Tagpuan

By chaminayeo

887 132 29

"Siya ang panalangin ko." - Moira Dela Torre Ang buhay natin ay maraming tagpuan. May mga tagpuan na tayo lan... More

Tagpuan
Unang Tagpuan
Ikalawang Tagpuan
Ikatlong Tagpuan
Ikaapat na Tagpuan
Ikalimang Tagpuan
Ikaanim Na Tagpuan
Ikapitong Tagpuan
Ikawalong Tagpuan
Ikasiyam Na Tagpuan
Special Chapter

Huling Tagpuan

61 6 1
By chaminayeo

NICK'S POINT OF VIEW.

"Oh," isang bote ng alak ang tumambad sa harap ko. "Quota ka na sa'kin, ha."

Tipid lang akong ngumiti kay Sunny at kinuha ang bote mula sa kaniya. Nandito kami ngayon sa balcony ng bahay nila. Dito na ako nagtungo pagkaalis ko sa resort kanina.

Nakaupo lang kami sa sofa habang pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan pati na rin ang maliwanag na buwan. Napakakalmado ng paligid at tanging kuliglig lamang ang siyang aming naririnig.

"Ang kulit mo naman kasi, eh. Ayan tuloy, nasasaktan ka." pagbasag ni Sunny sa katahimikan.

"Kasama naman yata 'yun sa pagmamahal." tipid na tugon ko.

"Syempre naman." saad niya. "Pero, sorry ah, ginawa ko naman lahat ng magagawa ko para mapaglapit kayo sa isa't isa. Hindi ko naman akalaing magugustuhan niya si-"

"Ayos lang." pagputol ko sa kaniya sabay lagok sa alak. "Ang mahalaga, may dahilan na siya para ngumiti, para maging masaya. Her happiness is the only thing I hope for."

"Grabe, iba ka na sa Nick na nakilala ko."

I can see through my peripheral vision that she's slowly shaking her head in disbelief.

"Bakit? Masama ba ako dati?" Natawa ako nang bahagya sa sinabi ko.

"Hindi naman. Maloko lang."

"Hoy at least hindi ako chickboy."

"Sus, lowkey fuck boy ka naman. Pareho lang 'yon. Pailalim ka lang kumilos." pang-aasar naman ni Sunny na siyang inilingan ko lamang.

"Pero ano ng plano mo? Suko ka na?"

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Sunny. Nag-confess na nga pala ako kagabi kay Alys at tandang-tanda ko naman ang mga sinabi ko sa kaniya. Kahit alam kong nakakahiya, hindi ko na rin naman mababawi 'yon. At siguro, it's better that way.

Pero hindi pa naman niya sinasagot ang tanong ko. Kung may pag-asa ba ako sa kaniya o wala. So therefore, I still have the chance to prove my love for her. I still have the chance to win her. Kahit na malabo dahil halata namang gusto niya si Bryan.

"Hindi ko alam. But I wanted to win her still."

Napatango-tango na lang si Sunny sa sinabi ko.

"Nick,"

"Oh?"

"Naniniwala ka ba sa tadhana? Na may taong nakatakda para sa'yo but you need to ask for signs para malaman mo kung siya na ba talaga?"

Napangiwi naman ako sa tanong niya.

"Seryoso ka ba sa tanong mo?" I asked then looked at her.

"Oo naman!" she exclaimed.

"Well," I shrugged my shoulders, "Kung tadhana man ang may kagagawan para pagtagpuin kami ni Alys, edi sige. Naniniwala na ako."

"Ang haba naman talaga ng hair ni Alys, hays!" kinikilig na sambit niya. "Eh sa signs?"

"Signs? Like what?"

"Hmmm like hihingi ka ng signs sa taas na kung si Alys ba talaga ang para sa'yo, dapat magkita kayo sa ganitong lugar nang hindi niyo pinag-usapan."

Saglit lang akong napapatitig sa kaniya at napailing-iling.

"Ayoko. Baka mamaya hilingin ko tapos hindi magkatotoo edi malalaman ko lang na hindi kami para sa isa't isa. Mas masakit 'yon."

"At least, habang maaga pa, makakapag-move on ka agad."

Umiling-iling lamang ako sa kaniya at tinungga ang laman ng bote.

"Pero ikaw naman ang bahala. Ikaw lang din naman ang makakagamot sa sarili mong sugat kung sakali mang masaktan ka nang sobra."

"Kung ganoon, bakit may doctor pa?"

"Tulong lang ang ginagawa namin. Pero hindi talaga kami ang tunay na nagpapagaling. Kundi kayo mismo sa sarili niyo."

"Paanoh moh nhaman nashabi 'yhon?" I asked, a little bit tipsy.

"Ayoko na sagutin ang tanong mo. Lasing ka na!"

Bigla na lamang tumayo si Sunny at nagtungo sa loob ng kwarto niya. Tinawag ko pa siya pero hindi na niya ako nilingon pa. Ang bilis naman mabadtrip ng isang 'yon. Baka may dalaw.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ang pag-amin ko kay Alys at ang katotohanang katiting na pag-asa lamang ang meron ako.

Hays.

Ang hirap magmahal ng taong may ibang gusto. Ang hirap sumugal sa mga bagay na alam mo namang katiting lang ang pag-asa mong manalo.

"Pero paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, di ba?" natawa ako sa sarili kong tanong.

Baliw na yata ako.

Baliw kay Alysungit.

ILANG BUWAN na ang lumipas mula noong huli kaming magkiga at magkasama ni Alys. She's been contacting me but I refused to answer all of her calls and text messages. Nagsusumbong din si Sunny na mas napapadalas na raw ang paglabas nila Alys at Bryan. Palagi rin daw may pa-flowers ito kapag bumibisita sa hospital. There were rumors na nanliligaw na si Bryan kay Alys.

Sinabi rin ni Sunny na kinukulit siya ni Alys, tinatanong kung nasaan ako dahil gusto niya ako makausap pero hindi rin naman siya sinasagot ni Sunny dahil nga I'm nowhere to be found. Dumami kasi bigla ang clients namin kung kaya't saan-saan na rin ako napapadpad. At bukod sa nawalan ako ng time para makipag-usap sa kahit na sino, sinusubukan ko ring tibayan ang loob ko para kapag nagkaharap na kami ni Alys at sa kaniya na mismo nanggaling na hindi ako ang pipiliin niya, kaya ko nang tanggapin.

"Babyyy~"

Napairap naman ako sabay buntong-hininga nang marinig ko ang pagtawag ni Ate Kass sa akin. Nakita ko pa ang ilang mga tao na nasa gilid namin ang natawa. Nandito pa man din kami sa mall.

"Ate stop calling me baby, will you?"

Imbis na makinig ay ginulo niya lamang ang buhok ko sabay tawa nang mahina.

"Ikaw naman, feeling mo ang tanda-tanda mo na, eh, 23 ka pa lang naman. You're still my baby boy, duh."

I looked at her in disbelief. Bakit? Hindi pa ba ako adult sa lagay na 'to? Minsan talaga nakakabaliw kasama 'tong ate ko. Paano ba naman, ang taray taray niya sa iba tapos pagdating sa akin napaka-childish. At minsan, ginagamit pa niya akong jowa niya kapag may nagtatry na lumandi sa kaniya tapos hindi niya gusto. Hays!

"Bakit ka pala umuwi ngayon? Miss mo na ako?"

"The heck, ate. Wala akong na-miss ni isa sa inyo." I said, suppressing my smile.

Bigla niyang ikinawit ang kamay niya sa braso ko. Nanliit na naman tuloy ako. 5'9 ba naman si ate tapos ako 5'7 lang.

"Aww. I thought you missed me. Bibilhan pa naman sana kita ng new sports car!"

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Really?!" my eyes sparkled for a while.

"Eh hindi mo naman ako na-miss so wala kang sports car!"

"Ang daya naman!" reklamo ko.

"Haha isigaw mo muna na you missed me first. And that you love me and I'm the prettiest girl here on earth!" she commanded, I rolled my eyes.

For the sake of the sports car, I will.

Nagtungo ako sa harap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"I really missed you Kassandra Elora, I love you and you are the prettiest of all the prettiest!"

