KABANATA 25

295 44 13
                                    

- Headache -

Marami na ang tao nang makarating kami, mabuti nalang kilala si Vaughn dito at magpa-reserve na pala siya kanina before class.

"Buti naisipan mong magpa-reserve?" tinanong ko iyon nang makaupo na kami, this time siya ang katabi ko sa bandang kaliwa. Sa kanan ko si Iza katabi rin niya si Caleb. Nasa harapan naming apat ang dalawang hindi mag-jowa.

"Siyempre, ayaw naman kitang pahirapan" patago niyang inilalapit ang kamay niya sa kamay ko.

Sinamaan ko siya nang tingin. Tumawa siya, ininguso niya sina Caleb.

Ang sweet nga nila. Siyempre ayaw kong gumaya alam kong gustong gawin ni Vaughn iyon.

"Hoy, may naisip na ako! Kaya huwag kayong magharutan diyan" suway ko. Bahagyang tumawa si Vaughn sa gilid.

"Epal mo, Loureene" tumawatawang sabi ni Alja.

Si Iza naman ngumuso dahil sa ginawa ko. "Ano ba yung gagawin ko?"

"Bibili kang frappe, tapos may mga papel at books ako dito" inilabas ko ang mga ito. Yung mga papel hindi kona ginagamit. Pero yung books mga stories lang.

"Tapos?" she asked. Nakikinig silang lima sa akin.

"Madudulas ka or mahuhulog mo yung frappe. Tapos pati yung dala mong gamit mahuhulog. Titignan natin kung sino ang tatayo sa mga upuan nila para tulungan ka" pagpapaliwanag ko..

"Paano kapag wala? Pwede bang ako nalang?" Caleb asked. As if!

"Of course!" ngingitian ako agad ni Caleb. "Not" dagdag ko.

Napawi ang ngiti niya. "Bakit hindi?"

"Malamang! Kaklase ka namin eh, iisipin nilang scripted yun!"

Matamlay siyang tumingin kay Iza. Para bang ayaw niyang mapahiya ito.

"Don't worry Caleb, I'm pretty sure na may tutulong diyan! Ang daming boys oh" inilibot namin ang paningin namin, tama nga si Alja maraming lalaki.

Sinamaan niya nang tingin si Alja. "What do you mean? Na tutulong sa kanya is lalaki?" nagagalit niyang tanong.

"Selos agad? Experiment lang naman eh! For sure lalaki ang tutulong sa kanya." sabat ko.

"Bakit lalaki ba ang tumulong sainyo?" Gab curiously asked us

Tumango si Alja. "Yung sa akin si Kentver, tapos yung kay Lori si.." habang sumasagot siya, napalingon sa gawi ni Vaughn. Hinihintay ni Caleb, Vaughn at Gab ang kasunod.

"Lalaki rin ang tumulong sa iyo?" tila nagseselos niyang tanong. Bakit ba napakaseloso nang mga lalaking ito.

"Gawin na natin yung kay Iza, ako ulit ang kukuha" iniba ni Alja ang usapan.

Ngunit hindi pa rin naalis ang tingin sa akin ni Vaughn. "Sino yung tumulong sa iyo?" tanong niyang muli.

"Ah, kilala mo ata eh! Kasi kakilala siya ni Alja tapos lumipat siya nang room" PATAY! Bakit ba kasi ang daldal nito. Hindi ko na sana gustong banggitin dahil nagseselos na siya.

"Sabi pa nga niya kaya siya lumipat para umiwas sa gulo?" dagdag pa ni gaga.

Sumama ang mukha ni Vaughn. Wala namang mali na tinulungan ako nang isang lalaki, pasalamat nga kami dahil sa kanya agad natapos ang part ko eh.

"Alexine, si Trison ba?" tanong ni Gab.

Kumunot ang noo ko. "Kilala ninyo? Ay sabagay kaklase n'yo pala noon"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now