Against Our Will

By mistymatic

53.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 11: Cheating

980 77 13
By mistymatic

Wala ako sa mood nang magising ako, kaya kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong nakasimangot ako. Bukod sa napuyat ako dahil sa pagrereview ng mga lectures ko dahil exam na namin ngayon, kagabi pa talaga ako bad trip. Dumagdag pa 'yung hirap akong intindihin ang lectures ni Kylo. May mga words na ang hirap intindihin. Medyo maliit kasi ang sulat niya at may mga part pa na may mga spaces o 'di natuloy na mga sentences. Siguradong nahuli siya sa dictation.

Pansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Ate Christy habang nag-aalmusal kami. Alam niya kung anong problema ko. Ganito naman ako palagi sa tuwing bumabalik ang sa isip ko ang nangyari kay Papa. Pero hanggang kailan nga ba ako magiging ganito? Minsan, nakakasawa na rin magalit sa mundo. Pero mas nakakasawa marinig ang salitang "hayaan mo na sila" mula kay Ate. Hindi madali eh. Mahirap hayaan ang isang bagay na paulit-ulit na nagdudulot ng kalungkutan at galit sa 'yo sa tuwing naaalala mo.

Nang makapag-ayos na kami ni Kuya Neico, sabay kaming nagpaalam kay Tito Alvin. Tuloy-tuloy na sana akong lalabas ng gate nang makita ko si Kuya Neico na tinungo ang motor niya, a cool model of motorbike. Pinasulong niya iyon at saka lumabas ng gate.

"Paki-sara na lang ang gate," masuyong pakiusap niya.

Sinunod ko naman siya. Sinara ko ang gate. Nang matapos ako, lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako sasakay. Medyo mataas pa naman iyon.

"Patagilid ka sumakay," aniya.

Nagdalawang isip pa ako sa sinabi niya bago ko sinunod. Sumakay ako patagilid. Ang kaso, hindi ako komportable, parang mahuhulog ako at hindi ko alam kung saan ako hahawak.

"Humawak ka sa akin," sabi niya.

Parang nakakahiyang humawak sa kanya. Pero dahil 'yon ang gusto niya at iyon lang ang alam kong paraan para hindi mahulog, humawak ako sa balikat niya. Ayaw kong umakap sa kanya. Baka akalain pa ng mga estudyante sa Mt. Maybel may something sa amin. As if naman na mukhang pumapatol si Kuya Neico sa bata, bara ng isip ko. Sabagay, wala pa nga ako sa kalingkingan ni Ma'am Erich. Anyway, bakit ba iniisip ko 'yon? 'Di hamak na mas trip ko si Ma'am Erich kaysa kay Kuya Neico.

Nang makarating kami sa eskwelahan, halos napapatingin ang mga estudyante sa amin. Marahil dahil ito ang unang pagkakataon na may kasamang estudyante si Kuya Neico.

Mabilis na nagpaalam din ako kay Kuya Neico at dumiretso sa room namin. Naabutan ko si Kylo na naglalaro ng mobile game. Sa lahat ata ng magte-take ng exam, siya ang palaro-laro lang ng mobile game. Iba talaga 'pag matalino. Umupo ako sa tabi niya.

"Wala ka bang balak magreview? Walang pumasok sa utak ko dahil sa sobrang gulo ng lectures mo," reklamo ko sa kanya. Sumakit ang ulo ko dahil doon.

"Anong magagawa ko, ganoon ang sulat ko?" aniya habang tutok pa rin sa nilalaro niya.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan ko. "Feeling ko mangangamote ako mamaya."

"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa 'yo?" aniya. Napangisi naman ako. I trust Kylo when it comes to this. Mabuti na lang talaga matalino siya. Babawi na lang ako sa susunod.

Tumunog ang bell. Ilang minuto lang ay nagsipasok na ang mga kaklase ko sa room dahil dumating na ang teacher namin. Pero napaawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang teacher na pumasok sa room namin. Si Kuya Neico. Nagsitayuan kami.

