alright? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko

mabilis naman siyang umiling sa'kin. "Pagod lang siguro ako. Gusto ko ng magpahinga."

I stared her intently, we look each others eyes for a second and she immediately avoided her gaze. I inhaled deeply. "Let's go." Akmang hahawakan ko na ang kamay niya na siya mismo ang nag-iwas nun.

I took a deep breath. "Halika na."

Nauna na siyang maglakad kays sa'kin. Kunot noong nakasunod lang ako sa kanya. Iniisip kung anong problema. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nagawa kasalanan. In fact, okay naman kami kanina. Nagpaalam pa nga siya sa'kin kanina na hindi siya makakasabay sa lunch.

May nangyari bang hindi ko alam?

Damn! Penelope Andrea! What happened to you?

Wala sa sariling pumasok ako sa driver's seat. Tahimik lang kami habang nasa daan. Pinapakiramdaman ko siya. Paminsan-minsan, tinitingnan ko siya habang busy siya sa cellphone niya. May tiwala ako kay Penelope, pero hindi ko maiwasang hindi mangamba. Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

I cleared my throat. "How's your day?" I started asking.

"Fine." she simply said.

I nodded slowly. "Gusto mong kumain mamaya sa labas?" tanong ko pa

"Wag na Ody. Maybe, next time."

I smiled bitterly. Hindi na lang ako nagsalita. Baka nga pagod lang siya. Kailangan niya lang magpahinga.



Mabilis kaming nakarating sa tapat ng bahay nila. Akmang lalabas na ko ng sasakyan ng pigilan niya ko. Kunot noong tumingin ako sa kanya.

"Why?" tanong ko.

She shook her head. "Take care."

I nodded in response. Nakatingin lang ako sa kanya na pumapasok sa loob ng bahay nila. I sighed. What the fuck is happened?

Nanghihinang pinasidad ko na ang sasakyan ko. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may nangyayaring hindi maganda. At gusto kong malaman kung ano 'yun. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa lugar na hindi niya agad makikita.

Mahigit trenta minutos din ang lumipas ng lumabas siya sa bahay nila. Napakunot noo ako. Saan siya pupunta?

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa park ng subdivision nila.

Pinanood ko lang siya kung pano yakapin ang isang lalaking mahal na mahal niya.

I smiled bitterly.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil naisipan ko pang sundan siya dito.

Bumalik na pala siya. Bumalik na pala ang taong nauna sa'kin.


Bumalik na ang taong una niyang minahal.


Fuck! Ang sakit!

Why Penelope? Why?

---

Continue Reading

You'll Also Like

290K 9.3K 28
Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, nag-asawa ulit yung daddy niya. Kaya nama...
2.9M 82.3K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
1.8K 83 2
Hi Mga Baccla! Ako nga pala si Theo Louise Lefevre ang pinaka magandang Lefevre sa aming magpipinsan. Sa kasamaang palad pareho kami ni Devyn AKA Dev...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...