TILL FATE DO US PART (Fate Se...

Oleh dreyaiiise

20K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... Lebih Banyak

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 26

301 48 15
Oleh dreyaiiise

-REUNITED-

"Anak, akala ko mamaya pa kayo uuwi?" Mom asked, habang nagmamano kami sa kanya.

"Tita, nagkaroon po kasi nang sabunutan" si Alja. Alam naman nila na bawal ang pagsisinungaling dito sa bahay kaya wala kaming tinatago kay Mama.

Tinignan kami ni Mama. "Hindi masasakit ang ulo ninyo?" hinawakan niya ang mga ulo namin para masigurado kung masasaktan kami, pero bigo siya.

"Ma, hindi naman sila masakit manabunot!" pagmamayabang ko.

"Sumakit ba ang ulo niya?" bulong ni Mama kay Iza, pero dinig ko naman.

"Hindi ko po alam, pero kumirot raw nang kaunti" pabalik niyang bulong habang nakatingin sa akin.

Tinanguan siya ni Mama. "Kayo ba ay kumain na?"

"Opo tita. Doon sa restaurant nina Alja yung Valina's" magiliw na sagot ni Iza.

"Ay mukhang mahal doon. May discount ba kayo?"

"Ah opo. Sa totoo lang libre nga eh" ako na ang sumagot.

"Mabuti kung ganoon" hinawi ni Mama ang buhok ni Alja.

"Nasaan pala ang mga magulang mo iha? Mabuti at pinayagan ka nilang manlibre" Takang tanong ni Mama. Ang alam lang namin ay wala rin dito ang magulang niya, minsan lang umuwi.

"Nasa US po. May inaasikaso po kasi sila doon kaya sabi nila, I can do whatever I want" malungkot niyang sambit.

"Bakit ka malungkot? Dapat maging masaya ka dahil you can do whatever you want" saad ko.

"Anak" hinaplos ni Mama ang ulo ko. "Walang saysay ang mga ganoong bagay kung ang tanging kagustuhan mo lang ay makasama ang mahal mo sa buhay" hindi ko maintindihan iyon, wala namang sinabi si Alja na ganoon..

Binigyan nang nakakaawang tingin ni Mama si Alja saka niyakap. Nabigla kami ni Iza nang humagulgol ito sa balikat ni Mama.

"It's okay. Nandito ako, anak" saad ni Mama na mas ikinaiyak niya.

Niyakap ako ni Iza. Alam ko na ang dahilan, marahil ay walang oras ang mga magulang niya para sa kanya. Kaya pala madalas siyang tulala o kaya naman sa tuwing kasama niya kami todo ang bigay niya sa amin.

"Salamat po tita. Matagal ko na po kasi itong kinikimkim" mugto na ang mata niya nang hinarap kami.

"Maging bukas ka sa mga kaibigan mo, o kaya sa akin. Marami kaming mapagsasabihan mo" malumanay na sabi ni Mama, naiiyak muli si Alja.

Iza and I hugged her. "Feel free, we have a ears to listen. Hindi mo kami maabala" I said

"Kami nga puro kwento about sa lahat, alam mo na nga ang childhood namin eh. Sinabi namin iyon para aware ka sa lahat" binanggit namin lahat sa kanya ang mga alaala na nagawa namin ni Iza.

"Yeah, from now on magkukwento na, mas gagagaan pala ang pakiramdam ko lalo na ngayon may mapagsasabihan ako" niyakap niya kami pabalik.

"Anong gagawin ninyo niyan?" Mom happily asked.

"May ikukwento po kasi ako sa kanila. Kaya po nandito kami" pagpapaalam ni Alja

Isinensyas ko ang hagdan."Aakyat kami, Mama"

"Oo sige. Dalhan ko nalang kayo nang meryenda doon, nag-bake ako kanina ng cake" nilingon namin ang sinabing cake, chocolate at Banana Cake. Masarap mag-bake si mama kaya excited akong matikman ulit.

"Yay! Namiss ko ito tita" Iza giggled.

"Oo nga eh. Mabuti ngayon matitikman na bago kong anak" tinutukoy niya si Alja.

Ganyan si Mama, lahat nang kaibigan namin tinuturing niyang anak kaya magaan ang loob nang mga ito. Si Iza at Alja palang naman ang ginanon niya, si Kuya kasi hindi masyadong nakikipgkaibigan. Sa pagkakaalam ko isa lang ang tinuturing niyang Kaibigan, si Kuya Sean.

Masaya kaming pumunta sa kwarto ko. Naging tambayan na namin ito.

