Against Our Will

By mistymatic

51.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 10: Church Policies

854 68 4
By mistymatic

Kasalukuyan akong nagsusulat ng mga lectures ko rito sa living room nang nakaupo sa sahig habang nakapatong sa lamesita ang mga notebooks ko. Dumating si Tito Alvin, may bitbit na tinapay na nakaplastic. Umupo siya sa single sofa at nilapag ang bitbit niya sa lamesita.

"Mag-invite ka ng mga classmates mo para campus ministry na gagawin nina Ate Christy mo at ng ibang youth sa church," aniya sa akin nang may kaunting ngiti sa labi.

"Opo," tugon ko kahit wala akong balak na mag-invite sa mga classmates ko. Tama na si Kylo.

Niluwa ng pintuan ng kwarto namin si Ate Christy, bitbit ang laptop niya. Lumapit siya kay Tito Alvin. "Tito, nabigay na po ba sa inyo ni Tita Malou ang mga copies ng policies ng church?" tanong niya.

Tumingin sa akin si Tito Alvin, "Anak, pwedeng pakikuha 'yung itim na paper bag sa kwarto. Nakapatong sa study table," utos niya sa akin.

Binitawan ko naman ang ballpen ko sa lamisita at tinungo ang kwarto nina Tito Alvin at Kuya Neico. Walang tao roon dahil nasa labas ng bahay si Kuya Neico, nililinis ang motorbike niya na kakabalik lang ng kaibigan niya matapos hiramin.

Nilibot ko ang mga mata ko sa kwarto para hanapin ang paper bag na sinasabi ni Tito Alvin. Kapansin-pansin ang isang graduation picture na nakasabit sa pader, kaya napatitig ako roon. Si Kuya Neico iyon, at graduation picture niya iyon sa kolehiyo. Lumapit ako roon upang tignan nang maayos.

Ang gwapo. Feeling ko maraming may crush sa kanya sa school. Kahit siguro noong nag-aaral pa siya siguradong maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi ko pa siya nakitang nagturo ng academics, pero base sa way ng pagpi-preach niya sa church, siguradong magaling siya. Dahil Christian siya, siguradong mabait din siya sa mga estudyante niya. Magiging teacher ko rin siya pag tumuntong na ako ng college.

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang katabi nitong certificate na nakalaminate, at nakabungad doon ang Summa Cumlaude. Nakita ko rin sa ibang parte ng pader ang halos katambak na medalya.

"Wow!" mahinang usal ko. Matalino pala talaga siya. Kaya pala kinuha siya ng Mt. Maybel University.

Ngayon ko lang nakita ang mga 'yon dahil hindi ako masyadong nakakapasok dito sa kwarto nila.

Nabigla ako nang biglang bumukas ang pintuan. Napalingon ako roon. Si Kuya Neico iyon. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang makita niya ako. Medyo basa pa ang bangs niya dahil sa pawis. Kakatapos lang siguro niya sa paglilinis ng motor niya.

"Oh, Faith, bakit nandito ka?" tanong niya sa akin nang may kaunting ngiti sa labi niya.

"M-may pinapakuha lang si Tito Alvin," sabi ko at mabilis na binaling ang tingin sa study table, at nakita ko nga ang tinutukoy ni Tito Alvin na itim na paper bag. Dinampot ko iyon at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Ate Christy na nakaupo sa sofa habang tumitipa sa laptop niya na nasa kandungan niya. Inabot ko sa kanya ang paper bag. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang ginagawa niya. Nang ilabas niya ang mga papel na nasa loob ng paper bag, nabasa ko roon ang word na "1st Offense". Nacurious ako kaya dinampot ko 'yon.

The Process of declaring DA:
1st Offense - warning
2nd Offense - warning
3rd Offense - Disciplinary Action

"Para sa lahat ba 'to, ate?" tanong ko kay Ate Christy.

"Hindi. Sa leaders lang 'yan.'Yung mga tumatayo," tugon niya.

Binasa ko ang mga policy na naroon.

POLICIES

Mga ipinagbabawal sa mga pastor at lider ng iglesia:

1. Bawal ligawan ang miyembro.

Napaawang ang labi ko nang mabasa ko 'yon. "Bawal manligaw ng miyembro ang pastor? Paano kung na-inlove siya sa miyembro niya?" kunot-noong tanong ko kay Ate Christy.

Napatawa nang mahina si Ate Christy. "Kailangan niyang hintayin na lumago ang miyembro na 'yon at maging leader ng church."

"Ah, kapag leader na, pwede na?"

Tumango siya habang patuloy sa pagta-type sa laptop.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

2. Bawal lumabas o humayo nang dalawa lang kayo (babae at lalaki) na magkasama lalo na kung binata at dalaga pa.

Napakunot-noo muli ako at tinanong si Ate, "Te, bakit bawal ang babae at lalaki na magkasama?"

"Kasi baka kung anong isipin ng mga tao sa kanilang dalawa. Kailangan mag-ingat dahil hindi dapat maging katitisuran ang mga leaders ng church lalo na't sila ang nangunguna sa church."

"Paano kung bumili lang ng soft drinks? O kaya nagkasabay sa paglalakad sa daan?" tanong ko muli.

"May distance dapat. Mas maganda kung hindi kayo sabay sa paglalalad."