Nakaka-cringe man at incest kung titignan pero kiniss ko siya sa noo dahil sanay kami sa ganun. For us, it's just a sweet gesture. Magkapatid pa rin ang turingan namin, ano! Pero sa iba nilalagyan nila ng meaning. Hay ewan ko ba. Baliw lang siguro pamilya namin.

As soon as I let go of her face, I saw her eyes fixated on something right behind me. Her expression becomes blank that's why I asked her.

"Why?"

"Hi, do you need anything?"

Doon na ako napalingon sa likod ko and as soon as I looked back, I froze with whom I saw. She was pale and anxious. She was also panting so hard and was about to cry in any moment by now.

"N-nothing."

And in a snap, she was already running away from us.

"That girl is so weird. She was just staring at you kanina. Kilala mo ba 'yun?"

Dahan-dahan akong umiling sa sinabi ni ate.

"No." I said. "Tara na ate, uwi na tayo."

"Okay."

Ikinawit niya na ulit ang kamay niya sa braso ko at naglakad na kami palabas ng mall at nagtungo sa parking.

It's been months since I last saw her. And I can't believe na nagkita ulit kami kanina. But I let her slipped away because I don't really know what to do.

Hindi pa ako handang makita siya. Hindi pa ako handang malaman ang sagot niya kahit na hindi pa ako nagtatanong.

LUMIPAS ANG MGA ARAW, mula noong magkita kami sa mall unexpectedly, hindi na ako naka-receive pa ng mga text messages sa kaniya. Wala naman akong lakas ng loob para i-text at tawagan siya dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Hindi na rin nagte-text si Sunny dahil naging abala na rin yata siya sa sarili niyang buhay at nakalimutan na niyang balitaan ako. Naging balisa na rin ako at bumalik sa dating ako na maraming bisyo. Inom doon, inom dito. Sigarilyo roon, sigarilyo dito. Minsan din ay nagagawi na ako sa mga clubs dahil pinauunlakan ko na ang imbitasyon ng mga katrabaho ko. Hindi naman active ang sex life ko but yeah, I did several make outs with random girls in the club. What can I do? Alys can't really get out of my mind. Siya at siya lamang ang tanging pumapasok sa isip ko. At minsan hinihiling ko, sana kahit isang beses lang, maisip niya rin ako. Kahit na masyadong imposible 'yon. Ngayon pa na nagkakamabutihan na sila ni Bryan? Etsapwera na lang talaga ako.

"Let's take another candid shot po, Ma'am and Sir." I instructed.

"Alright."

Naghanda na ulit sila para sa another candid shot at pareho silang tumawa nang mahina.

"1... 2... 3..."

I counted then perfectly captured the most candid shot they have. It was perfect.

"That's it."

I smiled at them then handed them the camera to check their prenuptial photos. Tinawag ko muna ang isa kong assistant para i-guide ang mag-fiancée tsaka ako nagtungo sa loob ng simbahan.

Nandito kasi kami ngayon ng team ko sa isang simbahan kung saan ikakasal ang client namin. Sa garden ng simbahang ito naman ang napili nilang place kung saan kami magsho-shoot ng prenuptial nila.

Actually, I'm planning to hire another photographer to replace me. Lately kasi nawawalan na talaga ako ng will para magpatuloy pa. Parang gusto ko munang magpahinga, magtravel at gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.

Parang gusto ko munang mapag-isa.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng simbahan. Kakaunti lamang ang mga tao dahil wala namang misa. Nandito ako ngayon sa may likuran, sa may bandang gilid. Ayoko sanang umupo dahil hindi naman ako magdadasal, hindi ako paladasal. Not until a Nun approached me and guided me to sit on a pew in front. Dahil ayaw ko namang magmukhang bastos ay sumunod na lamang ako.

"Thank you po." I said and she just nodded.

Sa isang mahabang bench na kinauupuan ko ngayon, dalawa lang kaming nag-occupy. Ako at ang isang babae na ngayon ay nakaluhod at taimtim na nagdadasal.

Hindi ko alam pero nainggit ako sa kaniya at ang awkward kasi ang ilan palang mga tao ay nakaluhod din at nagdadasal.

Nakayuko lamang ako at nakapikit. Kunwari nagdadasal pero ang totoo ay hinihintay ko lang na matapos ang babaeng katabi ko.