"Grabe, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam, na may tumawag sa aking 'Anak' saka nagmahal sa akin nang ganito. Akala ko kaibigan ko lang kayo sa kasiyahan pero sa lahat pala" emosyonal na sambit ni Alja nang makatungtong na kami sa kama.

"Aww, nakaka-touch naman"

"We love you, Alexine Jade" saad ko. Ikinatuwa naman niya ito kaya sinunggaban niya kami nang yakap.

Naluha na din ako. "Hindi lang naman kami ang nandito para sa iyo. Pwede mo ring ibigay ang sakit na nararamdaman mo sa Panginoon" payo ni Iza.

Ikinagalak naman iyon ni Alja.

Naalala ko ang sinabi niyang ikukwento niya sa amin. "Ano pala ang chika mo?"

"Yung kay Trison. Para alam niyo yung pangyayari"

"Ang sabi sa akin ni Vaughn, kaibigan daw nila yun noong highschool hanggang first year of college"

Nagtataka niya akong tinignan."Sinabi niya yun?"

"Oo"tipid kong sambit.

"Kasi hindi niya binabanggit kahit kanino iyon, nagagalit siya sa tuwing may narinig siyang nagtatanong tungkol sa isyu ni Trison sa kanila. Dahil takot kay Vaughn ang mga tao sa MU hindi na ito pinag-usapang muli"

Bakit sinabi niya sa akin kung ganoon.

"Bakit ba takot sila kay Vaughn?"kasi suplado? Hindi naman nakakatakot ang itsura niya ah.

"Malamang sila ang pinakamayaman dito sa Camarines Sur. Tito niya rin ang may-ari nang Merciful University"

"WOW!" namangha kami ni Iza sa nalaman.

Bakit hindi ko naisip iyon? Una sa lahat, may Mercedes Benz siya. Tapos nilibre niya kami sa Beach, na pagmamay-ari nila. Dagdag mo pa na sa Tito niya pala itong pinapasukan namin.

"Eto na nga, yung tungkol kay Trison. Magkakaibigan sila noong highschool kami. Team sila noon sa isang basketball, kasama doon sina Caleb, Gab, Rust Vhiel Fuenzera at Dush Clayver Aston which is kaklase natin ngayon"

"Parte rin sa grupo si Trison kaya naging magkakaibigan sila. Yung iba ay nasa ibang bansa na kaya sila nalang ang natira dito, saka mag-college na kasi kaya nawala na ang team nila. Nananalo pa nga sila palagi sa mga laban sa iba't-ibang schools dahil ang mga Mercinians lang raw ang maraming gwapong players kaya kahit hindi taga MU sumisigaw" natatawang pagpapatuloy niya.

Ano kaya ang itsura ni Vaughn. Lagi kaya siya nakakapasok nang bola, Okaya three points? Siguro magaling siya.

"Magaling silang lahat. Captain nila si Vaughn tapos MVP pa siya every year" bilib na ako. Si Vaughn ay gwapo, mayaman, talented, humble, mabait, at iba pa. Kaya siguro marami talagang nagkakagusto sa kanya.

"Masaya ang team nila. Para bang wala nang titibag. Kaso nga lang nagkaroon nang problema si Vaughn at Trison" mas lumapit kami ni sa kanya para mas malinaw naming marinig.

Inalala niya muna ito. "May girlfriend si Trison for almost 2 years. Miyembro nang cheerdance ang babae kaya siya nainlove dahil 'diba sila ang cheering squad" sumang-ayon kami. "Kaibigan din nang mga basketball players ang mga ito"

"Ano yung gulo?" hindi na ako makapaghintay na malaman iyon.

"Almost two years sila nung babae. Nagkaroon sila nang away hindi sila nag-usap nang ilang araw. Then Trison started cheating on her, nakita iyon ni Vaughn. May kasama si Trison na babae saka sila naghalikan"

"Nagalit si Vaughn nun. Kaya sinugod niya sina Trison at ang babaeng kasama nito" dagdag niya

"Bakit siya nagalit?" Iza asked

"Kasi kaibigan nila ang babae, saka hindi gusto ni Vaughn na pinapaiyak ang mga babae"

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Vaughn. "Nabanggit niya sa akin yun. Dahil raw sa childhood bestfriend niya na crush niya"

Tumahimik silang dalawa. Pero napawi rin iyon.

"So Vaughn told her the truth. When she finally confronted Trison. Sinabi niya sa babae na "Don't listen to him, he's just jealous. Just played matchmaker to get closer to you."

Umawang ang bibig ni Iza. "May gusto ba si Vaughn sa sinasabi mong babae?"