"Ah . . ." 'yon lang ang nasabi ko at pinapatuloy nag pagbabasa ko.

3. Bawal magkaroon ng kasintahan kung menor-de-edad ka o nag-aaral pa.

Ah. Kaya pala walang nagboboyfriend at naggigirlfriend sa mga tumatayo sa church. Nagkaroon ng kasintahan ang iba noong nagtatrabaho na sila.

4. Bawal mag-asawa ng di-mananampalataya. (Automatically DA after the wedding)

Naalala ko si Kuya Storm dito. Naririnig kong pinag-uusapan ni Tito Alvin at Ate Christy si Kuya Storm noong magpakasal ito kay Ate Fara. Bawal pala talaga kaya na-DA si Kuya Storm nang ilang months no'n. Hindi siya nakatayo sa pulpito sa loob ng ilang buwan.

5. Huwag gagawa ng eskandalo o hindi magandang bagay sa loob at labas ng church na magiging usapin ng mga tao.

"Paanong huwag gagawa ng eskandalo, Ate?" tanong ko ulit kay Ate Christy. Nakakacurious talaga kung paano hinahandle ng church ang mga ganitong bagay.

"For example, naglasing ka o kaya nakipag-away ka, at alam ng mga tao na Kristiyano ka at leader ka sa church. Syempre, magiging usapin 'yun ng mga tao, at masisira ang reputasyon ng church."

Bahagya lang akong napatango. "Ano pa?" muli kong tanong.

"Kapag sa lalaki, kung nakabuntis ka, at sa babae naman, kung nabuntis ka nang hindi kasal. In short, kapag nakacommit ka ng immoral sin. Magiging issue rin 'yan sa mga tao na ikakasira ng church kaya kailangan gawan ng action."

"Paano kung natukso lang?"

"Mapapatawad naman siya, pero kailangan niyang harapin ang consequences ng ginawa niya. May policies ang church at kailangan niyang sumunod kung gusto niya pang magpatuloy sa paglilingkod. Pero kung ayaw niyang sumunod, siya ang bahala kung gusto niya nang kumalas sa iglesia."

"'Yun nga, ate, eh. Paano kung maoffend kapag na-DA ang isang leader, tapos biglang magbackslide?"

"Hindi na problema ng church kung magbackslide siya. Bago naman kasi maganap ang DA, may dalawang warning muna, at kapag makulit siya, doon pa lang ang DA. Pero 'pag mga malala na sitwasyon, automatic na DA 'yon. Pero may usapin pa rin na mangyayari. Ipapaintindi sa 'yo kung bakit kailangan kang i-DA. Hindi pwedeng i-DA ka nang walang valid reason. Siguradong magbabackslide ka 'pag gano'n." Tumawa siya nang mahina.

"Lahat ba ng church may ganitong policy?" tanong ko.

"Bihira na lang ang churches na inaapply ang DA. Pero tayo, inaapply natin 'yan dahil iniingatan natin ang church. Iniiwasan natin na maging compromise at mangunsinti ng kamalian. Bilang isang church, kailangan magbantayan at panatiliin ang kabanalan sa bawat isa para sa pagdating ng Panginoon, wala tayong dungis. Mabuti nga DA lang ang atin eh. Sa iba tiwalag talaga."

Natahimik ako at binulay-bulay ang mga sinabi niya. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari kay Papa. "Sana kahit sa mga pumapatay ng pastor may DA din. Pero dapat forever DA na," wala sa sariling sabi ko. Muli na namang nagising ang galit na nananahan sa akin, kaya napahigpit nang kaunti ang hawak ko sa papel.

Natigilan si Ate Christy at napatingin sa akin. Bumuntong hininga siya bago nagsalita, "Faith, kalimutan mo na ang nangyari. Nagsorry naman sila at hindi naman nila gusto ang nangyari."

Napalunok ako nang maramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko. "Hindi naman mababalik ng sorry nila si Papa," madiin na sabi ko.

"Hayaan mo na sila. Ang mahalaga kasama na ng Panginoon si Papa. Masaya na si Papa roon dahil wala nang stress," aniya nang may pagbibiro.

Pero hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Seryoso ako. Nakaasar isipin na 'yung mga may kinalaman sa pagkamatay ni Papa hindi man lang nanagot. Masaya pa nga sila ngayon sa ibang church. Mga Kristiyano sila na animo'y napakabanal pero may mga sungay naman na tinatago.

Binalik ko ang papel sa lamesita at hindi na pinagpatuloy ang pagbabasa niyon. Nawalan na ako ng gana. "Matutulog na 'ko," sabi ko.

Niligpit ang mga notebook ko, at saka dumiretso sa kwarto. Huminga ako nang malalim nang maisara ko ang pintuan. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kama at saka binagsak ang katawan ko roon.

"Hanggang kailan ko mararamdaman ito?" bulong ko habang nakatingin sa kawalan.

Isa lang naman ang solusyon diyan. Ang mawala ka sa mundo, bulong ng isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

40K 1.1K 34
#Wattys2023 Winner: Best Characters Award ❝This was probably what people meant when they said they disappeared into a moment.❞ ***** College exes Lau...
2.2K 279 52
an epistolary Childhood best friends. Jokes. Real feelings. Date Started: July 11, 2022 Date Finished: July 20, 2022
112K 903 37
Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.