Owned by a Billionaire (Monte...

By patyeah

29.2M 513K 23.5K

Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him fre... More

Owned by a Billionaire
The Monteverde Series
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
59
Epilogue
Aaron's Vow
Special Chapter

48

348K 6.3K 465
By patyeah

"Are you okay?"

I'm not okay. Nothing is okay. But instead of saying all those, I gave Drei the best smile I could come up with. He says I've been acting weird lately.

"Look, sweetheart. If it's because of me shouting at you last week, then sorry. I didn't mean to. I was carried away-"

"Drei, ikaw na 'yong nagsabi, last week pa 'yon. Hindi na ako galit." This time totoo na ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Ayokong hayaan si Aaron na tuluyang mapaglaruan ang mga emosyon ko.

Isang linggo ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na tigilan na ang kabaliwan ko. Isang linggo narin siyang busy. Ang dami niya kasing naiwang trabaho no'ng mga nakaraang araw dahil puro ang kambal ang inaasikaso niya. Kung hindi lang talaga urgent ang problema ng kompanya ay malamang babad parin siya sa kambal.

I should stop thinking about him and worrying about him. He's ruining me, dammit. At hindi na mabuti 'to. Mahal ko si Drei at siya dapat ang iniisip ko.

Itinaas ni Drei ang mukha ko at hinalikan ako. I kissed him back and it feels good.

"I love you," he said after breaking the kiss.

"Me too," sagot ko. Nararamdaman ko naman na mahal ko siya, pero ang gulo.

Nasa kuwarto niya kami ngayon, katatapos lang namin manood ng movie.

"I love lazy evenings with you." Hinaplos niya ang buhok ko at napangiti ako. Inaantok ako sa ginagawa niya, e.

Para bang ito nalang ang gusto kong gawin, ang matulog. Kasi 'pag tulog, panandalian mong natatakasan ang mga bagay na bumabagabag sa 'yo.

Nakatulog ako sa kuwarto niya. Pagkagising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Kinusot ko ang mga mata ko bago bumaba. Naabutan ko si manang na nagluluto.

I knitted my brows. "Manang, ba't ikaw ang nagluluto? Where's Drei?"

Nagkibit-balikat siya. "Umalis na naman nang maaga. Hindi naman nagsasabi  kung saan pupunta."

Nagtaka ako. The last few days, palaging nawawala sa bahay si Drei. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Kapag tinatanong ko naman, isa lang ang palagi niyang sagot. Dumalaw sa kaibigan.

Ayaw ko naman siyang pagdudahan dahil hindi siya ganoong tipo ng tao. Tumango nalang ako at umakyat sa kuwarto ng kambal. They were sleeping soundly.

Hinalikan ko silang dalawa sa noo bago muling bumaba. Naglinis muna ako ng sala para malibang naman and just to kill time.

"Sa'n ka galing?" salubong ko kay Drei pag-uwi niya.

Nagtaas siya ng tingin  tapos umiwas ng tingin. Now he's acting weird.

"May inasikaso lang," simpleng sagot niya.

Umupo ako sa silya sa tapat niya. "Ilang araw na 'yan, ha."

"Let's go out tonight. Babawi ako."

I smiled. "Okay."

Do'n lang nag-relax 'yong ekspresyon niya. Tumayo siya at hinatak ako palapit sa kanya. He looked at me in the eyes. "Tonight will be magical," puno ng emosyon niyang saad.Hinalikan niya ako bago muling nagsalita. "Pahinga ka muna. Sabi ni manang, naglinis ka raw ng bahay kaya pagod ka."

Tumango ako at umakyat ng hagdan.

"Cassidy!"

I looked back. "Yes?"

"May nakakalimutan ka yata?"

Kumalabog 'yong dibdib ko. That was the very same thing Aaron said when we were at Bicol.

Napakuyom ako ng palad bago nagsalita. "I love you."

He smiled, satisfied.

Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto at umupo sa kama. I took a quick bath and chose a dress from my closet.

I was applying lipstick when Drei entered. He smiled at me through the mirror. Bumaba na kami.

Si Xiana at Xander ay napatingala. Pati rin si manang. Xiana wasn't saying anything, she was just looking at us—at Drei, in particular. Hindi siya ngumiti o kahit ano. Which felt unusual since she's a talkative kid. Si Xander ay ngumiti sa Papa niya bago nag-okay sign.

What's happening?

Lumuhod si Drei at niyakap ang kambal, may ibinulong din siya sa mga ito. Xiana doesn't seem to like what it was, while Xander was okay with it. He patted their heads.

Ako naman ang yumakap sa mga bata. "We're gonna have a date. Sleep early. Vous me comprenez?"

"Oui," they both answered.

Pumasok kami sa sasakyan. Madali kaming nakarating sa restaurant, pero nagulat ako nang pagpasok namin ay walang ibang customers.

Ang ganda ng dekorasyon ng table. May mga tumutugtog ng violin. The ambiance was perfect.

"Ipinasara mo to?"

Maya-maya, naglagay na ng iba't ibang pagkain sa table and I ate heartily. Drei on the other hand looks uncomfortable.

Nagtataka na ako pero hinayaan ko na siya. Sumimsim ako ng wine at ipinagpatuloy ang pagkain.

"The last meal for today," nakangiting sabi ng waiter pagkalagay niya ng isang nakatakip na putahe sa ibabaw ng mesa.

I looked at Drei and he was already sweating. Hindi na ako nakatiis.

"Drei, I don't think you're okay. Umuwi na kaya tayo?"

"No!" mabilis niyang agap. He shook his head and wiped his sweat. "Don't worry about me," sambit niya.

He reached for the cover of the meal and lifted it. Tiningnan ko kung ano ang putahe ngunit nanlaki ang mata ko. My heart rammed wildly. Sinalubong ko ang tingin ni Drei. Kinuha niya ang singsing at tumayo sa mesa. Then he knelt in front of me.

"Will you marry me?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. I wanna pull him up and tell him to stop. Marry him? Oo? Hindi? Ayoko? Ewan?

Siguro kung nasa France kami ngayon ay walang pag-aatubiling um-oo na ako. But now? I don't feel like it's right.

Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang itsura ni Drei ngayon.Tinakasan na ng kulay ang mukha niya.  He was on bended knees with a ring in his hand. Ito 'yong pinapangarap kong gawin sa akin. Surprise proposal. Hindi tulad no'ng dati na inilagay lang sa kamay ko ang singsing.But looking at Drei doing it now, it felt so foreign.

"Drei..." mahinang tawag ko sa kanya.

Hindi parin siya tumatayo.

"Please, marry me, Cassidy," halos pabulong niyang saad, bakas sa mga mata niya ang lungkot.

Drei was there for me during my bad days. He was there for me when I needed a friend, when I needed someone I can count on. He never left. He was patient with me. He loved my kids as if they were his own.

And in return, all he wanted was my hand in marriage. Kaya ko ba siyang biguin? Kaya ko bang makitang nasasaktan siya? And the answer was no.

I just can't.

Mahal ko si Drei. Sigurado ako do'n. Pero hindi ko rin kayang itanggi na nalilito ako kapag nand'yan na si Aaron.

Drei was looking at the floor now. Nawawalan na ng pag-asa dahil sa tagal ng sagot ko. I took a deep breath. This is it. Once I say it, there's no taking it back.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa kaba, sa gulat, at dahil sa pagkalito.

"Oui," mahina kong saad.

Nagtaas siya ng tingin at hindi makapaniwala. Nanlaki ang mga mata niya. Para bang hindi siya naniniwalang um-oo ako.

"Yes. I will marry you," ulit ko.

Bumakas sa mukha niya ang saya. Isinuot niya  ang singsing at siniil ako ng halik. Then he let go quickly. "God! I can't believe it!" sigaw niya.

We heard a loud crash. Lumingon ako sa pinanggalingan nang nakita kong nabasag 'yong dalang wine no'ng waiter dahil may bumunggo sa kanyang isang bulto na ngayon ay palabas na ng restaurant.

Kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko kung sino 'yon.

Mahigpit akong niyakap ni Drei na tila wala siyang pakialam, pero nanatili akong nakatingin sa pintuang nilabasan ni Aaron.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 120K 53
"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.5M 105K 46
AEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Maliit lamang ang tsansa na mahanap ang ta...
382 110 22
(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...