Sweet Mistake

By yuibeon

7K 125 9

Everything is made out of mistake but why does it feel so sweet? More

W A R N I N G.
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two

Chapter Twenty-Three

70 2 0
By yuibeon

Blythe Hunter

Nandito kami ngayon sa park. Malapit kami sa ilog kung saan may ilang mga bibe na lumalangoy.

Ang dahilan ng pag-iyak ko kanina ay gusto kong magpicnic pero dahil may trabaho nga ako, naiyak na lang ako. Mabuti na lang at pumayag si President Zera na hindi ako pumasok ngayon.

I know is sounds lame dahil iniyakan ko yon. Gusto ko lang magpahinga sa magulong mundo. Ang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan ko na matagal ko ng hindi nagagawa. Gusto ko ring maayos ang isipan ko, ang mga bagay na pinoproblema ko ay gusto ko munang kalimutan kahit sa madaling panahon lang. And after a short break, haharapin ko ng handa ang lahat.

Tumayo ako sa picnic mat at lumapit sa sirena na nag-iihaw ng pagkain namin. Para siyang timang habang hawak ang tongs at nasa harap ng grill.

Siniko ko siya ng mahina, "Alis. Ako na." Inis na sabi ko sa kanya.

Kanina pa siya nakatayo dito pero hindi man lamang siya gumagalawa. Para siyang ewan dahil kapag nagkakaroon ng malutong na tunog ang karne sa grilling pan ay tumitili at napapatalon siya kaya naman natatawa kami.

"My goodness namern kasi, Teri-boom! Why its so mausok and mabaho? Like eww! Mao-open din ang mga pores ko." Maarteng sabi ni Kloeff at tumayo sa gilid ko.

Napairap na lang ako at nag-ihaw ng karne, isda at gulay.

Mga palamunin talaga ang kasama ko lagi 'e! Nakakapagod na. Konting konti na lang talaga, isa-isa ko silang itatapon sa ilog.

"Lumayo ka nga sa'kin at baka mahampas ko sayo itong grill at tongs," mahina kong sinipa ang paa niya na malapit sa'kin.

Ngumiti siya ng malapad na parang baliw. "Ikaw namern Teri-boom, wala namang ganyanern." At lumayas na ang sirena.

Hindi ko lang siya pinansin at patuloy sa ginagawa ko. Halos lumabas na ang baga ko dito dahil sa usok na nagmumula sa mga inihaw.

Inilagay ko sa isang malaking plato ang mga inihaw ko. Dadalhin ko na sana ang mga 'yon kaso may humawak sa dalawa kong kamay na nakahawak sa gilid nito.

"Gin," banggit ko sa pangalan niya. Malapad na ngiti ang ginawad niya sa'kin.

Tumingin ako sa likod niya. Nakasunod sa kanya ang kapatid niyang si Beatrice at si Ray na kaibigan din namin.

Inimbitahan ko kasi sila dito. Minsan na lang kasi kami nagkakasama at maganda rin ang panahon kaya naman sinabihan ko sila kung pwede sila. Medyo mabilisan ang preparations pero hindi ko naman ine-expect na darating sila.

"Tulungan na kita," binigay ko na sa kanya ang plato.

Si Ray at Beatrice ay kasama na nina Ate Zera kaya naman busy na naman ang mga ito sa pagkikwentuhan. Ang sirenang Kloeff, lalaki mode na naman.

"Congrats," mahinang sabi ni Gin habang naglalakad kami papunta sa puno kung saan nakalatag ang picnic mat namin.

Bahagya akong ngumiti at patuloy lang sa paglalakad.

Pinaalam na sa kaniya ni Simi nang hindi ko nalalaman at tsaka mas mabuti na rin 'yon. Hindi na ako mahihirapan ipaalam sa mga kaibigan ko na isang araw makikita na lang nilang malaki na ang tyan ko.

Natawa ako ng bahagya, "Uhm thanks?"

"Kung ako sana ang nauna. Edi sana may anak na- Aray!" Sinapak ko nga ang gago. Ayan na naman siya sa mga biro niya. Muntik pa niya mabitawan ang pinggan.

"Tigilan mo ko, Giovanni."

"I'm just kidding, okay? Haha."

"Kaya naman pala bumili ka ng baby gloves na 'yon."

"Whatever."

Halos maglaway naman yung anim ng makita ang dala ni Gin. Napatingin naman ako sa sirena. Hindi ko alam kung sino yung halos paglawayan niya, si Gin o yung pagkain na dala niya?

Umupo ako sa tabi ni Beatrice na katabi si President Zera. Kinakausap niya ang presidente namin tungkol syempre, sa fashion industry.

Hindi ko nga alam sa batang 'to kung bakit trip ang paghang-out sa'min imbes na sa kaedad niya. She's only fifteen years old at mature kung mag-isip minsan.

Napalingon na lamang ako sa katabi kong si Ray. Kinukulit kasi siya ni Giovanni.

