The Serial Killer's Diary [BO...

By joowee

113K 3.4K 389

(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay... More

Teaser
Introduction
Characters
Chapter 1: Newbie
Chapter 2: Meet the bossy
Chapter 3: Matchy-Matchy
Chapter 4: Someone is back
Chapter 5: World War II
Chapter 6: Wrath of evil
Chapter 7: One Message Received
COMMERCIAL BREAK!!
Chapter 8: Flying without "WINGS"
Chapter 9: Kira
Chapter 10: Death note is real?
Chapter 11: The Bully
Chapter 12: Group Date
Chapter 13: Bad Romance
Chapter 14 : The doubt
Chapter 15: Good news and Bad news
Chapter 16: The Outcast
Chapter 17: The Alliance
Chapter 19: The Revelation ( PRE FINALE )
Chapter 20: The last pages of their life ( FINALE )
Author's Message

Chapter 18: The Vacation

3.2K 105 5
By joowee

"Rocco!" masayang tawag ni Cassandra kay Rocco nang sumabay sila dumating sa office.

"Oh- Hi Cassandra," nakangiting sambit ni Rocco.

"Why you were absent yesterday?" tanong ni Cassandra.

"May importante lang akong inasikaso," sagot ni Rocco. Pero ang totoo, tinamad siyang pumasok.

"Ganun ba. Uhmm, by the way, we have a plan na magbakasyon this coming thanksgiving day, sumama ka ha." anyaya ni Cassandra.

"Bakasyon?" tanong ni Rocco.

"Yup. Sa Baguio. Sumama ka ha."

"Sino-sino naman kayo?" tanong ulit ni Rocco.

"Tayo. Sina Solen, Matthew, Cedie, Tom at James," ang sagot ni Cassandra.

Natahimik bigla si Rocco. Pero agad naman napansin yun ni Cassandra.

"Basta sumama ka. Okay lang naman kay James eh," turan ni Cassandra, pakiramdam niya baka kasi ayaw niya sumama dahil kay James. "Para kahit pano, makapag-bakasyon tayo na sama-sama bago ka magresign," dugtong pa nito.

"Sige,"sagot ni Rocco.

"Yes! Thanks pumayag ka na sasama ka!" masayang sambit ni Cassandra,sabay akap nito kay Rocco.

Napangiti na lang si Rocco sa inasal ni Cassandra.

"Sorry, hahaha, na-excite lang ako sa plano nating bakasyon," sabay alis yung mga kamay niya sa katawan ni Rocco. Halatang namula pa si Cassandra sa kanyang inasal.

"Okay lang," nakangiting sambit ni Rocco.

"Sa Baguio ang plan pero kung gusto mo magsuggest ng iba, why not," turan ni Cassandra.

"Gusto ninyo sa amin magbakasyon? May rest house kami sa Pangasinan. Katabi yung rest house namin yung beach," turan naman ni Rocco.

"Rest house plus beach?? Wow, masaya yan! At saka hindi pa ako nakakapunta sa Pangasinan," masayang tugon ni Cassandra.

"Sabihin mo sa kanila, kung gusto nila. Sagot ko na lahat ang makakain natin doon," dagdag ni Rocco.

"WOW!!!" sigaw ni Cassandra. Halata ang kanyang kasiyahan sa kanyang narinig.Makakatipid pa kasi sila sa pagkain at pagstay ng ilan araw kung sa Pangasinan sila pupunta kaysa sa Baguio na wala naman sila kakilala doon.

"Hahaha, nakakahiya ka," saway ni Rocco at napatawa pa ito sa inasal ni Cassanda. Nandoon na kasi sila sa loob ng department nila at maraming tao ang tumingin nila sa pagsigaw ni Cassandra.

"Haha, okay lang, sasampalin ko kung sino man sa kanila ang mag-react ng hindi maganda," biro ni Cassandra.

"Isa kang amazona.Hahaha," biro ni Rocco kay Cassandra.

"Loko ka! Sige, sa lunch pag-usapan natin yan ha," sambit ni Cassandra at dumiretso na sila sa kanilang working station.

--------------------------------------------

"Guys, pumayag na si Rocco na sumama sa atin." wika ni Cassandra sa Skype sa nga grupo.Matagal na ginawa ito ni James at dito sila nagkukulitan at nag-aasaran kapag naboboring sila.

Kita sa Skype ni Cassandra na nagtytype si Matthew.

"Cool! So sa Baguio tayo?" pagkukupirma ni Matthew kay Cassandra.

Cassandra is typing.....

"Sa Pangasinan tayo, gusto ninyo?" tanong ni Cassandra.

Solen is typing......

"Saan naman sa Pangasinan?" tanong din ni Solen.

"Sa rest house nina Rocco." masayang sagot ni Cassandra na sinamahan niya pa ito ng smiley emoticon.

Kita sa Skype screen ni Cassandra na halos sabay mag-type sina Cedie, Tom at Matthew.