"Let's bow our heads and let us pray," aniya, kaya nagsiyuko ang lahat. Sinimulan niya ang panalangin niya. Nakakapanibago na hindi iyon "Our Father" kundi sariling panalangin niya. Halatadong may future siya sa pagiging pastor. ". . . In Jesus name, everybody says. . . Amen," pagtatapos niya sa panalangin. "Good morning, class," bati niya sa amin nang bahagyang nakangiti.

"Good morning, sir!"

"You may sit down now."

Nagsi-upo naman kami.

"Mr. Lopez requested me to be his sub-teacher for today due to receiving an emergency call from his wife a while ago. His wife is going to deliver their first baby," paliwanag niya.

"Oh," sabay-sabay na react ng mga kaklase ko.

"Therefore, I'll be your watcher as you take your prelim examination in this subject..." Tiningnan niya ang test papers na hawak niya. "Business Ethics," pagpapatuloy niya. Muli siyang tumingin sa amin. "And I am Neil Cole Narvaes, a teacher of Philosophy and Accounting . . ." sinimulan niyang magpakilala. Hindi ko alam na Neil Cole pala ang real name niya, kaya pala Neico ang tawag sa kanya.

Napansin ko ang pagiging active ng mga babae kong kaklase. Marahil ang iba sa kanila ay nagkakaroon na ng crush sa kanya. Napatingin ako kay Wendy, at napansin ko na tila may paghanga rin siya kay Kuya Neico. Napailing na lang ako. Sana all.

Ilang sandali lang ay dinistribute na ni Kuya Neico ang test papers. Kita ko ang pagtitig niya sa akin nang makita niya ako. Hindi ako nagreact. Nang bumalik siya sa teacher's desk, nilibot niya ang tingin amin para siguraduin kung okay na ang lahat.

"Write a number on the top of your paper," sabi niya, na ikinatagil ng lahat. "Magsisimula sa 'yo ang bilang." Tinuro niya ang classmate namin sa unahan na nasa pinakadulo. "Write number one," aniya. "Write number two," sabi naman niya sa katabi nito. "And so on."

"Anong number mo?" tanong ko kay Kylo. Siya kasi ang mas una sa akin sa bilang.

"26 ako. 27 ka niyan," aniya. Sinulat ko naman 'yon sa test paper ko.

"No cheating," sabi ni Kuya Neico. "According to Mr. Lopez he doesn't like cheating and he wants me to make sure that none of you is going to cheat. He told me that I could apply my own rule here, because I am the one who will check your papers. And my rule is when I catch one of you cheating, I will write your number here . . ." tinaas niya ang blangkong papel na hawak niya. "At automatically minus five ka sa test paper mo."

Napuno ng bulungan ang room dahil doon. Napakagat ako sa labi ko at napatitig sa number ko na "27". Hindi ako makapaniwala na ganito ang paraan niya ng pagbabantay sa exam. Nang mag-angat ako ng tingin at binalik ang tingin sa kanya, mas lalo akong nagulat nang makita kong magsuot siya ng shades na hindi mo makikita ang mga mata niya dahil sa itim ng tint niyon. Paniguradong marami sa mga kaklase ko ang mag-aalinlangan na mangopya dahil hindi namin alam kung saan siya nakatingin. Sh*t! No doubt. He's a teacher of Philosophy. He's genius. Alam niya kung paano kami pabaitin during ng exam.

"Paano na tayo?" pasimpleng bulong ko kay Kylo.

"Walang tayo," bulong niya pabalik.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Tumawa siya nang mahina. "Don't talk to me. Ayaw ko kong ma-minus five. I'm not even sure kung kaya kong ipasa ito."

Kaasar naman!

Sa kalahating oras ng exam namin, pasulyap-sulyap ako kay Kuya Neico na hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin dahil sa shades niya. Halos Identification ang test kaya talagang nangamote ako. Isang Linggo ba naman akong absent tapos biglang mag-eexam? Nakakadepress!

