Tagpuan

By chaminayeo

887 132 29

"Siya ang panalangin ko." - Moira Dela Torre Ang buhay natin ay maraming tagpuan. May mga tagpuan na tayo lan... More

Tagpuan
Unang Tagpuan
Ikalawang Tagpuan
Ikatlong Tagpuan
Ikaapat na Tagpuan
Ikalimang Tagpuan
Ikaanim Na Tagpuan
Ikapitong Tagpuan
Ikasiyam Na Tagpuan
Huling Tagpuan
Special Chapter

Ikawalong Tagpuan

35 10 1
By chaminayeo

"My gosh, Alys! That's just a wink! Don't overreact!"

Inis kong ginulo ang buhok ko pagkatapos ay sinampal-sampal ang magkabilang pisngi ko. Kanina pa ako nakaharap sa salamin at hindi makapili ng susuotin.

Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa ginawa ni Bryan. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang gawin niya ang bagay na 'yon. Nakakabaliw. Normal lang ba na makaramdam nang ganito sa edad na beinte-nueve?

Muli akong napatingin sa kama at doon ay may limang beach dresses na binili para sa akin ni Bryan. Hindi ko alam kung anong klase ng beach dress ang mga iyon dahil lab coat lang naman ang madalas kong suotin. Napapaisip tuloy ako kung magtatagal kami dito sa sobrang dami ng mga damit na pinamili niya. O baka naman masusundan pa itong date namin.

Sana.

Napangiti ako sa naisip ko kung sakaling masusundan pa itong date namin.

Wala sa sariling pinili ko ang terra-cotta beach dress at sinuot ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng full size mirror. Para itong halter top na hanggang talampakan ang haba. Bagay na bagay sa akin ang kulay nito dahil hindi naman ako ganon kaitim o kaputi. My skin color is in between but I like it though.

Ipinusod ko na ang buhok ko at hinayaang bumagsak ang ibang hibla sa gilid ng aking tainga. I put some lip gloss powder and blush on my face. Hindi rin naman ako sanay sa heavy make up dahil allergic ako sa ibang cosmetics.

I guess this will do. Sana magustuhan niya ang hitsura ko ngayon. Hindi naman siguro ganoon ka-revealing ang suot ko. Siya rin naman ang pumili nito. Hindi rin naman siguro ako mukhang clown? Aysh! Bahala na!

Saktong pagkatapos ko magpabango at magsuot ng sandals ay nakarinig ako ng magkakasunod na katok sa pintuan.

"Are you through, Alys?"

Bigla na namang kumabog nang malakas ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Bryan. Napakagat-labi ako nang maalala kung paano niya ako kinindatan kanina.

Gosh! Feeling ko ay sobra akong namumula ngayon! Paano pa kaya mamaya?

Muli akong sumulyap sa salamin at inayos ang sarili ko. Para akong sasabak sa isang operasyon na naman.

But this is it, Alys. Kaya mo 'yan!

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa main door para pagbuksan si Bryan. As soon as I open the door, his jaw dropped and looked at me from head to toe.

I smiled awkwardly and tucked the excess hair behind my ear. Hindi ko alam kung masyado bang pabebe ang ginawa ko pero damn! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin. Ang tagal na niyang nakatitig sa akin.

Nang mapagtanto niyang masyado na palang matagal ang pagkakatitig niya sa akin ay agad siyang tumikhim at umiwas ng tingin.

"U-Uhh... Let's go na."

Tumango lang ako at humakbang palabas bago isinara ang pinto. Nagulat na lang ako nang makitang nauna na pala siyang maglakad. Hindi naman ako nahirapang makasabay sa kaniya sa paglalakad dahil binagalan niya lang ang paghakbang niya.

There was a moment of awkward silence between us and the only thing that could be heard in this empty hallway is our footsteps. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita hanggang sa makarating kami sa elevator.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Ano kayang iniisip niya? Pangit ba ang suot ko? Pangit ba 'yung make up ko? Mukha ba akong prostitute? Parang gusto ko na lang tuloy bumalik sa kwarto at magpalit.