"Hey gimme' that!" Inis na sabi ni Ray kay Gin.

"Just get something. Gusto ko 'to." Pang-aasar naman ni Gin.

"Ayoko!" Hinablot nito ang slice ng watermelon.

Muntik na akong masiko sa mukha. Ilang beses akong napakurap at tinignan si Kloeff na nasa harap ko. Nakatuon ang mga tuhod at isang kamay niya sa picnic mat habang ang isang kamay ay nasa siko ni Ray.

"Dude baka gusto mong mag-ingat," seryosong sabi ng sirena.

Napalunok ako ng laway. Nakahinga ako ng maluwag when he diverted his gaze kay Ray.

Napakamot ito ng batok at tumingin sa'kin with apologetic look, "Sorry Hunter."

Tumango na lang ako bilang sagot. Kinabahan ako dahil sa tingin ni Kloeff. Masyadong seryoso. Problema n'on?

"Ikaw kasi!" Rinig kong sabi ni Ray kay Giovanni.

"Aray!"

"Can you guys stop na? Kuya, tigilan mo nga si Kuya Ray. We're here para magrelax," inis na sabi ni Beatrice sa kuya niya. Inabot niya ang tenga nito at hinila papunta sa pagitan nila ni President Zera.

Mahina naman akong tumawa dahil pinagalitan ni Beatrice ang kuya niya. Narinig ko ding natawa ang iba. Mas matanda pa itong mag-isip sa kanya.

Matapos ang ilang minutong puno ng tawanan ay nag-simula na kaming kumain. Halos magpatayan pa sila sa mga pagkain na kala mo hindi sila kumain ng ilang taon.

"Gosh! The best talaga si Teri."

"Dapat naging cook ka na lang Hunter!"

"True tapos lagi kaming libre sa resto mo!"

Napairap na lang ako sa sinabi nila at nag-umpisang kumain.

"Hunter you should eat this," napalingon ako kay Gin nang ilagay niya sa plato ko ang slices ng mga prutas.

"Thanks."

Kumunot ang noo ko ng may nakitang maitim sa chin niya. Nagulat naman siya ng hinawakan ko 'yon at tinanggal ito gamit ang daliri ko.

"Natanggal yung taling mo," biro ko sa kanya at pinitik ang butil ng paminta sa mukha niya. Napapikit pa ito at natawa naman ako don.

"Ehem! Respeto naman," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Simi.

"Ha?"

"Nand'yan si Kloeff oh," sabay turo niya sa sirena na kumakain habang nakatingin sa'kin ng masama.

Napatango na lamang ako. Baka magselos ang sirenang 'yon sa'kin. Akalaing inaagaw ko ang forever niya.

Oh, edi wow. Saksak niya sa baga niya si Giovanni.

"Ate Hunter, asawa mo ba siya?" Bulong ni Beatrice sa gilid ko.

Napaubo naman ako at nabulunan. Aabutin ko na sana yung juice pero may humawak sa baba ko at pinatungga ako ng tubig.

"Can you slow down? Hindi ka ba pinapakain?" Inis na sabi ni Kloeff at muling bumalik sa kinauupuan niya.

Binaling ko muli ang tingin kay Beatrice. "Hindi," maikli kong sabi kanya. Hininaan ko lamang ang boses ko.

"E kala ko ba may-"

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang mansanas na nasa pinggan. Wala naman siyang nagawa kundi ang kainin 'ton habang nakanguso. Ang dami niyang tanong.

Matapos naming kumain ay niligpit namin ang pinagkainan namin. Inilagay naman sa compartment ng kotse ang grill set at ang mga pinaglagayan namin ng mga pagkain at iba pa. Niligpit na namin 'yon para hindi na kami mag-aabala pa mamaya.

Naiwan namang nakalatag ang picnic mat at isang picnic basket na naglalaman ng mga snacks. Naglalaro ng cards sina Ray samantalang si Beatrice at President Zera ay nag photoshoot sa tabi ng ilog.

"Madaya. Nagtago ka ng card 'no?"

"Hoy hindi ha!"

"Maniwala?"

"Edi wag!"

I frown ng marinig ang ingay ng apat habang naglalaro. Pumikit ako at sumadal sa puno. Dinama ko ang simoy ng sariwang hangin.

Sana laging ganito. Kalmado lang ang isip ko at walang pinoproblemang bagay. Kung pwede ko lang takasan ang lahat, kung pwede lang hindi ako isang adult na pinoproblema ang lahat.

Napamulat ako ng maramdamang may mabigat sa may lap ko.

"Lumayas ka nga dyan," inis na sabi ko kay sirena na nakapatong ang ulo sa lap ko.

Bahagyang niyan pinasingkit ang mga mata niya dahil sa liwanag. Sa halip na umalis ay sinundot niya ang tyan ko.

