2025: The Second Half

Por scitusnim

258K 19.3K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... Más

-
2025: The Second Half
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
10 - Deepest
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

1 - First of July

13.3K 631 599
Por scitusnim

Book 2 po ito. Please, read 2025 muna. Thanks! 💚 -scitusnim



-----



1 - First of July



"Kevin, it's your turn."



Halos mapatalon si Kevin noong bumungad sa kanya ang matandang doktor pagkalabas niya ng pinto. Nagpabalik-balik ang tingin niya dito at sa silid na ipinagbabawal nitong puntahan.



"D-Doc..." Inaasahan na ng binata na papagalitan siyang muli ng matanda. Susubukan niya sanang mangatwiran pero ipinagtaka niya ang paghugot nito ng malalim na hininga.



"Araw-araw kitang sinasabihan na 'wag pumasok sa kwartong 'yan. Araw-araw ka ding sumusuway," kalmadong sabi ni Dr. Vergara. Tila sawa na sa paulit-ulit na pagpapaalala sa binata na delikado ang ginagawa nito.



"She might wake up," puno ng pag-asang sabi ni Kevin habang diretsong nakatingin sa mga mata ng doktor.



"We both know that the chances are low," malungkot na sabi ng doktor. Dudugtungan pa sana niya ang sasabihin pero naisip niyang alam na iyon ni Kevin dahil ilang beses niya na rin itong pinaalalahanan.



"Still." Hindi nagpatinag ang binata. "She might wake up."



Muling bumuntong hininga si Dr. Vergara at iniabot na lamang ang dalang cellphone kay Kevin. Tinapik niya ang balikat nito bago tuluyang umalis.



Hindi na nagtanong pa si Kevin dahil alam niya na ang gagawin. Linggo-linggo ay ini-rerecord nila ang mga sarili habang ikinukwento ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa pag-asang may dadating na tulong mula sa ibang bansa kapag napanood iyon.



Imbes na humanap ng ibang lugar na tahimik, muling pumasok ang binata sa silid na kanyang pinanggalingan. Sandali niyang nilingon ang kama at ang mga aparato bago pumwesto sa swivel chair sa harap ng isang table. Nasilaw pa siya ng liwanag na nagmumula sa katapat na bintana kaya isinara niya ang mga kurtina. Bago iyon tuluyang lumapat ay natanaw niya ang iilang mga tao na namumuhay ng normal sa labas. Tila kaysaya tignan ng mga ito mula sa ikatlong palapag ng gusaling kinaroroonan niya pero hindi nagawang ngumiti ng binata.



Binuksan ni Kevin ang camera roll upang panoorin muna ang mga recordings ng iba para sa araw na iyon. Dalawang video ang naroon at una niyang pinindot iyong nakikita ang matandang doktor sa thumbnail.



Nilagpasan na ng binata ang mga introduction at pagpapaliwanag ng doktor sa kanilang experiment dahil alam niya na ang tungkol doon. Itinigil niya ang pagpa-fast forward sa video noong mapansing hindi na nagsasalita si Dr. Vergara.



Kunot ang noong naghintay si Kevin na muling humarap sa camera ang nakayukong doktor. Napahinga siya ng malalim noong makita ang pagod sa mga mata nito.



"It's almost two months and we're still getting nothing. I don't know where we went wrong. Five patients..." Bakas ang frustration kay Dr. Vergara noong inihilamos ang dalawang palad sa sariling mukha. Nang maibaba ang mga kamay ay ilang segundo pa siyang nanatiling nakapikit bago muling nagsalita. "Five patients and only one has returned to normal... after almost two months... and she's not even showing any signs of waking up."



Muling napalingon si Kevin sa kama na nasa kanyang likuran. Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin ng maramdamang nag-init ang sarili niyang mga mata.



"We need help. We really need help." Muling nagsalita ang matandang doktor sa video. "Again, it is not magic. It is a virus and it can be cured. But an old scientist and a student can't do this alone. Please, help our country."



Pipindutin na sana ni Kevin ang return button ng magsalita pa ulit ang doktor.



"If it's really that impossible, please... just pray. Pray for us."



Nag-end na ang video ay hindi pa rin napipindot ng binata ang return button. Masyado siyang naapektuhan ng huling sinabi ni Dr. Vergara. Tila isinampal sa kanya kung gaano ka-hopeless ang kanilang sitwasyon. Tila isang pitik na lamang ay mawawalan na siya ng pag-asa.