"Seryoso, rest house ba kamo?" tanong ni Tom.

"Pag-aari ba nina Rocco yun?" tanong din Matthew.

"Naks, mayaman pala si Rocco," tugon ni Cedie.

Cassandra is typing.....

" I think so. Siya yung nagsuggest at nag-offer sa akin eh," wika ni Cassandra sa Skype.

"Okay ba sa inyo kung sa Pangasinan tayo instead sa Baguio?" tanong ni Cassandra sa grupo.

"Okay lang sa akin. Masaya nga, sasama sa atin si Rocco," sagot ni Solen

"Take note guys, sagot ni Rocco ang foods natin, this means, wala tayo gagastusin sa pag-stay at pagkain natin," dugtong na wika ni Cassandra sa Skype.

"Eh dun na tayo!!!" sambit ni Matthew na sinamahan ng maraming emoticons sa Skype.

"Matthew!!! Buwisit ka, huwag ka mag-flood ka ng maraming emoticons," inis na wika ni Solen sa Skype.

Napansin ni James na tila iba ang ginagawa ng kanyang kasamahan.

"Guys, please mag-work muna tayo." wika nito sa kinaroroonan nina Rocco.

Napatingin si Rocco kay James dahilan tiningnan ni Cassandra si James

"James, este Sir James, nag-pm ako sa Skype ninyo," nakangiting wika ni Cassandra.

Nag-nod si James at pagkuway umupo siya sa kanyang station.

Napakunot noo si Rocco dahil ngingiti-ngiti si Cassandra sa kanyang station.

"Para kang baliw," bulong ni Rocco kay Cassandra. Magkatabi kasi sila ng station.

"May grupo kasi kami sa Skype eh," wika ni Cassandra. "Add pala kita," dugtong pa nito.

"No need,"tanggi ni Rocco kay Cassandra. "Just inform me if they want sa Pangasinan tayo sa thanksgiving day."

"Yup, gusto nila. Wait, James is typing.." wika ni Cassandra ng makita niyang nagtytype si James.

"Buwisit ka!" rinig ni Rocco ang inis na wika ni Cassandra.

"Hoy, bakit?" curious na tanong na natatawa pa ito kay Cassandra.

"Look, heto lang ang sinabi." inis na inis pa rin si Cassandra.

"K," basa ni Rocco.

"K lang?" tanong nito kay Cassandra.

"Yeah, sa dami na pinag-usapan, "K" lang ang sasabihin. Nakakaloka siya," maarteng wika ni Cassandra.

"Busy siguro yung tao," tugon ni Rocco, sabay tingin sa kinauupuan ni James.

===================================================

"Ang tagal nina James at Tom," inis na wika ni Solen. Sila na kasi yung hinihintay sa grupo. Sa SM Ayala sila magkikita at ang usapan nila ay 1PM. Dumating na ang araw na pinakakahintay nila, ang Thanksgiving Day. Ito yung holiday sa US kung saan bakasyon nila dahil US account ang kanilang department. Ang mga ilan nilang officemates ay may kanyang-kanya din lakad. May ilan sa kanila na pupunta sa Boracay, Baguio, Vigan , at ibat-ibang pang mga lugar sa Pilipinas. Sa kanila, sa Pangasinan ang destinasyon nila.

"Kailangan ko pa maggasolina," tugon ni Cedie habang naglalaro siya ng Ipod.

"Share -share ba o sagot mo na lang?" birong tanong ni Cassandra kay Cedie.

"Share-share tayo! Sagot ko na yung sasakyan natin," reklamong sambit ni Cedie.

"Akala ko sayo yung gasolina bro," tawang sambit ni Matthew.

"Nek-nek mo!"irap na wika ni Cedie.

"Ayan na sila." sambit ni Rocco na ng makita niya sina James at Tom na parating.

"Sorry guys, natraffic kasi kami," paliwanag ni James sa grupo dahil alam niya na magtataray sina Solen at Cassandra kapag hindi sila nagpaliwanag. 1:45 pm na kasi ng sila ay dumating.

"May magagawa pa ba kami kung late na kayo?" mataray na turan ni Cassandra.

"Sorry na po," wika ni Tom, sabay peace-sign nito.

"Chaka!" tugon ni Solen kay Tom.

"Tayo na! Maggagasolina pa ako," tugon ni Cedie.

"Bat anu mga yan?" tanong ni Matthew sa bitbit ni Tom na economic bag.

"Pagkain," ngiting wika ni Tom, sabay labas ng isang Nova.

"Haler, hindi po picnic ang pupuntahan natin," taray na wika ni Solen.

"Para po may pagkain tayo sa loob ng sasakyan para hindi po tayo gutumin madam Solen," irap ni Tom.

"Puwede naman tayo huminto at mag-stop over kasi sarili natin yung sasakyang yung gagamitin," wika ulit ni Solen.