"Trip mo ba talaga ang baby ko?" Inis na sabi ko sa kanya. Lagi niyang sinusundot ang tyan ko. Sarap putulin ng kamay niya.

"Erm. FYI baby natin," napairap na lang ako sa sinabi niya at pilit na pinapaalis siya sa lap ko.

"Tigilan mo kong sire- Aray! Ano ba!" Bwiset talaga. Mahina niyang hinila ang dulo ng buhok ko na tumatama sa mukha niya.

"Si fafa Gin."

"Oh tapos?"

"Bet ka niya."

Tinampal ko naman ang noo niya at napasapo naman siya dito. Masama ang tingin niya sa'kin.

Pinagsasasabi ng sirenang 'to?

"Why so brutal ba Teri-boom? Insecura ka na namern sa beauty ko." Nakagisi niyang sabi sa'kin.

"Excuse me lang ha. Mas maganda ako sa'yo. Isa ka lang assuming dyan."

"Erm erkey. Whatever." Sabi niya na para bang napipilitan.

"Crush mo si Giovanni?" Tanong ko sa kanya.

Tinanong ko pa ay obvious naman. Ayaw niya akong lumalapit sa dito. Panay din ang tingin niya kay Gin na talaga namang confirmed. Kung maging sila man, okay lang. Gaya ng sabi ko, walang pakialamanan ng buhay. Kung gusto niya pa rin na mag-meet ng mga guys, edi go.

"Hmm," bahagya niyang inangat ang ulo niya at ilang inch lang ang pagitan ng mukha namin. Pinakatitigan niya ako gamit ang itim niyang mga mata.

He formed his lips into an 'O' and  click his tongue at kinuha niya ang hat ko . Muli niyang pinatong ang ulo sa lap ko at tinakpan ang mukha gamit ang hat ko.

Walang pasabi akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko. Nahulog naman si sirena at masama ang tingin sa'kin na hindi ko naman pinansin.

"Hoy napaka-PDA nyo," sabi ni Simi nang tumabi ako sa kanya. Sinundot niya ng mahina ang tagiliran ko with matching taas baba pa ng kilay.

"Tumahimik ka, Simichelle. Nasaan na ang iba?" Tanong ko sa kanya.

Nililigpit na niya ang cards habang si Lali ay nakahiga at nakaharap ang likod sa'min. Hindi mahagilap ng mata ko yung apat.

"Umalis na. Sabi nila may gagawin pa sila. Si Ate Zera may aasikasuhin sa company kaya pumasok ka na bukas!" Mahina niyang sinuntok ang balikat ko bago tumayo at nagpunta kung nasaan ang kotse.

Natawa na lang ako sa kanya. Lumapit ako kay Lali. Patagilid akong humiga sa tabi niya at niyakap ang bewang niya. Pinatong ko ang pisngi ko sa braso niya at sinilip ang ginagawa niya.

Napangisi na lang ako ng makita ang conversation nila ni Gilbert sa phone niya.

"Get off, Hunter. Ang bigat mo. Baboy ka na ngayon," napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Mas matanda man ako ng isang taon sa kanya ay mas pinili kong tawagin na lang niya ako sa pangalan ko. Nakasanayan na rin at hindi naman ganoon kalayo ang edad namin.

"Oh tapos?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman siyang tumawa pero hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil sa message sa kanya ni Gilbert.

Tumihaya na lang ako ng higa at tumingin sa langit. Tumingin ako sa wristwatch na suot ko. Alas synco na ng hapon. Ilang minuto din akong nakatingin sa langit bago napagdesisyunang maupo at tumingin sa iilang taong naglalakad.

Nadako ang tingin ko sa isang pamilyang naglalakad. Isang babae at isang lalaki na pasan ang isang batang babae sa balikat nito. Masaya silang tumatawa at hindi ko namalayan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko.

Naalala ko noon na kapag pumupunta kami sa park nina Mom at Dad ay ganon din kami kasaya. Kung titignan kami noon masasabing isa kaming masaya at perpektong pamilya. Kailan man hindi nagpakita sina Mom at Dad na magkagalit sila at palagi silang masaya. Mahal nila sa isa't-isa na parang hindi nila kayang mawala ang isa man sa kanila. Pero gaya ng isang libro na kung gaano man kaganda ang pamagat at pabalat, kapag sinilip mo ang nilalaman ay may mga bagay ka na hindi mo inaasahan.

Natigil ang pag-iisip ko ng makita ang mukha ni Kloeff sa harap ko. Malapad ang ngiti niya at umaalon ang kanyang pulang buhok dahil sa ihip ng hangin.

"Uwi na tayo," at hinatak niya ako patayo.

Naipilig ko ang ulo ko, because I have this weird feeling on me everytime I look at him

Continue Reading

You'll Also Like

251K 24.5K 61
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
1.4M 125K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
793K 46.4K 38
|ROSES AND CIGARETTES Book-I| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Junoon ban chuki ho...
259K 29.6K 75
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...