Umiling-iling si Kevin para alisin ang lahat ng negatibong bagay sa kanyang isip. Ayaw niyang sumuko. Ayaw niyang tumigil. May gusto siyang protektahan. May gusto siyang iligtas at nangako siya sa sariling gagawin ang lahat para maisakatuparan iyon.



Bubuksan na sana ng binata ang pangalawang video ng mapansing may isa pang bagong file. Pinindot niya ang video na dated June 28 at makikita sa thumbnail ang receiving area ng isa sa mga bagong bahay na kanilang tinutuluyan. Medyo magulo ang recording sa umpisa hanggang sa tumutok iyon sa mukha ni Henry.



Bahagyang nagulat si Kevin dahil ito ang unang beses na gumawa ng video ang padre de pamilya ng mga Ignacio. Pansin niya ang pagiging balisa nito. Halos hindi sila nagkikita kaya napaawang ang kanyang bibig ng mapagtantong namayat ito. Halata din na wala itong tulog dahil papikit-pikit ang namumugto nitong mga mata.



"I am Henry Ignacio." Bahagyang ngumiti si Henry pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "I... I lost two daughters."



Napatingala ang binata. Inaasahan niya ng sasabihin iyon ni Henry pero tila may sumaksak pa rin sa kanyang dibdib ng marinig iyon. Para bang naramdaman niya ang sakit ng isang ama na nawalan ng dalawang anak.



"I don't know how to continue living but I have to. I still have a son and he needs a father. And I want to be there for him until he grows up so please... I'm begging whoever's out there and listening. Please, help us."



Kinagat ni Kevin ang sariling labi habang kumu-kurap kurap. Nanatili siyang nakatingala hanggang sa mag-salita ulit si Henry.



"We still have kids with us. They still have a lot of things they want to do. They haven't even graduated yet. Kenzo, Mariz, Rina, Gian, Jet, Kevin, and Lucas... even Pia. They are yet to live their lives to the fullest. Give them that opportunity, please."



Lalong nag-init ang mga mata ni Kevin dahil sa tono ng pananalita ni Henry. Kulang na lamang ay sabihin nitong iligtas na lamang silang mga bata, kahit huwag na ang mga matatanda.



"My son Liam... Mazon, Sarah, Yohan, and Harry - they are literally just kids. They don't even understand what's happening. If this is a punishment, they have nothing to do with why we're experiencing this. They are just kids."



Mabilis na pinunasan ng binata ang isang takas na luha. Hindi pa rin siya tumitingin sa screen.



"We even have a baby here with us. Please. Let that baby have a future. She's too pure for this cruel world. At least, let her experience growing up. I'm begging you--"



Hindi na kinaya ni Kevin kaya pinindot niya ang mismong power button ng cellphone. Naisubsob niya ang sariling mukha sa kanyang mga palad at matagal-tagal ding nanatili sa ganoong posisyon.



Nang mapakalma ang sarili ay muling binuksan ng binata ang cellphone. Magrerecord na sana siya ng maalalang may isa pang video na hindi niya napapanood. Muli niyang binalikan ang camera roll.



Pinindot ni Kevin ang video na tanging itim lamang ang thumbnail. Buong akala niya ay magulo lamang ang ayos ng camera sa simula ng recording ngunit sampung segundo na ang lumilipas ay wala pa rin siyang nakikita. Papatayin na sana niya ang video ng biglang may nagsalita mula roon.



"Yuan..."



Napaawang ang bibig ni Kevin ng marinig ang boses ni Lucas.



"Yuan, it's me."



Tumigil sa pagsasalita si Lucas at walang ibang naririnig si Kevin mula sa cellphone. Kahit ang tunog ng mga aparato sa silid ay halos hindi niya mapansin. Tila nahahabag siya dahil sa boses ng binata. Parang wala ito sa sariling kumakausap ng taong hindi naman nito nakikita.



"Yuan..." Kahit recorded lamang ay halatang-halata ang pagkabasag ng boses ni Lucas. "Yuan, it's me."



Ilang beses pang nagpaulit-ulit ang sinasabi ni Lucas ngunit hindi pinatay ni Kevin ang video. Hindi niya magawang mainis. Tanging awa ang nararamdaman niya para sa binata lalo pa at halata sa boses nito na pinipilit lamang maging matatag.