"Hay naku, huwag na huwag kang hihingi sa akin," inis na wika ni Tom.

"Enough! Baka masira pa ang lakad natin kapag may magpikunan," wika ni James.

Tahimik lang na nakikinig si Rocco sa iringan nina Solen at Tom. Hindi kasi maiwasan na mainis si Solen dahil siya ang pinaka-maaga na dumating sa kanila sa grupo sa SM Ayala at hindi pa dumating sa tamang oras sina James at Tom.

"Ituturo ko na lang yung daan kapag nasa Pangasinan na tayo pagpunta sa Rest House namin," wika ni Rocco sa grupo.

"Excited na ako!" wika ni Matthew sabay high-five kay Rocco.

Ngumiti si Rocco at nakipag-high five din siya kay Matthew.

=======================================================================

"Oh my God, napaka-creepy naman dito sa daanan," tugon ni Cassandra ng nasa Pangasinan na sila at papunta na sila sa rest house nina Rocco.

Madilim na kasi yung daanan nila at wala pa mga street lights sa tabi ng mga kalsada. Bukod pa dito, maraming malalaking puno ng balite at iilan ang mga bahay lang ang kanilang nadadaanan.

"Pasensya na, ganito talaga dito sa amin eh, province eh," ngiting wika ni Rocco na katabi niya sina Matthew at Solen sa upuan.

"Pero mayaman ka naman kahit probinsyano ka," wikang biro ni Solen.

"Hindi naman masyado," sambit ni Rocco.

"Cassandra, paki-check naman yung phone ko, nalimutan ko kasi i-charge kagabi eh. Nasa bulsa siya ng bag pack ko," pakiusap ni Cedie habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

"Ah lowbat na siya," wika ni Cassandra ng makita niyang iisa na ang bar ng battery ng phone niya,

"Sh*t, Nalimutan ko pa naman yung charger,"inis na wika ni Cedie.

"Anung unit ba yan?" tanong ni James.

"Samsung duos bro," mabilis na sagot ni Cedie.

"Sorry, I-phone yung cp ko," asar na sagot ni James.

"Ulol, Sino may charger sa inyo?" tanong ni Cedie sa iba pa niyang kasamahan.

"Ako, pareho lang tayo ng unit," wika ni Rocco.

"Hiramin ko mamaya bro, pagdating natin sa rest house ninyo. Kailangan ko kasi tumawag sa bahay para ipaalam na safe tayo dumating sa rest house ninyo," pakiusap ni Cedie kay Rocco.

"Sige," mabilis na sagot ni Rocco.

"Hindi ko akalain na mayaman pala itong mukhang koreano," biro ni Matthew kay Rocco.

"Oo nga, hanep ka, nakapasimple mo naman pagdating sa mga gamit mo," wika rin ni Tom.

"Hindi ko naman kailangan ipagmayamabang kung anu ang merun kami eh," ngiting sagot ni Rocco." At saka, hindi kami mayaman, sakto lang." Ginaya niya pa ang commercial ng McDonald.

Tawanan ang mga grupo sa pahayag ni Rocco, maliban lang kay James na nakikinig sa kanyang MP3 na dala niya.

"Ayun na yung rest house namin," turo ni Rocco ng makita niya ang malaking bahay.

"Wow!!!, Ang laki!!" sabay na sambit nina Tom at Matthew.

"Bakit parang napansin ko , walang gaanong bahay sa mga nadaanan natin?" tanong ni Cassandra.

"Ganon kasi dito eh, mahigit isang kilometro ang layo ng pagitan ng mga bahay, iilan pa kasi yung namamahay dito, kaya pinili namin na magpatayo ng rest house dito kasi tahimik siya," sagot naman ni Rocco.

"Touchdown!!!" malakas na wika ni Solen. Huminto na kasi yung sasakyan nila sa tapat ng rest house nina Rocco.

"Dito na po tayo!" masayang wika ni Rocco at pinauna niyang bumaba ang mga kasamahan. Nag-unahan pa bumaba sina Matthew at Tom nang sabihin ni Rocco na narito na sila sa rest house.Hinintay niya bumaba si James pero naupo muna siya sa kanyang kinauupuan habang nakikinig siya ng music sa kanyang MP3

"Rocco, let's go na. Hayaan mo na lang diyan si James," sigaw ni Tom.

"Sumunod ka na lang pagkatapos diyan,"alinlangan na wika ni Rocco kay James, pero hindi niya ito pinansin. Agad siyang bumaba para maasikaso niya ang mga kaibigan niya na naghihintay sa tapat ng pintuan ng rest house nila.

3RD PERSON POV:

"Magsaya lang kayo, dahil bilang na ang mga oras ninyo."

==========================================

Dont dare to miss the PRE FINALE CHAPTER of DEATH NOTE: THE KILLER'S DIARY

^__^v

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 191 18
People with dark sense of humour will find the stories here, funny.
17.2K 620 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gus...
676K 47.7K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...