KABANATA 52

147 18 1
                                    

New Year's Eve

Salubungin namin ang bagong taon. Sana nga bagong buhay na, wala nang sakit, lungkot.

Be so busy loving your life that you have no time for hate, regret or fear. And specially, forgive them.

I know that I'm too soft for him but one thing I've learned was love the sinner and hate the sin.

"Happy New Year!" sabay-sabay naming sigaw. Ang ganda nang pagkakakilanlan nang mga fireworks sa itaas.

Naalala ko ang una naming date sa parke.

Happy New Year, Honey and Happy Fourth Monthsary.

Jason Vaughn's POV

"Anak, totoo bang may nangyari sa inyo?" dismayadong tanong sa akin ni Mommy.

Kauuwi lang ni Lori, pinuntahan niya kasi ako kanina dahil nalaman niyang nagkasakit ako dahil masyadong matapang ang mga inumin kagabi.

"What? What are you talking about,Mom?" nagtaka ako dahil bakit nandito si Eunice ngayon.

"Alam kong lasing po siya, pero kagustuhan ko naman po kaya huwag kayong magalit sa kanya" hinawakan pa niya ang braso ni Mommy.

Ano bang sinasabi nila? Anong kagustuhan niya?

"Ito, Anak!" pinakita niya ang isang litrato, at laking gulat ko nang makita kong nandoon ako! Ang malala pa ay wala kaming saplot..

"W-What is this?" nanginginig kong sabi, nabitawan ko ang phone na iyon kung saan nakapaloob ang litrato.

"Ito na nga, baka nabuntis mo siya kaya kailngan ninyong magpakasal" mas nagulat ako sa sinabi ni Dad.

"HELL NO!" iisipin ko palang na nabuntis ko siya nandidiri na ako.

Lori....

Wala akong ibang naisip kundi si Lori, ang babaeng pinakamamahal ko.

"Anak, we understand pero kailangan mo itong panagutan" umiiyak na sabi ni Mommy.

Nang bumalik na ako sa wisyo ko. "Huwag ninyo ipagkakalat iyan" saka na ako umalis doon.

Ang tanga ko! Bakit ba kasi ako nagpalasing? Bakit pa? Kung kailan nahanap ko na si Ina mawawala nanaman dahil sa katangahan ko!

"AHHH!" tinapon ko ang bawat makita ko dito sa kwarto ko.

Tumigil lang ako nang makitang nagtext siya.

From: Honey
Honey, pagaling ka ah? Malapit na ang kasal nina Mama at Papa, I'm so excited.

Bigla akong na-guilty dahil doon. Wala siyang kaalam-alam na sinasaktan ko siya. Kahit hindi ko sinasadya alam kong sobrang masasaktan siya kapag nalaman niya ito.

Me:
I love you so much!

I love you more than I love myself. Pero wala eh, ang tanga ko! Sinayang kita.

From: Honey
Aww, I love you moreeeeee and moreeeee

At tuluyan nang bumagsak ang luha ko. She's my everything, kung mawawala siya sa akin ano na lang ako?

Narinig kong kumatok si Mommy kaya hinayaan ko nalang siyang pumasok.

"Oh my gosh!" nagulat siya nang makitang dumudugo ang kamay ko, sanhi iyon nang pagbato ko sa table lamp.

"Ma, anong gagawin ko?" umiyak ako sa harapan nito.

Siya lang ang makakaintindi sa akin.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now