Alam ko na maging ang mga kaklase ko ay nakamasid kay Kuya Neico. At sa tuwing sumusulat si Kuya Neico sa papel niya, alam kong may nahuhuli siya na nandaraya. Mahilig pa naman sa kodiko at pagkopya ang mga kaklase ko. Expert sila, pero siguradong hindi sila uubra kay Kuya Neico.

Siguro naman dahil magkasama kami sa bahay ni Kuya Neico, hindi naman niya babawasan ang score ko. Hindi ako papayag na wala akong masagot sa exam na 'to! I need to do something!

Hindi ko na natiis kaya bumaling ako ng tingin kay Kylo. Nakita na medyo madami na ang sagot niya. "Show me your answers," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi niya ako nililingon dahil siguradong takot siya na ma-minus five ang score niya, pero nilapit niya nang kaunti ang test paper niya sa akin para makita ko ang mga sagot niya. Kinopya ko ang lahat ng 'yon. Hindi ko na inalala pa si Kuya Neico.

Sana nga lang hindi niya ako isumbong kay Ate Christy. Pero paano kung isumbong niya ako?

Bahala siya!

***

Hinintay ko si Kuya Neico sa parking lot kung saan nakapark ang motorbike niya nang matapos na ang examination namin sa lahat ng subject. Dito na ang meeting place namin ngayon. Ilang sandali lang ay dumating din siya. Ngunit wala siyang reaksyon nang makita niya ako at wala ring kibo. Hanggang sa makasakay kami at tinahak ang daan pauwi.

Galit ba siya?

Siguro. Siguradong nakita niya ako kanina na nangongopya kay Kylo. Pero wala naman siyang pakialam doon. Diskarte ko 'yon eh. Isa pa, ako naman ang nagkasala. Hindi naman siya.

Nang makauwi kami, naabutan namin si Ate Christy na nagluluto ng ulam para sa hapunan namin. Wala si Tito Alvin dahil siguradong pumasok ito sa trabaho. Isang architect si Tito Alvin.

"Kumusta ang exam mo?" tanong ni Ate Christy nang maupo ako sa isang upuan at pinanood siya na nagluluto.

"Okay lang," wala lang na sabi ko.

"Hindi ka ba nangodiko?" biro niya sa akin.

"Hindi, 'no!" Nangopya lang.

Nakita kong napadaan si Kuya Neico. Dahil pumunta ito sa CR.

"Very good. Huwag kang mandaraya. Nakakahiya sa mga classmates mo. Baka hindi sila sumama sa 'yo sa campus ministry natin."

Napasimangot ako. Ayan na naman siya sa pangangaral sa akin. Alam naman ng mga classmate ko na hindi ako mabait kaya bakit kailangan kong magpakabait?

"Paano kung nangopya ako?" biglang tanong ko.

Napalingon siya sa akin at napailing. "Nangopya ka?" tanong niya para siguraduhin.

"Oo. Ano naman? Absent kaya ako nang one week. Malamang wala akong alam," wala lang na sabi ko.

Hindi siya kumibo pero nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya. Saktong lumabas naman ng CR si Kuya Neico at nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi siya kumibo, ngunit katulad ni Ate Christy, tila may lungkot sa mga mata niya.

Anong problema nila?

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 865 88
✨ Part of WattpadFilipino's "quick reads to satisfy your cravings" reading list - Michelle Zanea Cortez is a first year college student, studying Mar...
6.2M 127K 85
Top one, perfectionist, ballerina, impulsive, at amazona. Yan si Alzeah Marie Constantino! Naniniwala siyang siya ay maganda, magaling, matalino, per...
2.5M 87.4K 39
(U Series #1) Para kay Chino Alejandro, the best thing about life is its simplicity. Panatag ang loob niyang nakakakain ang pamilya nila tatlong be...
48.4K 2.4K 39
{ Constantine Series: Book III } Is it worth the fall? - Genieva Lessandra is a young artist who aspires to be known worldwide so she could showcase...