"Y-You look wonderful tonight."

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Bryan. Para akong naestatwa at hindi ko magawang makakilos dahil sa sinabi niya. Hindi naman sa nag-aassume ako pero kami lang dalawa ang sakay sa elevator ngayon kaya sigurado akong ako ang tinutukoy niya.

"T-Thank you."

Pagkatapos nu'n ay hindi na ako nakarinig ng kahit na ano mula sa kaniya hanggang sa makarating kami sa ground floor. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Medyo nauuna siyang maglakad sa akin dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Gusto kong magtanong pero parang umurong ang dila ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. Huwag na huwag nga lang talaga siyang lilingon dahil natatakot ako na baka mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

Papalabas na kami ngayon sa hotel at tingin ko ay patungo kami sa mga kumpol ng mga kubo malapit sa dalampasigan. Sa kabilang bahagi naman ay maraming mga tao ang nagsasayawan at nakikisabay sa live band na tumutugtog ngayon. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ano kayang feeling na makiisa sa kanila?

"Alys?"

Napatingin ako kay Bryan na ngayon ay medyo malayo na sa akin. Natulala ako saglit nang mapagtantong naiwan na pala ako sa paglalakad dahil masyado akong napatitig sa mga taong nagsasaya. Agad na akong humabol sa kaniya at napaiwas nang tingin.

"Sorry." usal ko.

"You don't have to. Don't worry pupunta tayo riyan mamaya pagkatapos nating kumain."

Napatingin akong muli sa kaniya at pareho kaming ngumiti sa isa't isa. Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa tahimik na parte ng resort. Wala masyadong tao sa parte na ito. Kita ko rin mula sa kalayuan ang dalawang naka-bow tie na lalaki at isang candlelight dinner na nasa gitna ng dalampasigan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko iyon.

Ito na ba 'yung tinatawag nilang romantic date? Bakit parang hindi naman yata normal ang ganito para sa isang magkaibigan? Pero bahala na, ayaw ko munang isipin. Ayaw ko munang masira ang gabing ito. Gusto ko lang sulitin dahil hindi natin alam, baka ito na ang huli at hindi na masundan pa.

Nang makarating na kami ni Bryan ay agad kaming binati ng dalawang waiter.

"Good evening Ma'am and Sir! Please sit down and enjoy your dinner."

Ngumiti lang si Bryan sa kanila at ako naman ay nagpasalamat. Inalalayan ako ni Bryan sa pag-upo sa upuan.

"Thank you."

Ngumiti lang siya sa akin at umupo na rin siya sa harap ko. Sobrang daming pagkain sa table namin ngayon at hindi ko alam kung papaano namin mauubos 'to dahil hindi naman ako ganoon kalakas kumain.

"You prepared all of this?" I asked him.

"Uhm, yep?" natatawang sagot niya. "Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman."

"Oh, that's good. Akala ko kasi hindi papasa sa taste ng isang Doctor ang mga hinanda ko." A sheepishly smile crept on his face.

"Grabe ka naman. Anong tingin mo sa'kin? Sobrang taas ng standards?" Natatawang tanong ko sa kaniya ngunit napailing-iling lamang siya.

"Kumain na muna tayo. Alam kong gutom ka na." tugon niya na sinang-ayunan ko naman.

Wala na rin akong nagawa nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko. Napalingon ako sa paligid at hindi ko na namalayan ang pag-alis ng dalawang waiter. Ibig-sabihin, kaming dalawa lang ang magkasama ngayon.

Nagsimula na kaming kumain at tanging paghampas lamang ng alon ang siyang aming naririnig. Bukod sa mga kandilang nasa mesa namin ay ang maliwanag na sinag ng buwan din lamang ang siyang ilaw namin. The place is so serene and peaceful. Sana ganito na lang palagi.

"Ang ganda rito, 'no?" tanong ni Bryan kaya napalingon ako sa kaniya.

