PROLOGUE

985 106 40
                                    

"Maaa!" napasigaw nalang ako nang makita si Mama na nakaupo sa sahig ng kusina at nahihirapang huminga.

"Ma, eto na po" nilagay ko sa kanya ang nebulizer dahil inatake nanaman sya ng hika nya. Minsan nga naisip ko parang di lang hika ung sakit nya eh pero hindi naman ako sinasagot sa tuwing nagtatanong ako.

"Salamat Faustina, anak." sabi ni mama habang nakaupo.

"Ma, bakit hindi ka na po magpacheck-up?" kita ko naman ang pagkagulat nya. "Baka iba na po 'yan Ma eh. Paano kung wala ako, anong mangyayari?" saad ko na naluluha na.

Si Mama lang ang kasama ko sa buong buhay ko. Siya din ang naging tatay ko dahil sabi nya walang kwenta ang aking Ama, hindi ko rin alam kung anong nangyari pero siguro nasa tamang edad na ako para magtanong.

"Uh, Ma. Si papa po ba buhay pa?"

Nabigla ako nang tumayo si Mama.

"Anak, kumain kanaba?" pagiiba nya ng usapan.

"Ma, sagutin mo muna ako please" para akong bata na naghahanap ng sagot tungkol sa Ama ko.

"Anak, kasi..." naluha na si Mama. "Masakit ung mga nangya-" hindi na nya natuloy dahil bumuhos ng bumuhos ang luha nya.

"Ma, ayos ka lang ba?" at niyakap ko sya.

"Anak... ang Papa mo kase ay kaibigan ko noon, pero mahal namin ang isa't isa. Nalaman ng lolo't lola mo yun at inilayo ako sakanya dahil para yumaman kame ay gusto nila akong magpakasal kay Ben ung tatay ni kuya Herron mo." malungkot na sinabi ni Mama.

Alam kong hindi ako anak nung Ben na sinasabi ni Mama dahil sa isang pamilya niya 'yon at bunga nila Mama at Ben ay si kuya Herron. Iba ang trato sakin ni Kuya Herron napakabait nito at tinanggap nya akong buong puso bilang nakababatang kapatid, pero ang Papa niya na si Ben ay hindi ako tanggap kaya napagpasyahan naming umalis sa bahay at napunta kami ni Mama dito.

Hindi na naituloy ni Mama ang kwento nya tungkol sa tatay ko dahil masyado na syang emosyonal at hindi ko na muna sya kukulitin basta ang alam ko ay ang tatay ko ang TOTOONG mahal ni Mama.

Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko si Papa.

Hahanapin ko siya, PARA KAY MAMA
.
*****************************************

AUTHOR'S NOTE: Paano kaya mahahanap ni Lori ang tatay niya?

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu