Chasing Axel Blaze (Mi Amore...

By annahline

32.2K 784 239

[ COMPLETED ] 2nd Installment of Mi Amore. Seraphine Azalea has everything from a loving family, a good rela... More

Chasing Axel Blaze
Foreword
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Afterword
Seraphine
Note

01

1.6K 45 21
By annahline

"Before chasing the love of your life, first chase the dreams your life loves."

- Luckman Khan

・゚:✧・゚:

"Seraphine Azalea! I told you to stop already!" Napasimangot ako nang marinig ang sermon sa akin ni Lalaine, my inseparable friend since seventh grade. I glared at her before continuing to stare at the guy I've always been crushing on.

"What?" I asked with a challenging tone. Technically, I wasn't doing anything wrong. Tinitingnan ko lang naman ang crush ko!

Napabuntong hininga siya at kinalma ang sarili bago napamasahe sa sentido niya. She's more stressed than I am! Ako nga na hindi pinapansin, hindi nagrereklamo tapos siya pa 'yung mas naiinis.

Geez. She's like a Mom sometimes.

"Hay nako, diba sabi ko sa'yo ayusin mo ginagawa mo rito? Akala ko ba ayaw mong pinag-uusapan ka ng masama? Gosh, Seph!" She massaged her temples once more and leaned on the chair where she sat.

We were currently at the cafeteria eating lunch. Siya lang naman ang kasama ko palagi at si Lucas.

I winced at her tone and patted her shoulders. "Girl, chillax! Ako 'yung may crush, hindi ikaw, remember? At saka, ano kita, manager? Makautos, ha?" My brows furrowed.

Inirapan niya lang ako at hindi na muling sagot. Pinagpatuloy niya nalang ang pagkain kaya ganoon nalang din ang ginawa ko.

"Lucas!" I waved at him when I saw him rushing towards us, holding a tray with his lunch food on his hands. He smiled at me genuinely before placing the tray on the table and sitting beside me while Laine's in front of us.

I couldn't help but notice the girls on the cafeteria gawking at Lucas. I also can't deny that Lucas is incredibly attractive with his dark brown hair always neatly arranged to the side, tan skin, pointed nose, and red lips, but what attracts everyone to him is his bubbly personality. He's the total definition of a perfect moreno.

"Hi." Walang-ganang bati ni Laine kaya natawa ako at binelatan si Lucas.

I glanced back again to see if Axel was still on his table but frowned when he wasn't there anymore with his friends. Baka busy si Kuya kaya hindi niya ito kasama. Sayang, edi sana may palusot pa ako para makalapit sa kanila.

"Ano ba namang bati 'yan, hindi ba ako welcome dito?" He glared and held his chest as if feeling betrayed.

"Hindi, pwede ka na nga umalis, e." Tinuro ko ang direksyon palabas at ngumiti sa kaniya, teasing him. He muttered a 'tch' before eating and ignoring me.

Naglakad na kami pabalik sa room nang matapos kumain. Pinaglalaruan ko lang ang buhok ko habang naglalakad at pinagmamasdan ang mga tao na nadadaanan namin, baka mahanap ko pa kasi si Axel.

"Hi, Seph!" I tilted my head a bit and pursed my lips to make out the name of the girl who greeted me, but I couldn't remember. Basta alam kong ka-batch lang namin siya at alam kong nakausap ko na siya noon pero hindi ko maalala.

"Hi!" I just waved back. Hindi ko kasi maalala iyong pangalan niya.

"Taray," Lucas commented on my side.

Nagpatuloy iyong pagkaway ko sa mga kilala. Ang iba kasi na nandito ay parte rin ng Black Fire na grupo ko, habang ang iba ay kaklase ko noong junior high kaya marami talaga akong kakilala. Dito ka ba naman mag-aral nang ilang taon.

Pakatapos ng huling klase namin, dumiretso kami sa studio na malapit lang din sa paaralan. Bago pa ako pumasok sa Ateneo ay pinagawa na ang studio ng Black Fire ro'n. Magandang pwesto iyon dahil maraming estudyante ang nandito.

Wala naman kaming nalalapit na kompetisyon, pero simula nang naging kaklase ko si Lucas no'ng simula ng taon, we made it a habit to always stop by after class for a few hours to practice. Hindi rin required na pumunta rito lalo na kung walang kompetisyon, pero nasanay na kami na gawin iyong tambayan at sumayaw doon araw araw. I'm most welcome to be there every day because I've been an official member since 9th grade.