"Uhm, yeah. Ito ba 'yung favorite place niyo ni Pat?" umiling siya sa akin.

"Hindi pa namin ito napupuntahan. But I promised her that I will bring her here kapag gumaling siya. Kaso..." he shrugged his shoulders.

I felt a sudden pain in my chest. Kung napagaling ko pala sana si Pat, siya pala ang dapat na kasama niya rito at hindi ako.

"But anyway, nandito ka naman. So hindi na rin masama dahil ikaw naman ang kasama ko." Ngumiti siya sa akin, telling me that it's fine.

Ngumiti na lang din ako pabalik sa kaniya at itinuloy na ang pagkain ko. Maya-maya pa ay nagsalita siya ulit.

"I'm sorry to ask but why can't you save lives? I mean, naikwento kasi ni Pat sa akin noon na never ka pa raw nakapagligtas ng kahit na sinong pasyente. Do you lack skills or... Why?"

Napangiti ako sa kaniya. I know that he's gonna ask me this question. Kahit naman ako ay tinatanong ko rin ang sarili ko. Bakit nga ba?

"Someone told me that maybe, I haven't tried saving myself that's why I can't save others."

Ilang sandali kaming nagkatitigan ni Bryan bago niya putulin ito. Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain hanggang sa matapos kami.

"Nasaan na kaya 'yung dalawang waiters? Bakit iniwan na tayo?"

Tanong ko sa kaniya. He just shrugged his shoulders kaya isinawalang bahala ko na lang din. Napansin kong napatitig siya sa buwan kaya naman napatitig na rin ako.

"Ang ganda-ganda talaga ni Luna." wala sa sariling saad niya. "Despite of the scars she has, she's still glowing and shining beautifully in the dark night sky."

"Indeed."

Saglit siyang natahimik at muling nagsalita habang nakatitig pa rin sa buwan.

"Bakit kaya may mga pabor na kailangan nating gawin kahit ayaw naman natin?"

Saglit akong napalingon sa kaniya at kita ko ang malulungkot niyang mga mata. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa buwan dahil natatakot ako na baka mahuli niya akong sumulyap sa kaniya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kaunting kirot sa tanong niya. Siguro ay dahil nakaka-relate ako?

"Siguro dahil mahalaga sa atin 'yung taong humingi ng pabor sa atin?" tugon ko.

"Tama ka naman. Pero sapat na dahilan na ba 'yun para gawin 'yung hiling niya? Kahit na labag sa kalooban mo?"

Saglit akong natahimik sa mga tanong niya.

"Depende sa'yo kung anong mas matimbang. Kung 'yung halaga ba ng taong humiling sa'yo o 'yung sariling nararamdaman mo."

I heard him sighed. Napalingon ako sa kaniya at laking gulat ko nang makitang nakatitig pala siya sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.

"Naniniwala ka ba na kaya tayo nakakatagpo ng isang tao ay dahil mayroon itong malaking bahagi sa buhay natin?" dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Kung gano'n, anong tingin mo sa akin? Ano sa tingin mo ang gampanin ko sa buhay mo?"

Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Uhm, a-ano. Kaibigan. Oo, t-tama, 'yun nga."

Ilang minuto ang lumipas at bigla na lamang akong nakarinig ng isang hagalpak na tawa mula sa kaniya. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang tumatawa.

"H-hoy, anong nakakatawa?"

Umiling-iling siya habang tumatawa pa rin.

"Ano nga?"

"Wala. Ikaw kasi. Sobrang namumula." Natatawa pa rin siya habang nakahawak sa tiyan niya.

Napairap na lang ako at dahan-dahang napangiti dahil sa tawa niyang ako ang may dahilan.

Kung pwede lang na isagot kanina na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kaniya, ginawa ko na. Kung pwede lang isagot na siya ang taong makakapagpasaya sa akin nang sobra-sobra, sinabi ko na sana. Kaya lang, hindi pa ako handang masaktan. Hindi ko pa kayang tanggapin na hanggang ngayon, si Pat pa rin ang nilalaman ng puso niya.

"Tara na." pagyaya niya sa akin nang matapos siyang tumawa.

"Saan?"

"Sa walang katapusang kasayahan na minsan mo lang mararanasan."

Hindi ko na namalayan ang pagdating namin sa nagkukumpulang tao na nakikiisa sa live band na tumutugtog ngayon. Bigla na lamang kasi akong hinila ni Bryan dito at nawindang ang buong sistema ko nang hawakan niya ang kamay ko. Hanggang sa makarating nga kami rito ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Kasalukuyang tumutugtog ngayon ang isang pamilyar na kanta. Hindi ko magawang maituon ang atensyon ko sa bandang tumutugtog sa unahan dahil sa magkahawak naming kamay ni Bryan. Gusto kong bumitaw dahil nahihiya ako pero mas nangingibabaw ang pagkagusto kong huwag nang matapos ang sandaling ito.

"Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hangin
Tangayin ang salita"

Nakisabay ang mga tao sa dalawang bokalistang magkamukha. Siguro ay kambal sila.

"Huwag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala"

Napasulyap ako kay Bryan na ngayon ay tuwang-tuwa at nakikisabay din sa kanta.

"Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin"

Muli akong napatingin sa unahan. Bakit gano'n? Parang nakaka-relate ako sa kanta nila?

"Bakit laging ganito?
Kailangang magkailangan?
Ako ay nalilito
Oohh ohhh
Ohh ohhh oh"

"Huwag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala"

"Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig, sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig, sana di magbago ang pagtingin"

Sign na ba 'to para umamin ako? Kung aamin nga ako, sana nga hindi magbago ang pagtingin ni Bryan sa'kin.  Nang lumingon ako kay Bryan ay nakaharap na ito sa akin at nakangiti.

"Iibig lang, kapag handa na...
Hindi na lang kung trip-trip lang naman
Iibig lang, kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman"

Natigilan ako habang sinasabayan niya ang kanta at nakatitig sa akin. Wala na rin akong magawa kundi ang sumabay sa chorus ng kanta kahit na hindi ko alam kung nasa tono ba ako o sintunado.

"Pag nilahad ang damdamin,
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim,
Sana di magbago ang pagtingin"

Sinabayan ko ang kanta habang nakatitig kami sa isa't isa. Hindi ko alam pero 'yun ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.

"Subukan ang manalangin,
Sana di magbago ang pagtingin
Baka bukas ika'y akin
Sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig, sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig, sana di magbago ang pagtingin"

Nang matapos ang kanta ay sabay-sabay na naghiyawan ang mga tao, maging si Bryan ay nakihiyaw na rin.

"BEN&BEN SOLID!!!"

Sigaw niya habang may pagtalon pa. Natawa lang ako sa kaniya. Iyon pala ang pangalan ng banda at sa palagay ko, fan na fan siya nito. Binitawan niya na rin ang kamay ko kaya medyo nakahinga na ako. Para kasing mauubusan ako ng hininga kanina.

Nagpaalam na ang banda at agad namang nalungkot ang mga tao. Huling kanta na pala nila 'yon.

"Sayang! Sana pala kanina pa tayo pumunta. Solid talaga ng Ben&Ben."

Dismayadong saad ni Bryan na may pailing-iling pa.

"Fan ka nila?"

"Oo." Napangiti siya. "Dahil kay Pat. Idol niya kasi kaya nagustuhan ko na rin."

Hindi ko alam pero may kung anong kumurot sa puso ko nang banggitin niya ang pangalan ni Pat. At mas lalong nadurog ang puso ko nang sundan niya ito.

"Siguro ganu'n talaga kapag mahal mo ang isang tao. Nagugustuhan mo 'yung mga bagay na gusto niya. Kasi bahagi 'yun ng pagkatao niya. Kung ano 'yung mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya, nagpapasaya na rin sa'yo."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya at inilihis ang tingin ko. Ang sakit pala kapag ikaw 'yung kasama, katabi at kahawak-kamay pero iba pa rin ang iniisip niya. Pero wala naman akong magagawa. It's not easy to replace someone you really love. Siguro kailangan kong tanggapin na hangga't bago pa lang ang sugat sa puso ni Bryan, hindi pa niya ako makikita sa kung paano ko siya nakikita. Hindi pa rin magkakapareho ang tibok ng puso namin hangga't ibang pangalan pa rin ang sinisigaw at ang nilalaman ng puso niya.

"Ano? Gusto mo na bang magpahinga?" napalingon ako sa kaniya.

"Hindi pa naman."

"Hmm..." napahawak siya kaniyang baba, tila nag-iisip ng pwedeng gawin pa. "Umiinom ka ba ng beer?"

Bigla naman akong naalerto sa tanong niya at nahalata niya agad 'yun kung kaya't napakagat-labi siya.

"No, what I mean is, uhm, kung pwede tayo inom nang kaunti lang tapos usap tayo tungkol sa mga bagay-bagay sa may tabing-dagat. You know, chill lang."

Mabilis na paliwanag niya na sinang-ayunan ko naman.

"Sure. Basta isang bote lang sa'kin. I don't wanna get drunk. Masakit sa ulo."

Natatawang sabi ko, napatango naman siya.

"All right, let's go!"

Tumawag siya ng isang nag-iikot na waiter na may dala-dalang isang bucket na naglalaman ng mga beers. Kumuha ng tatlo si Bryan, pinabuksan na niya ang mga ito at ibinigay sa akin ang isa habang ang dalawa naman ay para sa kaniya.

Naglakad kami patungo sa may dalampasigan at umupo sa buhanginan. Bahagya akong nakiliti nang madampian ng malamig na tubig dagat ang mga paa ko.

"Ang lamig." Saad ko at napahagikgik.

"Yeah, ang lamig nga. Ang sarap sa pakiramdam." pagsang-ayon ni Bryan at ininom na ang beer niya bago tumingin sa akin.

"So, Doc, tell me about your life."

"Wow, hindi ako na-inform na kailangan ko pala magkwento ng talambuhay ko." natatawang sagot ko sa kaniya, ngumiti lamang siya.

"Why? Aren't you an open book?" umiling ako.

"I'm not used to it. Bukod sa wala akong mapagkukwentuhan, masyado ring madrama ang kwento ko. Baka maumay ka."

"But now you got two ears. You got my ears tonight." ngumiti lang ako sa kaniya at tumingin sa buwan.

"Naka-move on na rin naman ako, okay na ako. The best way to forget about something is not thinking and talking about it anymore. Kaya ayoko nang pag-usapan ang malungkot kong buhay. Wala na rin namang mangyayari." Malumanay na sabi ko.

"Hmmm, well for me it's not the best way." napalingon ako sa kaniya.

"Bakit naman?"

"Because there's no way you could forget about something or someone. Sure, you can stop thinking or talking about it. But once you got triggered by a single thing that reminds you of it, a wave of memories will occupy your mind and sting your heart a million times and dang, you're lost again. There's no way you could forget the things that once made you a whole person. Whether it's good or bad, it will always be a part of you."

Natigilan ako sa mga sinabi niya. I didn't expect those words from him, from a guy who has a gullible smile and a warm and bright aura.

"Why? Is there something that you couldn't forget?" He smiled, sadly.

"Ofcourse. Maraming mga bagay. Sa sobrang dami nga, gusto ko nang tulugan eh. Pero kahit sa pagtulog ko, naaalala ko pa rin. Ginugulo pa rin nila ako. Kahit sa panaginip, nandoon sila."

"Sila? So it means na hindi lang si Pat ang makalimutan mo."

"Unfortunately, yes."

"Sino naman 'yung iba?" I asked in curiosity.

"My Mom and Dad who died long years ago."

Para akong nawalan ng dila at napipi nang marinig ko ang sinabi niya. I never thought of that. Hindi halata sa hitsura niya na wala na siyang mga magulang. Hindi katulad ko na parating sambakol ang mukha at palaging pasan-pasan ang mundo. Hindi rin halata sa kaniya na may gumugulo sa mga isipin niya. Indeed, looks and smiles are really deceiving and a great mask to hide the pain inside.

"I'm sorry to hear that." Tanging nasabi ko na lamang.

"It's okay. Matagal na rin naman 'yon. I guess, 8 years ago? I can't exactly remember the date but how it was happened is still vivid in my mind."

He looked up, trying to stop the tears from falling down. When he pull himself together, he looked at me again.

"It was because of a plane crash and I'm half fortunate to be one of those who were alive that moment. Half fortunate because I lost my parents. And I was left all alone. It was really a traumatic thing happened to me. Isang taon din akong nag-suffer sa sakit ko na Post-Traumatic Stress Disorder. I don't know if my Auntie is a part of the fortune I have because she kept me and took care of me. She and her husband doesn't have a child. At first, I was okay and felt secured in their care but after I got healed from my trauma, they keep telling me na dapat daw tumanaw ako ng utang na loob sa kanila, magtapos daw ako ng pag-aaral para kapag nakapagtrabaho ako, may maibigay daw akong pera bilang kabayaran daw sa mga ginastos nila para sakin. It really turned out na kaya lang nila ako inalagaan ay dahil gusto lang nilang ma-secure ang future nilang mag-asawa dahil walang gagawa nu'n para sa kanila maliban sakin. I understand them, they're the only one I can hold onto that time. Pero feeling ko noon, I was a prisoner. Akala ko kasi mararanasan ko na ulit yung mga bagay na ipinaparanas sakin ng mga magulang ko noon sa Auntie at Uncle ko, but no. It was worse. And then, in the middle of my miserable life, Patricia came. She held me through my darkest nights. She was there when I was slowly falling apart. She put a smile on my face. She was really an angel. She gave me hope and strength to continue living. But I don't understand why God has to take her away from me that fast. Ang sakit lang. Ang sakit sakit kasi bumalik na naman ako sa dati na hindi ko matanggap 'yung nangyari. Pakiramdam ko naiwan na naman akong mag-isa ulit. Palagi ko na lang Siyang tinatanong, bakit pa Niya ako binibigyan ng dahilan para sumaya kung babawiin Niya lang din naman pala? Bakit pa ako nabuhay kung puro sakit lang din naman pala ang mararanasan ko? Am I not a good person? Hindi naman ako humihiling sa Kaniya ng kayamanan o ano pa mang mga mamahaling bagay dito sa mundo. Ang gusto ko lang, 'yung taong mananatili sa tabi ko at hindi ako iiwan..."

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o dapat sabihin dahil kitang-kita ko kung paano bumuhos ang mga luha ni Bryan. I want to hug him, to make him feel better. I want to tell him na nandito lang ako, na mayroon siyang ako sa mga oras na 'to.

"Ang dami talagang bakit sa mundo na hindi natin kayang sagutin. Ang dami ring mga bagay na hindi natin kontrolado. At ang hirap masanay sa presensya ng mga tao sa paligid mo dahil hindi mo alam kung hanggang kailan lang sila mabubuhay. Kapag nasanay ka at nawala sila, hindi mo na alam kung papaano ka na naman magsisimula ulit."

Bakas sa pananalita niya ang pait na nararamdaman niya. I can't help but to hug him and pat his back.

"I totally understand you because we're on the same page, Bryan. And I wanted to tell you that I'm here." I said without any hesitations. "Diba tinatanong mo ako kanina kung naniniwala ba ako na kaya tayo nakakatagpo ng isang tao ay dahil may malaking bahagi ito sa buhay natin?"

"O-Oo."

"Siguro may bahagi rin ako sa buhay mo kaya tayo pinagtagpo. And I think it's because you need someone new who understands you and will never leave you again."

Kumalas ako sa pagkakayakap namin at tinitigan ko siya.

"You will always have me, Bryan. Always."

Continue Reading

You'll Also Like

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.8K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
290K 22.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...