"Wala, sadyang naging kaibigan lang nila ang babae saka mabait kasi ito"

"Paano si Trison? Eh kaibigan niya din, bakit niya sinumbong agad sa babae" kasi kadalasan yung mga lalaking kaibigan ang mas magkukunsinti sa kaibigan nila.

Umiling si Alja. "Sinabi niya kay Trison na ayusin ito. Pero hindi siya nakinig dahil pinagpatuloy niya, mahal niya raw ang babae pero kailangan niya muna nang space"

Nanlaki ang mata ko. "Puta? Kapag ba may hindi pagkakaintindihan kailangang ibaling muna sa iba ang atensyon mo? Naiintindihan ko yung space na sinasabi niya pero hindi naman tama yung nangaliwa siya."inis kong sabi.

"Yun nga ang ikinigalit ni Vaughn. Sabi niya mga wala raw siyang kaibigang manloloko" mahinahon na sagot ni Alja.

"The worst part? She believed him. Tapos sina Caleb at Gab ang naging kakampi ni Vaughn, the rest of the team si Trison ang kinampihan"nalulungkot niyang sabi.

Ako ang nasaktan para kay Vaughn, siya na nga ang nagsabi nang totoo pero siya pa ang nagmukhang masama.

"Buti pinaniwalaan nang babae si Trison? Tanga lang te?" panghuhusga ni Iza.

"Dahil mahal niya. Yun raw ang rason" kibit-balikat niyang sambit.

"Marami talagang nagiging tanga sa pag-ibig no? Pero kawawa siya. Break na ba sila ngayon?" kasi kung hindi pa, ang sakit siguro na yung taong minamahal mo nagsisinungaling na pala sa'yo.

Alja sighed. "Wala na sila. Nalaman din nang babae ang totoo dahil siya mismo ang nakahuli kay Trison"

Bigla namang may kumatok. Iniluwa nang pinto sina Mama at Ate Mina dala-dala ang cake.

"Meryenda time!" masigla si Mama nang lapitan kami. "Seryoso ata ang usapan ninyo?"

"Hala! Sobrang sarap pa rin nitong cake mo tita" bumaling si Mama kay Iza. Hawak na niya pala ang isang plato at kumakain na.

Mom laughed. "Namiss mo talaga, ano?" nakangiting tumango si Iza dahil puno ang bibig.

Kumuha si Alja para tikman ito, inabutan naman ako ni Mama.

"Ma, ang sarap! Marami pa ba nito?"

"Yes, Anak. Marami kaming ginawa ni Mina"

Kinain namin ang dala ni Mama, bumalik kami sa pagkukwentuhan nang makalabas sila.

"Hindi pa rin ba okay sina Vaughn at Trison?" ngumunguyang tanong nito kay Alja.

Umiling si Alja, puno rin kasi ang bibig niya.

"Umusin niyo nga muna yan! Para makapag-usap tayo nang maayos" panenermon ko.

"Pasensya na ho, masyado kasing masarap eh"

"Kaya nga"

Lahat naman ata nasasarapan sa mga gawa ni Mama. Si Papa kaya nakatikim na ng mga luto ni Mama? Sabagay baka nainlove din siya dahil doon.

"Hindi na galit si Vaughn, kaso nga lang hindi pa humingi nang dispensa si Trison kaya hindi pa sila ayos"

"Yung babae pala na tinutukoy ko ay si Daynie yung nakasuot nang pang Archi na tumulong sa'yo Iza." pagpapatuloy niya

Sa mukha nung babae, mukha nga namang mabait. Tinulungan niya nga si Iza kahit na kasama niya yung mga yon.

"Bakit kasama niya ang Payaso Fam?"

"Hindi ko rin alam. Pero ang sabi nila, si Daynie raw ang kapatid ni Eunice"

"Weh? Sobrang layo nang ugali" hindi makapaniwalang sabi ni Iza.

Binatukan siya ni Alja "Sabi nga lang nila! Hindi pa sure"

Nang matapos kaming kumain, bumaba na kami para iligpit ito. Sabi kasi ni Mama ibaba kaagad para hindi langgamin itong kwarto ko.

Bumungad sa amin ang isang may edad na babae, pero maganda ito. Kasing-edad siguro ni Mama.

"Anak"tawag sa akin ni Mama, sinensyasan niya pa akong lumapit sa kanila.

"She's Merlinda Borromeo, my bestfriend" nakangiting sabi ni Mama. Kaya pala pamilyar! Kamukha niya si Vaughn, parang boy version niya si Vaughn.

"Eto na ba si Loureene?" she happily asked my Mom. Tinanguan siya ni Mama.