Flowing through my tiring day-to-day life, dancing, writing, and Axel are probably the only things that keep me sane. From everyone's high expectations to people following and noticing your every move and making issues about everything they only know one side of the story about.

O ako lang naman talaga ang nag-iisip na palagi nilang sinusundan ang galaw ko.

Kaya kapag naiinis na ako sa lahat at wala akong magawa, sumasayaw ako. It's one thing people tell me I'm really good at which made me confident. It strives me to push harder and be better.

Lucas had been a competitor in a dance competition when we were both just elementary students from different schools. Ako ang nanalo noon pero nakausap ko siya sa kompetisyon na 'yon kaya nang magsimula ang pasukan, nagulat nalang kaming dalawa na magkaklase  kami.

That's where I became close with him, and soon Lalaine became close with him too kaya palagi na kaming magkakasama.

"Kain muna tayo!" Inakbayan ako ni Lucas at tinuro ang mga street foods sa labas ng school.

I stared at the foods and remembered the times when my brother, Axel, and I were still eating there after school on seventh and eighth grade days. Simula nang mag grade 10 ako ay hindi niya na ako pinapansin, hanggang ngayon na nasa senior high school na kami.

It was a good thing I was accelerated at hindi ako nag grade 4 kasi 'yung school ko nung elementary ay lahat kami nag-skip ng isang taon. If I wasn't accelerated, I wouldn't have met Axel by now. Or maybe I would have at some point, but I'm happy about how we met.

Good thing that he and my brother are still friends kaya minsan may rason ako para pumunta sa classroom nila at makita siya kahit saglit.

"Tataba ako," walang gana kong saad sa kaniya.

Inalis nito ang hawak sa 'kin at ngumuso sa harap ko. Inirapan ko naman siya, akala mo naman cute! Nagdabog ito sa harap ko na parang bata.

"Gago, pinapahiya mo 'ko!" Tinakpan ko ang mata ko at hindi siya tiningnan. Nakakahiya naman 'to kasama! Konti nalang ay haharap na ako sa mga tao na nandito at sasabihing hindi ko siya kasama!

"Kain na kasi tayo!" Tinuro niya pa ang mga pagkain habang nagpapa-cute at nagpu-puppy eyes pa sa akin.

Napabuntong hininga ako at binatukan siya bago hinawakan sa balikat at dinala na siya doon. Baka mamaya gumulong gulong na 'to sa sahig para lang makakain ng paborito niyang kwek-kwek!

Binalik ko sa kan'ya ang tingin ko at ngumisi. "Libre mo?"

"Oo na! 'Di ka kakain hangga't 'di libre, e!" Nakangusong sagot niya at kumuha ng dalawang stick ng kwek-kwek bago ibigay sa akin. Masaya ko iyong tinanggap at binigyan pa siya ng flying kiss.

"Yuck," komento nito na ikinatawa ko.

Pagkatapos namin kumain, naglakad na kami papunta sa studio. It's a studio made especially for Black Fire members since malaki na rin ang grupo at marami na ang nasalihan na mga kopetisyon at napanalo. After years of joining competitions, finally nakapagpagawa na ng studio, hindi kagaya noon na naghahanap pa kami ng lugar kung saan pwede mapag-practice-an no'ng kasasali ko lang.

"Hi!" I enthusiastically greeted the members inside. Napatingin ako sa grupo ng mga estudyanteng nakaupo ng maayos sa dulo, siguro may bagong member—unofficial members since it'll take months before you become an official one.

Masayang ngumiti ang mga kinawayan ko pero hindi naman umalis sa pwesto nila.

"Seraphina bakla!" Mark, or should I say, Maria, called me at agad akong niyakap. Na-miss ko siya! Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita dahil marami siyang tinuturuan habang ako naman ay paminsan minsan nalang nakakapunta dahil sa mga ginagawa. Ngayon nanaman lang ulit kami ni Lucas dito.

"Maria!" Tumawa ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya, palagi kong hinahanap ang kaingayan niya kasi ang saya niya kausap at nakakaaliw siya masyado magkwento!

"May mga bago?" tanong ko.

"Aba't sama-sama silang nagtipon-tipon dito, mag-aavail daw ng membership. Kaloka!" He exclaimed as I let out a huge laugh. Maganda iyon na maraming gustong sumali.