"Yuan..." muling tawag ni Lucas sa pangalan ng dalaga at nasundan na iyon ng mahinang hikbi. "Why am I here? Why are you not here?"



Naikuyom ni Kevin ang kanyang kamao at ilang beses na napalunok habang nilalabanan ang mga nagbabadyang luha. Patuloy siyang nakinig sa recorded video na tanging itim pa rin ang ipinapakita sa screen.



"Yuan, why am I still here?"



Rinig na rinig ni Kevin ang pagsinghap ni Lucas. Naiimagine niyang nahihirapan itong huminga dahil sa pag-iyak habang pilit na nagpapatuloy sa pagsasalita.



"Yuan..."



Lumipas ang sampung segundo na wala ng ibang narinig si Kevin pero hinayaan niyang patuloy na umandar ang video. May kung ano sa kanyang kalooban na nagsasabing hayaang marinig ng buong silid kung may sasabihin pa si Lucas.



Sampung segundo pa ang muling lumipas bago narinig ang paghugot ni Lucas ng isang napakalalim na hininga.



"Yuan, can you hear me?"



"She always hears you," wala sa sariling naibulong ni Kevin. Malungkot siyang napangiti.



"Come back."



Kahit pa nagpe-play lamang ng video recording at wala namang ibang nakikita sa screen kung hindi kadiliman, napaiwas ng tingin si Kevin.



"Come back to me, please. Yuan, please."



Tuluyan ng humagulgol si Lucas kaya ini-pause ni Kevin ang video. Nagulat pa siya ng makitang nangangalahati pa lamang iyon ngunit hindi niya na kayang pakinggan pa ang mga kasunod. Ini-exit niya ang camera roll at binuksan naman ang camera app. Inilipat niya ang setting sa video.



"Day 57 in Batanes. July 1, 2025," panimula ni Kevin matapos tumunog ang phone hudyat na nagsimula na ang pag-rerecord sa screen.



Sandaling tumigil ang binata upang makapag-isip ng sasabihin. Alam niyang naipaliwanag na ni Dr. Vergara sa sarili nitong video ang lahat tungkol sa eksperimentong ginagawa nila. Naibahagi na din ni Henry ang lahat ng bagong nangyari sa kanilang lahat na natitirang magkakasama.



"Day 57, first of July..." pag-uulit ni Kevin. Huminga siya ng malalim ng maramdamang nagsimulang manginig ang sariling mga kamay. "She's still not waking up."



Napayuko ang binata ng makatakas ulit ang isang luha mula sa kanyang mata. Muli siyang bumuntong hininga at pumikit na lamang. Pilit ikinubli ni Kevin ang mga hikbi na gustong kumawala. Walang ibang maririnig kung hindi ang tunog ng napakaraming makina na pumupuno sa silid.



"She fought." Muling tumunghay si Kevin ngunit agad ding napapikit ng makita ang nasa likod niya na nahahagip sa screen ng cellphone. "She fought hard so she won't be like them."



Umiwas ng tingin ang binata sa screen upang maidilat ang mga mata ng hindi nakikita ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon.



"I'm just not sure if she fought hard enough to live again."



Pipikit sana si Kevin ng may mapansing ibang gumalaw sa screen bukod sa sarili. Lumingon siya doon at kitang-kita niya kung paanong umawang ang sariling bibig at nanlaki ang sariling mga mata. Nahahagip ng video ang kama sa kanyang likuran at kitang-kita niya ang unti-unting pagbangon ng babaeng naroon.



Dahan-dahang hinarap ni Kevin ang kama. Napalunok siya habang nanginginig pa rin ang mga kamay. Hindi siya sigurado kung tao na nga bang muli ang kaharap o isa pa ring zombie.



"Lucas..."



Namamaos at nanghihina ang boses ng dalaga noong magsalita ngunit narinig iyon ni Kevin. Hindi niya na binigyan pa ng pansin ang sinabi nito. Napasinghap siya at tuluyan ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maitago ang labis na kasiyahan at mabilis siyang lumapit sa kama.



"Yuan, you're back!"

;





















Seguir leyendo

También te gustarán

3.1K 737 20
[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)
20K 1.7K 25
Book 3 of Fate of Darkness Ako si Nolymer Del Moire, isa sa mga Sources of Death at Water User mula sa House of Nacht. Noon, isa ko sa mga kalaban...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...