Isa... dalawa... tatlo...

Apat... Lima...

Anim...

Pitong minuto na ang nakalipas bago pa tumayo ang babae at naupo sa bench. Putek. Ang tagal naman niyang magdasal. Siguro pinagpray na niya ang buong mundo.

Dahil kunwari tapos na rin ako, umupo na rin ako sa upuan at itinuon lang ang atensyon ko sa mga statues ni Jesus sa harapan. Aalis na sana ako ngunit biglang nagsalita ang babae.

"Anong panalangin mo?"

Lumingon ako sa babae, hindi siya nakatingin sa akin at natatakpan din ng mahabang buhok niya ang gilid ng mukha niya kung kaya't hindi ko makita ang mukha niya nang maayos.

"Ako?" I scratched my hair, "Ano, sana dumami na yung pera ko para makapag-travel na ulit ako."

"Ahh, I see."

Isang minuto ng katahimikan ang pumagitna sa amin. Sa harapan ko na ulit nakatuon ang buong atensyon ko dahil kinikilabutan ako sa babaeng katabi ko. Hindi naman kami magkatabing-magkatabi. Parang two seats away siya sa akin, ganun. Pero naiimagine ko kasi na baka mamaya paglingon niya, wala siyang mukha. Yung parang sa mga horror movies? Ang creepy lang.

"Uhm, ikaw? Anong panalangin mo?" I asked too. Hindi naman pwedeng siya lang ang magtatanong.

"Hmmm... I prayed for a sign, for His guidance para sa pipiliin kong desisyon. I'm not good at deciding kasi kaya kailangan kong humingi ng tulong sa Kaniya. Gusto kong bigyan niya ako ng sign kung sino ba ang dapat kong piliin."

Napatango-tango ako, as if she's going to see me nodding.

"And I also prayed for someone na sana maging masaya na siya sa buhay niya kasama ang babaeng mahal na mahal niya. At sana pumayag siya sa favor ko sa kaniya. Last favor na naman, kung maaari."

"Papayag 'yun." I said, trying to lift her hopes up. "Hindi ka naman siguro tatanggihan na nu'n lalo na kung magkaibigan kayo or malapit kayo sa isa't isa."

"And lastly, I pray that he gets what he wants: to become rich and to travel."

Natigilan ako sa sinabi niya. Teka, parang ganu'n din ang gusto ko ah. I was about to look at her when I realized something. May kaboses siya.

Bigla na akong kinabahan at nataranta. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto ko nang umalis at iwanan siya rito pero bigla na lamang akong nanlambot nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"So... Kamusta ka na, Nick?"

I went silent for a couple of minutes before I met her gaze and smiled at her weakly. I saw how she bloomed. She looks so gorgeous in her new straight her and bangs, in her light make-up. She's so gorgeous right now and I can't even say a single word.

I gathered all the remaining strength I have before I could even answer her.

"O-okay lang ako, Alys."

She just smiled and I don't know why but I got stuck as if her smile pierced my heart. But damn this kind of feeling. I love it. And I love the woman in front of me, too.

"I missed you..." she said, teary-eyed. "But can you do me a favor?"

"Sure."

And from that moment, I never knew that my answer will change my life forever.

AFTER 3 MONTHS...

"GUYS PLEASE BE READY, THE BRIDE IS ON THE WAY."

Sigaw ng wedding organizer na si Sunny. Hindi ko alam kung kailan pa siya nawalan ng lisensiya sa pagiging doctor kaya't pinatos na ang pagiging wedding organizer. But anyway, she looks so stressed and excited right now. Well, sino ba namang hindi?

Kahit ako, excited na rin. Teary-eyed na nga rin ako ngayon pa lang.

"Hoy," sigaw ni Sunny na siyang papalapit sa akin, "Ready ka na ba?"

"Oo naman!" I answered sounding confidently kahit na sa loob-loob ko ay gusto nang kumawala ng puso ko. "I am always ready. Kailan ba naging unprepared si Nick, ha?"

Napailing-iling na lamang siya at ibinaling na ang atensyon sa iba pang mga participants. She instructed them what to do for the entrance and did everything that a wedding organizer usually do.

While me, I'm trying to compose myself and did a several inhale-exhale just to be calmed. Sobrang kinakabahan talaga ako. Nang medyo kalmado na ako, saktong dumating na ang bridal car kung saan lulan si Alys. Bumalik na naman tuloy ang kaba ko.

[Play the instrumental in this part.]


Everybody went to their specific places, the procession started with a melodious music was playing on the background, and I also prepared. I fixed the collar of my suit and brushed my hair using my hands. I took a deep breath and flashed my best smile to look professional.

This is it, Nick. You can do it.

As soon as Alys went out of the bridal car, all eyes were fixated at her. She was wearing a beautiful off-shoulder lace dress and a white veil, covering her face. She just doesn't look like an angel, because she's already an angel to me.

God, she's a heaven-sent. But not for me.

She was smiling from ear to ear and I took the perfect time to capture her beautiful smile. I suppressed my tears from falling.

I never thought that I would be the one to capture the best and memorable moment of the woman I love, her wedding day with the man he chose to spend the rest of her life with.

And that's not me.

I took another shot, and another, until she stopped right in front of me and flashed her alluring smile once again. After I took the perfect shot, she mouthed me,

"Thank you."

I just simply nodded and looked away. Damn. Ang sakit. Ang sakit sakit na hanggang thank you lang ang kaya niyang ibigay sa akin.

After that, she started walking again. Para akong binabaril habang pinapanood siyang naglalakad papalayo sa akin. I can't take this anymore. Gusto ko nang tumakbo papalayo. But there's also a part of me that I want to stay and stop the wedding before they could even kiss.

But no, I won't. I don't want tk take her happiness away. I'll just endure the pain.

I was about to take pictures again when someone tapped my shoulder. As I looked back, I saw Sunny together with her boyfriend, Dion.

"You can go away if you can't handle the pain, Nick. Don't torture yourself."

Sunny said with a sad smile on her face. I just smiled at them and then nodded.

Buong lakas ako lumingon kay Alys sa huling pagkakataon. Naroon na siya sa harap ni Bryan ngayon. I smiled bitterly and then went straight on the main entrance and ran away.

Mahal na mahal kita, Alys. Mahal na mahal.


ALYS' POINT OF VIEW.

It has been a rough months since I read the email that Bryan sent me. Hindi ako pinatulog nung mga panahong 'yun. Kasabay pa nu'n ang biglaang pagiging cold ni Nick. He wasn't answering my text messages, even my calls. Alam ko naman ang dahilan kung bakit pero gusto ko pa rin sana siyang makausap. Gusto kong linawin sa kaniya na magkaibigan pa rin kami. Pero habang lumilipas ang mga araw, patuloy pa rin siya sa pag-iignore sa akin. I already seek help to Sunny but just like me, she was also ignored. Nick was nowhere to be found.

"You looked so stressed. May bumabagabag ba sa'yo lately?" Sunny asked then placed a coffee on my table. "If it's about Nick, don't worry. Nagpapalamig lang 'yun. Tsaka malaki na 'yun, kaya na niya sarili niya."

She gave me a reassuring smile and I just closed my eyes and rested my back on the swivel chair I'm sitting at.

"Well, it's not just about Nick." I said weakly.

"Oh, eh ano pa ba 'yung ibang dahilan?"

"An email."

"Email lang naman pala eh. Ano bang nakalagay doon?"

I sighed then opened my eyes and stared at the ceiling.

"Nakalagay doon na everything was just a set up."

"Huh? Set up? What do you mean? I don't get it." Naguguluhang tanong ni Sunny.

Hindi niya siguro dapat malaman ang bagay na ito. Baka mas lalo lang gumulo ang sitwasyon ko.

"Nothing. I'll just rest muna."

"Okay, suit yourself."

And then she left me, still staring at the ceiling while thinking about that damn email.

Ano nga bang nakalagay sa email na yun? Well, it was a scheduled email from Pat. She wrote it when she feels that her death is already soon. That's why she listed all the things that she wants Bryan to do. And that includes bringing me to the places to where they planned to, the special dates that Pat wishes to have with Bryan, and all the bucketlist they've planned when Pat were still alive.

Pat wanted us to have the ending that they won't have anymore and that is the wedding. She also wanted us to be happy dahil alam niyang wala ng magpapasaya kay Bryan at wala ring nagpapasaya sa akin. And Pat said that Bryan must do it if he really loves her. Nakalagay din doon na walang ibang dapat makaalam ng habilin niya, lalong-lalo na ako. But Bryan told me because he doesn't want me to get fooled. Ironic, isn't it?

Parang naging panakip-butas lang talaga ako.

While Bryan, he also confessed to me that he's trying to be in love with me. And he's just doing the favor of Patricia.

Pareho kami ng sitwasyon dahil naalala ko ang binigay na sulat sa akin ni Patricia. She was aking the same thing to me.

Hindi ko alam pero sobra akong nasaktan nu'n. Pero wala naman akong magagawa. We're just doing a favor. Kasalanan ko rin naman. Kung nailigtas ko lang sana si Patricia, edi sana hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon.

I let out another sigh. This is so frustrating.

WEEKS PASSED, I went to a mall to freshen up myself dahil nga masyado na akong stressed. It was just a normal day but it turned out to be the saddest part of my life.

I saw Nick with a tall girl. I was just right behind him when he cupped her face and shouted how pretty is she and he even kissed the forehead of that girl.

I don't know why but I kinda feel my heart broke for a moment. Bigla na lang ding namuo ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa makita na nga ako ni Nick at doon na ako napatakbo.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong masaktan o magalit. Kasi bakit hindi? Parang nung nakaraang mga buwan lang, ako ang mahal niya. Tapos ngayon may iba na siya? Ganun ba kabilis magpalit ng minamahal? At grabe naman 'yung pinalit niya sakin. Ang bata pang tignan pero ang tangkad. Sobrang ganda. Parang model.

Bakit? Ayaw na ba niya sa mga doctorang masungit?

Mula noon, hindi na ako nag-abalang i-text pa siya. Ayoko na siyang guluhin. Salamat na lang sa lahat.

DAYS PASSED, I took a great care of myself. Binibigyan din naman ako ng mga skin care products ni Sunny kaya grinab ko na ang chance para i-pamper ang sarili ko.

Kami ni Bryan, we're just chilling. Sabi ko sa kaniya na huwag na niyang i-pressure ang sarili niya. Hihintayin ko siya hangga't ready na siyang magmahal ulit at tsaka na namin gagawin ang bilin ni Patricia kung talagang nakikita na niya ako bilang ako at hindi si Pat at kung talagang bukal na sa loob niya.

Pero makulit din naman ang loko kaya hindi pa rin tinatantanan ang pagbibigay ng mga flowers at gusto niya pa rin daw ituloy ang kasal which is going to happen in three months by now.

But to be honest, I can't feel anything for him since he sent me that email. Parang biglang nawala yung kilig, saya kapag nagkikita kami. Naging plain na ang lahat dahil alam kong foreplay lang naman 'yung mga pagpapakilig niya sa akin noon.

"Why don't you ask for a sign?"

Tanong ni Sunny. Nandito kami ngayon sa isang simbahan. Kakatapos lang kasi naming mag-mall, you know, girls date and saktong napadaan kami rito so we dropped by. After all, matagal-tagal na rin ang huli kong pagtapak rito. Hindi ko na nga matandaan kung kailan 'yon.

"A sign for what?"

"Hingi ka ng sign na sana pagtagpuin na kayo ni the one." natatawang sagot niya.

I went silent for a moment. Nakwento ko na rin pala sa kaniya ang gulo sa pagitan namin ni Bryan nung nakaraan lang. Kaya siguro nasasabi niya ito.

"Does it even work?"

"Kung naniniwala ka sa tadhana, oo."

"Oh... Right."

She went silent for a moment.

"Sure ka na ba talaga sa gagawin mo?"

I smiled at her.

"Hindi ko alam. Papayag kaya siya?" She just shrugged her shoulders.

"I don't know. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko kakayanin ang sakit."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Sunny na mag-ccr muna. Kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon upang makapagdasal.

I knelt down and prayed what Sunny told me. I prayed for a sign, na kung hindi talaga si Bryan ang para sa akin, then show me who's the one for me. Right here, right now. I also prayed for the decision I'm going to make. Kung dapat ba na ipagpatuloy pa namin ni Bryan ang ganoong set up or we must make things clear between us.

And I also prayed for Nick's happiness. Now that he got a new someone to love. Someone who would love him more than I can do.

And yeah, I already admitted to myself that I am in love with him. Paano ko nalaman? Kasi noong mga panahong wala siya, siya lang ang tanging pumapasok sa isip ko. Gustong-gusto ko siyang kausapin, tanungin kung bakit hindi na ako pero nanaig ang pride ko kaya kahit nasasaktan ako at gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya, hindi ko na ginawa.

It took me so long to finish my prayer because I also prayed for my patients. And when I finally through, umupo na ako ulit. Nagulat na lamang ako na may kasama na pala akong magdasal. I looked around and search for Sunny. Ang tagal niya namang mag-CR. Then I simply looked back at the guy who was beside me. Laking gulat ko nang makitang si Nick pala ang siyang katabi ko.

I immediately looked away when he was about to look at me. I'm damn nervous! I don't know what to react now that he's here right beside me.

But then, despite of the nervousness I am feeling, I still managed to talk to him. Nalaman ko rin na kapatid niya pala 'yung kasama niya sa mall noong nakaraan. Medyo pahiya ako roon.

Ilang saglit din akong natahimik pagkatapos noon. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya na miss ko na siya at kung maaari bang mahingian ko siya ng pabor.

I took a deep breath first.

""I missed you..." I said, teary-eyed. "But can you do me a favor?"

"Sure." he answered.

With all the remaining strength I have inside me, I asked,

"Can you be the photographer on our wedding day?"

I expect him to say no but destiny's such a good player. He accepted my favor.

"SORRY..." I said, tears were streaming down to my face.

It was my wedding day but here I am, running away.

I don't know what pushed me to left Bryan there together with the participants which are the nurses and doctors of Gerasmo-Oliveros Hospital. I don't know why there were there in the first place. But because Sunny is the wedding organizer, then she must've something to do with it.

Hindi ko akalaing magagawa ko 'yung cliché scene sa mga pelikula kung saan tumatakbo ang bride para makatakas sa kasal niya. But anyway, I'm happy doing this.

Kung bakit ba naman kasi umalis agad siya. Edi sana bago ako makalabas ng simbahan kanina, nahila ko na siya. Tutal, siya naman itong gusto kong pakasalan.

I went to the bridal car and drive it all alone. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta ang alam ko lang, gusto kong makaalis.

"Nick... Nasaan ka ba?" I asked, helplessly crying.

Ilang minuto rin akong nagpaikot-ikot sa mga kalsadang nadadaanan ko hanggang sa mapunta ako sa isang pamilyar na daanan.

I smiled while I was taking down the road.

Sana...

Sana nandoon siya.

I stopped the car few meters away from my favorite spot.

At hindi nga ako nagkamali.

I saw a man, crying while drinking the beer he was holding.

I stepped out of the car and silently walked towards him. Nang makarating ako sa gilid niya ay agad akong nagsalita.

"Ang pangit mong umiyak."

Gulat siyang napalingon sa akin. Nakakatawa lang na pareho kaming umiiyak ngayon. Siya, nagluluksa. Ako naman, masayang-masaya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya. "T-Tapos na ba ang kasal niyo? B-bakit ka umalis? S-sinundan mo ako?"

He asked while crying. Inagaw ko ang bote ng beer mula sa kamay niya at tinapon ito sa gilid.

"Sinundan? Nagkakamali ka, tadhana ang nagdala sa akin dito." I smiled as I said a familiar line.

And when he heard that, he flashed a smile on his face.

"So you're choosing me?"

"Oo, dahil ikaw ang panalangin ko." I said confidently. "Mahal kita."

And with that, I inched our gap and felt his soft lips pressed into my lips.

Ibinigkis namin ang aming mga puso sa pamamagitan ng halik...

Sa lugar kung saan tanaw ang papalubog na araw...

Sa lugar kung saan una niya akong pinakinggan at nakita niya ang aking kahinaan...

Sa lugar kung saan ang aming TAGPUAN.

- The End -

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
38.8K 345 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...