After catching up with him for a few minutes, nagpalit muna kami ng damit. I changed into a white halter cropped top and pink jogging pants as well as comfortable sneakers I could easily move and dance to.

I tied my hair into a high ponytail before we danced to some old songs Mark choreographed para makapag-practice.

Aside from Black Fire being a group of dancers for competitions, it was also created to teach people who want to learn how to dance. Isa na si Mark sa mga choreographer. May mga classes na binibili para ituro ang ibang choreography, o kaya naman one month membership para lahat ng ituturo sa buwan na iyon ay kabilang ka na.

Unlike those, I'm an official member since I was already with them before the studio was even created. I didn't have to avail memberships and classes.

Simula nang sumali si Lucas, mabilis din siyang nakilala ng mga miyembro sa galing niyang sumayaw. After availing classes for months once I referred him to our group, he immediately studied most of the choreographies.

Dahil mahal ko naman siya, tinuro ko na sa kaniya 'yong iba kahit may bayad dapat iyon kay Mark. Kaya lagi akong nagpapa-libre sa kan'ya at isusumbat sa kaniya na mahal ang talent fee ko!

Kaming dalawa lang ni Lucas ang sumasayaw sa gitna habang masayang nanonood lang ang iba. Out of the corner of my eye, I saw Mark with a proud smile, his arms crossed on his chest. Mas natuwa ako roon at pinag-igihan pa ang sayaw, lalo na't maraming bagong gustong mag-avail ng classes, this could be a great way to show them what Black Fire's made of.

The immense euphoria I get as I project each intricate move with polished steps never fades no matter how many years I've been dancing.

That was my biggest fear before. What if I woke up one day to realize that this isn't for me? That I'd grow tired of it someday?

Pero ngayon na nandito ako at nakikita ko ang manghang mga ekspresyon ng mga bagong sasali, it takes me back to the moments when I first started dancing and idolized everyone who could make me feel amused, who made me realize that dance is a form of expressing yourself through graceful and expressive steps.

Nang matapos namin ang dalawang kanta sa hiphop style ay agad silang nagpalakpakan kaya malaking ngiti ang iginawad ko sa kanila. Though I like dancing because it brings me joy, I equally like making other people happy because of it as well. I feel like I can be an inspiration to them.

Nakita ko pa ang iba sakanila na binaba ang kanilang mga phone na agad nakapagpakunot ng noo ko. Did they just take a video?

Sanay na ako roon, pero ayaw kong ma-issue lalo pa at kasama si Lucas na palagi ko rin kasama sa school. Everyone might think we're together.

I took a step back when someone gently wiped the beads of sweat trickling down my forehead. Nakakagulat naman 'to si Lucas!

Nakakahiya, ang daming taong nakatingin! Agad kong kinuha ang panyo at pinunasan ang sariling pawis habang matalim ang tingin sa kan'ya. A lot of people are watching and holding their phones! They might show it to everyone! Baka iba ang isipin nila at ayaw ko no'n.

Pagkatapos ay agad ipinakilala ng mga instructors ang mga mag-aavail, pinapunta niya pala ito rito para makita ang mga ginagawa naming. There were about seven of them, all from the same high school.

"Matagal ko na po talagang gusto matuto! Sabi po nila ay magaling naman raw po ako pero mas gusto ko pa po gumaling!" One of the girls said, I think her name's Ruby.

I played with her hair habang nagkukuwento sila, nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanila, I remember being so passionate about dancing and now I'm actually getting recognized for my talent.

"Ate, sa totoo lang marami po sa'kin ang nagsasabi na 'wag na raw po ako sumayaw kasi ang panget ko raw po at ng mga galaw ko, pero nung nakita kitang sumayaw, gusto ko po maging kagaya niyo!" I couldn't remember her name, but I'm so glad I got to inspire her. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"'Wag na 'wag kang titigil ha? Nandito kami lahat para suportahan ka," I encouraged. As much as possible, I really want to help them grow, just like how the other old members here did to me.

"Ang plastik mo!" Tinapon sa 'kin ni Lucas ang towel na gamit niya kanina kaya agad ko itong binato pabalik sa kaniya, ginamit niya kaya 'yon para punasan ang pawis niya!

"Kadiri! Ang baho, yuck!" I waved my hand in front of my nose, umaaktong mabaho kahit hindi naman.

"Ayieee!" I heard the girls tease.