"It's nice to see you again! You're so gorgeous" she cheerfully hugged me. Well, I hug her back.

Again?

"Ah, Anak. Bata ka pa kasi noon nang huli ka niyang makita, mga walong taong gulang" paglilinaw ni Mama. Kaya naman pala.

"I'm glad that my son is courting you!" Tita Merlinda giggled.

"Anak, saan pala ang punta ninyo?"nilingon niya sina Iza sa kusina na kumakain nanaman nang cake.

"Ibinaba lang po namin ang mga plato"

"Diyan lang kayo ha? Mag-uusap muna kami nang Tita Linda mo"

Tumango ako kay Mama. Binigyan ko namang malapad na ngiti si Tita Linda at ganoon din siya sa akin.

"Lou, gusto nga sana kitang imbitahan sa darating na kaarawan ni JV ngayong Sabado" nagkwentuhan na ang mga kaibigan kaya umalis na ako doon.

Naisipan kong itext si Vaughn. Himala wala siyang text sa akin ngayon? Baka natutulog.

Me:
Nandito ang pinakamamahal mong babae.

Lumapit ako sa gawi nina Alja.

"Sino raw iyon?" tanong nang chismosa kong bff.

"Mommy ni Vaughn. Bestfriend ni Mama"

"Wow naman! Ang tibay nila, mabuti hindi nawala yung friendship nila" manghang-mangha si Iza.

"Oo nga eh. Eight years old lang raw ako nang magkita kami, baka yun din ang last nilang pagkikita ni Mama"

Hindi ko sila narinig na nagsalita dahil tumunog ang phone ko.

From: Mr. Suplado
Malamang nandiyan ka.

Pinalitan ko ang contact name niya, mas gusto ko ang Mr. Suplado.

Natawa ako sa reply niya. Oo nga naman nandito ako.

"Sino yan? Bakit ka tumatawa?" mapanuksong tanong nila.

"Si Vaughn lang"

Me:
Baliw! HAHA. Nandito si Tita Linda. Nagkukwentuhan sila ni Mama

From: Mr. Suplado
Really? Akala ko nasa work siya. Can I come there?

Me:
Bakit pala hindi ka nagtext? Tanong ko lang hehe.

From: Mr. Suplado
Sorry, honey. Nakatulog kasi ako kanina. Ang ganda nga nang gising ko e, kasi ikaw ang bumungad sa akin ;)

Ang harot nung wink Emoji ha!

From: Mr. Suplado
Gusto kong pumunta diyan. Miss na kita eh :(

Me:
Bukas na, susunduin mo naman ako 'diba? Calm yourself, magkikita naman tayo bukas.

From: Mr. Suplado
Okay, sabi mo eh. Anong ginagawa mo?

Me:
Nagkwentuhan kami nina Iza at Alja then kumain nang cake na ginawa ni Mama.

From: Mr. Suplado
I'm jealous. Gusto ko din tikman.

"Kilig na kilig? Wala namang label!" pagpaparinig ni Iza.

Inirapan ko siya. Ikinatuwa naman ni Alja.

"Kayo ba may label?" ganti ko sakanya.

"Huwag na kayong magtalo, pareho lang kayong walang label!" pinagtawanan niya kami.

Nagkatinginan kami ni Iza. "Ikaw nga walang jowa" sabay naming sabi.

Ngumuso si Alja.

Ilang minuto lang ay umalis na si Tita Linda.

"It's my pleasure to meet you again, baby" hinalikan ni Tita ang noo ko. Nagulat ako sa ginawa niya at the same time natuwa rin ako.

Para bang dati ko pa siya nakakasama, ang gaan sa pakiramdam.

"Bye po, Tita Linda. See you again"

Kumaway siya sa amin ni Mama. Hindi na siya nakipagkilala kina Iza dahil mukhang nagmamadali ito, baka working hours pa nila.

Ilang sandali rin nun ay umuwi na sina Iza at Alja sa kanya-kanyang bahay.

"Ma, mukhang masaya kayo ah?" magkasama kami ni Mama ngayon dito sa kwarto ko.

"Siyempre, Anak. Matagal kaming hindi nagkita simula noong umuwi sila dito. Kaya ganoon ko nalang siya kamiss"

"Reunited?" I laughed.

"Yes. Matulog kana, dito muna ako sa tabi mo. Goodnight anak" hinalikan ako sa pisngi ni Mama.

Seeing your mother's smile, is the most beautiful view in the world.

Thank you, Lord! I'm happy everytime my Mom is happy.

*******************************************

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

20.7K 1.2K 43
HUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
333K 5.2K 23
Dice and Madisson
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.