"Tropa lang kami niyan!" Agad kong klinaro sa kanila. Kay Axel lang ako, 'no!

Around 7:20 in the evening, habang nakikipagkuwentuhan pa ako sa mga bagong miyembro ay inaya na akong umuwi ni Lucas.

"Umuwi na rin kayo, ha?" I bid goodbye to the girls. "Aga naman umuwi!" Binalingan ko si Lucas, nagrereklamo. Ang aga pa kaya!

Binatukan niya ako. "Gago, marami pa tayong assignment."

I opened my mouth to act shocked. "Wow, sa pagkakaalam ko sa classroom ka na nga gumagawa, e!" I teased. He pouted but afterwards laughed, knowing it was true. Hinatid niya muna ako sa sinasakyan ko ng jeep bago siya umalis papunta ng sa kanila.

Hindi na ako nakapasok do'n sa isang jeep at napuno na iyon kaagad kaya naghintay muna ako. As I looked around, my breathing stopped when I saw Axel on the waiting shed, right across from where I'm standing! Only the road and some vehicles are the ones keeping us away from each other.

This isn't even the way to his house! Malayo ang bahay nila sa amin, papunta kaya siya sa amin? Baka sasama siya kay Kuya? Should I go and approach him? Saan naman siya pupunta na walang jeep dito papunta sa bahay nila?

I kept staring at him without knowing he was already staring at me as well. Agad akong umiwas ng tingin at hinawakan ang dibdib ko, kinakabahan ako, baka nahuli niya akong nakatingin. Ang gwapo niya pang tingnan!

With his jet-black hair, light skin, pointed nose, slender figure, a perfectly defined jawline, every girl would immediately notice and appreciate his visuals!

But I've seen him at his worst state. Tanggap ko parin at gusto ko pa rin siya, nakakalungkot lang na pagkatapos ko siyang samahan sa problema niya noon ay bigla niya nalang akong ibabalewala.

Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya, naiintindihan ko ang sitwasyon niya. But even though he's so close to me, he still seems so far away. Someone I can't reach. Someone who doesn't fit into my world. He's a prince in their kingdom and who needs a princess to be with, not a damsel in distress.

Kinakabahan man ay nagawa ko parin lumingon sa kaniya muli, he's still staring at me! Nilakasan ko ang loob ko at nakipaglaban sa kaniyang mga titig, hindi ako magpapatalo sa kaniya! I felt my heart could almost just pop out of my chest because it kept beating extremely fast.

After a few seconds, I saw the sides of his lips rose bago umiwas ng tingin. Agad na nabalik lahat ng hiya ko sa katawan, mabuti at may dumaan na dyip kaya nakasakay ako agad agad.

Hindi ko alam kung saan siya papunta, ang importante lang sa 'kin ngayon ay makauwi na!

"Ate!" Agad akong sinalubong ni Rexienne, ang nakababatang kapatid ko. She's only in fifth grade and probably the sweetest, but the most annoying one too as she keeps teasing us.

"Reksin! Kamusta ang baby girl ko?" I hugged her and she kissed me on the cheeks.

"Okay lang, Ate. Na-stress ako sa math namin," ngumuso siya sa harap ko. Ginulo ko naman ang buhok niya at tumawa.

"Ayan, 'di kasi nakikinig!" I teased. She stuck her tongue out and placed her hands on her hips.

"Nakikinig kaya ako!" Inirapan pa ako nito. I just laughed and proceeded to the living room to greet my Mom. Since my Dad works as a truck driver who delivers furniture nationwide, minsan lang siya umuwi at siya ang talagang kumakayod para sa pamilya.

Pagkatapos kumain at makipag-usap sa kanila ay pumunta na ako sa kwarto ko. Napangiti ako nang makita iyon, it isn't the biggest room in the world, but it's cozy and just the right size for me. I'm grateful I don't have to share it with anyone. Ang bahay kasi namin ang huling binigay ng mga magulang ni Mama bago sila yumao, kaya hindi naging problema sa amin ang titirhan.

Kinabukasan, maayos ko natapos ang klase ko. Ginawa ko na lahat ng dapat mapasa ngayon kaya hindi na ako nagmadaling gawin 'yon at naki-usap nalang kay Laine.

Tinatawanan pa namin si Lucas kasi mali 'yong gawa niya kaya inuulit niya ngayon, mukhang stress na stress na. Kasi naman, proud pa niyang ipinakita ang gawa niya, e mali naman!

"Una na 'ko, bahala kayo diyan!" Kunwaring nagtatampo na baling ni Lucas sa amin, agad ko naman siyang hinabol at binatukan.

"Hindi tayo pupunta sa studio?" tanong ko sa kaniya, nagtataka.

Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan ako. "Tara, hatid kita papunta do'n, may gagawin ako e kaya alis na 'ko."

Binalikan ko ang bag ko at hinalikan sa pisngi si Laine. "Papunta na raw ba sundo mo?" I asked. palagi naman kasi siyang may sundo dahil mahigpit sa kan'ya ang mga magulang niya kaya minsan lang namin siya makasama sa labas after school.

Nakakunot ang noo ito habang nakatingin sa'kin, but when she saw me she immediately smiled and nodded at me.

"Papunta na 'te, ingat kayo!" She kissed me on my cheeks. Ngumiti nalang ako bago kunin ang bag ko at pumunta kay Lucas na naghihintay sa may pinto ng room.

"Tara na." Inaya ko si Lucas. I took a last glance at Laine who was looking outside before walking away.

"Ingat ka lods!" I teased him before getting inside the studio. Hindi na raw siya papasok at may kailangan pa silang puntahan ng Mama niya.

"Ingat ka pauwi, bobo ka pa naman!" Sigaw niya sa 'kin pabalik. Inirapan ko siya at tumawa.

After changing into my usual jogging pants and a black cropped shirt, I practiced with the other old members with the old choreographies. Wala ngayon si Mark at ang ibang instructors kaya kami-kami lang din ang nando'n.

Bandang alas syete ay umalis na ako. 'Yung iba ay nag-eensayo pa sa loob pero nagpaalam na ako at may mga kinakailangan pa akong gawin sa school.

Once I steped out of the studio, hindi ko napansin na umuulan pala. Wala akong dalang payong! I stayed at the door, pilit na iniiwasan ang ulan, mababasa ang mga gamit ko sa bag! Andami ko pa naman gamit dito! I

sighed in frustration at tiningnan ang mga nasa loob ng studio, nakakahiya naman humiram ng payong sa kanila.

I checked my bag at inayos ang mga gamit sa loob nito lalo na ang mga importanteng papeles na kailangan ko sa school. I can't afford to get these wet!

I took a glance at the rain after I waited for a few minutes. Hindi na ito kasing lakas nung kanina pero mababasa pa rin ako, tatakbuhin ko nalang papunta sa sasakyan ng jeep. I breathed heavily before running, my vision getting blurry and slowly I started to become soaked in the rain. Bakit ba kasi hindi ako nagdadala ng payong?

"Ah!" I screamed when someone grabbed my arm and dragged me somewhere, a familiar scent coming through my nose. Napansin ko nalang na hindi na ako nababasa. I looked up and saw an umbrella over me.

"You're gonna get sick, stupid." Hinayaan ko siyang dalhin ako sa isang waiting shed.

Agad akong lumingon kahit na sa tono palang ng boses niya ay alam ko na kung sino siya. My heart was beating so fast, paano ako kakalma kung nandito siya sa harap ko?!

Ang gwapo niyang tingnan! His silky black hair was all messy at halatang hindi naaayos o nasusuklay man lang, he was holding the umbrella, his gaze dark on me. Hala, ang lapit lapit ko sa kaniya!

Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi makasalita, habang tinitiklop niya ang payong at binigay sa 'kin.

"H-ha?" I stuttered, asking. Nakakahiya, hindi pa ako makapagsalita ng maayos! Nasa harap ko kasi siya, this has been the first ever since tenth grade!

"Gamitin mo," he insisted, getting impatient. Nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Ikaw?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko na ngayon ay basang basa na. I probably look stupid right now! Umiling ito at nilapit pa sa 'kin ang payong pero hindi ko ito kinukuha.

"Just use it, Seraphine!" With that, he left and walked in the rain alone, leaving me dumbfounded.

Did he just talk to me after a whole damn year of ignoring me?! 

Continue Reading

You'll Also Like

155K 4.1K 26
'Young Dumb and Broke' sabi nga sa kanta. Sabi nila ang Relasyon, It takes risk. Angel entered into a relationship at a very young age. She was just...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
132K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.4K 217 42
Hiraya Francesca is the golden child of Eunthastica University Foundation, the genius prodigy is bound to nothing but success. She treaded her life w...